Kakapasok lang ni Nicka sa kwarto nila ng kapatid niyang si Andrea at naabutan pa niya itong gising at nakaupo sa harap ng study table nila at gumagawa pa rin ng home work nito kahit gabi na.
Galing siya sa sala nila kanina, nanuod ng teleserye sa television. Lumapit siya sa aparador nila at naghanap ng maisusuot na damit pangtulog ng tumunog ang cellphone niya.Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng kanyang suot na short at sinipat niya na muna sa screen ng phone kung sino ang tumatawag sa kanya."Sino yan ate Nicka!?" usisang tanong ni Andrea ng hindi pa niya sinagot agad ang tawag."Si tiyang Tinay, Andrea. Bakit kaya napatawag eh gabi na!?" aniya sa kapatid na nagtataka sa pagtawag ng tiyahin nila, pero sinagot din naman niya ang tawag."Hello tiyang, napatawag po kayo?" tanong niya agad ng maaccept na niya ang call.( Nicka, narito ako sa ospital ngayon. Wag kang mabibigla! Ang tatay ninyo kase, isinugod namin rito sa ospital. Sa ngayon ay okay naman na siya, kaya wag na kayong masyadong mag alalang magkakapatid.) pahayag ng kanilang tiya Tinay."Bakit po tiyang, may nangyari po bang masama kay itay!?" nag aalala pa rin niyang tanong sa tiyahin kahit na sinabi na ng tiya nila na okay naman na ang ama nila.( Nicka, ang tatay n'yo maysakit! Ang sabi ng doctor sa amin ay Tuberculosis raw, magagamot naman raw pero kailangang magpahinga ng ama ninyo at sa bahay na lang ninyo magpagaling.)Napapikit si Nicka ng marinig ang sinabi ng tiya Tinay niya na kapatid ng namayapa nilang ina.Napatingin siya kay Andrea na nasa tabi niya, kita niya sa mga mata ng kapatid ang pag aalala rin nito sa tatay nila.Napausal siya ng dasal " Diyos na mahabagin, tulungan niyo po kaming malagpasan ang problemang ito at pagalingin n'yo po sana ang itay namin. Mahal na mahal po namin siya, kung kailangan ko pong magsakripisyo para sa pamilya, hindi po ako aangal. Hiling ko lang po na sana ay gumaling agad ang itay ko." piping dalangin niya.Alam niyang hindi biro ang sakit ng kanilang ama dahil nakakahawa ang sakit na iyon at kailangan ng mahabang gamutan at talagang hindi na nga maaaring makapagtrabaho ng mabigat ang tatay nila."Naiintindihan ko po tiyang, Alam ko po na nakakahawa ang sakit na iyan ni itay. Pero tiyang paano naman na po kami ngayon kung hindi na makakapagtrabaho si itay? sa kanya lang kami umaasang magkakapatid. Si ate Mary Grace naman ay hirap din sa buhay nilang mag asawa lalo na dalawa ang pinapagatas nila ni kuya Larry." aniya sa tiyahin na nangangamba para sa magiging kinabukasan nila.Pangalawa si Nicka Mae sa magkakapatid. Ang panganay nila na si Mary Grace ay maagang nag asawa ng mabuntis ng nobyo nito at ngayon nga ay may sarili ng pamilya. Si Andrea Faith ang ikatlo at nasa kolehiyo na rin tulad niya at ang bunso nila ay si Kristoff na nasa grade 7 naman na.Maaga silang naulila sa ina. Tatlong taon pa lamang noon ang bunso nila na si Kristoff ng maaksidente ang kanilang inay pauwi sa bahay nila galing bayan. Dahil raw sa pagkakasalpok ng truck na nawalan ng preno ay nasagi nito ang tricycle na kinalululanan ng kanilang ina kaya nahulog sa bangin at iyon ang ikinamatay ng kanilang inay.( Alam ko Nicka, Alam rin ng itay ninyo 'yan! kaya nag usap kami ng ama ninyo. Papahintuin ka na sa pag aaral at ikaw na muna ang papalit sa kanya bilang driver at katulong na rin sa mansyon. Papakiusapan namin ang amo namin na ikaw na lang ang kuning kapalit ng tatay mo, para masuportahan ang gamot at pagpapagaling niya. Nandiyan naman sa bahay ninyo ang dalawa mo pang kapatid na si Andrea at Kristoff para mag alaga sa itay ninyo.) turan sa kanya ng tiyahin.( Marunong ka namang mag drive ng kotse at may drivers license ka na raw ang sabi ng iyong ama. Kung wala lang akong pinag aaral na dalawang anak, babalikatin ko kayo. Ang kaso ay mahirap lang din ako at sa mga kapatid ng ama n'yo naman ay wala din kayong maaasahang magkakapatid. Ikaw lang ang alam kong maaring makatulong sa ama mo at sa mga kapatid mo Nicka. Kaya kahit na alam kong mahirap para sa'yo ay sana maintindihan mo na kailangan ka ng ama mo ngayon at ng dalawa mo pang kapatid.) eksplika pa ng tiyang Tinay niya sa kanya."Pero tiyang dalawang semestral na lang po ay gagraduate na po ako ng nursing, sayang naman po kung titigil ako sa pag aaral ko. Baka tiyang pwede na kahit nagtatrabaho ako sa mansyon ay pupwede pa rin po akong mag aral kahit na sa gabi." nalulungkot at naiintindihan niyang saad sa tiyahin.( Hayaan mo kakausapin ko ang amo namin at ipapakiusap ko na baka pwede kang mag aral sa gabi, kumuha ka na lang ng maluwag na schedule kapag pumayag para hindi maapektuhan ang magiging trabaho mo sa mansyon Nicka.) aning wika ng tiya Tinay n'ya.( Ang mabuti pa ay lumuwas ka na ng maynila ngayon. Kung wala kang pamasahe, manghiram ka na muna diyan sa kapitbahay at bukas din ng umaga ay ipapadala ko ang pambayad sa kapatid mo at sila na ang bahalang magbayad sa nagpahiram sa iyo.) dagdag pang turan ng tiya nila."Opo tiyang luluwas ako, may hawak pa naman po akong pera dito tiyang. Yung ipinadala ni itay nung nakaraang linggo na pang allowance namin magkakapatid at budget namin dito sa bahay at yung pambayad ko rin po para sana sa monthly payment para sa school ko ay hawak ko pa rin po. Gagamitin ko na lang po yung nakalaan para sa akin at iiwanan ko na lang po kay Andrea ang allowance nila at ang panggastos dito sa bahay. Mamaya po tiyang ay luluwas na ako pa manila, aayusin ko lang po ang mga gamit at damit kong dadalhin. Sa ospital na po ako tutuloy tiyang, pakisabi po kay itay na magpagaling po siya." aniya sa tiyahin habang nakatitig siya sa kapatid niyang si Andrea na tahimik lang at nakikinig sa pag uusap nilang mag tiya.( Salamat kung ganun, Nicka!. Kailangan ko ring bumalik sa mansyon at hindi pwedeng magtagal ako sa pagbabantay sa ama ninyo. Mag usap na lang uli tayo kapag narito ka na. itetext ko na lang sa'yo kung saang ospital nakaconfine ang itay mo at kung anong room niya dito. Mag iingat ka sa byahe mo!.)Pagkatapos nilang mag usap ng tiya Tinay nila ay ipinatawag niya si Kristoff kay Andrea na nasa silid nito at kinausap niya ang mga kapatid. Ipinaalam niya ang sakit at kalagayan ng itay nila ngayon sa ospital at ang desisyon na rin niya."Andrea, Kristoff, kayo ang inaasahan kong mag aalaga kay itay, pagnakauwi na siya dito sa bahay ha!. Hindi pwedeng ako ang mag aasikaso sa kanya, dahil kailangan kong magtrabaho para sa ating lahat." pagpapaunawa niyang saad sa dalawa."Pansamantala titigil na muna ako sa pag aaral, pero kayong dalawa gusto kong ipagpatuloy ninyo ang pag aaral ninyo. Hindi naman mahirap alagaan ang itay, sisiguraduhin n'yo lang na makakain si itay sa tamang oras, mapainom ng gamot ng walang palya at ang mga gamit niya ay ihiwalay ninyo sa inyo para hindi kayo mahawa. Lagi rin kayo magsusuot ng face mask at mag aalcohol. Kailangan i isolate si itay ng ilang weeks kaya doon muna siya sa silid mo Kristoff, at ikaw sa sala ka na lang muna matutulog. Siguraduhin niyo lang na palagi kayong nakasuot ng face mask kapag lalapit kayo at makikipag usap kay itay, sa panahon ngayon alam n'yo na mahirap magkasakit." bilin at pagpapaalala niya sa mga kapatid."Huwag kang mag alala ate Nicka, hindi namin papabayaan si itay dito. Pareho namang nursing ang course natin kaya alam ko na ang mga gagawin ko. Aalalayan ko na lang itong si Kristoff ate. Sana ay gumaling agad si itay ate Nicka." wika ni Andrea na alam niyang lubos siyang naiintindihan at nauunawaan."Ate Nicka, palagi kang tatawag sa amin ha! Sanay akong ikaw ang nag aasikaso sa amin ni ate Andrea dito, tapos ngayon iiwan mo kami bigla. Pangako ate mag aaral akong mabuti at tutulong ako na alagaan si itay at susundin ko ang bilin ninyo ni ate Andrea." sabat naman ng kanilang bunso na naglambing pa sa kanya.Magmula kase ng mawalan sila ng ina ay siya at ang ate Grace niya na ang nag alaga sa mga kapatid nila, kina Andrea at Kristoff. Dahil ang itay nila ay hindi naman nananatili sa tabi nila dahil stay in ang trabaho nito bilang family driver sa maynila. Nakikita o nakakasama lang nila ang itay nila kapag umuuwi ito sa kanila ng ilang araw lang, madalang pa sa patak ng ulan sa loob ng isang taon kung makasama nila ang ama nila. Pero kahit na ganoon ang naging sitwasyon nila ay masaya pa rin silang magkakapatid dahil hindi sila pinababayaan ng kanilang ama at ramdam nila ang pagmamahal ng ama nila sa kanila."Masanay na kayong wala ako sa tabi ninyo, palagi akong tatawag sa inyo syempre para imonitor kayo noh! Kristoff aasahan ko yang sinabi mo ha! Andrea, sayo ko iaatang ang pag aasikaso kay itay, magsalitan kayo ni Kristoff. Huwag na natin pakiusapan na mag alaga si ate Grace kay itay, mahirap na at may anak siyang maliliit pa. Pero sasabihan ko siyang tignan- tignan pa rin kayo dito." aniya sa dalawang nakababatang kapatid."Ou 'te Nicka, naiintindihan namin ni Kristoff. Paano 'te Nicka, balitaan mo kami pag nasa manila ka na. Mag iingat ka roon at sana mapakiusapan ni tiya Tinay na pumayag ang amo ninyo na makapag aral ka pa rin kahit na sa gabi.""Sana nga Andrea! sabi naman ni itay at tiyang ay mabait ang amo nila. Sana payagan talaga akong maipagpatuloy ko ang pag aaral ko, sayang naman kase kung hihinto pa ako." dalangin pa ni Nicka."Paano aalis na 'ko, yung mga bilin ko sa inyo ha! wag na wag ninyong kalilimutan, okay!. Palagi kayong mag iingat dito at sa mga gagawin ninyo. Mahal na mahal ko kayo!" habilin niya pang muli at naiiyak na nagpaalam sa mga kapatid."Ihatid na kita ate Nicka?" aning wika ni Kristoff."Naku wag na Kristoff, kaya ko na 'to!. Sige na bye bye na. Yung mga pinto i lock na ninyo ha! wag na kayong lumabas kapag gabi na!""Opo ate, ingat ka!" magkasabay na sagot nila Andrea at Kristoff.Yumakap na muna siya sa mga kapatid bago siya tuluyang nagpaalam. Bitbit ang bag at tinahak na niya ang daan palabas ng bahay nila.Sakay ng bus mula Naga, Camarines Sur ay nakarating din si Nicka Mae sa bus terminal ng maynila pagkatapos ng siyam na oras na mahabang byahe. At dahil hindi pa niya alam ang pasikot sikot sa lugar ay naisipan niyang sumakay na ng taxi patungong ospital kung saan nakaconfine pa rin ang kanyang ama.Pagkapasok niya sa ospital ay lumapit siya sa nurse station at nagtanong sa nurse kung saan ang way papunta sa room ng kanyang itay. Hiningi ng nurse sa kanya ang patient name at tinignan sa record ang pangalan ng ama niya at pagkatapos ay itinuro na nito ang daan patungo sa ward kung saan naroroon ang kanyang ama.Tinahak niya ang daan papunta sa ward at bago siya pinapasok sa room ay hinarang siya ng isang nurse at inexamined muna siya at pinasuotan siya ng face mask at pinaghand sanitize.Nang makapasok siya sa loob ng room, ay nakita niya agad ang kanyang ama dahil nasa bungad lang naman ang pwesto nito."Tay!? Tay, kumusta po kayo rito?" naluluhang tanong niya sa ama ng malapitan niya
Pagkabayad ni Nicka ng bill sa ospital ay hinintay pa nila ang discharge paper na pinapirmahan sa doctor ng ama. Hindi nagtagal ang tiya niya sa ospital kanina dahil may trabaho pa raw ito. Nakipagkita lang ang tiyahin niya sa kanya para makausap siya ng personal at maiabot sa kanya ang pera na pinabibigay ng amo. Saglit lang din itong nagpakita sa kanyang ama para pagbilinan at paalalahanan.Gabi na ng makalabas sila ng ospital dahil bukod sa pirma ng doctor ay hinintay din nila ang sasakyan na inirequest nila para maghatid sa kanilang mag ama sa probinsiya. Nang makarating sila sa bahay nila ay nakaayos na ang silid ng kanilang ama. Naipaalam niya naman kase sa mga kapatid na pauwi silang mag ama.Pagkatapos ng kamustahan nila ay kinausap niya uli ang mga kapatid habang ang kanilang ama ay natutulog naman na."Bukas na bukas din ay babalik din ako ng maynila. Nangako ako kay tiyang na itutuloy ko ang trabaho ni itay sa mansyon. Makakapag-aral pa rin naman daw ako kaya okay na ko d
Gabi na ng makarating si Nicka sa mansyon ng mga Dela Cerna. Pagbaba pa lang niya sa taxi na sinakyan niya ay nakasalubong na sa kanya ang tiyahin niya sa labas ng gate."Sakto ang pagdating mo Nicka, dahil paparating pa lang si sir Arnel. Pumasok na tayo sa loob at magpalit ka na muna ng damit mo, magpahinga ka na rin muna sa quarters at tatawagin ka na lamang namin kapag narito na siya." aning wika ni Tinay sa pamangkin."Siya ba ang anak ni Chris, Tinay? aba ay napakaganda naman palang dalaga ng pamangkin mo! anak ba talaga yan ni Chris? Hindi ata nababagay na maging kasambahay at driver dito sa mansyon ang pamangkin mo, mas bagay sa kanya maging senyorita." turan at komento naman ng guard sa mansyon ng makita nito si Nicka."Maganda talaga yang pamangkin ko dahil maganda ang lahi namin Loreto. Huwag kang magtaka kung anak siya ni Chris, dahil kamukha si Nicka ng kapatid ko at hindi ng ama niya. Nicka, si Loreto pala ang security guard namin dito sa mansyon. Mapagbiro yan pero maba
"Narito na tayo sa labas ng library ni sir Arnel. Dito siya namamalagi kapag naririto siya sa bahay, dahil ito ang parang pinakaopisina niya sa loob ng bahay. Kinakabahan ka ba?" aning turan ng tiya niya."Medyo po tiyang!" pag aming sagot n'ya."Kasama mo naman ako sa loob kaya wag ka ng kabahan. Pasok na tayo!" aning turan ng tiya niya at kumatok na sa pinto."Come in!" sagot ng amo nila na nasa loob ng library.Binuksan ng tiya niya ang pinto at pinauna siyang pumasok. Malaki rin ang kabuuan ng library kaya medyo malayo sa pwesto nila ang among lalaki."Sir Arnel, kasama ko na po si Nicka ang anak po ni Chris na pamangkin ko naman!" wika ni Tinay sa amo na busy sa ginagawa nito sa harap ng laptop."Maupo muna kayo ng pamangkin mo manang, tapusin ko lang itong ginagawa ko." ani ng baritonong boses ng amo nila.Naupo muna sila sa mahabang sofa na naroon habang hinihintay na matapos ang amo sa ginagawa nito. Hindi pa masipat ni Nicka ang kabuuang mukha ng sir Arnel nila dahil nakayuko
Kinabukasan maagang lumabas ng silid niya si Arnel para pumasok sa kumpanya nila dahil may maaga siyang meeting with the board member para sa nakuha nilang bagong contract job na uumpisahan na nilang gawin next week. Nagmamadali siya kaya hindi na siya makakapag almusal pa.Dumiretso siya sa garahe para kunin ang sasakyan niya ng makita roon si Nicka na nagkacarwash ng mga sasakyan. Natigilan siya at napalunok siya ng laway ng mapansin ang suot ng dalaga. Nakasleeves na pang itaas at naka shorts lang ito. Kitang kita ang hubog ng katawan ni Nicka at malaporselanang kutis nito. Napapikit siya at napabuga ng hangin dahil pakiramdam niya naaakit siya sa anak ni mang Chris."Ay sir Arnel, kanina pa po ba kayo diyan!? pasensiya na po kung hindi ko po kayo agad napansin, Good morning po pala! paumanhin po kung hindi pa rin po ako tapos sa iba, pero wag po kayong mag alala sir inuna ko pong tapusin talaga ang gagamitin mong sasakyan. Navacuum ko na rin po ang loob ng kotse mo sir at na check
Samantalang sa mansyon ay nakapaligo at nakapagpalit na rin ng damit si Nicka, Kanina ay sinabi niya muna ang bilin ng amo nila para sa tiya niya ng bumalik siya sa quarters nila ng matapos siyang mag carwash at masalubong ang tiyahin na papasok naman na sa kusina.Sabay sabay silang kumakain ng almusal ng mag usisa siyang muli tungkol sa amo nila."Tiyang, may pagkaconservative po ba ang amo natin?" aniyang tanong."Si sir Arnel? conservative!? hindi ah! kung conservative siya e di sana hindi niya magugustuhan at mamahalin si ma'am Romary, ang asawa niya. Kung nakita mo lang kung papaano manamit ang asawa ni sir Arnel hindi mo maitatanong yan. Lahat ng damit ata ni ma'am ay mga kinulang sa tela, pero in fairness ha lahat naman ay bagay sa kanya dahil maganda at sexy naman talaga si ma'am Romary.." komentong react ni manang Tinay."Oo nga, kase si ma'am kung manamit yun parang yung artista na si Solenn, laging naka crop top at pekpek short kapag narito sa loob ng bahay. Okay lang nama
Nahiga na siya sa kama niya pero hindi pa rin siya makatulog. Naiisip niya ang pinag usapan nila ni Jane tungkol sa sir Arnel nila. Naaawa talaga siya sa amo niya, kaya pala palaging seryoso ang mukha ng amo niya at hindi niya nakikitang ngumiti at kaya pala may nababanaag siyang lungkot sa mga mata nito kase may mabigat pa lang pinagdaanang pagsubok sa buhay.Mag aalas dose na ng hating gabi ay hindi pa rin siya makatulog, panay na ang baling niya sa higaan ay hindi pa rin siya dalawin ng antok, kaya bumangon siya at lumabas ng kwarto niya, pupunta siya sa kusina para magtimpla at uminom ng gatas. Nakagawian na niya kase ang ganoon kapag hindi talaga siya makatulog kailangan niyang uminom ng isang basong gatas.Papasok pa lang siya sa kusina ng mapansin niyang nakabukas ang refrigerator. Nakiramdam muna siya at nagtago sa labas ng pintuan ng ķusina. Naisip niyang baka napasok sila ng magnanakaw pero parang hindi naman gumagalaw ang tao sa loob ng kusina. Naghanap siya ng bagay na pwe
Nagising si Arnel na masakit na masakit ang ulo. Nag inom siya kagabi sa night club na kasama ang mga kaibigan. Treat ni Marvin sa kanila dahil magiging tatay na naman ang kaibigan niya.Masayang masaya si Marvin dahil sa wakas raw ay masusundan na rin ang panganay nila ni Candice na si Julius na anim na taon na rin naman ngayon.Si Rodjun at Aileen naman ay dalawa na ang anak na isang taon lang ang naging pagitan. Actually buwan lang ang naging pagitan dahil tatlong buwan pa lang na nakakapanganak si Aileen ng muling magbuntis ang asawa ng kaibigan niya.Si Jasper naman ay may panganay na kambal at may bunso na rin na dalawang taon na ang edad. Lahat ng mga matatalik niyang kaibigan ay may masayang pamilya. Samantalang siya ay may asawa nga pero wala naman sa tabi niya.Napakalungkot na ng buhay niya magmula ng mamatay ang anak niyang si Kyline at iwan siya ni Romary Gail. Mahal niya ang asawa niya at naiintindihan niya kung bakit ganoon na lamang ang galit ni Romary Gail sa kanya da
Makalipas ang mahigit isang taon na katatapos lang din ng bonggang kaarawan ng kambal nila Arnel at Nicka. Na ngayon naman ay magaganap na ang araw ng kanilang pag iisang dibdib.Sa loob ng simbahan ay naroon na ang groom at ang mga abay, naroon na rin ang pamilya ni Nicka at mga ninong at ninang nila sa kasal. Marami na ring bisita ang mga naghihintay sa pagdating ng bride. Ngunit lagpas na ng ilang minuto sa nakatakdang oras ng kasal ay wala pa rin si Nicka." Pare, ano ka ba? lakad ka ng lakad d'yan kanina pa, nahihilo na kami sayo nila Marvin." sitang wika ni Rodjun kay Arnel." Kinakabahan ako, Buenaflor. Bakit wala pa rin si Nicka?" pag amin niya sa mga kaibigan na pinagtawanan s'ya ng mga ito." Ngayon ka pa talaga kakabahan, Sisipot si Nicka sa kasal ninyo, darating s'ya kaya relax ka lang pare!" pagpapakalma ni Jasper kay Arnel." Baka kase natrapik lang o kaya na late ng alis sa bahay ninyo, kaya hanggang ngayon ay wala pa. Importanteng araw ito para sa inyo ni Nicka kaya si
Sa sementeryo kung saan nakalibing ang katawan ni Kyline ay nagtungo si Arnel at Nicka upang dalawin ang puntod ng namayapang panganay na anak ni Arnel. Hindi na muna nila isinama ang kambal at iniwan na muna ang kanilang anak sa yaya ng mga ito na si Annalyn. Ang kasambahay ni Nicka noon sa bahay sa Antipolo na tinirahan niya nung buntis pa siya, dahil sa kilala at malapit na rin kay Nicka ang babae ay ito na ang kinuha nilang yaya ng mga anak nila.Kaarawan ni Kyline, kaya nagpasamang dumalaw sa puntod ng anak niya si Arnel kay Nicka. Sa kauna- unahang pagkakataon ay naisama na rin ni Arnel si Nicka sa pagbisita sa libingan ng kanyang anak.Pagkarating nila roon ay agad na nilinis ni Arnel ang lapida sa puntod. Inilapag ang dala nilang bulaklak at sinindihan ang dalawang kandila. Tahimik na umusal ng dasal para sa kaluluwa ng panganay niyang anak, ganoon rin si Nicka na umusal din ng panalangin para sa kaluluwa ni Kyline na anak ng lalaking mahal n'ya at kapatid ng kanilang kambal
Mabilis na lumipas ang araw, nakalabas na ng ospital si Nicka at ang kambal. Hindi na sila umuwi ng mansyon dahil sa bagong ipinagawang bahay ni Arnel sila nito itinuloy. Surprised gift ni Arnel para kay Nicka at pasasalamat sa pagsasakripisyo ng dalaga ng dahil sa kanya at sa kambal nila.Ang sabi ni Arnel kay Nicka ay pinasimulan nito ang pagpapagawa ng bahay malapit lang sa kumpanya nung malaman nito na buntis siya. Dahil gusto ni Arnel na iwanan na sa mansyon ang mga hindi magagandang ala-ala na kasama pa nito ang unang naging pamilya. Naisip ni Arnel na hindi maganda ang vibes ng mansyon nila dahil noon pa man ay hindi na maganda ang naging pagsasama ng magulang niya nung bata pa siya.Binatilyo pa lang si Arnel noon ng mamatay ang mommy n'ya at hindi pa man sila nakakapagbabang luksa ng magdesisyon ang kanyang daddy na iuwi sa mansyon nila ang babaeng ipinalit nito sa kanyang mommy at doon niya rin nalaman na may dalawa na pala itong anak sa labas sa naging madrasta niya na si M
Samantala sa malaking bahay bakasyunan ni Gabriel sa Batangas, kung saan niya itinago si Romary. Kakagising lang ng babae at kalalabas lang din ng banyo ng mapasukan niya itong nakasuot pa rin ng pantulog.Sa loob ng ilang buwan na pagpapatherapy ni Romary ay maayos na muli ang kanyang paglalakad at nakabalik na sa dating pananamit, sa kung paano siya noon pumustura, pero hindi pa rin bumabalik ang kanyang alaalang nawala. Nung una ay nahirapan din sa Gabriel kay Romary Gail na papaniwalain ito na may mutual understanding na nga silang dalawa, bago pa man ito biglang nawala. Hindi kase mapaniwalaan ni Romary ang mga sinasabi at ipinapakitang proof sa kanya ni Gabriel na mga photos at videos na magkasama silang dalawa, pero alam ni Romary sa kanyang sarili na may kakaiba siyang nararamdaman para kay Gabriel nung makita pa lang niya ito sa mansyon nila Arnel.Naging maalaga naman kay Romary si Gabriel at nararamdaman ni Romary na may malalim na pagkagusto talaga sa kanya ang lalaki na
Nagising si Nicka na dahan- dahang iminulat ang mga mata. Bahagya siyang umayos ng higa upang makomportable siya.Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng silid at napadako ang tingin niya sa taong nakadukmo ang ulo sa kanyang higaan, habang ito ay nakaupo sa upuang katabi ng kinahihigaan n'ya, na hawak pa ang isa niyang kamay.Napangiti si Nicka sa pag aakalang si Mike ang lalaking natutulog.Gigisingin na sana niya ito ng bumukas ang pintuan at pumasok roon si Mike kasama ang yaya ni Alessia.Nagulat si Nicka habang papalapit si Mike na malapad ang pagkakangiti sa kanya.Ibinalik niya ang tingin niya sa lalaking mahimbing pa rin ang tulog at hawak ang kanyang isang kamay.Hindi niya kita ang mukha ng lalaki dahil sa nakayuko ito. Bigla siyang nakaramdam ng takot at kaba ng muling masulyapan ang bulto ng lalaking nakahawak sa kanyang kamay.Inalis n'ya ang kamay niya sa pagkakahawak ng lalaki na naalimpungatan sa kanyang ginawa, kaya agad nag dilat ito ng mata at humarap sa kany
" Malapit ka ng manganak, Nicka. Nasa 9 cm na ang bata. Kakayanin mo naman ang normal delivery pero ipipainless kita para hindi ka gaanong mahirapan." wika ng OB-Gyne ni Nicka.Dinala siya ni Mike sa hospital kung saan siya nagpapacheck up monthly. Nataranta na kase ito ng makita siyang nasasaktan sa paghilab ng kanyang tiyan.Dis oras na ng gabi ng lumabas si Mike sa kwarto para kumuha sana ng maiinum ng makita niya si Nicka na nasa labas ng pintuan ng silid nito at halatang nasasaktan.Agad na binuhat ni Mike si Nicka at pasigaw na tinawag ang kasambahay para tulungan siya na kuhanin ang mga gamit ng baby ni Nicka sa kwarto nito at samahan sila sa ospital.Hindi naman kalayuan ang ospital sa lugar nila Mike at hindi rin trapik sa daan dahil nga sa gabing gabi na.Pagkarating nila sa ospital ay agad na inasikaso si Nicka at sinabi nga ng doktora na manganganak na siya ano mang oras.Samantala sa ospital kung saan dinala ni Mike si Nicka ay naroon din pala si Doc. Aileen, na nakaduty
Lumipas ang maraming buwan, malaki na ang tiyan ni Nicka at ilang linggo na lang ay maaari na siyang manganak.Nasa bahay pa rin siya nila Mike at tutor pa rin siya ni Alessia. Nakakalabas lang siya ng bahay ni Mike kapag kailangan niyang magpacheck up sa kanyang OB-GYNE na palaging kasama si Mike na napagkakamalan palagi na asawa niya.Nung una ay nahihiya siya kapag tinatanong si Mike kung asawa siya nito, pero kalaunan ay pinagtatawanan na lamang nila at sinasakyan ang mga akala ng ibang tao. Nagpapanggap na lang silang mag asawa sa harap ng iba, lalo na kay Cielo na ipinipilit noon ang sarili kay Mike na ilang beses din siyang pinagbantaan at sinaktan ng babae pero hindi siya nagpatinag hanggang sa ipinagbawal na ni Mike ang pagpasok ni Cielo sa kanyang pamamahay. Nagpahain sila ng restraining order para kay Cielo dahil sa ginawang pananakit nito kay Nicka.Nalaman na rin nila ang kasarian ng kambal ni Nicka, na marami ang natuwa dahil magkaiba ng gender ang twins. Isang lalaki at
Kasalukuyang nasa byahe na papuntang maynila sina Mike at Nicka, Ipinahatid sila kay Darwin na dtiver ng lolo Miguel ng lalaki kaya pareho silang nasa likuran ng driver nakaupo.Ilang oras na rin ang itinakbo ng sasakyan ay tahimik lang sila kaya binasag na ni Nicka ang katahimikan." Mike, pwede magtanong?" wika ni Nicka." Sure, anong itatanong mo?" sagot ng lalaki na umayos ng pagkakaupo dahil humarap ito sa kanya." Ano kase eh! kanina pa tayo magkasama rito sa sasakyan wala ka pang ibinibigay sa akin na impormasyon man lang tungkol kay Alessia. Tulad ng kung ilan taon na ba siya at kung anong mga hobbies niya." aniya kay Mike." Alessia is my niece, Anak siya ng bunso kong kapatid na si Rafael. I'm her guardian, magmula ng mamatay sa car accident ang kapatid ko. She is 7 years old at mahilig siyang mag drawing. Pumapasok na siya sa school, grade 1. Mabait na bata si Alessia kaya, for sure magugustuhan mo siya." litanya ni Mike na ikinatango ni Nicka." Ang sabi mo ikaw ang guardi
Sa sunflower farm nila Mike ay naratnan siya nila aling Romina, Judy Ann at Nicka na kinakausap ang ilan sa mga tauhan nila." Magandang umaga po senyorito Mike." bati ni aling Romina na katabi ang anak at si Nicka ng lumapit sila sa lalaki ng maiwan na itong mag isa sa kinatatayuan nito." Magandang umaga rin ho sa inyo aling Romina, kasama n'yo pala si Judy Ann at si Nicka. Si Mang Julian po?" malawak ang ngiting binalingan ng bati ang ginang." Nagtungo na sa hacienda, nagpahatid lang kami rito sa kanya senyorito. Abala ho kayo kanina kaya hindi na niya kayo inabala pa." maagap na sagot ni aling Romina sa lalaki." Buti at nakarating kayo rito sa sunflower farm at naabutan n'yo pa akong narito, Nicka, Judy Ann. Pabalik kase ako mamaya ng maynila at matatagalan siguro na makita ko kayong muli." saad ng lalaki sa kanila." Kumusta ka na, Nicka?" dugtong pang tanong ni Mike.Matipid ang ngiting sagot ni Nicka sa tanong ng lalaki. Tumango tango si Mike at nagpamulsa." Senyorito Mike,