Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Chapter 321 - Chapter 330

All Chapters of Married a Secret Billionaire: Chapter 321 - Chapter 330

1219 Chapters

Kabanata 321

Tumingin sa baba si Zephyr.Ordinaryo lang ang tangkad ni Cordelia, ngunit kapag kasama niya si Zephyr, maaabot lamang niya ang kanyang balikat kapag tumingkayad siya. Tinapik ni Zephyr ang ulo ni Cordelia. Sumilay sa kanyang mga mata ang isang kinang na makikita lamang kapag kasama niya si Cordelia."Wala akong gagastusing pera ngayong buwan kung hindi ako dumating, tama ba?" Bumulong siya at tumawa.“Paano mangyayari ‘yun? Itinabi ko ito para sa’yo!"“Talaga?”“Mm-hmm... nagkalkula ako. Libre ang pagkain mo kapag pumapasok ka sa trabaho. Hindi mo kailangang gumastos ng kahit ano. Bibili ako ng damit para sa’yo. Ngayong nakatira na tayo sa Royal Manor, hindi na natin kailangang magbayad ng renta. Mas maganda ang buhay ngayon kaysa noong nasa Jangasas tayo!"Sa ating pang-araw-araw na pangangailangan, kakailanganin nating gumastos ng kaunti sa transportasyon." Nagbilang si Cordelia gamit ang kanyang mga daliri. “Magmaneho ka ng manual na kotse, at nakakatipid ito sa gasolina. Gum
last updateLast Updated : 2023-10-24
Read more

Kabanata 322

“Para papirmahin si Neil. Nakalimutan mo na ba!?"Mukhang inis na inis si Nicholas. Isinakripisyo niya ang kanyang dignidad para ipagpalit ito sa mahigit 300 lipstick!"Huwag kang mag-alala, natatandaan ko." Napangiti si Zephyr.Nag-aalangan na tumingin sa kanya si Nicholas. "Talaga?"“Pero nabalitaan ko na nakikipaglaban ang Imperial Media para kay Neil. Sa tingin ko, maraming beses na silang nakipag-ugnayan sa kanya."Natigilan si Zephyr. Hindi ba ‘yun ang kumpanya ni Janine?Kung ganun, interesado rin ang kanyang ina kay Neil.Kapag nag-agawan sila, hindi niya kayang saktan ang anumang panig."Baka tsismis lang ‘yun," ang mahina niyang sinabi. "Aalamin ko ang tungkol dito para sa’yo."“Hmm, salamat!” Ngumiti si Nicholas. Ito ay higit sa 300 lipstick! Hindi niya hahayaang masayang iyon kahit anong mangyari.…Pagbalik ni Zephyr sa Royal Manor, nakita niya si Cordelia na inaayos ang kama pagkapasok niya sa kwarto.Ang kanyang maliit na katawan ay nakaluhod sa kama, at para
last updateLast Updated : 2023-10-24
Read more

Kabanata 323

Nabigla si Zephyr at lumingon siya kay Cordelia.Medyo magulo ang buhok niya. Nakakatawa ang itsura niya noong bagong gising siya—ang cute niya!Kung wala siyang masyadong trabaho sa Hamerton Group, gusto sana niyang…"Sigurado ka bang gusto mo akong dalhan ng pagkain?"Hindi naintindihan ni Cordelia ang ibig niyang sabihin, kaya seryoso siyang tumango.Nagkaroon ng malokong ngisi sa kanyang mukha.“Sige,” bulong niya. "Hihintayin kita sa tanghali."Pagsapit ng tanghali, kakainin niya ang pagkaing dinala ni Cordelia para sa kanya.Pagkalabas na pagkalabas ni Zephyr ay nagsimulang magluto si Cordelia sa kusina.Naglilinis si Helen ng bahay, at bigla siyang naakit ng isang masarap na amoy. Nakita niya si Cordelia na nagluluto ng pagkain at nilalagay ito sa isang thermal container."Anong niluto mo, Ms. Jenner?" Interesado si Helen. "Amoy pa lang katakam-takam na ‘to. Malamang masarap ‘yan!"Ngumiti si Cordelia, sumandok siya ng isang piraso ng tadyang ng baboy sinalin niya ito
last updateLast Updated : 2023-10-24
Read more

Kabanata 324

Tumango si Cordelia at agad na umalis.Binigyan siya ni Zephyr ng espesyal na access card. Maaari siyang pumasok sa alinmang opisina sa gusali nang hindi kinakailangang magpa-appointment sa front desk.Pumasok siya sa isang pribadong elevator gamit ang access card at nakarating siya sa pinakataas na palapag.Noong papasok siya sa opisina ni Zephyr, bigla siyang nakarinig ng kung anong komosyon mula sa loob.“‘Yun na ang lahat. Pakiusap tingnan mo ang report."Nagulat siya.'Pamilyar ang boses na ‘yun. Mukhang yung mayabang na Ms. Tanner ‘yun.‘Kung ganun, nasa opisina niya si Nelly?'Kaya pala hindi siya sumasagot sa mga message ko sa kanya habang papunta ako dito.'Humina ang boses ni Nelly. "Zen, inihanda ko ang signing ceremony sa Feranche ngayong linggo para sa’yo."Hindi nagsalita si Zephyr."Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa ikabubuti mo." Parang inaapi siya sa tono ng boses niya. “Nagpapasalamat ako sa pagkakataon na makatrabaho ka... Zen, gusto mo bang ipakita ko
last updateLast Updated : 2023-10-24
Read more

Kabanata 325

Nalaglag ang panga ni Nelly."Ano?" Tumingin ng malamig sa kanya si Zephyr. "Hindi ba sinabi mo na gusto mong ipakita sa'kin ang puso mo?""Zen..." Pinilit ngumiti ni Nelly."Gusto mo bang gawin ko ‘yun para sa’yo?""Hindi! Ang ibig kong sabihin ay kaya kong gawin ang lahat para sa’yo." Nakonsensya siya. “Isa lang iyong... metaphor para sabihin na maipapakita ko sa’yo ang puso ko. Ito ay…”Hindi makapaniwala si Nelly. "Zen, hindi mo ba naiintindihan ang gusto kong sabihin?""Pasensya ka na." Ngumiti si Zephyr. "Direkta ang proseso ng pag-iisip ko. Naiintindihan ko lang kung ano ang sinasabi ng mga tao. Akala ko gusto mo talagang ipakita sa’kin ang puso mo!"Ngumiti si Nelly, “Binibiro mo ba ako?”"Hindi ako nagbibiro sa mga taong hindi ko gaanong kilala!"Malamig ang ekspresyon ng mukha niya. May mabigat na aura sa paligid niya.Napakagat labi si Nelly at tumingin siya kay Zephyr. Nagpasalit-salit sa pamumula at pamumutla ang mukha niya."S-Sinasabi mo na hanggang ngayon hin
last updateLast Updated : 2023-10-25
Read more

Kabanata 326

Inangat ni Cordelia ang kanyang mukha at sinabi habang medyo nag-aalala. "Kinalulungkot ko na hindi ako makakapunta sa susunod na linggo... Magsisimula na akong magtrabaho sa Imperial Media bukas."“Agad-agad?”“Oo.” Ngumiti siya.Pagkatapos niyang magresign sa news agency, maraming beses siyang tinawagan ni Janine para makapagsimula siya ng trabaho sa lalong madaling panahon.Kahit na gusto pa niyang magpahinga ng kaunti, inuna niya ang career niya. Kung sabagay, determinado siyang maging isang matagumpay na babae, tulad ni Janine.“Hmm… Huwag kang mag-alala.” Pinag-isipan ni Zephyr ang tungkol dito. "Sasabihin ko ang mom ko na bigyan ka ng isang araw na day off."Sumimangot si Cordelia. “Hindi magandang ideya ‘yun!”"Hindi." Tumawa si Zephyr, tinapik niya ang ulo ni Cordelia, at sinabing, “Mahalaga ang banguet na ‘to. Dapat kang pumunta.”Malinaw na hindi niya naintindihan kung bakit sinabi ni Zephyr na mahalaga ito.Hindi niya alam na siya ang may-ari ng lupain sa western s
last updateLast Updated : 2023-10-25
Read more

Kabanata 327

"Ano pang naka-schedule ngayong araw?"“May pakikipag-usap sa dalawang variety show celebrity ng 1:00 p.m., isang internal meeting ng kumpanya ng 2:30 p.m., at isang meeting kasama ang ilang mahahalagang media company mula 3:10 p.m. hanggang 5:00 p.m. para magkaroon ng isang.collaboration agreement.“May dinner din kasama ang mga agent mamayang 7:00 p.m. Naka-book na ang hotel sa city center, sa revolving restaurant sa pinakamataas na palapag.”Maayos at klaro si Cordelia. Ilang araw pa lang ang lumipas mula nang magsimula siyang magtrabaho, ngunit siya ay metikuloso, mahusay sa maraming bagay, kalmado, at mahinahon. Bukod sa kaya niyang asikasuhin ng maayos ang lahat ng bagay, gumawa rin siya ng mahusay na mga proposal at kinilala siya para sa kanyang mga kakayahan.Masayang ngumiti si Janine, pakiramdam niya ay hindi siya nagkamali ng taong pinili.Tumingin si Zephyr kay Cordelia at nakonsensya siya.Nagmamadali siyang umalis sa umaga at madalas ay walang oras para sa almusal.
last updateLast Updated : 2023-10-25
Read more

Kabanata 328

Hindi kalakihan ang signing ceremony, ngunit ang mga dumalo ay mayroong business relationshiop kay Zephyr at may mataas na katayuan.Ang western suburbs land project ay may kinalaman sa mga interes ng iba't ibang partido. Ang signing ceremony sa pagkakataong ito ay puro mga kasunduan sa ilang mga subcontractor at mga design firm. Ang mga kontratang ito ay nangangailangan ng pirma ni Cordelia upang maging epektibo.Nasa banyo si Cordelia. Ang mga nag-makeup sa kanya ay mga chief artist ng mga nangungunang international cosmetic brand. Para naman sa rack ng damit na dinala ng assistant, kumikinang na parang mga fairy dress ang ilang haute couture gown. Espesyal na pinasadya ang mga ito para sa kanya, at nag-iisa lang ang bawat isa sa mga ito sa mundo.Pinag-uusapan ng mga stylist kung aling damit ang babagay sa makeup look ni Cordelia habang may hawak siyang signing pen at seryosong pinipirmahan ang kanyang pangalan sa ilang mga dokumento.Kumatok si Zephyr sa pinto at pumasok. Hindi
last updateLast Updated : 2023-10-25
Read more

Kabanata 329

”Gusto lang kitang makausap.” Tumingin sa kanya si Nelly.Lumayo si Cordelia sa kanya at pinagmasdan niya ang silid sa gilid ng kanyang mata kung may bagay ba siyang magagamit upang maipagtanggol ang kanyang sarili."Ms. Jenner, alam kong hindi kita mapapantayan sa puso ni Zephyr,” ang mahinang sinabi ni Nelly. “Pero si lolo ang nagtakda ng kasal namin. Matagal na panahon nang magkakilala ang mga Hamerton at ang mga Tanner. Hindi ito isang relasyon na maaari niyang putulin ng ganun kadali!""Maraming beses ko nang narinig ‘yan," ang sagot ni Cordelia. "Ms. Tanner, gusto ko ring sabihin sa’yo na may mga bagay na hindi nakatakdang mangyari. May mga tao na hindi magbabago ang isip dahil lang matagal nang magkakilala ang mga pamilya niyo.""Naiintindihan ko." Nanatili ang tingin ni Nelly kay Cordelia. “Yung totoo, sumuko na ako. Dahil hindi sa’kin si Zephyr, mas mabuti na sigurong bitawan ko siya. Mas magiging masaya rin siya kapag kasama ka niya."Pero ang gusto kong sabihin sa’yo ay
last updateLast Updated : 2023-10-25
Read more

Kabanata 330

Nanigas si Nelly. Iginalaw niya ang kanyang mga labi ngunit wala siyang masabi.Ngumiti si Cordelia at magalang na lumabas ng restroom.Hindi niya nais na makipag-away para sa anumang bagay, ngunit kailangan ng isang tao na mag-udyok sa kanya, kaya hindi rin siya nag-iisip na makipaglaban hanggang sa wakas. Dahil matapang niyang inangkin na siya ang ginang ng mga Hamerton, kailangan niyang ipakita ito.Kampante siyang pumasok sa banquet hall at tumayo sa tabi ni Zephyr, bahagyang hinawakan ang braso nito nang may kagandahang-loob at kalmado."Mm, maganda ang napili mong damit." Ngumiti si Zephyr. "Nakatingin sa’yo ang lahat ng tao.""Pwede bang maging mali ang pinili mo para sa’kin?" Nakatayo siya sa tabi ni Zephyr nang mapagmahal.Pumasok si Robert kasama ang ilang business partners mula sa Feranche.Tumango si Zephyr na may magalang na ngiti at nakipagpalitan siya ng pagbati sa kanila. Ipapakilala pa lang sana niya si Cordelia sa kanila, nang biglang lumabas si Nelly mula sa g
last updateLast Updated : 2023-10-25
Read more
PREV
1
...
3132333435
...
122
DMCA.com Protection Status