Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Kabanata 291 - Kabanata 300

Lahat ng Kabanata ng Married a Secret Billionaire: Kabanata 291 - Kabanata 300

1219 Kabanata

Kabanata 291

Magalang na nagtanong si Clark, "Madam Baker, babalik na ba tayo sa Zen Residence ngayon?" "Tara na.""Parehong nandoon sila Mrs. Kate at Ms. Zennie…"Kumunot ang mga kilay ni Janine ngunit agad ding huminahon ang kanyang itsura. Matagal na panahon na ang lumipas. Kaya na niyang kalimutan ang nakaraan. Ngumiti siya at tumango siya kay Clark bago siya sumakay sa kotse. Noong bumalik siya sa Zen Residence, nakita niya ang dalawang tao sa may sofa noong sandaling pumasok siya sa sala. Nagmadaling tumayo si Zennie at nahihiya siyang bumati. "Hi, Madam Baker…"Walang pakialam si Janine at binaling niya ang tingin niya kay Kate. Ibinaba ni Kate ang iniinom niyang kape at tumayo siya upang salubungin ng nakangiti si Janine. "Janine, ang tagal nating hindi nagkita!""Oo, matagal na nga." Tiningnan siya ni Janine mula ulo hanggang paa. "Huli tayong nagkita noong naghiwalay kami ni Henry, hindi ba?"Naglaho ang ngiti ni Kate. Ilang sandali ang lumipas bago siya muling nagsalita, “
last updateHuling Na-update : 2023-10-20
Magbasa pa

Kabanata 292

Si Zephyr ay nasa isang pribadong booth sa pinakataas na palapag ng Splendor Dynasty. Nagtaka siya noong narinig niya ang sinabi ni Kate.Nilapag niya ang caviar na hawak niya, at sinabi niya ng nakasimangot na, "Hindi ako nag-set ng appointment para magkita sila.""Kung ganun, anong problema niya?"Natahimik sandali si Zephyr. Malamig ang kanyang ekspresyon at mukhang problemado siya pagkatapos niyang ibaba ang tawag.Nagpalitan ng tingin sina Josiah at Fredric, na nasa tabi niya at nilapag ang kanilang mga kubyertos.Naiintindihan ni Fredric ang pag-aalala ni Zephyr. “Z, sa tingin ko kahit hindi gusto ng mom mo si Cordelia, hindi niya siya kamumuhian ng sobra. Siguradong may hindi tama dito!"Nakatuon lang ang mga mata ni Josiah sa masasarap na pagkain sa harapan nila.“Josiah, ano sa tingin mo?”“Huh?” Nagulat si Josiah. “Uh… sa tingin ko hindi niya nakita si Cordelia! Malamang sinabi niya lang ‘yun para paghiwalayin si Z at sis-in-law!”Umiling si Zephyr. "Hindi ganung kla
last updateHuling Na-update : 2023-10-20
Magbasa pa

Kabanata 293

Maraming nakakaalam ng tungkol sa exhibit dahil ang mga likhang sining na ipinapakita dito ay nagmula sa mga kilalang artist. Ang isang piraso ng sining ay maaaring i-auction para sa daan-daang libong dolyar.Masayang naglibot si Janine sa gallery.Nakatanggap siya ng edukasyon mula sa lahat ng dako sa mundo mula noong siya ay bata pa. Ito ang dahilan sa kanyang kritikal ngunit magkakaugnay na mga kaisipan at natatanging panlasa.Nakakita siya ng ilang obra mula sa isang artist na nagmula sa Southeast Aciatic. Ang mga linya ay maganda na may matitingkad na kulay at sumisigaw ito ng personal na estilo ng aartist. Nagustuhan niya ang mga ito at agad niyang sinabi sa katabi niyang assistant na, “Makipag-ugnayan ka sa mga tauhan dito. Gusto ko ang obrang ito!"Tumango ang assistant at naglakad palayo.Kasabay nito, dumating si Cordelia kasama si Xyla.“Mom, wala masyadong tao dito, pero malaking lugar ‘to. Huwag kang masyadong lalayo!”Tumingin sa kanya si Xyla. “Dinala mo ako sa is
last updateHuling Na-update : 2023-10-20
Magbasa pa

Kabanata 294

Naisip tuloy ni Janine ang kanyang anak na muntik nang kumuha ng walang kwentang babae para maging manugang niya. Labis niya itong ikinagalit... Noong naisip niya ito, hindi niya maiwasang maisip na ibalik si Zephyr sa kanyang sinapupunan!…"Cordelia, tingnan mo ang painting na ‘yun!"Sinundan ni Cordelia ang tingin ni Xyla.Ang oil painting ay malaki at sinakop nito ang isang malaking bahagi ng pader. Abstract ang mga linya nito at parang panaginip ito na tila nagpipinta ng isang kagubatan at isang malaking, buhay na alitaptap na lumilipad.Tiningnan ni Cordelia ang pirma at nakita niyang isa itong sikat na artist mula sa Southeast Aciatic."Mom, gusto mo ba ang painting na ‘to?"Hindi siya sinagot ni Xyla dahil malalim ang iniisip niya na may mga kumplikadong emosyon na naglalaro sa kanyang mga mata.“Cordelia…” Nagtanong siya ng may paos na boses pagkaraan ng mahabang panahon, “Alam mo ba kung saan ito?”Napailing si Cordelia sa pagkalito.Wala siyang ideya na ito ay isan
last updateHuling Na-update : 2023-10-20
Magbasa pa

Kabanata 295

“Oo,” matapat na sagot ni Cordelia. "Bihira lang may magustuhang bagay ang mom ko, kaya gusto kong matupad ang hiling na ito para sa kanya. Dahil nabili mo na ito, hindi ko ito pwedeng agawin sa’yo."Ngumiti si Janine. Mahusay na tinuruan ang dalaga. Tila bibihira na ngayon ang mga batang babae na matikas at mahinahon tulad niya.Bigla niyang naisip si Nelly. Pinili niya siya bilang kanyang magiging manugang noon dahil nakita niyang pantay ang katayuan ng kanilang mga pamilya. Maaaring makinabang ang mga Baker kung magpapakasal si Zephyr kay Nelly. Maganda rin siya at bagay siyang tumayo sa tabi ni Zephyr.Kaya lang napagtanto ni Janine na ang tagapagmana ng mga Tanner ay walang kagandahang-loob at katatagan ng isang tagapagmana, ni wala siyang kakayahan at abilidad na patakbuhin ang negosyo ng pamilya! Sa halip, nagtungo siya sa Chaiseland ng maraming beses sa loob ng isang taon para mapalapit kay Janine o mamili hanggang sa mapagod sila.Inis na inis si Janine sa kanya!Kinasusu
last updateHuling Na-update : 2023-10-20
Magbasa pa

Kabanata 296

Nilagay ni Cordelia si Xyla sa likod niya at tumingin siya ng alerto kay Janine. Sinubukan niyang sabihin ng kalmado, “Madam, hindi maganda ang pakiramdam ng nanay ko. Pakiusap, wag niyo siyang kausapin ng ganito!”Nabigla si Janine. “Anong problema sa kanya?”“Hindi ito ang lugar para pag usapan ito.” Humawak si Cordelia sa nanginginig na balikat ni Xyla. “Ihahatid ko na siya pauwi ngayon!”“Sandali lang…”Nabigo si Janine na pigilan sila habang mabilis na dinala ni Cordelia si Xyla palabas ng gallery.Mahina na tinanong ng assistant ni Janine, “Madam Baker, gusto niyo po ba na alamin ko ang tungkol sa kanila?”“Ano ba ang kailangan alamin?” Tumingin si Janine sa assistant niya. “Paanong hindi ko siya kilala kung magkasama kaming lumaki?”Tumahimik ang assistant niya at umatras ito ng tahimik.Tumingin si Janine sa palayo na likod nila Cordelia at Xyla habang malalim ang kanyang iniisip. Pagkatapos ay tumingin siya sa ibaba at nakita niya na ang scarf na dinala ni Xyla ay nahu
last updateHuling Na-update : 2023-10-20
Magbasa pa

Kabanata 297

Nasabihan si Zephyr na bumalik na si Janine noong bumalik siya sa Zen Residence. Nagbihis siya at umakyat siya ng hagdan para batiin si Janine.“Mom, masaya po ba kayo sa kwarto?”“Mm, ayos lang ito.”Gumawa ng kape si Janine para sa sarili niya, at ang kwarto ay may bang ng kape. Uminom siya at sinuri niya ang paligid.Ang kwarto ay malawak at maliwanag. Ang floor-to-ceiling window ay nakaharap sa kabundukan, at ang kwarto ay may magandang dekorasyon. Kahit ang mga maliliit na dekorasyon ay mukhang mamahalin.Umupo si Janine sa malambot na lamb leather sofa.Maganda ang lugar, ngunit pakiramdam niya ay may distansya ito.Hindi niya mapigilang isipin kung saan nakatira si Xyla. Kasama ni Xyla ang isang mapagmalasakit na anak, ang kwarto ay mas maginhawa siguro kaysa sa lugar na ito…Napansin ni Zephyr na parang kakaiba si Janine. “Mom, ano po ang problema?”Huminga ng malalim si Janine. Tumingin siya kay Zephyr ng medyo dismayado.Napansin ni Zephyr na medyo nanginginig si Ja
last updateHuling Na-update : 2023-10-21
Magbasa pa

Kabanata 298

Malamig ang ekspresyon ni Zephyr habang malamig ang kanyang tingin. Tumingin siya ng tahimik kay Janine.Hindi niya alam kung bakit ganito ang panghuhusga ni Janine kay Cordelia, ngunit alam niya na gagawin niya ang lahat para protektahan ang babaeng mahal niya.“Ito na ang desisyon,” Ang sinabi ni Janine. “Wala kayong marriage agreement ni Nelly, pero ang parehong pamilya ay ganito ang iniisip ng maraming taon na. Magiging mahirap para harapin ito.”“Pero hindi mo kailangan mag alala. Ako na ang bahalang umasikaso sa mga Tanner!”Lumapit si Janine kay Zephyr at tinapik niya ang balikat nito ng dalawang beses. “Gawin mo lang ang sinabi ko sayo. Makipag usap ka sa babaeng tinutukoy ko sayo!”“Hindi po pwede,” Ang malamig na sinabi ni Zephyr.Naging sobrang lamig ng ere sa kwarto.Tumingin ng istrikto si Janine kay Zephyr.Klarong sinabi ni Zephyr, “Mom, kapag pinilit niyo ito, aalisin ko po ang lahat ng shares mula sa Imperial Media!”“Anong sinabi mo?!” Naalarma si Janine.“A
last updateHuling Na-update : 2023-10-21
Magbasa pa

Kabanata 299

“Ikaw…” Mapagmahal ang ngiti ni Janine. Habang mas matagal siyang tumingin kay Cordelia, mas lalo niya itong nagustuhan.Pinapasok siya ni Cordelia, at nagulat si Xyla na makita si Janine.“Mom, nandito po siya para bisitahin kayo.”Tahimik ng ilang sandali si Xyla. Nang makita niya na nakatayo si Cordelia sa tabi, sinabi niya ng nakangiti, “Mag grocery ka na. Mag uusap lang kami ng konti.”Tinikom ni Cordelia ang mga labi niya at nanatili siyang nakatayo.“Wala kang dapat ipag alala!” Kumaway si Xyla. “Ang babaeng ito ay ang best friend ko!”Sa sandaling ito, tumango si Cordelia, ngunit bago siya umalis, sinabi niya ng mahina kay Xyla na hawakan nito ang phone nito at tumawag agad sa kanya kapag may nangyari.Ang tingin ni Janine ay may komplikadong mga damdamin habang pinanood niya na umalis si Cordelia.“Naiinggit ka, huh?” Tumaas ang kilay ni Xyla, tumayo siya upang magpakulo ng tubig para sa tsaa at tumawa siya ng mayabang. “Nakita ko noon sa art exhibition. Naiinggit ka
last updateHuling Na-update : 2023-10-21
Magbasa pa

Kabanata 300

Napuno ng emosyon ang mga mata ni Xyla.Makalipas ang ilang sandali, may napagtanto si Janine at sinabi niya, “Ang mga medicine formula?!”Alam niya na ang mga ninuno ng mga Irwin ay mga royal doctor sa palasyo ng matagal na mga henerasyon. Pagkatapos ay pinaghalo nila ang mga lokal na halaman na matatagpuan lang sa Southeast Aciatic at gumawa sila ng mga formula na ginagamit nila hanggang ngayon.Tumango si Xyla ng may iba’t ibang emosyon.Tumingin si Janine kay Xyla. “Ang mga formula na yun ay sayo dapat! Ang pagbibigay ni Rowan nito sayo ay ang pagbabalik din nito sa tamang may ari, pero pinagtatanggol mo pa rin siya?”“Hindi sa akin ang mga formula,” Ang sabi ni Xyla. “Matagal nang nawala ang mga formula ng mga Irwin. Ang lolo ko ay nag sponsor ng isang medical student, ang tunay na tatay ni Rowan, na siyang naging kanang kamay ng pamilya namin. Ang mga medicine formula… ay siya ang gumawa.”“Ang buong set ng mga gamot ay naging viral noon, pero… simula noong umalis ako ng pa
last updateHuling Na-update : 2023-10-21
Magbasa pa
PREV
1
...
2829303132
...
122
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status