"Lolo.., Lolo Lando, gising na po yung magandang babae." sigaw ng batang babae sa matandang lalaki na papalapit sa isang kubo na mabagal ang paglalakad dahil sa mga bitbit nitong gulay at mga saging."Wag kang tumakbo apo at baka madapa ka. Ang sabi mo ay gising na yung babae, alam na ba ng inay mo, nasabi mo na ba sa kanya.?" aning saad ng matanda sa batang babae na sumasalubong sa kanya pababa"Nasa kubo po si inay, Lolo Lando. Inaasaikaso nga po niya yung magandang babae." sagot ng bata."Ganun ba, tulungan mo akong buhatin ang bigkis ng saging Nene, upang mapadali ang pag uwi natin, at nang matingnan ko ang kalagayan ng babae." ani pa ng matanda."Sige po Lolo Lando, ako na po ang magbubuhat ng iba." at kinuha nga ang ilang dala ng kanyang lolo."Yung kaya mo lang bitbitin apo ha wag mong pwersahin ang sarili mo kung mabibigatan ka.""Kaya ko naman po ito, Lo. Bilisan po natin Lo, kase si inay minsan hindi niya maintindihan ang sinasabi ng babaeng maganda kapag nagsasalita, nahihi
Last Updated : 2023-08-29 Read more