Walang tigil sa pag-iyak si Amary hanggang sa makatulog siya. Nakatulog siya sa sobrang sakit na nararamdaman. Iyong pagdudahan siyang may ibang lalaki na kahit kailan ay hindi niya magagawa. Nanliit siya sa mga pinagsasabi nito, pakiramdam niya durog na durog na siya. Nasasaktan siya dahil parte iyon ng pagmamahal, sabi nga ng iba hindi ka totoong nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Masasaktan at masasaktan ka dahil walang perpektong pag-ibig. Wala pa ring bago, gumising siya na minamahal niya pa rin ang kaniyang asawa. Kinusot niya ang kaniyang namamagang mata, umupo sa kama, sa bintana nakatuon ang kaniyang paningin, pinagmamasdaan niya ang pasikat na araw. Hinding-hindi siya magsasawang umasa na mamahalin siya ng asawa hangga't nakikita niya ang pagsikat ng araw na nagbibigay sa kaniya ng pag-asa. Nagtungo siya sa harapan ng salamin at pinagmasdan niya ang sarili. Nakita niyang namumula ang kaniyang mga pisngi, hindi rin nakaligtas sa kaniyang mata ang pasa sa kaniyang maputin
Last Updated : 2023-07-07 Read more