Matyagang naghintay sina Romary Gail sa labas ng headquarters. Maglilimang oras na rin silang naghihintay ay wala pa ring dumarating para sunduin sila roon."Iha, sigurado ka ba na may susundo sa atin dito? kanina pa tayo naghihintay." aning tanong ni Lolo Lando."Lo, parating na po siguro si Arnel. Medyo malayo rin po kase ang maynila at ilang oras po talaga ang byahe patungo rito. Susunduin po tayo ng asawa ko, kilala ko po yun eh! kapag sinabi n'ya pong pupuntahan niya ko rito ay siguradong darating siya." confident na saad ni Romary sa matanda."Papagabi na Romary, baka pwedeng patawagan mo uli sa pulis ang asawa mo, para malaman nating kung pumunta nga siya." suhestiyon ni Hilda na ikinatango niya sa babae."Okay sige, dito na lang kayo ni Nene at kami na lang ni Lolo Lando ang papasok at lalapit kay SP01." aniya sa babae. Nakaunan kase ang ulo ni Nene sa mga hita ni Hilda, nakatulog na ang bata sa kakahintay nila. Habang si Lolo Lando ay pinapaypayan ang apong natutulog dahil m
Pumasok sa loob ng presinto si Marvin at hinanap ang pulis na nagngangalang SP01 Teves, na siyang tumawag kanina sa kumpanya at kumausap kay Arnel.Biglang naalala ni Marvin ang pag uusap nila ng kaibigan kanina, dahilan kung bakit siya na lamang mag isa ang dumating para sunduin sina Romary.* FLASHBACK *"Gusto mo bang ako na lang ang dumiretso ng Pangasinan para sunduin si Romary at ang mga kasama niya? puntahan mo na lang si Nicka, makipag ayos ka na muna sa kanya. Sure akong hindi man niya sabihin sayo ay umaasa pa rin siyang magpapakita ka roon ngayon at babatiin mo siya." saad ni Marvin kay Arnel."Okay lang ba talaga sayo pare? Hindi ko alam kung anong pinaplano ni Romary ngayon, kailangan kong makausap na muna si Nicka. Baka magulat siya kung bigla na lang niyang makita roon sa mansyon si Romary." may pag aalalang turan ni Arnel."Isa pa, naalala ko rin ang pagpapaalam sa akin ni Nicka na uuwi muna siya ng probinsiya nila para magbakasyon pagkatapos ng graduation nila at sina
Graduation day nila Nicka, umaasa siyang bukod sa pamilya niya ay darating din si Arnel para saksihan ang importanteng pangyayari sa buhay niya.Alam niyang hindi pa sila nagkakaayos na dalawa, pero wala namang araw na hindi sumusubok si Arnel na iapproach siya, kahit alam nitong may tampo siya rito.Darating ang itay at mga kapatid niya, ang sabi ng kanyang tiya Tinay, kaya naman hindi na ito sumama pa sa kanya at binati na lamang siya nito, ganoon rin nila Lenny at Jane, bago siya makaalis sa mansyon.Nagpaalam siya sa tiyahin na hindi muna siya uuwi dahil sa ikinuha niya ng room ang ama at mga kapatid sa isang swimming resort na malapit lang sa lugar nila para makapagbonding na rin sila ng pamilya niya habang nasa maynila ang mga ito.Alas dos ng hapon nagsimula ang graduation at bago pa sila pumila kanina ay nakasama na niya ang kanyang itay at dalawang kapatid na proud at masaya para sa kanya. Hindi nakasama ang ate nila dahil walang maiiwang mag- aalaga sa pamagkin niya na naiin
Hindi mapigilan ni Nicka ang sarili na hindi makausap ng matagal si Arnel, kaya tumingin si Nicka sa ama niya pati na rin kay Emman at nagpaalam na may sasabihin lang siya kay Arnel.Tumango si Mang Chris kaya mabilis ang hakbang na sinundan ni Nicka si Arnel."Arnel.. sandali." pagtawag ni Nicka sa lalaking mahal niya.Napatigil naman sa paglalakad si Arnel ng marinig ang boses ni Nicka. Humarap siya sa kanyang likuran at naroon ang dalaga na nakangiting lumalapit sa kanya."Sandali lang, salamat sa pagpunta. Malaking bagay para sa akin ang pagpunta mo, kahit pa nga na late ka. Akala ko ay nakalimutan mo na ang araw na 'to. Masaya akong nakarating ka." aning wika ni Nicka ng malapit na sila sa isa't isa."Akala ko ay iisnabin mo pa rin ang kapogian ko, hindi ka na ba galit sa akin?" masayang turan ni Arnel.Iniiling ni Nicka ang ulo niya at matamis na ngumiti kay Arnel."Hindi na! babawi ako sa iyo mamaya, magcecelebrate lang kami nila itay at pagkatapos ay ihahatid ko sila sa kinuha
Nagtitigan ang dalawa na parehong seryoso makatingin sa bawat isa."Doon tayo sa coffee shop." saad ni Arnel at naunang naglakad kay Emman.Sumunod naman si Emman kay Arnel na pumasok sa loob ng isang coffee shop na katapat lang ng pinaghihintayan ng taxi ni Arnel.Pagkaupo nila ay agad nag order si Arnel ng Cappuccino sa lumapit na waitress at mocha latte naman ang kay Emman ng ito naman ang tanungin ng waitress.Nang sila na lamang dalawa ay naghintay si Arnel na magsalita si Emman."Nasabi na sa akin ni Nicka ang relasyon ninyong dalawa Mr. Dela Cerna." panimula ni Emman na napapalakas ang pagbuntong hininga."May problema ka ba ro'n, Big deal ba sayo ang pakikipagrelasyon sa akin ni Nicka? aning tanong ni Arnel."Kababata ko si Nicka at matalik kaming magkaibigan. Mahal ko siya noon pa man, pero hindi ako nakapagtapat sa kanya noon ng aking nararamdaman dahil natatakot akong masira ang pagkakaibigan naming dalawa. Kailan lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtapat at umamin s
Samantala, habang nasa isang restaurant si Nicka kasama ang mga kapatid at ama n'ya ay hindi maiwasan ng dalaga ang matulala paminsan- minsan. Iniisip kase niya kung sasabihin na ba niya mamaya kay Arnel ang kalagayan niya o sa ibang araw na lamang. Malakas kase ang pakiramdam niya na may pinuproblema ang lalaki at ayaw niyang sabayan ang gumugulo sa isipan ni Arnel.Sa ilang buwan nilang magkarelasyon, ay alam na niya kung nasa good mood ba o bad mood si Arnel. Hindi na lang niya masyadong pinagtuunan ng pansin kanina at wala rin silang gaanong oras para magkausap ng matagal." Anong iniisip mo anak?" pag agaw pansin na tanong sa kanya ng kanyang ama." Po?!" natutuliro niyang tanong." Tinatanong kita kung anong iniisip mo. May problema ka ba Nicka?" saad ni mang Chris sa anak." Wala po 'tay, siguro ay napapa- overthink lang po ako, para sa next step ng buhay ko." pagsisinungaling n'ya sa ama." Ang akala ko ang iniisip mo ay si sir Arnel." seryosong sambit ni mang Chris sa anak."
Mabilis na pinaandar ni Arnel ang kanyang puting Honda Civic type R na sasakyan.Kakatawag lang sa kanya ni Nicka para magpasundo sa labas ng isang resort kung saan nito ipinabook ng room ang pamilya nito.Excited siyang makapiling muli si Nicka. Kanina ay nagdalawang isip pa siya dahil sa ibinalita sa kanya ni Marvin ngunit naisip niyang may ibang oras at araw pa para harapin si Romary.Naalala rin kase n'ya ang plano ni Nicka na umuwi na muna sa probinsiya ng mga ito after graduation. Kaya hindi niya maaring palagpasin ang pagkakataon na ito upang makausap ng sarilinan si Nicka.Naisip niya na baka tumuloy bigla si Nicka na umalis ng hindi pa sila nakakapag- usap ng maayos. Hindi niya hahayaan na umalis ang dalaga ng hindi siya kasama nito.Nang makarating siya kung saan sinabi sa kanya ni Nicka kung saan niya ito susunduin ay agad niya rin naman itong nakita ng kawayan siya ng dalaga.Hindi niya maiwasan na hindi mamangha sa ayos ni Nicka na kahit napakasimple nito sa suot na mini d
Pagkapasok pa lang nila Arnel at Nicka sa room nila ay hindi na nila sinayang pa ang oras. Sa pintuan pa lamang ay para na silang mga uhaw sa labi ng isa't- isa.Nakayapos sa leeg ni Arnel ang mga braso ni Nicka habang ang mga kamay ni Arnel ay parehong nakahawak sa baywang ng dalaga.Marubdob at maalab na nagpalitan ng halik ang dalawa. Parehong walang ayaw bumibitaw sa labi ng bawat isa.Naglumikot ang mga kamay ni Arnel sa katawan ng dalaga at ganoon rin si Nicka.Dahil naka mini dress lamang si Nicka ay naunang natanggal ang saplot niya sa kanyang pagk@babae. Habang si Nicka naman ay natanggal na ang pagkakalock ng belt ng pantalon ni Arnel at naipasok na ang kanyang kamay sa loob ng suot nitong boxer.Hinahagod ng kamay ni Nicka ang nagagalit ng alaga ni Arnel.Pinaglalaruan naman ng daliri ni Arnel ang tahong ng dalaga.Patuloy pa rin sa pagpapalitan ng laway at paglalabanan ng kanilang dila ang dalawa, kahit na napapaungol na si Nicka sa ginagawang pagkalikot ni Arnel sa kanya
Makalipas ang mahigit isang taon na katatapos lang din ng bonggang kaarawan ng kambal nila Arnel at Nicka. Na ngayon naman ay magaganap na ang araw ng kanilang pag iisang dibdib.Sa loob ng simbahan ay naroon na ang groom at ang mga abay, naroon na rin ang pamilya ni Nicka at mga ninong at ninang nila sa kasal. Marami na ring bisita ang mga naghihintay sa pagdating ng bride. Ngunit lagpas na ng ilang minuto sa nakatakdang oras ng kasal ay wala pa rin si Nicka." Pare, ano ka ba? lakad ka ng lakad d'yan kanina pa, nahihilo na kami sayo nila Marvin." sitang wika ni Rodjun kay Arnel." Kinakabahan ako, Buenaflor. Bakit wala pa rin si Nicka?" pag amin niya sa mga kaibigan na pinagtawanan s'ya ng mga ito." Ngayon ka pa talaga kakabahan, Sisipot si Nicka sa kasal ninyo, darating s'ya kaya relax ka lang pare!" pagpapakalma ni Jasper kay Arnel." Baka kase natrapik lang o kaya na late ng alis sa bahay ninyo, kaya hanggang ngayon ay wala pa. Importanteng araw ito para sa inyo ni Nicka kaya si
Sa sementeryo kung saan nakalibing ang katawan ni Kyline ay nagtungo si Arnel at Nicka upang dalawin ang puntod ng namayapang panganay na anak ni Arnel. Hindi na muna nila isinama ang kambal at iniwan na muna ang kanilang anak sa yaya ng mga ito na si Annalyn. Ang kasambahay ni Nicka noon sa bahay sa Antipolo na tinirahan niya nung buntis pa siya, dahil sa kilala at malapit na rin kay Nicka ang babae ay ito na ang kinuha nilang yaya ng mga anak nila.Kaarawan ni Kyline, kaya nagpasamang dumalaw sa puntod ng anak niya si Arnel kay Nicka. Sa kauna- unahang pagkakataon ay naisama na rin ni Arnel si Nicka sa pagbisita sa libingan ng kanyang anak.Pagkarating nila roon ay agad na nilinis ni Arnel ang lapida sa puntod. Inilapag ang dala nilang bulaklak at sinindihan ang dalawang kandila. Tahimik na umusal ng dasal para sa kaluluwa ng panganay niyang anak, ganoon rin si Nicka na umusal din ng panalangin para sa kaluluwa ni Kyline na anak ng lalaking mahal n'ya at kapatid ng kanilang kambal
Mabilis na lumipas ang araw, nakalabas na ng ospital si Nicka at ang kambal. Hindi na sila umuwi ng mansyon dahil sa bagong ipinagawang bahay ni Arnel sila nito itinuloy. Surprised gift ni Arnel para kay Nicka at pasasalamat sa pagsasakripisyo ng dalaga ng dahil sa kanya at sa kambal nila.Ang sabi ni Arnel kay Nicka ay pinasimulan nito ang pagpapagawa ng bahay malapit lang sa kumpanya nung malaman nito na buntis siya. Dahil gusto ni Arnel na iwanan na sa mansyon ang mga hindi magagandang ala-ala na kasama pa nito ang unang naging pamilya. Naisip ni Arnel na hindi maganda ang vibes ng mansyon nila dahil noon pa man ay hindi na maganda ang naging pagsasama ng magulang niya nung bata pa siya.Binatilyo pa lang si Arnel noon ng mamatay ang mommy n'ya at hindi pa man sila nakakapagbabang luksa ng magdesisyon ang kanyang daddy na iuwi sa mansyon nila ang babaeng ipinalit nito sa kanyang mommy at doon niya rin nalaman na may dalawa na pala itong anak sa labas sa naging madrasta niya na si M
Samantala sa malaking bahay bakasyunan ni Gabriel sa Batangas, kung saan niya itinago si Romary. Kakagising lang ng babae at kalalabas lang din ng banyo ng mapasukan niya itong nakasuot pa rin ng pantulog.Sa loob ng ilang buwan na pagpapatherapy ni Romary ay maayos na muli ang kanyang paglalakad at nakabalik na sa dating pananamit, sa kung paano siya noon pumustura, pero hindi pa rin bumabalik ang kanyang alaalang nawala. Nung una ay nahirapan din sa Gabriel kay Romary Gail na papaniwalain ito na may mutual understanding na nga silang dalawa, bago pa man ito biglang nawala. Hindi kase mapaniwalaan ni Romary ang mga sinasabi at ipinapakitang proof sa kanya ni Gabriel na mga photos at videos na magkasama silang dalawa, pero alam ni Romary sa kanyang sarili na may kakaiba siyang nararamdaman para kay Gabriel nung makita pa lang niya ito sa mansyon nila Arnel.Naging maalaga naman kay Romary si Gabriel at nararamdaman ni Romary na may malalim na pagkagusto talaga sa kanya ang lalaki na
Nagising si Nicka na dahan- dahang iminulat ang mga mata. Bahagya siyang umayos ng higa upang makomportable siya.Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng silid at napadako ang tingin niya sa taong nakadukmo ang ulo sa kanyang higaan, habang ito ay nakaupo sa upuang katabi ng kinahihigaan n'ya, na hawak pa ang isa niyang kamay.Napangiti si Nicka sa pag aakalang si Mike ang lalaking natutulog.Gigisingin na sana niya ito ng bumukas ang pintuan at pumasok roon si Mike kasama ang yaya ni Alessia.Nagulat si Nicka habang papalapit si Mike na malapad ang pagkakangiti sa kanya.Ibinalik niya ang tingin niya sa lalaking mahimbing pa rin ang tulog at hawak ang kanyang isang kamay.Hindi niya kita ang mukha ng lalaki dahil sa nakayuko ito. Bigla siyang nakaramdam ng takot at kaba ng muling masulyapan ang bulto ng lalaking nakahawak sa kanyang kamay.Inalis n'ya ang kamay niya sa pagkakahawak ng lalaki na naalimpungatan sa kanyang ginawa, kaya agad nag dilat ito ng mata at humarap sa kany
" Malapit ka ng manganak, Nicka. Nasa 9 cm na ang bata. Kakayanin mo naman ang normal delivery pero ipipainless kita para hindi ka gaanong mahirapan." wika ng OB-Gyne ni Nicka.Dinala siya ni Mike sa hospital kung saan siya nagpapacheck up monthly. Nataranta na kase ito ng makita siyang nasasaktan sa paghilab ng kanyang tiyan.Dis oras na ng gabi ng lumabas si Mike sa kwarto para kumuha sana ng maiinum ng makita niya si Nicka na nasa labas ng pintuan ng silid nito at halatang nasasaktan.Agad na binuhat ni Mike si Nicka at pasigaw na tinawag ang kasambahay para tulungan siya na kuhanin ang mga gamit ng baby ni Nicka sa kwarto nito at samahan sila sa ospital.Hindi naman kalayuan ang ospital sa lugar nila Mike at hindi rin trapik sa daan dahil nga sa gabing gabi na.Pagkarating nila sa ospital ay agad na inasikaso si Nicka at sinabi nga ng doktora na manganganak na siya ano mang oras.Samantala sa ospital kung saan dinala ni Mike si Nicka ay naroon din pala si Doc. Aileen, na nakaduty
Lumipas ang maraming buwan, malaki na ang tiyan ni Nicka at ilang linggo na lang ay maaari na siyang manganak.Nasa bahay pa rin siya nila Mike at tutor pa rin siya ni Alessia. Nakakalabas lang siya ng bahay ni Mike kapag kailangan niyang magpacheck up sa kanyang OB-GYNE na palaging kasama si Mike na napagkakamalan palagi na asawa niya.Nung una ay nahihiya siya kapag tinatanong si Mike kung asawa siya nito, pero kalaunan ay pinagtatawanan na lamang nila at sinasakyan ang mga akala ng ibang tao. Nagpapanggap na lang silang mag asawa sa harap ng iba, lalo na kay Cielo na ipinipilit noon ang sarili kay Mike na ilang beses din siyang pinagbantaan at sinaktan ng babae pero hindi siya nagpatinag hanggang sa ipinagbawal na ni Mike ang pagpasok ni Cielo sa kanyang pamamahay. Nagpahain sila ng restraining order para kay Cielo dahil sa ginawang pananakit nito kay Nicka.Nalaman na rin nila ang kasarian ng kambal ni Nicka, na marami ang natuwa dahil magkaiba ng gender ang twins. Isang lalaki at
Kasalukuyang nasa byahe na papuntang maynila sina Mike at Nicka, Ipinahatid sila kay Darwin na dtiver ng lolo Miguel ng lalaki kaya pareho silang nasa likuran ng driver nakaupo.Ilang oras na rin ang itinakbo ng sasakyan ay tahimik lang sila kaya binasag na ni Nicka ang katahimikan." Mike, pwede magtanong?" wika ni Nicka." Sure, anong itatanong mo?" sagot ng lalaki na umayos ng pagkakaupo dahil humarap ito sa kanya." Ano kase eh! kanina pa tayo magkasama rito sa sasakyan wala ka pang ibinibigay sa akin na impormasyon man lang tungkol kay Alessia. Tulad ng kung ilan taon na ba siya at kung anong mga hobbies niya." aniya kay Mike." Alessia is my niece, Anak siya ng bunso kong kapatid na si Rafael. I'm her guardian, magmula ng mamatay sa car accident ang kapatid ko. She is 7 years old at mahilig siyang mag drawing. Pumapasok na siya sa school, grade 1. Mabait na bata si Alessia kaya, for sure magugustuhan mo siya." litanya ni Mike na ikinatango ni Nicka." Ang sabi mo ikaw ang guardi
Sa sunflower farm nila Mike ay naratnan siya nila aling Romina, Judy Ann at Nicka na kinakausap ang ilan sa mga tauhan nila." Magandang umaga po senyorito Mike." bati ni aling Romina na katabi ang anak at si Nicka ng lumapit sila sa lalaki ng maiwan na itong mag isa sa kinatatayuan nito." Magandang umaga rin ho sa inyo aling Romina, kasama n'yo pala si Judy Ann at si Nicka. Si Mang Julian po?" malawak ang ngiting binalingan ng bati ang ginang." Nagtungo na sa hacienda, nagpahatid lang kami rito sa kanya senyorito. Abala ho kayo kanina kaya hindi na niya kayo inabala pa." maagap na sagot ni aling Romina sa lalaki." Buti at nakarating kayo rito sa sunflower farm at naabutan n'yo pa akong narito, Nicka, Judy Ann. Pabalik kase ako mamaya ng maynila at matatagalan siguro na makita ko kayong muli." saad ng lalaki sa kanila." Kumusta ka na, Nicka?" dugtong pang tanong ni Mike.Matipid ang ngiting sagot ni Nicka sa tanong ng lalaki. Tumango tango si Mike at nagpamulsa." Senyorito Mike,