Natulala si Lina, matagal siyang nakahinto nang may kagat na lollipop. Nagpatuloy si Dave. “Narinig ko kakalabas niya lang sa kulungan. Sabi nila magaling siya sa pakikipagbugbugan. Walang laban sa kanya ang mga pangkaraniwang siga at magaling siya sa pagmamaneho ng trak. Lahat ng produktong pinapadala niya ay may magandang kondisyon. “Pero palagi siyang hindi namamansin! Tuwing may sumusubok na kausapin siya, hindi niya sila pinapansin, kaya sa huli, hindi na sila sumubok. Sabi nila baka tanga o manyak siya!”Tumawa siya at nagdagdag, “Oh, kakaiba rin ang panahon niya. Zeke Mason!” Nagulat siya. “Ano?”“Hindi pala… Zeke Hamerton!”"Zeke Hamerton…"Umiling si Lina at nakalimutan niya ang tungkol sa pangalan pagkatapos ubusin ang lollipop. ...Maituturing na mapayapa sa school sa sumunod na ilang araw. Kahit na araw-araw niyang nakikita si Violet, hindi sila gumawa ng gulo. Hindi ito ang unang beses na mayroong karahasan sa unibersidad. Kadalasang kinakampihan ng uniber
Tumingin ang ilang tao kay Lina na nasa kama at napalunok. Gayunpaman, nangarap na lang silang magagalaw nila siya sa presensya ng prinsesa ng mga Grist. Nandito lang sila para sa trabaho kaya kailangan nilang sundin ang kung sinong nagbabayad. Ngumisi si Violet sa tuwa bago sila nandidiring tinignan. …Maliligo na si Zuko at matutulog nang dumating ang mga tao mula sa mga Grist para sa kanya. Kumuha si Violet ng mga sigang may masamang intensyon at inatake siya mula sa likuran! Nang narinig niya ang mga yabag na papalapit mula sa likuran, sumipa ang talas ng pakiramdam niya at mabilis siyang lumingon. Pero sa sandaling iyon, nakaramdam siya ng biglaang bwelo sa likod niya nang hinampas siya ng baston ng isa sa kanila!Lumuhod siya sa lapag at pinilit na hindi tumumba, ngunit tinali nila siya at sinilid siya sa isang lumang van. Tahimik ang buong biyahe nila. Nang hindi nababahala sa sitwasyon, nanatiling seryoso at malamig ang ekspresyon niya. Natakot ang mga siga sa mat
Walang ekspresyon si Zuko habang lumingon siya sa mga siga at nagtanong, “Pwede kayong kumuha ng video, pero makikita ang mukha ko. Babayaran niyo ba ako o ano?”“Anong sabi mo?” Kumunot ang noo ng lider. “Ha, hindi ka pala tanga!”“Kailangan niyong bumili ng tiket para mapanood ang pelikula,” sabi ni Zuko. “Gawin mo na, binabalaan kita! Kundi lulumpuhin ka namin, tapos iitsa ka namin sa ibabaw niya. Matatapos na ang trabaho ko!” singhal ng lider. Nang di pinapansin ang presensya ng lalaki, direkta siyang tinitigan ni Zuko. Pagkatapos ng isang sandali, isang tawa ang lumabas sa labi niya. Kinilabutan sila sa tawa niya. Nang naghanda silang turuan siya ng leksyon, mabilis niyang iniwasan ng atake nila nang may nakakamanghang liksi. Sa isang mabilis na pag-ikot, malakas niyang sinipa ang tao sa likuran niya sa mismong vital point niya. “Ah!” Gumulong sa lapag ang lider sa sakit. Nang nakita ng iba iyon, hindi sila nagtangkang lumapit at kinakabahang tumingin kay Zuko. Nilaban
Lumakas ang matining na tunog sa tainga ni Lina at naagaw ang atensyon niya habang tumulala siya sa kisame. Habang hawak nang mahigpit ang kumot, naramdaman niyang kumirot ang puso niya. Umulit ang mga nakakagambalang pangyayari sa isipan niya. Pinagbintangan siya ni Violet at gumamit ng panyong may droga para mawalan siya ng malay. Hindi siya makapaniwala at napuno siya ng galit sa napagtanto niya. Nangilid ang mga luha sa mata ni Lina at tahimik itong tumulo sa unan dahil sa tindi ng bigat ng sitwasyon. Hindi siya nakatulog sa gabing iyon.Nakatanggap siya ng tawag mula sa pamilya niya at kay Gia, pero hindi niya magawang sabihin sa kanila ang totoo. Sa halip, nagpanggap siyang matapang. Sinabi niya sa kanilang ayos lang ang lahat at ginawang dahilan ang pagod at sinat sa pagkawala niya. Nang kinausap na ni Lina si Gia sa wakas, nanginig ang boses niya sa emosyon. Nang hindi na niya ito maitago, nagtapat siya sa kaibigan niya at binuhos ang masasakit na detalye ng mga nangya
Isa ring Jenner si Jesse, pero libo-libong milya ang layo niya sa mga Jenner. Noon, hindi man lang tinignan ng mapagmataas na si William ang mga mahihirap na kamag-anak nilang kagaya ni Jesse na isang malayong kamag-anak. Pagkatapos pumalpak ang unang pagsubok ni Jesse na lumapit kay William, nagpasya siyang umasa sa sarili niya. Nagsimula siya sa pagtatayo ng isang stall sa night market street at sa huli ay nakaipon ng sapat na pera para magbukas ng isang shop, na ngayo'y naging ang maliit na supermarket na ito. Isa itong napakahirap na paglalakbay. Nagigising siya nang maaga at natutulog nang gabing-gabi, at ang mga nakaranas lang nito mismo ang tunay na makakaintindi. Mas mahalaga ang maliit na supermarket na ito kausa sa sarili niyang buhay. Ngayon, kailangan niyang pinili sa pagitan ng buhay niya at ng sa anak niya. “Jesse, nawalan ka na ba ng boses?” Niyakap ni Melissa si Lina habang hinahaplos ang ulo niya kagaya noong bata pa siya nang may mga luha sa mukha niya. “Kah
Nang papunta na si Zuko sa huling store, nakarinig siya ng kaguluhan sa kabila ng kalye. Hindi nagtagal, pinagbabato palabas ang mga shelf at paninda ng maliit na supermarket na “Jazzy Mint”. Nabigla si Zuko. Narinig niya ang isang babaeng sumisigaw sa galit at isang grupong nagmamataas sa kanya, pagkatapos, nakita niya ang aroganteng si Violet na nakatayo sa pintuan ng tindahan nang may malamig at malisyosong ngiti. “Lina Jenner, maliit na babala lang to para sa'yo!” Mapagmalaking tinignan ni Violet ang kalat. “Kapag nagsabi ka pa ng kalokohan at siraan mo ulit kaming mga Grist, may mga paraan ako para pahirapan ka!”“Kailangan ba ko ng mga Grist para siraan ka ngayong ginagawa mo ang lahat ng kalokohang to?” Tinitigan siya nang masama ni Lina. “Violet, mag-ingat ka. Kakarmahin ang buong pamilya mo!”“P*ta ka, ang kapal ng mukha mong sumpain ang pamilya ko?” sagot ni Violet. Hindi siya pinansin ni Lina at niligpit ang mga bagay na nasa lapag. Napisat ang mga prutas at gulay sa
“Violet, baliw ka ba!?” Nanginig si Lina sa galit. Nang tumayo si Zuko sa harapan niya, napaatras si Lina nang ilang hakbang. “Kayong lahat… lumayas kayo! Kundi tatawag ako ng pulis!”“Wag mo kong takutin gamit ng pulis!” Sigaw ni Violet. “Lina, kapag di ko nakita ang marriage certificate mo sa tangang to sa loob ng tatlong araw, babalik ako para durugin ang tindahan mo!“Kahit na tumawag ka ng pulis, pagbabayarin lang nila ako ng danyos para sa'yo! Hindi kulang sa pera ang mga Grist. Iisipin ko lang nagpapakain lang ako ng aso!”Malamig na ngumisi si Violet at kumulot ang mga labi niya. “Pero ibang usapan ang mga magulang mo. Kung gusto mong makita nila kung paano ko durugin ang pinaghirapan nila buong buhay gamit ng sarili nilang mga mata, sige lang at labanan mo ko!”“Ikaw!” Biglang tinaas ni Lina ang kamay niya, pero di lumapag ang sampal. Alam niyang may kapangyarihan at impluwensiya ang mga Grist kaya iikot pa rin sa merkado ang mga produkto ng Grist Group kahit na magsum
Pakiramdam ni Lina ay may dapat siyang sabihin, pero di niya alam kung ano. Sa bawat isang beses na naiisip niya si Zuko, para bang kinakagat ng mga langgam ang puso niya at nagsanhi ng matinding sakit. Gayunpaman, kung wala rito si Zuko, mahihirapan siyang harapin ito nang mag-isa. Kinagat ni Lina ang labi niya, at sa isipan niya, lumitaw ang mga salitang ito sa na parang kidlat—tatlong araw, marriage certificate, pagsira sa tindahan. Huminga siya nang malalim at lumitaw ang isang matapang na kaisipan sa utak niya. “Z-Zeke,” sinubukan niyang tawagin ang pangalan niya, “Zeke ang pangalan mo, tama?”Nanigas ang likod ni Zuko at huminto siya sa pag-aayos ng shelf. Kahit na nakatalikod siya sa kanya, naramdaman niya pa ring nanginginig siya. “Zeke, paano kung… tumira tayo sa iisang bahay?” tanong niya. “Ano?” Nagbago ang tono ni Zuko habang bigla siyang lumingon. Tumitig ang malalim niyang mga mata sa kanya. Anong kalokohan ang sinasabi ng babaeng ito!?Tinulungan lang niya
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala