"Ilang beses na rin niya itong pinagisipan, and I'm glad that he finally decided that end everything with you. Imagine, ngayon lang siya tuluyang natauhan pagkatapos mo siyang paikutin nang ilang taon? He loved you, but sometimes you just need to let go of those who don't see your worth and love because they are blinded by money and power," Lazarus said which made her look more scared for her dear life. Hindi rin naman lubos akalain ni Lazarus na aabot ang lahat sa gan'ong sitwasyon. Masaya naman noon, at least based on what he could see. Ngayon niya lang din naisip na baka kaya nga gan'on ay dahil sinubukan naman talagang gawin ng kaniyang ama ang lahat para kalimutan ang nakaraan pero ngayon na lang hindi tuluyang kinaya dahil sa lahat ng nangyayari. "I came here to confirm something but you made me say things I know you wouldn't like. I know now that you're the one responsible on why Almirah had to suffer for years! You made her believe that our baby died, huh? Para saan, ha? Sa
Madaling araw nang maalimpungatan si Almirah. Kumpara sa pakiramdam niya kahapon ay mas mabuti na ang ngayon. Nakakagalaw na rin siya nang mas maayos ngayon at nang nakaupo na sa kama ay namataan niya si Lazarus na nasa sofa, kaharap ng kama kung saan siya nakahiga. Gising pa rin ito habang seryosong nakatingin sa kaniyang laptop na tila ba may kung anong pinapanood o binabasa. His fist was on his chin making him look more serious on what he was doing, ngunit nang nakita ang paggalaw ni Almirah ay kaagad nitong isinantabi ang kaniyang laptop bago ito lumapit sa kaniya. "How are you feeling now?" Baka pa rin ang pag-aalala sa mukha at boses nito nang lumuhod ito sa gilid ng kama. Mabilis na dumapo ang likod ng kaniyang kamay sa noo ni Almirah para damhin kung mainit pa ba ito o mas bumuti na. He let out a sigh of relief when he felt that her body is now warm, not hot as last night. Parang may kung anong mabigat na bagay ang naalis sa kaniyang dibdib. "Hindi ka pa natutulog 'no?" S
When Lazarus woke up, mahimbing pa rin ang tulog ni Almirah kaya hindi rin muna siya gumalaw. He just stared at his peacefully sleeping wife. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nitong tumatabing sa kaniyang mukha para mas malinaw niyang makita ang mukha nito. She looks so innocent, kaya lalo siyang nasasaktan kapag naiisip niyang ang dami nitong pinagdadaanang hindi niya alam. Kahit hindi naman nito sabihin sa kaniya, alam niyang marami itong iniisip at marami ring nakadagang responsibilidad sa dibdib nito. Dahan-dahan niyang hinaplos ang malambot nitong mukha at habang nakatitig siya rito ay hindi niya maiwasang maisip ang mga desisyong nagawa niya noon. "Are you sure you want this position, son?" His father asked. Pareho silang nasa opisina nito noon habang pinag-uusapan ang paglipat sa posisyon nito sa kaniya. "I trust in you, but you don't have to do this just because you're pressured. Kaya ko pa namang gampanan ang pagiging CEO ng kompanyang ito kaya ayos lang kung gagawin m
"Mabuti naman at naisip mong lumabas kahit sandali lang sa kwarto ng asawa mo?" Nakangising tanong ni Arthur kay Lazarus nang magpang-abot ang mga ito sa kusina. He was rummaging through the fridge when Arthur saw him kaya kinailangan niya pang pumihit para maharap ito nang marinig niya itong nagsalita. "I'm gonna cook us breakfast," simple niyang sinabi habang nilalapag ang mga nakuhang pagkain sa fridge. Arthur let out a soft chuckle. "Kung makakalkal ka sa fridge ko, parang bahay mo 'to, a?" Napailing-iling pa ito habang naglalakad palapit sa isang highchair. "Forward me your bank account at babayaran ko sa'yo kung magkano 'to lahat," ani Lazarus nang hindi siya binabalingan. Nagpatuloy ito sa pag-aayos ng mga gagamitin para sa pagluluto ng kanilang agahan. Arthur shook his head more. Nagbibiro lang naman siya at masyadong seryoso ang kaniyang kausap. "Hindi na kailangan," sabi rin naman nito kalaunan. "Almirah is like a sister to me, at dahil asawa ka niya, it's fine for me
"Sigurado ka na ba talagang uuwi ka na?" Tanong ni Arthur kay Almirah habang nasa hardin ang mga ito para sa isang mahalagang pag-uusap. Bukas kasi ang napag-usapan nilang pag-alis nito sa bahay ni Arthur para makabalik ito sa kanilang bahay. She misses her kids so much so she's looking forward to it, but still can't help but feel sad as she'd have to leave the house which has been part of her life for years now. She requested for just the two of them to have a conversation about her decision kaya nasa kaniyang silid si Lazarus ngayon dahil iyon sa kaniyang hiling kahit pa gusto rin sana nitong malaman kung ano ang pag-uusapan nila. "I can't just hide like this forever, Art. He wants to get involved at ilang beses ko mang itanggi, hindi ko rin siya matatakasan," aniya dahil iyon naman ang totoo. She tried to for so many times, but her she is again, failing. Kaya buo na ang desisyon niyang pagkatiwalaan ang kaniyang asawa na kaya nitong ibigay ang kaligtasan sa kanilang mga anak la
"Papa..." Kabadong sinambit ni Almirah ang iisang salitang iyon nang sagutin nito ang tawag ng kaniyang ama. Isang araw pa lang simula nang nakabalik siya mula sa kanilang bahay ay palagi na itong tumatawag sa kaniya. Alam niya naman ang dahilan pero mas pinili niyang bumawi muna sa kaniyang mga anak kaya ngayon niya lang mapapaunlakang kausapin. "How are you doing there, my love?" Tanong nito kahit pa alam niyang atat na atat na itong kausapin siya tungkol sa desisyon nito. Marahil ay nakarating na ito sa kaniyang ama dahil ipinarating na ito ng mga tauhan na pagmamay-ari ng organisasyon. "I'm fine, Papa..." aniya habang pinapanood ang kaniyang mga anak na nanonood ng pambatang palabas sa silid nilang mag-asawa. Her father let out a deep sigh before he continued on the reason why he called his daughter. "Are you really sure about the decision you made, hija? You know by doing that, you've gotten them involved in our world," anito kagaya lamang ng inaasahan niyang sasabihin nito
"You've got to be kidding me, Almirah. Isn't he the one who bought the artifact? The one that you're having transaction with?" Tanong ng kaniyang boss nang nakabawi ito mula sa mahabang katahimikan. "Yes, that's him," sagot niya, ngunit tipid lamang. "Then that means that you can give me that artifact sooner, right? Because he's your husband?" There was a glimpse of joy in his voice. "We haven't talked about that yet, but if you really want that artifact to be yours, please expect that my husband will have his conditions," she said as a matter of fact. When it comes to these things, Lazarus always comes with his own terms. "Whatever term that is, as long as that artifact will be mine soon," aniya dahilan para lalo siyang magtaka kung bakit gan'on na lamang nito kagusto na mapasakamay ang bagay na iyon. "What's with that artifact that you would do everything just so you could have it? Does it have magic or something?" Hindi na niya napigilan ang sarili sa pagtatanong. Sa halip n
"You're extra touchy today, huh? Siguro may nagawa kang kasalanan kaya ka ganiyan?" Nahihiwagaang paratang ni Almirah kay Lazarus habang nakayakap ito sa kaniya mula sa likuran. Kanina niya pa napapansin na sa tuwing nakakakuha ito ng pagkakataon para mahawakan siya ay wala itong pinalalampas. Hindi niya lang pinupuna dahil inoobserbahan niya pa, pero ngayong nakumpirma na ay saka lang isasaboses ang kanina pa niya napapansin sa asawa. "Bawal na ba akong maglambing ngayon?" anito bago mas isiniksik pa ang kaniyang sarili sa pagitan ng leeg at balikat ni Almirah. Nasa terasa sila ngayon ng kanilang silid, tanaw ang malawak na lupain sa harap ng mansion ni Lazarus, payapa ang paligid at tanging sariwang hangin lamang ang nanunuot sa kanilang pang-amoy. "That's not what I meant," si Almirah habang sinusubukang kalasin ang kamay ng kaniyang asawa sa kaniyang bewang, ngunit sa bawat kalas na ginagawa niya ay mas humihigpit lamang ang pagyakap nito sa kaniya. "Masyado lang kita na-miss