All Chapters of The Billionaire's Bedwarmer : Chapter 41 - Chapter 50

56 Chapters

Kabanata 35 (Continuation)

Their first transaction was "successful". Nakailang beses nang tanong sa kaniya si Bonny kung ayos lang siya at kung ginawa bang masama sa kaniya pero panay lang din naman ang iling niya.Almirah knew that no one should know about everything that happened inside that room. Kung paano siya inangkin nang paulit-ulit ng kaniyang asawa at kung paano siya nagmakaawa na tama na dahil hindi na niya kaya. "I did not press the button on this watch, Bonny, so that means I'm okay... alright? Stop worrying about me too much," nakangiting aniya kay Bonny para matigil na ito sa katatanong sa kaniya. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Bonny bago siya nito binalingan. "You can't blame me, Miss. Siyempre kapag napahamak ka at para ko na ring pinatay ang sarili ko. Your safety is my lifeline kaya hindi puwedeng may kung anong mangyari sa'yo," he reasoned. Napatango na lamang si Almirah. Siguro ay iyon ang bilin ng kaniyang ama rito. They all know how dangerous her father could be ka
Read more

Kabanata 35 (Continuation 2)

"Excuse me, Miss? Ano'ng kailangan mo?" It was Bonny who interrupted when Almirah didn't utter any word as a reply to Ariella's inquiry earlier and she was still under shock. Hindi niya pa alam kung paano ipoproseso ng kaniyang utak ang lahat ng nangyayari. "Uh, it's okay, Bonny... I know her," pigil niya kay Bonny na akmang haharang na sa harap niya. Nalilito siyang binalingan nito bago bumalik ang tingin kay Ariella na mukhang naalarma rin sa ginawa ni Bonny. Hindi na kasi siya nagsama pa ng mga bantay kanina dahil ayaw niyang makakuha pa ng atensiyon mula sa ibang tao. Ayaw pa sanang pumayag ni Bonny ngunit dahil pinakiusapan niya ito ay napapayag din naman sa huli. "Mag-uusap lang kami sandali," anito habang nakatingin kay Ariella na nangungusap ang mga matang nakatingin din sa kaniya. Bonny's jaw clenched as if he wants to disagree on what she just said. Nag-aalala lang ito para sa kaniya ngunit dahil iyon ang hiling ay isang malalim na buntonghininga na lamang ang kaniyang
Read more

Author's Announcement and Appreciation Note

Hello po, readers! As you may noticed by now po, umikli po ang bawat kabanata na ipinupublish ko lately dahil na-realize ko rin naman po na masyadong mataas/mahal ang coins/bonus para mabasa ang mga nakaraang Kabanata kaya para mas abot kaya po siya ng mga mambabasa ay hahati-hatiin ko na lang po sa ilang parts. Gan'on pa rin naman po ang coins/bonus na magagamit pero at least po kapag gan'on, hindi isahang bagsak ang hugot ng coins/ bonus po sa inyo. Puwedeng sa ibang araw niyo basahin, gan'on po, tiyagaan lang po talaga sa pagiipon ng bonus o coins. Plus, may daily bonus din naman po di Goodnovel po kaya ayon po. Puwede rin po kayong manood ng ads po para mabuksan po ang mga kabanata. Aside from that, I want to thank you all na rin po sa mga nagbabasa, vote ng gems, comment at nag-a-add po ng story na ito saka kanilang mga library po. Sobrang na-a-appreciate ko po kayo!Hindi ko po akalain na magkakaroon ng gems ang story na ito noong nagsimula po akong isulat ito, nagkaroon po a
Read more

Kabanata 36

Ipinatawag ni Almirah si Bonny sa kaniyang opisina sa bahay ni Arthur para sa isang misyon. Hindi niya puwedeng ipagpasawalang bahala ang sinabi sa kaniya lalo pa at buhay ng kaniyang mga anak ang nakasalalay. "Miss," si Bonny na kapapasok lang sa pinto. She snapped out of her thoughts to accommodate him. Alam niyang kahit kaya naman ni Lazarus na protektahan ang kanilang mga anak pero hindi siya makakapante hangga't wala siyang ginagawa para mas madagdagan ang proteksyon ng mga ito. Isa pa ay hindi rin naman alam ni Lazarus ang tungkol sa planong iyon ng kaniyang Ina, and she can't just let her guards down. "I want you to send five of your skilled men para bantayan ang address na ibibigay ko sa'yo," panimula niya. She can't help but to tighten her jaw as rage is starting to consume her again. "Tell them to report to me if thy notice any unusual person who are tailing, bothering, or imposing threats to those who lives there," anito saka niya iniabot ang papel na naglalaman ng addr
Read more

Kabanata 37

Almirah never imagined that she could ever raise havoc in front of someone else's house. It was never her thing, pero dahil ibang usapan na ang pagtatangka sa kaniyang pamilya ay hindi puwedeng basta lang siyang manahimik. "Ma'am, pasensiya na po pero ang bilin ni Ma'am ang huwag na huwag kang papapasukin," anang guard sa kaniya na bakas din naman ang pagkadisgusto sa ginagawa. "I just want to talk to her," it was her trying to be calm amidst the chaos she's feeling inside her head. "Pasensiya na, Ma'am... ginagawa ko lang po ang trabaho ko. Gustuhin ko man pong papasukin kayo... ayoko pong masisante dahil may anak po akong pinag-aaral," halos makiusap na ito sa kaniya. Naiintindihan naman ni Almirah ang kalagayan ni Almirah. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit kailangan pang takutin para lang sundin ang utos na hindi naman dapat. "Magkano ang pinapasahod sa'yo rito, Kuya? I will hire you once I get this done tripling the price of your salary here only if you want," sh
Read more

Kabanata 38

Ramdam ni Lazarus ang pagragasa ng kaniyang kumukulong dugo habang nagmamaneho patungo sa bahay ng kaniyang mga magulang dahil sa kaniyang nalaman. For years, he was blind of what happened pero ngayong alam na niya ang totoo, hindi na niya ito palalagpasin. Ang akala niya pa naman ay ang pagkadisgusto nito kay Almirah at sa kanilang mga apo lang ang nagawa ng kaniyang Ina, ngunit lingid sa kaniyang kaalaaman ay ito rin pala ang dahilan kung bakit napunta sa kaniya si Almiah nang sanggol pa ito at ito rin ang dahilan kung bakit nagdusa ang kaniyang asawa ng ilang taon. Halos paliparin na niya ang sasakyan para mas mabilis lang na makarating doon. He was just reading some files and proposals earlier when he was called by one of his trusted workers from his parents' house. "What is it, Manang?" Tanong niya nang masagot ang tawag. Masasabi niyang abala siya ngunit hindi kailanman para sagutin ang tawag nito daily alam niyang kapag tumawag ito ay importanteng bagay ang sasabihin nito
Read more

Kabanata 38 (Continuation)

"Ilang beses na rin niya itong pinagisipan, and I'm glad that he finally decided that end everything with you. Imagine, ngayon lang siya tuluyang natauhan pagkatapos mo siyang paikutin nang ilang taon? He loved you, but sometimes you just need to let go of those who don't see your worth and love because they are blinded by money and power," Lazarus said which made her look more scared for her dear life. Hindi rin naman lubos akalain ni Lazarus na aabot ang lahat sa gan'ong sitwasyon. Masaya naman noon, at least based on what he could see. Ngayon niya lang din naisip na baka kaya nga gan'on ay dahil sinubukan naman talagang gawin ng kaniyang ama ang lahat para kalimutan ang nakaraan pero ngayon na lang hindi tuluyang kinaya dahil sa lahat ng nangyayari. "I came here to confirm something but you made me say things I know you wouldn't like. I know now that you're the one responsible on why Almirah had to suffer for years! You made her believe that our baby died, huh? Para saan, ha? Sa
Read more

Kabanata 39

Madaling araw nang maalimpungatan si Almirah. Kumpara sa pakiramdam niya kahapon ay mas mabuti na ang ngayon. Nakakagalaw na rin siya nang mas maayos ngayon at nang nakaupo na sa kama ay namataan niya si Lazarus na nasa sofa, kaharap ng kama kung saan siya nakahiga. Gising pa rin ito habang seryosong nakatingin sa kaniyang laptop na tila ba may kung anong pinapanood o binabasa. His fist was on his chin making him look more serious on what he was doing, ngunit nang nakita ang paggalaw ni Almirah ay kaagad nitong isinantabi ang kaniyang laptop bago ito lumapit sa kaniya. "How are you feeling now?" Baka pa rin ang pag-aalala sa mukha at boses nito nang lumuhod ito sa gilid ng kama. Mabilis na dumapo ang likod ng kaniyang kamay sa noo ni Almirah para damhin kung mainit pa ba ito o mas bumuti na. He let out a sigh of relief when he felt that her body is now warm, not hot as last night. Parang may kung anong mabigat na bagay ang naalis sa kaniyang dibdib. "Hindi ka pa natutulog 'no?" S
Read more

Kabanata 40

When Lazarus woke up, mahimbing pa rin ang tulog ni Almirah kaya hindi rin muna siya gumalaw. He just stared at his peacefully sleeping wife. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nitong tumatabing sa kaniyang mukha para mas malinaw niyang makita ang mukha nito. She looks so innocent, kaya lalo siyang nasasaktan kapag naiisip niyang ang dami nitong pinagdadaanang hindi niya alam. Kahit hindi naman nito sabihin sa kaniya, alam niyang marami itong iniisip at marami ring nakadagang responsibilidad sa dibdib nito. Dahan-dahan niyang hinaplos ang malambot nitong mukha at habang nakatitig siya rito ay hindi niya maiwasang maisip ang mga desisyong nagawa niya noon. "Are you sure you want this position, son?" His father asked. Pareho silang nasa opisina nito noon habang pinag-uusapan ang paglipat sa posisyon nito sa kaniya. "I trust in you, but you don't have to do this just because you're pressured. Kaya ko pa namang gampanan ang pagiging CEO ng kompanyang ito kaya ayos lang kung gagawin m
Read more

Kabanata 41

"Mabuti naman at naisip mong lumabas kahit sandali lang sa kwarto ng asawa mo?" Nakangising tanong ni Arthur kay Lazarus nang magpang-abot ang mga ito sa kusina. He was rummaging through the fridge when Arthur saw him kaya kinailangan niya pang pumihit para maharap ito nang marinig niya itong nagsalita. "I'm gonna cook us breakfast," simple niyang sinabi habang nilalapag ang mga nakuhang pagkain sa fridge. Arthur let out a soft chuckle. "Kung makakalkal ka sa fridge ko, parang bahay mo 'to, a?" Napailing-iling pa ito habang naglalakad palapit sa isang highchair. "Forward me your bank account at babayaran ko sa'yo kung magkano 'to lahat," ani Lazarus nang hindi siya binabalingan. Nagpatuloy ito sa pag-aayos ng mga gagamitin para sa pagluluto ng kanilang agahan. Arthur shook his head more. Nagbibiro lang naman siya at masyadong seryoso ang kaniyang kausap. "Hindi na kailangan," sabi rin naman nito kalaunan. "Almirah is like a sister to me, at dahil asawa ka niya, it's fine for me
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status