All Chapters of The Billionaire's Bedwarmer : Chapter 31 - Chapter 40

56 Chapters

Kabanata 27

"Bakit parang gumagwapo ka ngayon?" Wala sa sariling tanong ni Almirah isang araw na namamahinga sila sa gazebo na nasa hardin ng kanilang mansion. Nakaunan ang ulo ni Almirah sa tiyan ni Lazarus at hinahaplos naman ng huli ang kaniyang buhok. "Tss. Iyan ka na naman sa mga pa-ganiyan mo. Kapag pinatulan ko 'yan mamaya may masabi ka na naman, o baka maasar ka tapos sa sofa mo na naman ako patulugin," natatawang ani Lazarus. Hindi naman kasi iyon ang unang beses niya iyong sinabi sa loob ng isang linggo. Simula nang makabalik sila mula sa Isla ay palagi na lang siya nitong pinupuri, inaasar, o pinanggigigilan. "Totoo naman kasi!" Pagsusungit kaagad nito. Humaba pa ang nguso na para bang may kung anong hindi nagustuhan sa sinabi ni Lazarus. Natatawang yumuko si Lazarus para sana bigyan ng halik sa labi si Almirah ngunit iniwas nito ang kaniyang mukha. "Parang hindi pa naniniwala e nagsasabi naman ako ng totoo..." bulong nito habang hindi pa rin maipinta ang mukha."Kaya nga... bakit
Read more

Kabanata 28

"Ang sakit ng tiyan ko, Lazarus... parang manganganak na yata ako..." Bakas sa mukha ni Almirah ang sakit na kaniyang nararamdaman habang panay ang hinga nito nang malalim. She tried sitting on the bed but everytime she moves, lalo lamang niyang nararamdaman ang kirot kaya hinayaan niya ang kaniyang sarili na mahiga na lamang sa kama. Sa bawat pagpatak ng segundo ay mas bumibilis ang pintig ng kaniyang puso. Malamig sa buong silid ngunit unti-unting namumuo ang pawis sa kaniyang katawan. She clutched on the bedsheets to gather some strength and courage to fight the burning pain she's feeling. Sa nakalipas na buwan ay naging maayos naman ang lahat. Naging normal lang naman ang kaniyang pagbubuntis at walang gaanong kumplikasyon. Ang tanging payo lamang ng Doktor sa kaniya ay iwasan niya ang stress, matulog sa tamang oras at kumain ng mga masusutansiyang pagkain. "W-What?" Gulat na sambit ni Lazarus nang magising ito mula sa pagkakaidlip. Nanlalaki ang mga nito ay bakas ang pagkaka
Read more

Kabanata 29

"Sure ka na ba talaga sa desisyon mong isasama mo ako sa opisina mo? Confident ka talaga na wala akong makikita roon, huh?" Pang-aasar ni Almirah kay Lazarus nang paalis na si ang huli para sa pagpasok sa opisina nito.As much as he wants her to go with him, hindi pa puwede sa ngayon dahil gusto niyang tutukan ang pag-aalaga kay Migo gayong hindi pa nakababalik ang mga mag-aalaga rito. She wants to be hands on in gaming care of their son, especially that he's just growing so fast. Gusto niyang sulitin ang pag-aalaga rito ngayong bata pa ito. "Of course. Takot ko na lang sa'yo kapag may nahanap ka nga roon. Kaya nga rin kita gustong isama sana para matigil ka na sa kaaasar mo sa akin," nakangising ani Lazarus habang inaayos naman ni Almirah ang kaniyang necktie. "Malelate ka na kung hindi ka pa aalis ngayon. Hindi ba ay may meeting ka pa?" sa huli ay nasabi na lamang ni Almirah dahil baka makumbinsi pa siya ni Lazarus na sumama sa kaniya. "Okay, okay... take care of yourself and th
Read more

Kabanata 30

Maagang umalis ng bahay si Lazarus sa araw na iyon para personal na puntahan ang kaniyang mga magulang sa bahay ng mga ito para sa nalalapit na kasal nila ni Almirah. Tatlong araw na lang kasi ay magaganap na ang pinakahihintay niyang kasal nila. In his mind, he's overjoyed and overwhelmed thinking that they would finally tie the knot after a very long time. Ang kaniyang ama ang naabutan niya roon, pero gusto niya ring kausapin ang kaniyang Ina tungkol sa ilang mga mahahalagang bagay kaya hinintay niya itong makabalik dahil nag-shopping daw ito kasama na naman ni Ariella. Habang naghihintay ay naisip nilang mag-ama na uminom muna sa mini bar ng mansion ng kaniyang mga magulang. Doon ay napag-usapan nila ang iilang bagay tungkol sa kaniyang Ina. "Luckily, Almirah did not do anything after that call. Alam ko kung gaano kahaba ng pasensiya ng asawa ko pero kapag ipinagpatuloy nila ang ganoong gawain nila at naisip niyang kumprontahin si Ariella at Mama, wala akong gagawin para pigilan
Read more

Kabanata 31

It was the biggest day for Almirah and Lazarus.Their wedding day has finally came, at minuto na lamang ang hinihintay ni Lazarus para legal niyang matawag si Almirah bilang kaniyang asawa. He waited for that very moment to happen. He dreamt, prayed, cried, and bled for that to happen at ngayong mangyayari na ay walang mapagsidlan ang sayang kaniyang nararamdaman. "Wala pa nga pero naiiyak ka na? Paano pa kaya kapag naglalakad na papunta sa'yo? Edi pumalahaw ka na ng iyak niyan?" It was his brother Leviticus who spoke beside him. Siya kasi ang groomsmen nito kaya ngayon ay nakukuha pang mang-asar sa kapatid. "I don't care on whatever you say, Lev. Kahit bumaha pa rito dahil sa pag-iyak ko, wala akong pakialam," aniya nang hindi inaalis ang kaniyang mga mata sa malaking pinto ng simbahan na napalilibutan ng iba't ibang makukulay na mga bulaklak. Natawa na lamang si Leviticus sa sinabi ng kaniyang kapatid. Tinapik niya rin ito sa likod bilang pagpapakita ng suporta rito. He was just
Read more

Kabanata 32

It's been a week since their wedding but for Lazarus, it felt like everything just happened yesterday. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang kasal na sila kahit na matagal niya namang inabangan iyon noon. They went to Singapore, Paris, Amsterdam, Greece, and New Zealand for their honeymoon. Mas maraming bansa pa sana kung hindi lang iniisip ni Almirah ang kanilang mga anak, lalo na si Migo. He's just so young to travel at gawa ng pag-aalala ay kinumbinsi ni Almirah si Lazarus na tama na muna ang mga bansang kanilang nabisita sa ngayon. Kaya naman sa araw na iyon ay nasa kanilang bahay lamang sila upang sulitin ang natitirang araw ng bakasyon ni Almiah dahil kapag may pasok na ulit ito ay halos aligaga na naman ang lahat. Nakahiga si Lazarus sa damuhan, nakatuko ang kaniyang siko para kahit paano ay makita pa rin ang mga anak na naglalaro sa kanilang malayong harap. Ang isang kamay niya ay nakapatong sa nakatuping hita ni Almirah. Habang ang huli naman ay nakaupo sa k
Read more

Kabanata 33

"Manang, nakita niyo ho ba si Almirah?" Tanong ni Lazarus nang nagising siya mula sa mahimbing na pagkakatulog kinabukasan. Wala na kasi ang kaniyang asawa sa tabi nito kanina at sinubukan niya na ring hanapin sa silid ng kanilang mga anak ngunit ang mga anak lamang na mahimbing na natutulog ang kaniyang naabutan. Hinanap niya na rin sa iba't ibang sulok ng mansion ngunit hindi niya talaga ito makita. "Hindi ko naman po nakita, Sir. Wala po ba sa silid ng mga bata?" Balik tanong sa kaniya ng matandang kasambahay. "Wala," tipid niyang sagot habang iginagala ang paningin sa buong paligid. "E, sa hardin po, Sir? O kaya natawagan niyo ho ba? Baka naman po lumabas dahil may binili o ano?" Suhestiyon pa nito ngunit nagawa niya na itong tawagan pero naiwan naman nito ang kaniyang telepono.Ang kasambahay na rin ang huli niyang puwedeng mapagtatanungan sa buong bahay ngunit dahil hindi rin nito alam ang kinaroroonan ni Almirah ay wala na siyang ibang pagpipilian pa. There's no way he woul
Read more

Kabanata 34

Nakatitig lamang si Lazarus sa kawalan habang nasa kanilang silid. Ilang araw na ang lumipas simula nang umalis si Almirah at ilang araw na rin siyang parang walang buhay. Kung hindi lang dahil sa kanilang mga anak ay baka mas piliin niya na lang na magkulong sa apat na sulok ng kanilang silid. He was aware that she's up to something kaya ito umalis at hindi na muna hanapin dahil maaari lamang makaapekto ito sa kaniyang ginagawa pero hindi pa rin maiwasan ni Lazarus na hindi ito hanapin. Minsan, hindi niya alam kung masyado lang ba siyang nag-iisip ng kung ano-ano pero pakiramdam niya ay nasa paligid lang si Almirah. He just could feel her presence anywhere he goes. Dahil sa kaniyang mga narinig nang may huling tumawag sa telepono nito ay nakaramdam siya ng kaguluhan sa isip ngunit pilit niya na lang ding iniintindi iyon alang-alang kay Almirah at sa kaligtasan nito. Hindi niya rin alam kung kailan ito babalik ngunit ang hiling niya lang naman sa mga oras na iyon ay sana mas maaga
Read more

Kabanata 34 (Continuation)

When Almirah entered the powder room, Lazarus did not waste any time to follow her inside. Walang pag-aalinlangan siyang pumasok doon habang dalawa sa mga tauhan niya ang nagbabantay sa labas. Sinenyasan niya ang nga ito na huwag magpapapasok ng kung sino habang nasa loob sila bago niya isinarado ang pinto. Sinigurado niya rin munang wala ng ibang tao sa loob, then he made sure it's locked before he breathed deep as he waited for Almirah to be out of the cubicle she was in. He waited patiently, and after a couple of minutes, she came out from third cubicle. May kung ano itong hinahanap sa kaniyang purse kaya hindi siya nito kaagad na nakita. Hinayaan siya ni Lazarus hanggang sa nag-angat ito ng tingin sa salamin. He just stood there waiting for their eyes to finally meet, and when it does... there were just to many emotions in her eyes for Lazarus to determine. Ilang sandali ring nakaawang lamang ang bibig ni Almirah habang nakatingin sa kaniya na tila ba pinoproseso pa nang mabuti
Read more

Kabanata 35

"Are you sure with this, Miss? Baka naman puwede pang pakiusapan si Mr. Montreal sa mga kondisyon niya?" Tanong ni Bonny nang nakasakay na sila sa sasakyan para makauwi na. Almirah sighed to show Bonny na nahihirapan siya sa desisyong ginawa niya kahit ang totoo ay halos magbunyi siya dahil sa tuwa. His offer means she could be with her husband and their kids kaya bakit niya iyon pagsisisihan? "Hayaan mo na, Bonny. Importante ang artifact na iyon sa kataas-taasan kaya kailangan nating magsakripisyo. Isa pa, hindi na magbabago ang isip n'on," aniya at muling bumuntonghininga. Kunot noong napalingon sa kaniya si Bonny. "Paano mo nalaman, Miss?" Takhang tanong nito. Nakagat na lamang na Almirah ang kaniyang dila nang natantong masyado siyang nakakapagsabi ng kung ano-ano at kung hindi pa titigil ay baka mahalata na. "I just know. The way he talks firmly earlier, kapansin-pansin namang pinal na ang desisyon niyang iyon," aniya upang isalba ang sarili. Nagkatinginan na lang silang da
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status