Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Chapter 301 - Chapter 310

All Chapters of Married a Secret Billionaire: Chapter 301 - Chapter 310

1219 Chapters

Kabanata 301

“Uy, Xyla.” Biglang naisip ni Janine. “Kapag binenta mo ang mga formula na ito, sobrang taas ng presyo nito, hindi ba? Ha, mukhang hindi naman pala ubod ng sama si Rowan. Binigyan ka niya ng paraan!”Mabilis siyang nag kalkula sa utak niya. Ang kita sa medicinal drug industry ay napakalaki.“Surprise, surprise, Xyla. Ang meron ka ay mas mataas pa ang halaga kaysa sa Baker Group!”“Kalokohan!” Kumain ng cake si Xyla. “Hindi ko ibebenta ang mga ito!”“Ikaw…” Gumulong ang mga mata ni Janine. “Ang tigas talaga ang ulo! Hindi ko alam kung anong pinagdaanang pagdurusa ng manugang ko dahil sayo…”“Anong manugang?” Nabigla si Xyla.“Nakalimutan mo na?” Ang seryosong sinabi ni Janine, “Sumang ayon tayo noon. Kapag may anak kang babae at may anak kang lalaki, magiging mag balae tayo!”“Hindi pwede! Taken na ang anak ko!”Napuno ng pagkabigo ang mga mata ni Janine. “Kasal… na siya?”“Hindi pa. Pero malapit na!”“May pagasa pa kung hindi pa siya kasal!” Ginanahan ulit si Janine.Tumingi
last updateLast Updated : 2023-10-21
Read more

Kabanata 302

Naisip ni Cordelia na hindi dapat busy si Zephyr dahil malapit na ang tanghalian, ngunit wala siyang ideya na kakatapos lang ng isang malupit na bagyo sa meeting room sa kabilang liya.Gayunpaman, natunaw ang puso ni Zephyr habang nakikinig sa maamo at matamis na boses ni Cordelia. Kahit na gaano kainit ang ulo niya, naglaho ito na parang hangin. Ngumiti siya, mukha siyang mapagmahal.Naghintay ng ilang sandali si Cordelia nang marinig niya na walang tunog sa kabilang linya at tinanong niya ng mabait, “Busy… ka ba? Nakakaabala ba ako?”“Hindi,” Ang mababa na tono ni Zephyr.“Ano pala ang gagawin mo?”“Gusto mo ba marinig ang katotohanan?” Tumawa ang lalaki.“Syempre!”“Namimiss ka.”Ang dalawang salita na ito ay kumulay ng pink sa pisngi ni Cordelia habang humigpit ang hawak niya sa phone.“Ikaw ba?” Ang tanong din ni Zephyr, “Ano ang ginagawa mo?”“Namimiss ka rin,” Ang mahinang sinabi ni Cordelia.Ngumiti si Zephyr. Ang madilim na ulap niya ay naglaho na rin.Ang ibang mg
last updateLast Updated : 2023-10-21
Read more

Kabanata 303

“Ah…” Tumango si Cordelia. Medyo dismayado siya, ngunit mas mahalaga ang trabaho. “Sige, pumunta ka pala ng gabi kapag may oras ka.”“Sige.” Hinimas ni Zephyr ang buhok ni Cordelia. “Bibitbitin ko ang mga ito para sayo.”“Ayos lang! Lobster lang ito pati ilang mga gulay. Kaya ko na ito ng mag isa. Pati may bisita kami. Baka mamaya ko pa ito dalhin pauwi.”“Bisita?” Huminto si Zephyr. Minsan lang makipag halubilo ang nanay ni Cordelia sa iba. Bakit biglang may bisita siya?“Mm. Siya ang bestfriend ng mom ko noon,” Ang sabi ni Cordelia habang nakangiti. “Isa siyang elegante na medyo matandang babae.”Tumango si Zephyr at hindi niya na ito pinag isipan masyado. Humawak siya sa mga balikat ni Cordelia at tumingin siya kay Cordelia. “Cordelia, plano ko… na maghanda ng pagkikita niyo ng mom ko.”Halos tumalon ang puso ni Cordelia mula sa lalamunan niya.“Wag kang mag alala.” Ang sabi ni Zephyr, “Ako na ang bahala sa relasyon mo sa kanya sa pinaka maayos na paraan. Hindi ko kita ilalag
last updateLast Updated : 2023-10-21
Read more

Kabanata 304

Nabigla si Cordelia, napahiya siya, habang nakinig siya sa mga komento sa paligid niya.Umirap ng mayabang si Donald habang nagsalita siya. Ang mga assistant niya ay lumapit sa kanya, at dumiretso na siya sa pinto.Noong umalis siya, ang isang assistant ay bumangga kay Cordelia. Hindi alam kung sinasadya ito. Nawalan ng balanse si Cordelia at halos bumagsak siya, nabitawan niya ang interview equipment sa mga kamay niya.“Hoy, ano ang ginagawa mo?!” Ang cameraman ay nagalit para sa kanya.Pinigilan siya ni Cordelia. “Kalimutan mo na…”“Wahl Street elite? Ganito ang mga klase ng tao sa Wahl Street?”“Sige na, wag na tayong makipagtalo sa kanila dito,” Ang mahinang sinabi ni Cordelia. “Wala tayong makukuha mula sa mga tao dito. Ipapahiya lang natin ang sarili natin kapag nagpatuloy tayong gumawa ng ingay. Gusto mo bang mapagalitan ng chief editor?“Bakit hindi ka muna bumalik?” Pinag isipan ito ni Cordelia. “Mag iisip ako ng plano mamaya at titingnan ko kung kaya makakaabot ako sa
last updateLast Updated : 2023-10-22
Read more

Kabanata 305

Lumapit ng balisa si Donald. “Madam Baker…”Walang emosyon sa mukha ni Janine habang tinanong niya ng malamig, “Nakabangaan mo ang bata ko kanina. Hindi ka hihingi ng tawad?”Nalilito si Donald. Hirap niyang sinabi makalipas ang ilang sandali, “A-Ang… babaeng ito ay…”“Ang pinakamamahal na prinsesa ng Baker Group!” Suminghal si Janine. “Naiintindihan mo ba?”Kahit hindi tumingin sa lalaki, sinama ni Janine si Cordelia paalis ng financial center pagkatapos magsalita.Pareho silang pumunta sa cafe sa labas.Hindi alam ni Janine kung ano ang gusto ni Cordelia, kaya inorder niya ang lahat ng mga kape na meron. Hindi siya mapigilan ni Cordelia. “Salamat po sa nangyari kanina,” Ang taos-puso na sinabi ni Cordelia.“Maliit na bagay lang ito. Hindi mo na ako kailangan pasalamatan!” Tumingin ng nakangiti si Janine kay Cordelia, ngunit tila may gumugulo sa isip ni Cordelia.“Cordelia, anong problema?”“Ah, wala po.” Pinilit ni Cordelia na ngumiti, wala pa rin siyang alam kung paano is
last updateLast Updated : 2023-10-22
Read more

Kabanata 306

“Hindi naman po,” Sumagot ng awkward si Cordelia.“May boyfriend ka na ba?”Tumango si Cordelia.“Kailan kayo maghihiwalay?”Walang masabi si Cordelia.Tumahimik si Janine. ‘Diyos ko! Bakit ko ito sinabi ng hindi nag iisip?!’“Ah, hindi, hindi!” Mabilis siyang tumawa at sinabi na parang humihingi ng tawad, “Heh, ang ibig kong sabihin, bata at maganda ka. Marami ka pang pagpipilian. Hindi mo kailangan manatili sa isang puno sa loob ng kagubatan!”Lumaki ang mga mata ni Cordelia kay Janine.Bakit sinasabi ulit ni Janine ang totoong nasa isip niya?! Kinagat ni Janine ang mga labi niya. Kakaiba ang kilos niya ngayon. Nakalimutan niya na kung paano magsalita pagkatapos makilala ang prinsesa!“Cordelia…” ipinaliwanag niya ang mahina, “Sa totoo lang, ang ibig kong sabihin ay…”“Okay lang po, naiintindihan ko.” Ngumiti ng mabait si Cordelia. “Pero hindi po ako makikipag hiwalay sa boyfriend ko. Mahal na mahal ko po siya, at asawa ko na po siya para sa akin. Gusto ko po siyang makasam
last updateLast Updated : 2023-10-22
Read more

Kabanata 307

Ang kotse ni Zephyr ay dumaan ng mabagal sa kalsada patungo sa bahay ng mga Bayer.Hawak niya ang kamay ni Cordelia at ngumiti siya dito. “Wag kang mag alala. Mabait ang mga Bayer. Malalaman mo base kay Josiah.”“Ang mga magulang niya ay mabait. Tapat at madali silang kausap.”Naintriga si Cordelia. “Paano pala nila hinaharap ang mga sabwatan at panloloko sa mundo ng negosyo?”Hinimas ni Zephyr ang buhok ni Cordelia. “Ang pinakamagandang paraan para mabuhay ay ang harapin ang mga pagbabago sa pagiging matiyaga.”“Ah, so kailangan ko maging matiyaga para harapin ang mga pagbabago kapag nakilala ko ang mom mo mamaya?” Tumawa si Cordelia. “Maging totoo ako sa sarili ko at harapin ko siya ng tapat. Sa tingin ko ay tatanggapin niya ako.”“Syempre.”Dinikit ni Zephyr ang ilong niya kay Cordelia. Muling pumasok sa ilong niya ang bango ni Cordelia. Nilagay niya ang kamay niya sa baywang ni Cordelia na para bang may sariling isip ito…“Wag…” Nilayo ni Cordelia si Zephyr.Ngumisi si Zep
last updateLast Updated : 2023-10-22
Read more

Kabanata 308

Tuwang tuwa si Janine. Nakita niya si Zephyr, na siyang magpapalit ng damit kanina, at ang lintik na anak niya ay sinabi talaga sa kanya kanina na dinala nito si Ms. Jenner ngayong gabi.…Halos mamatay sa galit si Janine pagkatapos itong marinig at tinakot niya si Zephyr, “Zephyr Hamerton, kapag hinayaan mo ang babaeng yun na pumasok sa pamilya natin, simula ngayon ay pipili ka kung siya o ako!”Ngumiti ng walang pakialam si Zephyr. “Mom, ang mga Hamerton naman ang pakakasalan niya, hindi ang mga Baker.”Halos mabulunan si Janine sa sagot ni Zephyr at kinagat niya ang ngipin niya, tumingin siya ng masama kay Zephyr. Ang sama naman ng kanyang anak!Kumuha siya ng isang baso ng champagne at pumunta siya dito para makasalubong si Cordelia!…‘Heh, mabuti ito. Nandito ang prinsesa ko. Kahit ang langit ay tinulungan ako!’Hinawakan ni Janine ang kamay ni Cordelia at ngumiti siya na parang isang nanay. Sinuri niya si Cordelia mula ulo hanggang paa. “Cordelia, ang ganda mo ngayon! Ma
last updateLast Updated : 2023-10-22
Read more

Kabanata 309

Tinaas ni Nelly ang boses niya. “Isa itong hindi binanggit na kasunduan sa pagitan ng mga elder ng Hamerton at Tanner!”Ngunit si Cordelia at sinabi niya ng mahinay, “Ms. Tanner, wala akong alam dito. Hindi ko naiintindihan ang mga bagay na tulad ng ‘hindi binanggit na kasunduan’.“Nagtataka ako, kung ang mga matanda ng mga pamilya ay inaprubahan at naiintindihan ng isa’t isa, at hindi ito itinatanggi ni Zephyr, bakit it ‘hindi binabanggit’? Dahil hindi ito announced, ibig sabihin ay ang mga pamilya ay nagdadalawang isip pa rin sa kasal na ito.“O baka…” Ang sabi ni Cordelia, nakatingin siya sa mga mata ni Nelly, “Hindi ito tanggap ni ni Zephyr!”“Ikaw—”Namula sa galit si Nelly.Tinaas ni Cordelia ang kamay niya at pinadaan niya ito sa buhok niya. Ang malaking emerald jade ring sa palasingsingan niya ay mukhang importante at puno ng pagmamahal.Kumirot ang mga mata ni Nelly dahil dito. Napuno siya ng sama ng loob ngunit hindi niya ito ipinakita sa mukha niya, kahit na galit na
last updateLast Updated : 2023-10-22
Read more

Kabanata 310

Tumayo sina Cordelia at Nelly habang magkaharap sa isa’t isa. Habang nakatingin si Cordelia sa mga labi ni Nelly, humigpit ang kanyang mga kamao.“Ms. Jenner, hindi mo ba naiintindihan ang ibig kong sabihin?” Ngumisi si Nelly. “Hindi kita pipigilan na sumama kay Zephyr. Kahit na ikasal kasi sa darating na panahon, sisiguraduhin ko na aalagaan ka ng mabuti. Hindi rin ako magseselos!”“Heh, karaniwan na ang ganitong mga bagay sa pamilya namin. Unti unti akong masasanay, at sa tingin ko ay masasanay ka rin!”Kinagat ni Cordelia ang mga labi niya at huminga siya ng malalim. Parang sinabi na rin ni Nellye na “mistress”.Malupit ang ngiti ni Nelly habang nakatingin siya ng tahimik kay Cordelia. Ang babaeng ito ay masyadong mataas ang sarili at pinahiya niya si Nelly habang nakikipag usap sa mga nagpalitan na singsing noon. Hindi dapat magpakita ng awa si Nelly ngayon!“Oo, tama si Nelly!” Biglang tumunog ang isang boses.Kuminang ang mga mata ni Nelly. Nakangiti siya habang binati niya
last updateLast Updated : 2023-10-22
Read more
PREV
1
...
2930313233
...
122
DMCA.com Protection Status