Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Chapter 161 - Chapter 170

All Chapters of Married a Secret Billionaire: Chapter 161 - Chapter 170

1219 Chapters

Kabanata 161

Gustong tapikin ni Zephyr ang balikat ni Seth, ngumit huminto ang kama niya sa ere. Binaba niya lang ito makalipas ang ilang sandali.…Nakahiga si Cordelia sa yakap ni Zephyr nang umuwi si Zephyr nang gabi at humiga sila sa kama.Gabi na, ngunit hindi makatulog si Cordelisa. Ang mga bituin ay kumislap mula sa photo frame sa madilim na kwarto. Tumingin siya sa kalangitan. Matagal na simula noong panoorin niya ang gabi ng mapayapa.Dahil alam niya na mainit si Cordelia, pinaypayan ni Zephyr si Cordelia habang nakatitig siya sa isang panig ng mukha nito habang nakayuko. Natuwa ang puso niya.Lumunok siya, at uminit ang kanyang pakiramdam.Tumingin si Cordelia sa pawis na nasa ilong ni Zephyr. Nahiya siya na nakapatay ang air conditioner para magtipid ng pera. “Hubby, buksan mo ang air conditioner kung naiinitan ka. Hindi naman ito magastos masyado.”“Hmm… Hindi na kailangan.” Dinilaan niya ang labi niya.Ang init na tinutukoy nila ay magkaibang bagay.Huminga ng malalim si Zephy
last updateLast Updated : 2023-10-01
Read more

Kabanata 162

Dumilim ang ekspresyon si Zephyr. Sinabi niya ng mahina, “Nakaraan na ang lahat ng ito… Ano pa ba ang ginagawa ng mga kriminal kundi ang mag away?”“SInaktan mo ba siya?”“Hmm, parang ganun na nga.”Tumango si Cordelia.Ang lahat ng nasa kulungan dati ay mapang api. Madaling paniwalaan na may problema sila sa pag iisip. Tulad ni Nicholas, na dati na gustong mapunta sa tuktok, ay natural na magkakaroon ng sama ng loob kung sinaktan siya ni Marcus.Gayunpaman, iba si Zephyr. Maliban sa seryosong mukha niya at hindi siya masyadong nagsasalita, para kay Cordelia, walang mali kay Zephyr.Ang mga malaking mga mata ni Cordelia ay makinang. Tumingin siya ng tahimik sa asawa niya. Habang tumitingin siya, mas lalo niyang naisip na nakakuha siya ng napakabuting asawa.Ang maliit na kamay niya ay hinimas ang mukha ni Zephyr. Walang oras si Zephyr para mag ahit, kaya makita ang balbas niya.“Bakit ka nakatitig sa akin?” May nakakaakit na boses si Zephyr habang hinimas niya ang ulo ni Cordel
last updateLast Updated : 2023-10-01
Read more

Kabanata 163

Tumango si Josiah.“Namimingwit ako sa isang sapa noong nakaraang linggo. Nagkataon na nakita ko siya. Nagulat ako! Z, magkamukha talaga kayo ni Marcus…”Naging madilim ang ekspresyon ni Zephyr.“Pero maliban sa itsura niyo, wala nang pagkakapareho sa inyong dalawa.” Nagpatuloy si Josiah. “Naghinala ako, kaya nag utos ako ng taong mag iimbestiga. Hindi ako makapaniwala na hindi pa patay si Marcus.“Ginalit niya ang ilang mga gang sa Jangasas pagkatapos niya makalabas ng kulungan. Pinutol pa ang daliri niya dahil hindi niya nabayaran ang utang niya. Pinalayas siya ng Jangasas.”Walang sinabi si Zephyr habang lumaki ang mga mata ni Fredric sa gulat.“Kaya…” Bumalik sa sarili si Fredric. “May kinalaman ba ito kay Nicholas?”“Z! Baka nalaman niya sa simula pa lang na hindi ikaw si Marcus!”Nagkaroon ng malupit na tingin sa mga mata ni Zephyr.Hindi ito ang pinag aalala niya. Napansin niya na kakaiba si Nicholas mula sa mga nakaraang paghaharap nila, kaya baka may alam ito.Dinila
last updateLast Updated : 2023-10-01
Read more

Kabanata 164

Nabigla siya sa taong nasa litrato!‘Marcus?’Lumingon si Nicholas para tumingin kay Yale. Hindi makapaniwala ang mga mata niya.“Ano, nakita mo na ba ang taong ito dati?” Ngumisi si Yale.Ibinaba ni Nicholas ang mga litrato. Ang ekspresyon ng mukha niya ay hindi nagbago.“Ito ang taong gusto kong patayin mo.” Tumitig si Yale sa mga mata niya. “Tandaan mo ang mukha niya, N. Wag mong patayin ang maling tao!”“Ano ang ibig niyong sabihin?”Kakaiba ang tawa ni Yale. Tumawa siya ng matagal, sa sobrang tagal nito ay halos nawalan ng pasensya si Nicholas.“Sige, hindi na ako magpapaligoy ligoy,” Ang malamig na sinabi ni Yale. “Ang lalaking ito ay si Zephyr Hamerton, ang pangatlong anak ng mga Hamerton! Lumipad ang lolo ko papunta sa North Armania para makipagkita sa ilang mga dignitaryo. Wala siyang oras para sa pamilyang ito… Ito ang tamang oras para gawin ito!”Kumunot ang noo ni Nicholas.Hindi niya inaasahan na ang asawa ni Cordelia ay si Zephyr!Mula sa ilang beses nilang pag
last updateLast Updated : 2023-10-02
Read more

Kabanata 165

Tumitig si Nicholas kay Yale. Matagal siyang walang sinabi.“Ako ang bahala sa paghihinala ni lolo,” Ang sabi ni Yale habang nakatingin kay Nicholas. “Nicholas, ang kailangan mo lang gawin ay ang pumatay ng mga tao para sa akin. Ako na ang bahala sa lahat!”Sigurado si Nicholas na gusto rin ni Yale na patayin ang matanda, base sa tono nito.Inutusan ni Yale na umalis si Marcus. Kasabay nito, nilabas niya ang isang land plan at binilugan niya ang pinakamagandang lokasyon sa gitna ng Centrolis.“Maraming tao sa lugar na ito. Isa itong gintong lugar.” Tumawa siya. “Kapag natapos na ang kasunduan, makikipag usap ako sa mga tamang department, at ang lupa na ito ay mapapasayo! Ano sa tingin mo?”Tinikom ni Nicholas ang mga labi niya ngunit wala siyang sinabi.Tinapik ni Yale ang balikat ni Nicholas. “Nicholas, ikaw ay ambisyoso, brutal, at walang awa. Yun ang gusto ko sayo!”“Makakatulong ito para sayo at para sa akin, kaya pag isipan mo ito ng mabuti!”Tumingin si Nicholas sa land p
last updateLast Updated : 2023-10-02
Read more

Kabanata 166

Hindi inaasahan ni Nicholas na ang lalaking tulad ni Zephyr na may mataas na katayuan sa lipunan ay may isang ordinaryong pagkatao din.Ang isa sa mga account entry ay mali siguro, habang kausap ni Cordelia si Zephyr ng may seryosong ekspresyon. Si Zephyr, na may tangkad na higit six feet, ay yumuko na parang isang batang mula sa elementary school, na may ginawang mali.Nabigla si Nicholas sa eksenang ito.Si Zephyr ay isang asawa lang kapag kasama niya si Cordelia. Takot siya sa asawa niya, pinapagalitan siya ng asawa niay, at binibigay niya ang perang kinita niya sa asawa niya—tulad ng milyon milyong mga lalaki sa mundo, wala siyang lugar para magdesisyon sa pamilya nila.Hindi niya hinahangad ang pwesto na gusto ng libo libong mga tao, ngunit kuntento na siya sa masayang mga araw na meron siya kasama ang asawa niya.Nabigla si Nicholas at humigpit ang mga kamao niya. Lumapit siya. Nakabukas ang pinto ng cafe, at madaling marinig ang pag uusap ng mag asawa.“Darling, makinig ka
last updateLast Updated : 2023-10-02
Read more

Kabanata 167

Tumawa si Nicholas at mukha siyang inosente.“Hindi ba’t isa itong cafe? Ano pa ba ang rason kung bakit nandito ako?”Maingat na pinanood ni Zephyr si Nicholas, binabasa niya ang kahit maliit na ekspresyon nito.Hindi agresibo ang lalaki katulad noong nakaraan, ngunit ang konklusyon ay hindi madaling gawin kung nandito siya para sa isang mabuti o masamang intensyon.Bumalik si Zephyr sa pag akbay sa balikat ni Cordelia, sinabi niya kay Crodelia na umuwi muna ito at sinabi niya na siya na ang bahala dito.Nag aalala si Cordelia ngunit naglakad lang siya ng mabagal palabas dahil sa pag pilit ni Zephyr. Nang umalis na si Cordelia, tumingin si Zephyr kay Nicholas ng nakangisi.“Afternoon tea set, tama ba? Ihahanda ko ito para sayo!”“Kaya mo ba itong gawin?”“Bakit hindi? Ako ang boss dito.”Bumalik si Zephyr sa likod ng counter. Ang kilos niya ay praktisado, ngunit ang mga kaldero at kawali ay gumawa ng ingay. Nagtaka si Nicholas kung kailangan ba talaga gumawa ni Zephyr ng ingay
last updateLast Updated : 2023-10-02
Read more

Kabanata 168

Kakaiba na tila naglaho sa ere si Marcus. Dumating si Robert sa Jangasas para palihim na magbigay ng balita sa kanya. “Sir, ang mga tauhan po natin ay hinanap na ang buong Centrolis, pero hindi po matagpuan si Marcus.”Malamig ang ekspreyson ni Zephyr. Paano nangyari na ang isang buhay na tao ay naglaho ng basta basta?! Ngayon at hindi siya mahanap, naisip na ni Zephyr ang pinakamasama.“Magpatuloy kayo sa paghahanap sa Centrolis!” Kinagat niya ng ngipin niya. “Ang hinala ko ay nauna siyang mahanap ni Uncle Matthew. Siguradong hahanap sila ng tao na aatake sa kin kung may gusto silang gawin!”“Sir…” Lumaki ang mga mata ni Robert, tila kabado siya.“Wag kang mag alala tungkol sa akin,” Ang utos ni Zephyr, “Pero si Cordelia… Humanap ka ng mga maaasahan na mga tauhan para protektahan siya habang papunta at paalis ng trabaho. Ang kaligtasan niya ang pinakamahalaga sa lahat!”“Masusunod po!”Kinilabutan si Zephyr pagkatapos itong sabihin.Magtulungan man sina Matthew, Yale, o ang iba
last updateLast Updated : 2023-10-02
Read more

Kabanata 169

Tumingin si Zephyr sa mga review sa phone niya ng may madilim na ekspresyon.Ang isang bagong shop ay hindi makakakuha ng ganito karaming atensyon. Ang tanging posibilidad lang ay tulad ng sinabi ni Cordelia—may ibang taong may pakana nito.Ang mga review na ito ay sinasadyang nilagay ng mga paid posters.Pinaghihinalaan din ni Zephyr si Nicholas, ngunit binawi niya ito sa oras na maisip niya ito. Base sa pagkatao at katayuan ni Nicholas, hindi siya gagawa ng ganitong klaseng pakana.Bukod pa dito, ang taktikang ginamit dito ay parang laban sa pagitan ng mga babae. Kung gusto puntiryahin ni Nicholas si Zephyr, madali siyang magsisimula ng digmaan.Ito rin ay parang gawa ng isang business rival. Maraming cafe sa lugar, ngunit lahat sila ay may kanya kanyang kulay at target customer. Ayos lang ang lahat sa isa’t isa.Kaya naman, ang tao na kumuha ng paid posters para puntiryahin sila, malamang ay pinupuntirya nito si Cordelia…Ang sagot ay naging klaro na kay Zephyr, ngunit tinan
last updateLast Updated : 2023-10-02
Read more

Kabanata 170

Nababalisa si Cordelia, ngunit nagustuhan ni Zephyr ang sitwasyon. Hindi para sa kanya ang magtimpla ng kape at magsilbi sa mga customer. Gusto niya lang samahan si Cordelia ng araw araw—mas maganda pa kung silang dalawa lang ang nasa shop.Gayunpaman, sinabi niya pa rin kay Fredric na imbestigahan ito para sumaya si Cordelia. Ang resulta ay tulad ng inaasahan niya. “Z, nagkonsulta ako sa ilang media company, at mabilis nilang nakuha ang data. Nakalagay sa data na ang mga paid poster na ito ay mula sa Jenner Group.”“Hah, so si Yelena talaga?”“Ang account na nagbayad sa paid posters ay ang finance account mula sa Jenner Group.”Sino pa ba mula sa mga Jenner, maliban kay Yelena, ang gagawa ng ganito?Kinurot ni Zephyr ang noo niya at tinapos niya ang phone call.Masyado siyang nanunuya para labanan ang mga Jenner, lalo na at hindi siya kayang labanan ng mga ito. Kaya nga lang, pinahahalagahan niya si Cordelia.Sinabi ni Fredric ng may mahinang boses, “Z, hindi mahirap para harap
last updateLast Updated : 2023-10-02
Read more
PREV
1
...
1516171819
...
122
DMCA.com Protection Status