Kinabukasan araw ng linggo maayos na ang pakiramdam ni Nicka. Day off ni Lenny at ng tiya Tinay niya, naiwan si Nicka at Jane sa mansyon.Kasalukuyan silang nagkukwentuhan na dalawa sa kusina habang inihahanda nila ang lulutuin sa tanghalian. Nais kaseng kumain ni Jane ng sinigang na baboy at nag uulam naman daw ang amo nila ng ganoon kaya iyon ang ginagayat nila."Jane, may itatanong ako ha gusto ko ng seryosong sagot mula sayo, okay!" aning wika ni Nicka."Mukhang mahirap atang sagutin yan ah! math ba yan? sa iba mo na lang itanong kaya, hindi ko favorite subject ang mathematics nung nag aaral ako kaya hindi ko masasagot." banat na biro ni Jane sa kanya."Gaga ka, walang kinalaman sa school ito noh!" singhal niya sa kaibigan."Pikon naman ito agad, joke lang, ano ba kase yung itatanong mo!?" natatawang turan ni Jane."May friend ako humihingi ng payo, namumuroblema kase. Yung best friend niyang lalaki matagal na pala siyang mahal, problema may gusto na siyang iba at friendship lang
Last Updated : 2023-08-03 Read more