Napuno ng emosyon ang mga mata ni Xyla.Makalipas ang ilang sandali, may napagtanto si Janine at sinabi niya, “Ang mga medicine formula?!”Alam niya na ang mga ninuno ng mga Irwin ay mga royal doctor sa palasyo ng matagal na mga henerasyon. Pagkatapos ay pinaghalo nila ang mga lokal na halaman na matatagpuan lang sa Southeast Aciatic at gumawa sila ng mga formula na ginagamit nila hanggang ngayon.Tumango si Xyla ng may iba’t ibang emosyon.Tumingin si Janine kay Xyla. “Ang mga formula na yun ay sayo dapat! Ang pagbibigay ni Rowan nito sayo ay ang pagbabalik din nito sa tamang may ari, pero pinagtatanggol mo pa rin siya?”“Hindi sa akin ang mga formula,” Ang sabi ni Xyla. “Matagal nang nawala ang mga formula ng mga Irwin. Ang lolo ko ay nag sponsor ng isang medical student, ang tunay na tatay ni Rowan, na siyang naging kanang kamay ng pamilya namin. Ang mga medicine formula… ay siya ang gumawa.”“Ang buong set ng mga gamot ay naging viral noon, pero… simula noong umalis ako ng pa
“Uy, Xyla.” Biglang naisip ni Janine. “Kapag binenta mo ang mga formula na ito, sobrang taas ng presyo nito, hindi ba? Ha, mukhang hindi naman pala ubod ng sama si Rowan. Binigyan ka niya ng paraan!”Mabilis siyang nag kalkula sa utak niya. Ang kita sa medicinal drug industry ay napakalaki.“Surprise, surprise, Xyla. Ang meron ka ay mas mataas pa ang halaga kaysa sa Baker Group!”“Kalokohan!” Kumain ng cake si Xyla. “Hindi ko ibebenta ang mga ito!”“Ikaw…” Gumulong ang mga mata ni Janine. “Ang tigas talaga ang ulo! Hindi ko alam kung anong pinagdaanang pagdurusa ng manugang ko dahil sayo…”“Anong manugang?” Nabigla si Xyla.“Nakalimutan mo na?” Ang seryosong sinabi ni Janine, “Sumang ayon tayo noon. Kapag may anak kang babae at may anak kang lalaki, magiging mag balae tayo!”“Hindi pwede! Taken na ang anak ko!”Napuno ng pagkabigo ang mga mata ni Janine. “Kasal… na siya?”“Hindi pa. Pero malapit na!”“May pagasa pa kung hindi pa siya kasal!” Ginanahan ulit si Janine.Tumingi
Naisip ni Cordelia na hindi dapat busy si Zephyr dahil malapit na ang tanghalian, ngunit wala siyang ideya na kakatapos lang ng isang malupit na bagyo sa meeting room sa kabilang liya.Gayunpaman, natunaw ang puso ni Zephyr habang nakikinig sa maamo at matamis na boses ni Cordelia. Kahit na gaano kainit ang ulo niya, naglaho ito na parang hangin. Ngumiti siya, mukha siyang mapagmahal.Naghintay ng ilang sandali si Cordelia nang marinig niya na walang tunog sa kabilang linya at tinanong niya ng mabait, “Busy… ka ba? Nakakaabala ba ako?”“Hindi,” Ang mababa na tono ni Zephyr.“Ano pala ang gagawin mo?”“Gusto mo ba marinig ang katotohanan?” Tumawa ang lalaki.“Syempre!”“Namimiss ka.”Ang dalawang salita na ito ay kumulay ng pink sa pisngi ni Cordelia habang humigpit ang hawak niya sa phone.“Ikaw ba?” Ang tanong din ni Zephyr, “Ano ang ginagawa mo?”“Namimiss ka rin,” Ang mahinang sinabi ni Cordelia.Ngumiti si Zephyr. Ang madilim na ulap niya ay naglaho na rin.Ang ibang mg
“Ah…” Tumango si Cordelia. Medyo dismayado siya, ngunit mas mahalaga ang trabaho. “Sige, pumunta ka pala ng gabi kapag may oras ka.”“Sige.” Hinimas ni Zephyr ang buhok ni Cordelia. “Bibitbitin ko ang mga ito para sayo.”“Ayos lang! Lobster lang ito pati ilang mga gulay. Kaya ko na ito ng mag isa. Pati may bisita kami. Baka mamaya ko pa ito dalhin pauwi.”“Bisita?” Huminto si Zephyr. Minsan lang makipag halubilo ang nanay ni Cordelia sa iba. Bakit biglang may bisita siya?“Mm. Siya ang bestfriend ng mom ko noon,” Ang sabi ni Cordelia habang nakangiti. “Isa siyang elegante na medyo matandang babae.”Tumango si Zephyr at hindi niya na ito pinag isipan masyado. Humawak siya sa mga balikat ni Cordelia at tumingin siya kay Cordelia. “Cordelia, plano ko… na maghanda ng pagkikita niyo ng mom ko.”Halos tumalon ang puso ni Cordelia mula sa lalamunan niya.“Wag kang mag alala.” Ang sabi ni Zephyr, “Ako na ang bahala sa relasyon mo sa kanya sa pinaka maayos na paraan. Hindi ko kita ilalag
Nabigla si Cordelia, napahiya siya, habang nakinig siya sa mga komento sa paligid niya.Umirap ng mayabang si Donald habang nagsalita siya. Ang mga assistant niya ay lumapit sa kanya, at dumiretso na siya sa pinto.Noong umalis siya, ang isang assistant ay bumangga kay Cordelia. Hindi alam kung sinasadya ito. Nawalan ng balanse si Cordelia at halos bumagsak siya, nabitawan niya ang interview equipment sa mga kamay niya.“Hoy, ano ang ginagawa mo?!” Ang cameraman ay nagalit para sa kanya.Pinigilan siya ni Cordelia. “Kalimutan mo na…”“Wahl Street elite? Ganito ang mga klase ng tao sa Wahl Street?”“Sige na, wag na tayong makipagtalo sa kanila dito,” Ang mahinang sinabi ni Cordelia. “Wala tayong makukuha mula sa mga tao dito. Ipapahiya lang natin ang sarili natin kapag nagpatuloy tayong gumawa ng ingay. Gusto mo bang mapagalitan ng chief editor?“Bakit hindi ka muna bumalik?” Pinag isipan ito ni Cordelia. “Mag iisip ako ng plano mamaya at titingnan ko kung kaya makakaabot ako sa
Lumapit ng balisa si Donald. “Madam Baker…”Walang emosyon sa mukha ni Janine habang tinanong niya ng malamig, “Nakabangaan mo ang bata ko kanina. Hindi ka hihingi ng tawad?”Nalilito si Donald. Hirap niyang sinabi makalipas ang ilang sandali, “A-Ang… babaeng ito ay…”“Ang pinakamamahal na prinsesa ng Baker Group!” Suminghal si Janine. “Naiintindihan mo ba?”Kahit hindi tumingin sa lalaki, sinama ni Janine si Cordelia paalis ng financial center pagkatapos magsalita.Pareho silang pumunta sa cafe sa labas.Hindi alam ni Janine kung ano ang gusto ni Cordelia, kaya inorder niya ang lahat ng mga kape na meron. Hindi siya mapigilan ni Cordelia. “Salamat po sa nangyari kanina,” Ang taos-puso na sinabi ni Cordelia.“Maliit na bagay lang ito. Hindi mo na ako kailangan pasalamatan!” Tumingin ng nakangiti si Janine kay Cordelia, ngunit tila may gumugulo sa isip ni Cordelia.“Cordelia, anong problema?”“Ah, wala po.” Pinilit ni Cordelia na ngumiti, wala pa rin siyang alam kung paano is
“Hindi naman po,” Sumagot ng awkward si Cordelia.“May boyfriend ka na ba?”Tumango si Cordelia.“Kailan kayo maghihiwalay?”Walang masabi si Cordelia.Tumahimik si Janine. ‘Diyos ko! Bakit ko ito sinabi ng hindi nag iisip?!’“Ah, hindi, hindi!” Mabilis siyang tumawa at sinabi na parang humihingi ng tawad, “Heh, ang ibig kong sabihin, bata at maganda ka. Marami ka pang pagpipilian. Hindi mo kailangan manatili sa isang puno sa loob ng kagubatan!”Lumaki ang mga mata ni Cordelia kay Janine.Bakit sinasabi ulit ni Janine ang totoong nasa isip niya?! Kinagat ni Janine ang mga labi niya. Kakaiba ang kilos niya ngayon. Nakalimutan niya na kung paano magsalita pagkatapos makilala ang prinsesa!“Cordelia…” ipinaliwanag niya ang mahina, “Sa totoo lang, ang ibig kong sabihin ay…”“Okay lang po, naiintindihan ko.” Ngumiti ng mabait si Cordelia. “Pero hindi po ako makikipag hiwalay sa boyfriend ko. Mahal na mahal ko po siya, at asawa ko na po siya para sa akin. Gusto ko po siyang makasam
Ang kotse ni Zephyr ay dumaan ng mabagal sa kalsada patungo sa bahay ng mga Bayer.Hawak niya ang kamay ni Cordelia at ngumiti siya dito. “Wag kang mag alala. Mabait ang mga Bayer. Malalaman mo base kay Josiah.”“Ang mga magulang niya ay mabait. Tapat at madali silang kausap.”Naintriga si Cordelia. “Paano pala nila hinaharap ang mga sabwatan at panloloko sa mundo ng negosyo?”Hinimas ni Zephyr ang buhok ni Cordelia. “Ang pinakamagandang paraan para mabuhay ay ang harapin ang mga pagbabago sa pagiging matiyaga.”“Ah, so kailangan ko maging matiyaga para harapin ang mga pagbabago kapag nakilala ko ang mom mo mamaya?” Tumawa si Cordelia. “Maging totoo ako sa sarili ko at harapin ko siya ng tapat. Sa tingin ko ay tatanggapin niya ako.”“Syempre.”Dinikit ni Zephyr ang ilong niya kay Cordelia. Muling pumasok sa ilong niya ang bango ni Cordelia. Nilagay niya ang kamay niya sa baywang ni Cordelia na para bang may sariling isip ito…“Wag…” Nilayo ni Cordelia si Zephyr.Ngumisi si Zep
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala