Kakapasok lang ni Nicka sa kwarto nila ng kapatid niyang si Andrea at naabutan pa niya itong gising at nakaupo sa harap ng study table nila at gumagawa pa rin ng home work nito kahit gabi na.Galing siya sa sala nila kanina, nanuod ng teleserye sa television. Lumapit siya sa aparador nila at naghanap ng maisusuot na damit pangtulog ng tumunog ang cellphone niya.Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng kanyang suot na short at sinipat niya na muna sa screen ng phone kung sino ang tumatawag sa kanya."Sino yan ate Nicka!?" usisang tanong ni Andrea ng hindi pa niya sinagot agad ang tawag."Si tiyang Tinay, Andrea. Bakit kaya napatawag eh gabi na!?" aniya sa kapatid na nagtataka sa pagtawag ng tiyahin nila, pero sinagot din naman niya ang tawag."Hello tiyang, napatawag po kayo?" tanong niya agad ng maaccept na niya ang call.( Nicka, narito ako sa ospital ngayon. Wag kang mabibigla! Ang tatay ninyo kase, isinugod namin rito sa ospital. Sa ngayon ay okay naman na siya, kaya wag na kayo
Last Updated : 2023-07-13 Read more