Share

Chapter 2

Author: Moonstone13
last update Last Updated: 2023-07-13 15:56:42

Sakay ng bus mula Naga, Camarines Sur ay nakarating din si Nicka Mae sa bus terminal ng maynila pagkatapos ng siyam na oras na mahabang byahe. At dahil hindi pa niya alam ang pasikot sikot sa lugar ay naisipan niyang sumakay na ng taxi patungong ospital kung saan nakaconfine pa rin ang kanyang ama.

Pagkapasok niya sa ospital ay lumapit siya sa nurse station at nagtanong sa nurse kung saan ang way papunta sa room ng kanyang itay. Hiningi ng nurse sa kanya ang patient name at tinignan sa record ang pangalan ng ama niya at pagkatapos ay itinuro na nito ang daan patungo sa ward kung saan naroroon ang kanyang ama.

Tinahak niya ang daan papunta sa ward at bago siya pinapasok sa room ay hinarang siya ng isang nurse at inexamined muna siya at pinasuotan siya ng face mask at pinaghand sanitize.

Nang makapasok siya sa loob ng room, ay nakita niya agad ang kanyang ama dahil nasa bungad lang naman ang pwesto nito.

"Tay!? Tay, kumusta po kayo rito?" naluluhang tanong niya sa ama ng malapitan niya ito. Biglang bumagsak kase ang katawan ng ama niya, huli nilang nakita ang ama ay may nakausli pang taba sa tiyan ang itay niya, ngayon ay ang laki na ng ipinayat nito humumpak ang pisngi at lumalim ang mata.

"Nicka, anak! kanina ka pa ba dito sa ospital? mabuti at dumating ka na! gusto ko ng umuwi sa atin, anak. Ikaw lang ang hinihintay ng mga doctor para payagan akong makauwi. Ayokong magtagal rito, pakiramdam ko lalo lang akong manghihina." mahihimigan ng lungkot ang boses ng ama niya habang kinakausap siya nito.

"Kadarating ko lang po itay! pasensiya na po ngayon lang ako. Ano pong sabi ng doctor sa inyo tay?" aniya sa ama na pilit pinapanormal ang boses niya dahil ayaw niyang makita ng itay niya na naaawa siyang talaga rito.

"Ang sabi ng doctor acute tuberculosis raw, kaya pang mapagaling ng gamot basta hindi papalya sa pag inom ng mga gamot araw araw ay madali naman raw akong gagaling." seryosong saad ni mang Chris kay Nicka.

"Pwede na raw ho kayang idischarged agad!?" tanong niya sa ama.

"Yun ang sabi ng doctor kagabi sa tiya Tinay mo. Nga pala anak, pasensiya ka na kung ikaw na muna ang papalit sa akin sa mansion ha! madali lang naman ang trabaho mo don at naroon ang tiya Tinay mo kaya panatag ako na hindi ka mapapahamak rito sa maynila, basta makikinig ka lang sa tiyahin mo anak." hinging paumanhin ni mang Chris sa kanya.

"Tay, pumayag na po ba ang amo ninyo na ako ang maging kapalit mo?" tanong niya sa ama na ikinatango nito.

"Bago ako iwan ng tiya mo rito kagabi ay nakausap ko sa cellphone si Sir Arnel, nakiusap ako at ang tiya mo at pumayag naman siya. Napakabait ng amo kong iyon kaya wala kang magiging problema. Madalas naman din na sa bahay ka lang dahil hindi naman nagpapamaneho si sir Arnel pagpumapasok ng opisina. Nagdadala siya ng sarili niyang sasakyan. Nagpapahatid lang siya o sundo madalas sa airport kapag mag a out of town o lalabas siya ng bansa. Ikaw ang magdadrive kapag mamimili ang tiya mo sa palengke o grocery o kapag nautusan ka lang na magdala ng kung ano kay sir Arnel sa opisina o may ipapasuyo sa iyo. Kapag wala ka naman ginagawa linisan mo ang mga sasakyan at icheck mo ang makina at break ng mga kotse. Marunong ka naman nun di ba! dahil nag aral ka ng automotive." litanya ni mang Chris sa anak.

"Opo tay! tambay ako sa talyer nila Emman di po ba!? kaya naman maalam ako sa sasakyan, bukod sa nakapag aral pa ko ng automotive. Mabuti na lang at nahikayat ako ng kaibigan ko noon na mag aral ng pagmemekaniko kasabay niya!" nakangiting pagyayabang niya sa ama.

Si Emman ay ang bestfriend niya, na kababata din niya, na kapitbahay nila sa Naga. Na may sariling talyer ang pamilya.

"Nicka, patawad kung kailangan na mag stop ka muna sa pag aaral mo ng dahil sa akin! ayoko sana na malayo ka sa mga kapatid mo, pero paano tayo? wala naman akong ipon anak. Lahat ng sinasahod ko sa pag aaral at gastos ninyo sa bahay napupunta. Ang tiya Tinay mo ang nakaisip na kunin kang kasambahay sa mansyon, pero maliit lang ang sahod ng kasambahay kaya sinabi kong ikaw na lang ang maging driver tutal marunong ka naman sa mga sasakyan. Hayaan mo anak kapag gumaling na ko at pwede na uli akong magtrabaho ay papatigilin na kita sa trabaho sa mansyon, pangako ko yan sayo Nicka!"

"Huwag n'yo na po munang isipin yan itay! ang gumaling kayo ay sapat na sa akin. Okay lang po ako tay! nauunawaan ko po ang sitwasyon natin ngayon. Hindi n'yo naman ginustong magkasakit kayo di ba! pagsubok lang po ito sa atin at malalagpasan natin ito 'tay." seryoso niyang turan sa ama.

"Anong oras po ba ang rounds ng doctor ninyo?" pag iiba na niya ng usapan.

"Hindi ko alam, baka mamaya lang mag iikot na 'yon. Nga pala natawagan mo na ba ang mga kapatid mo? nasabi mo bang narito ka na?" pagpapaalala sa kanya ng ama.

"Natawagan ko na po kanina pagkababa ko ng bus sa terminal. Mamaya po tatawagan ko uli, sasabihin ko na iayos ang kwarto ninyo sa bahay at ilipat ang tv sa loob ng silid n'yo, para maging komportable kayo dun sa bahay!" aniya naman.

"Tay, alam naman po ninyo na nakakahawa ang sakit n'yo di po ba!? sana po makinig kayo kina Andrea at Kristoff kapag nandoon na kayo sa bahay ha. Hindi n'yo naman po siguro gusto na magkahawaan kayo sa bahay ng mga kapatid ko di po ba!?" seryoso niyang pakikipag-usap sa ama.

"Anak, hindi ako pasaway na katulad ng ate Grace ninyo na matigas ang ulo." tatawa tawang turan naman ni mang Chris sa kanya.

"Ikaw talaga 'tay! pinaalalahanan ko lang po kayo." nakangiti ng wika ni Nicka sa ama. Pagkatapos nilang makapag-usap ay gumaan na ang pakiramdam niya.

Ilang minuto ang hinintay nilang mag ama ng dumating ang doctor. Ipinakilala siya ng itay niya at ipinaliwanag ng doctor kay Nicka ang sakit ng kanyang ama. Tinanong niya ang doctor kung pwede ng ilabas ng ospital ang kanyang itay at kung maaring sa bahay na lamang magpagaling ang ama. Pumayag naman ang doctor na maidischarge si mang Chris sa araw ding iyon.

Itinawag ni Nicka sa tiyahin ang sinabi ng doctor at binilinan siya nito na hintayin ito sa ospital.

Mag aala una na ng tanghali ng dumating ang tiya niya. Kanina ay pansamantala niyang iniwan sa ward ang itay niya, dahil may oras ang dalaw sa pasyente at kailangan din naman niyang kumain. Nagpaalam siya sa ama niya na sa labas na lang din niya hihintayin ang tiya Tinay n'ya.

Sa canteen ng ospital sila ng tiyahin niya nagkita at doon na rin sila nag usap ng makarating ito sa ospital.

"Tiyang, paano po ang bill ni itay rito sa ospital? nagpatotal na po ako kanina sa registrars office. Masyado po palang malaki ang bill ni itay, hindi po sapat ang perang hawak ko." namumuroblemang wika niya sa tiyahin.

"Huwag mo ng intindihin ang bill Nicka, nag abot si sir Arnel ng pera para may pambayad kayo sa ospital at ito ipinabibigay niya sa ama mo." aning wika ng tiya Tinay niya at iniabot ang isang puting sobre na may lamang pera.

Tinanggap niya iyon at tinignan ang laman. Pera iyon, na tig-iisang libo. Napasulyap siya sa tiyahin dahil malaking halaga ang ibinigay ng amo ng ama niya.

"100 Thousand pesos yan! retirement fee ng ama mo. Ipinabibigay 'yan ni sir Arnel, dahil alam niyang kailangan yan ng ama mo at ninyong magkakapatid." paliwanag ng tiya niya sa kanya.

"Pwede na ninyong panimula yan! pero isipin mo Nicka na mabilis lang din mauubos yan, na hindi yan magiging pangmatagalan. Kinausap ko na ang amo ko at pumayag siya na maaari kang magpatuloy ng pag aaral mo sa gabi." dugtong pang saad ng tiya niya.

"Mag isip ka ngayon Nicka, kung papasok ka pa rin ba sa mansyon o hindi na!. Magdesisyon ka agad dahil kailangan namin ng driver sa bahay. Kung ayaw mo namang mamasukan sa mansyon ay hindi ka namin pipilitin ng ama mo. Maghahanap na lang si sir Arnel siguro ng iba." wika pa nito sa kanya. Saglit siyang natahimik at nag isip. Binigyan naman siya ng oras ng tiyahin niya na pag isipang mabuti ang sinabi nito sa kanya.

"Tama po kayo, tiyang Tinay! madali lang mauubos ang perang ito at kailangan pa rin namin ng pagkakakitaan monthly, kung payag naman po ang amo ninyo na mag aral pa rin ako ay iga-grab ko na po ang opportunity na 'to. Ihahatid ko lang po si itay sa amin at babalik din po ako agad para makapagsimula na sa trabaho." aniyang sagot sa kanyang tiya Tinay na natutuwa sa naging desisyon niya.

"Kung ganun ay iwan mo na sa akin ang ibang gamit mong dala at bibitbitin ko na pauwi sa mansyon at mamaya ay mailalabas mo na ang ama mo. Magpa-assist na lang kayo na maihatid kayo ng ama mo sa Naga. At bukas bago mag gabi ay aasahan ka namin sa mansyon. Alam kong kailangan mo pang kuhanin ang mga records mo sa univiersity para makapagtransfer ka rito. Mag eroplano ka na lang bukas para hindi ka matagalan sa byahe mo pabalik rito." litanya ng tiya niya at nagbilin na rin upang hindi siya magahol sa pagbalik niya ng maynila.

"Sige po tiyang, pakisabi po kay sir Arnel na salamat po sa lahat. Darating po ako sa mansyon bukas." turan pa niya na ikinatango ng tiyahin sa kanya.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Nerissa Mendoza
ganda tlaga
goodnovel comment avatar
Anna Mernilo
Ang bait nmn ni sir arnel
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Dela Cerna's Other Woman.   Chapter 3

    Pagkabayad ni Nicka ng bill sa ospital ay hinintay pa nila ang discharge paper na pinapirmahan sa doctor ng ama. Hindi nagtagal ang tiya niya sa ospital kanina dahil may trabaho pa raw ito. Nakipagkita lang ang tiyahin niya sa kanya para makausap siya ng personal at maiabot sa kanya ang pera na pinabibigay ng amo. Saglit lang din itong nagpakita sa kanyang ama para pagbilinan at paalalahanan.Gabi na ng makalabas sila ng ospital dahil bukod sa pirma ng doctor ay hinintay din nila ang sasakyan na inirequest nila para maghatid sa kanilang mag ama sa probinsiya. Nang makarating sila sa bahay nila ay nakaayos na ang silid ng kanilang ama. Naipaalam niya naman kase sa mga kapatid na pauwi silang mag ama.Pagkatapos ng kamustahan nila ay kinausap niya uli ang mga kapatid habang ang kanilang ama ay natutulog naman na."Bukas na bukas din ay babalik din ako ng maynila. Nangako ako kay tiyang na itutuloy ko ang trabaho ni itay sa mansyon. Makakapag-aral pa rin naman daw ako kaya okay na ko d

    Last Updated : 2023-07-13
  • Dela Cerna's Other Woman.   Chapter 4

    Gabi na ng makarating si Nicka sa mansyon ng mga Dela Cerna. Pagbaba pa lang niya sa taxi na sinakyan niya ay nakasalubong na sa kanya ang tiyahin niya sa labas ng gate."Sakto ang pagdating mo Nicka, dahil paparating pa lang si sir Arnel. Pumasok na tayo sa loob at magpalit ka na muna ng damit mo, magpahinga ka na rin muna sa quarters at tatawagin ka na lamang namin kapag narito na siya." aning wika ni Tinay sa pamangkin."Siya ba ang anak ni Chris, Tinay? aba ay napakaganda naman palang dalaga ng pamangkin mo! anak ba talaga yan ni Chris? Hindi ata nababagay na maging kasambahay at driver dito sa mansyon ang pamangkin mo, mas bagay sa kanya maging senyorita." turan at komento naman ng guard sa mansyon ng makita nito si Nicka."Maganda talaga yang pamangkin ko dahil maganda ang lahi namin Loreto. Huwag kang magtaka kung anak siya ni Chris, dahil kamukha si Nicka ng kapatid ko at hindi ng ama niya. Nicka, si Loreto pala ang security guard namin dito sa mansyon. Mapagbiro yan pero maba

    Last Updated : 2023-07-13
  • Dela Cerna's Other Woman.   Chapter 5

    "Narito na tayo sa labas ng library ni sir Arnel. Dito siya namamalagi kapag naririto siya sa bahay, dahil ito ang parang pinakaopisina niya sa loob ng bahay. Kinakabahan ka ba?" aning turan ng tiya niya."Medyo po tiyang!" pag aming sagot n'ya."Kasama mo naman ako sa loob kaya wag ka ng kabahan. Pasok na tayo!" aning turan ng tiya niya at kumatok na sa pinto."Come in!" sagot ng amo nila na nasa loob ng library.Binuksan ng tiya niya ang pinto at pinauna siyang pumasok. Malaki rin ang kabuuan ng library kaya medyo malayo sa pwesto nila ang among lalaki."Sir Arnel, kasama ko na po si Nicka ang anak po ni Chris na pamangkin ko naman!" wika ni Tinay sa amo na busy sa ginagawa nito sa harap ng laptop."Maupo muna kayo ng pamangkin mo manang, tapusin ko lang itong ginagawa ko." ani ng baritonong boses ng amo nila.Naupo muna sila sa mahabang sofa na naroon habang hinihintay na matapos ang amo sa ginagawa nito. Hindi pa masipat ni Nicka ang kabuuang mukha ng sir Arnel nila dahil nakayuko

    Last Updated : 2023-07-13
  • Dela Cerna's Other Woman.   Chapter 6

    Kinabukasan maagang lumabas ng silid niya si Arnel para pumasok sa kumpanya nila dahil may maaga siyang meeting with the board member para sa nakuha nilang bagong contract job na uumpisahan na nilang gawin next week. Nagmamadali siya kaya hindi na siya makakapag almusal pa.Dumiretso siya sa garahe para kunin ang sasakyan niya ng makita roon si Nicka na nagkacarwash ng mga sasakyan. Natigilan siya at napalunok siya ng laway ng mapansin ang suot ng dalaga. Nakasleeves na pang itaas at naka shorts lang ito. Kitang kita ang hubog ng katawan ni Nicka at malaporselanang kutis nito. Napapikit siya at napabuga ng hangin dahil pakiramdam niya naaakit siya sa anak ni mang Chris."Ay sir Arnel, kanina pa po ba kayo diyan!? pasensiya na po kung hindi ko po kayo agad napansin, Good morning po pala! paumanhin po kung hindi pa rin po ako tapos sa iba, pero wag po kayong mag alala sir inuna ko pong tapusin talaga ang gagamitin mong sasakyan. Navacuum ko na rin po ang loob ng kotse mo sir at na check

    Last Updated : 2023-07-13
  • Dela Cerna's Other Woman.   Chapter 7

    Samantalang sa mansyon ay nakapaligo at nakapagpalit na rin ng damit si Nicka, Kanina ay sinabi niya muna ang bilin ng amo nila para sa tiya niya ng bumalik siya sa quarters nila ng matapos siyang mag carwash at masalubong ang tiyahin na papasok naman na sa kusina.Sabay sabay silang kumakain ng almusal ng mag usisa siyang muli tungkol sa amo nila."Tiyang, may pagkaconservative po ba ang amo natin?" aniyang tanong."Si sir Arnel? conservative!? hindi ah! kung conservative siya e di sana hindi niya magugustuhan at mamahalin si ma'am Romary, ang asawa niya. Kung nakita mo lang kung papaano manamit ang asawa ni sir Arnel hindi mo maitatanong yan. Lahat ng damit ata ni ma'am ay mga kinulang sa tela, pero in fairness ha lahat naman ay bagay sa kanya dahil maganda at sexy naman talaga si ma'am Romary.." komentong react ni manang Tinay."Oo nga, kase si ma'am kung manamit yun parang yung artista na si Solenn, laging naka crop top at pekpek short kapag narito sa loob ng bahay. Okay lang nama

    Last Updated : 2023-07-20
  • Dela Cerna's Other Woman.   Chapter 8

    Nahiga na siya sa kama niya pero hindi pa rin siya makatulog. Naiisip niya ang pinag usapan nila ni Jane tungkol sa sir Arnel nila. Naaawa talaga siya sa amo niya, kaya pala palaging seryoso ang mukha ng amo niya at hindi niya nakikitang ngumiti at kaya pala may nababanaag siyang lungkot sa mga mata nito kase may mabigat pa lang pinagdaanang pagsubok sa buhay.Mag aalas dose na ng hating gabi ay hindi pa rin siya makatulog, panay na ang baling niya sa higaan ay hindi pa rin siya dalawin ng antok, kaya bumangon siya at lumabas ng kwarto niya, pupunta siya sa kusina para magtimpla at uminom ng gatas. Nakagawian na niya kase ang ganoon kapag hindi talaga siya makatulog kailangan niyang uminom ng isang basong gatas.Papasok pa lang siya sa kusina ng mapansin niyang nakabukas ang refrigerator. Nakiramdam muna siya at nagtago sa labas ng pintuan ng ķusina. Naisip niyang baka napasok sila ng magnanakaw pero parang hindi naman gumagalaw ang tao sa loob ng kusina. Naghanap siya ng bagay na pwe

    Last Updated : 2023-07-21
  • Dela Cerna's Other Woman.   Chapter 9

    Nagising si Arnel na masakit na masakit ang ulo. Nag inom siya kagabi sa night club na kasama ang mga kaibigan. Treat ni Marvin sa kanila dahil magiging tatay na naman ang kaibigan niya.Masayang masaya si Marvin dahil sa wakas raw ay masusundan na rin ang panganay nila ni Candice na si Julius na anim na taon na rin naman ngayon.Si Rodjun at Aileen naman ay dalawa na ang anak na isang taon lang ang naging pagitan. Actually buwan lang ang naging pagitan dahil tatlong buwan pa lang na nakakapanganak si Aileen ng muling magbuntis ang asawa ng kaibigan niya.Si Jasper naman ay may panganay na kambal at may bunso na rin na dalawang taon na ang edad. Lahat ng mga matatalik niyang kaibigan ay may masayang pamilya. Samantalang siya ay may asawa nga pero wala naman sa tabi niya.Napakalungkot na ng buhay niya magmula ng mamatay ang anak niyang si Kyline at iwan siya ni Romary Gail. Mahal niya ang asawa niya at naiintindihan niya kung bakit ganoon na lamang ang galit ni Romary Gail sa kanya da

    Last Updated : 2023-07-22
  • Dela Cerna's Other Woman.   Chapter 10

    Nagtataka man si Nicka sa amo ay sumunod na rin s'ya sa sir Arnel niyang nauna nang pumasok sa library."Maupo ka muna Nicka." utos ni Arnel sa dalaga."Ano pong pag uusapan natin sir Arnel?" tanong ni Nicka pagkaupo niya."Alam kong may alam ka na sa kung ano ang nangyari sa amin ng pamilya ko. Hindi ko na tatanungin kung sino ang nagsabi sa iyo, pero makikiusap ako na sana ay wag mo ng ikwento pa sa ibang kakilala mo ang pangyayari sa buhay ko." aning seryosong wika ni Arnel na hindi naiwasan ni Nicka na sulyapan sa mukha ang amo."Sir Arnel, pasensiya na po kung nagtanong tanong ako sa mga kasamahan ko rito sa mansyon. Medyo nacurious lang po ako ng malaman Kong nag iisa lang po kayong amo namin rito. Promise sir, hindi ko po ilalabas o ipagsasabi sa iba ang mga nalaman ko." aniyang turan sa kanyang among lalaki."Good kung ganun Nicka! And ayoko nga palang kinakaawaan ako." seryoso pa ring saad ni Arnel na nakatingin sa mukha ng dalaga.Nakaramdam naman ng biglaang pagkailang si Ni

    Last Updated : 2023-07-23

Latest chapter

  • Dela Cerna's Other Woman.   Chapter 95 FINALE

    Makalipas ang mahigit isang taon na katatapos lang din ng bonggang kaarawan ng kambal nila Arnel at Nicka. Na ngayon naman ay magaganap na ang araw ng kanilang pag iisang dibdib.Sa loob ng simbahan ay naroon na ang groom at ang mga abay, naroon na rin ang pamilya ni Nicka at mga ninong at ninang nila sa kasal. Marami na ring bisita ang mga naghihintay sa pagdating ng bride. Ngunit lagpas na ng ilang minuto sa nakatakdang oras ng kasal ay wala pa rin si Nicka." Pare, ano ka ba? lakad ka ng lakad d'yan kanina pa, nahihilo na kami sayo nila Marvin." sitang wika ni Rodjun kay Arnel." Kinakabahan ako, Buenaflor. Bakit wala pa rin si Nicka?" pag amin niya sa mga kaibigan na pinagtawanan s'ya ng mga ito." Ngayon ka pa talaga kakabahan, Sisipot si Nicka sa kasal ninyo, darating s'ya kaya relax ka lang pare!" pagpapakalma ni Jasper kay Arnel." Baka kase natrapik lang o kaya na late ng alis sa bahay ninyo, kaya hanggang ngayon ay wala pa. Importanteng araw ito para sa inyo ni Nicka kaya si

  • Dela Cerna's Other Woman.   Chapter 94

    Sa sementeryo kung saan nakalibing ang katawan ni Kyline ay nagtungo si Arnel at Nicka upang dalawin ang puntod ng namayapang panganay na anak ni Arnel. Hindi na muna nila isinama ang kambal at iniwan na muna ang kanilang anak sa yaya ng mga ito na si Annalyn. Ang kasambahay ni Nicka noon sa bahay sa Antipolo na tinirahan niya nung buntis pa siya, dahil sa kilala at malapit na rin kay Nicka ang babae ay ito na ang kinuha nilang yaya ng mga anak nila.Kaarawan ni Kyline, kaya nagpasamang dumalaw sa puntod ng anak niya si Arnel kay Nicka. Sa kauna- unahang pagkakataon ay naisama na rin ni Arnel si Nicka sa pagbisita sa libingan ng kanyang anak.Pagkarating nila roon ay agad na nilinis ni Arnel ang lapida sa puntod. Inilapag ang dala nilang bulaklak at sinindihan ang dalawang kandila. Tahimik na umusal ng dasal para sa kaluluwa ng panganay niyang anak, ganoon rin si Nicka na umusal din ng panalangin para sa kaluluwa ni Kyline na anak ng lalaking mahal n'ya at kapatid ng kanilang kambal

  • Dela Cerna's Other Woman.   Chapter 92

    Mabilis na lumipas ang araw, nakalabas na ng ospital si Nicka at ang kambal. Hindi na sila umuwi ng mansyon dahil sa bagong ipinagawang bahay ni Arnel sila nito itinuloy. Surprised gift ni Arnel para kay Nicka at pasasalamat sa pagsasakripisyo ng dalaga ng dahil sa kanya at sa kambal nila.Ang sabi ni Arnel kay Nicka ay pinasimulan nito ang pagpapagawa ng bahay malapit lang sa kumpanya nung malaman nito na buntis siya. Dahil gusto ni Arnel na iwanan na sa mansyon ang mga hindi magagandang ala-ala na kasama pa nito ang unang naging pamilya. Naisip ni Arnel na hindi maganda ang vibes ng mansyon nila dahil noon pa man ay hindi na maganda ang naging pagsasama ng magulang niya nung bata pa siya.Binatilyo pa lang si Arnel noon ng mamatay ang mommy n'ya at hindi pa man sila nakakapagbabang luksa ng magdesisyon ang kanyang daddy na iuwi sa mansyon nila ang babaeng ipinalit nito sa kanyang mommy at doon niya rin nalaman na may dalawa na pala itong anak sa labas sa naging madrasta niya na si M

  • Dela Cerna's Other Woman.   Chapter 91

    Samantala sa malaking bahay bakasyunan ni Gabriel sa Batangas, kung saan niya itinago si Romary. Kakagising lang ng babae at kalalabas lang din ng banyo ng mapasukan niya itong nakasuot pa rin ng pantulog.Sa loob ng ilang buwan na pagpapatherapy ni Romary ay maayos na muli ang kanyang paglalakad at nakabalik na sa dating pananamit, sa kung paano siya noon pumustura, pero hindi pa rin bumabalik ang kanyang alaalang nawala. Nung una ay nahirapan din sa Gabriel kay Romary Gail na papaniwalain ito na may mutual understanding na nga silang dalawa, bago pa man ito biglang nawala. Hindi kase mapaniwalaan ni Romary ang mga sinasabi at ipinapakitang proof sa kanya ni Gabriel na mga photos at videos na magkasama silang dalawa, pero alam ni Romary sa kanyang sarili na may kakaiba siyang nararamdaman para kay Gabriel nung makita pa lang niya ito sa mansyon nila Arnel.Naging maalaga naman kay Romary si Gabriel at nararamdaman ni Romary na may malalim na pagkagusto talaga sa kanya ang lalaki na

  • Dela Cerna's Other Woman.   Chapter 90

    Nagising si Nicka na dahan- dahang iminulat ang mga mata. Bahagya siyang umayos ng higa upang makomportable siya.Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng silid at napadako ang tingin niya sa taong nakadukmo ang ulo sa kanyang higaan, habang ito ay nakaupo sa upuang katabi ng kinahihigaan n'ya, na hawak pa ang isa niyang kamay.Napangiti si Nicka sa pag aakalang si Mike ang lalaking natutulog.Gigisingin na sana niya ito ng bumukas ang pintuan at pumasok roon si Mike kasama ang yaya ni Alessia.Nagulat si Nicka habang papalapit si Mike na malapad ang pagkakangiti sa kanya.Ibinalik niya ang tingin niya sa lalaking mahimbing pa rin ang tulog at hawak ang kanyang isang kamay.Hindi niya kita ang mukha ng lalaki dahil sa nakayuko ito. Bigla siyang nakaramdam ng takot at kaba ng muling masulyapan ang bulto ng lalaking nakahawak sa kanyang kamay.Inalis n'ya ang kamay niya sa pagkakahawak ng lalaki na naalimpungatan sa kanyang ginawa, kaya agad nag dilat ito ng mata at humarap sa kany

  • Dela Cerna's Other Woman.   Chapter 89

    " Malapit ka ng manganak, Nicka. Nasa 9 cm na ang bata. Kakayanin mo naman ang normal delivery pero ipipainless kita para hindi ka gaanong mahirapan." wika ng OB-Gyne ni Nicka.Dinala siya ni Mike sa hospital kung saan siya nagpapacheck up monthly. Nataranta na kase ito ng makita siyang nasasaktan sa paghilab ng kanyang tiyan.Dis oras na ng gabi ng lumabas si Mike sa kwarto para kumuha sana ng maiinum ng makita niya si Nicka na nasa labas ng pintuan ng silid nito at halatang nasasaktan.Agad na binuhat ni Mike si Nicka at pasigaw na tinawag ang kasambahay para tulungan siya na kuhanin ang mga gamit ng baby ni Nicka sa kwarto nito at samahan sila sa ospital.Hindi naman kalayuan ang ospital sa lugar nila Mike at hindi rin trapik sa daan dahil nga sa gabing gabi na.Pagkarating nila sa ospital ay agad na inasikaso si Nicka at sinabi nga ng doktora na manganganak na siya ano mang oras.Samantala sa ospital kung saan dinala ni Mike si Nicka ay naroon din pala si Doc. Aileen, na nakaduty

  • Dela Cerna's Other Woman.   Chapter 88

    Lumipas ang maraming buwan, malaki na ang tiyan ni Nicka at ilang linggo na lang ay maaari na siyang manganak.Nasa bahay pa rin siya nila Mike at tutor pa rin siya ni Alessia. Nakakalabas lang siya ng bahay ni Mike kapag kailangan niyang magpacheck up sa kanyang OB-GYNE na palaging kasama si Mike na napagkakamalan palagi na asawa niya.Nung una ay nahihiya siya kapag tinatanong si Mike kung asawa siya nito, pero kalaunan ay pinagtatawanan na lamang nila at sinasakyan ang mga akala ng ibang tao. Nagpapanggap na lang silang mag asawa sa harap ng iba, lalo na kay Cielo na ipinipilit noon ang sarili kay Mike na ilang beses din siyang pinagbantaan at sinaktan ng babae pero hindi siya nagpatinag hanggang sa ipinagbawal na ni Mike ang pagpasok ni Cielo sa kanyang pamamahay. Nagpahain sila ng restraining order para kay Cielo dahil sa ginawang pananakit nito kay Nicka.Nalaman na rin nila ang kasarian ng kambal ni Nicka, na marami ang natuwa dahil magkaiba ng gender ang twins. Isang lalaki at

  • Dela Cerna's Other Woman.   Chapter 87

    Kasalukuyang nasa byahe na papuntang maynila sina Mike at Nicka, Ipinahatid sila kay Darwin na dtiver ng lolo Miguel ng lalaki kaya pareho silang nasa likuran ng driver nakaupo.Ilang oras na rin ang itinakbo ng sasakyan ay tahimik lang sila kaya binasag na ni Nicka ang katahimikan." Mike, pwede magtanong?" wika ni Nicka." Sure, anong itatanong mo?" sagot ng lalaki na umayos ng pagkakaupo dahil humarap ito sa kanya." Ano kase eh! kanina pa tayo magkasama rito sa sasakyan wala ka pang ibinibigay sa akin na impormasyon man lang tungkol kay Alessia. Tulad ng kung ilan taon na ba siya at kung anong mga hobbies niya." aniya kay Mike." Alessia is my niece, Anak siya ng bunso kong kapatid na si Rafael. I'm her guardian, magmula ng mamatay sa car accident ang kapatid ko. She is 7 years old at mahilig siyang mag drawing. Pumapasok na siya sa school, grade 1. Mabait na bata si Alessia kaya, for sure magugustuhan mo siya." litanya ni Mike na ikinatango ni Nicka." Ang sabi mo ikaw ang guardi

  • Dela Cerna's Other Woman.   Chapter 86

    Sa sunflower farm nila Mike ay naratnan siya nila aling Romina, Judy Ann at Nicka na kinakausap ang ilan sa mga tauhan nila." Magandang umaga po senyorito Mike." bati ni aling Romina na katabi ang anak at si Nicka ng lumapit sila sa lalaki ng maiwan na itong mag isa sa kinatatayuan nito." Magandang umaga rin ho sa inyo aling Romina, kasama n'yo pala si Judy Ann at si Nicka. Si Mang Julian po?" malawak ang ngiting binalingan ng bati ang ginang." Nagtungo na sa hacienda, nagpahatid lang kami rito sa kanya senyorito. Abala ho kayo kanina kaya hindi na niya kayo inabala pa." maagap na sagot ni aling Romina sa lalaki." Buti at nakarating kayo rito sa sunflower farm at naabutan n'yo pa akong narito, Nicka, Judy Ann. Pabalik kase ako mamaya ng maynila at matatagalan siguro na makita ko kayong muli." saad ng lalaki sa kanila." Kumusta ka na, Nicka?" dugtong pang tanong ni Mike.Matipid ang ngiting sagot ni Nicka sa tanong ng lalaki. Tumango tango si Mike at nagpamulsa." Senyorito Mike,

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status