Walang tigil sa pag-iyak si Amary hanggang sa makatulog siya. Nakatulog siya sa sobrang sakit na nararamdaman. Iyong pagdudahan siyang may ibang lalaki na kahit kailan ay hindi niya magagawa. Nanliit siya sa mga pinagsasabi nito, pakiramdam niya durog na durog na siya.
Nasasaktan siya dahil parte iyon ng pagmamahal, sabi nga ng iba hindi ka totoong nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Masasaktan at masasaktan ka dahil walang perpektong pag-ibig. Wala pa ring bago, gumising siya na minamahal niya pa rin ang kaniyang asawa. Kinusot niya ang kaniyang namamagang mata, umupo sa kama, sa bintana nakatuon ang kaniyang paningin, pinagmamasdaan niya ang pasikat na araw. Hinding-hindi siya magsasawang umasa na mamahalin siya ng asawa hangga't nakikita niya ang pagsikat ng araw na nagbibigay sa kaniya ng pag-asa. Nagtungo siya sa harapan ng salamin at pinagmasdan niya ang sarili. Nakita niyang namumula ang kaniyang mga pisngi, hindi rin nakaligtas sa kaniyang mata ang pasa sa kaniyang maputing balat sa may siko at braso. Her tears starting to leaky down to her cheek. She really can't imagine she will suffer like this. Her parents never hurt her even one string of her hair, they really love her so much. She grow up in a lovely family who treat her like a princess, why do she feel like a disgusting trash in her own husband? Why can't he treat her like his Queen? Alam niyang galit ito sa kaniya ngunit hindi niya alam kung ano ang pinagmulan ng matinding galit nito, maliban sa ayaw nitong mag-asawa. Mula ng maging mag-asawa sila hindi niya ito nakitang ngumiti o naging masaya na kasama siya. Ni hindi nito nagawang makitungo sa kaniya ng maganda, palaging nakataas ang boses nito at kung tingnan siya parang siya ang pinakamababang tao. Napatingin siya sa larawan na nakapatong sa kaniyang dresser. Kuha iyon ng kasal nilang dalawa. Ang lawak ng ngiti sa labi niya samantalang ang asawa ay pilit lang ang ngiti nito dahil sa Ina. Masasabi niyang ito ang pinakamasayang araw sa buhay niya dahil hindi niya aakalain na maikakasal siya sa kaniyang minahal. She feel in love on her husband in the first meet. Hindi niya alam kung bakit ganu'n ka bilis na nahulog ang loob niya sa asawa. Ilang beses man nitong sabihin na parang: ‘hinain niya na ang kaniyang sarili sa isang mabangis na Leon.’ At ito nga ang pinaparanas nito sa kaniya, pinapahirapan siya nito at sinasaktan pero hindi pa rin siya susuko. Umaasa pa rin siyang mamahalin rin siya ng asawa tulad ng pagmamahal niya. Daga na siya kung daga pero patuloy pa rin ang pagmamahal niya sa isang Leon. Gaano man kabangis ang isang Leon darating ang panahon kusang luluhod ang mga paa nito para ipakita ang kahalagan ng isang daga. ‘Hangang kailan mo hihintayin ang panahon na iyon kung durog na durog ka na?’ Pinunasan niya ang luhang naglalandas sa kaniyang pisngi, habang ginagamot niya ang kaniyang mga pasa pagkatapos niyang maligo. Niligpit niya na rin ang mga ginamit niya bago bumaba. Pupunta na sana siya sa kusina ng makita niyang nasa loob ang asawa at pinaghahanda ng mayordoma ng almusal. “Alam kung hindi ikaw iyan.” Nagtago sa pader si Amary ng marinig niya ang sinambit ni Manang na para bang kanina pa ang dalawa nag-usap. Ipinagtimpla ni Manang Lita ng kape si Zarchx, tahimik itong kumakain sa mesa; luto ng mayordoma. Hindi matiis ng mayordoma na hindi magsalita lalo't na nasaksihan niya ang ginawa ni Zarchx sa asawa nito. Hindi niya lubos maisip na magagawa ito ng kaniyang alaga, hindi niya ito pinalaki ng ganito, nakakasigurado siya na pinalaki niya ito ng tama. Isang mabait, magalang, at mataas ang respeto sa babae ang kilala niyang Zarchx dahil ito ang kinalakihan nito mula sa Lolo at Ama nito ay mababait pagdating sa babae na kahit gaano kabangis ay hindi pa rin kayang manakit ng walang kalaban-labang babae. Alam niya iyon dahil sa tumanda na siya sa paninilbihan sa mga ito. Kilalang-kilala niya na ang mga ito. Inilapag niya ang kape sa harapan ng kaniyang alaga. Tumayo siya sa harapan nito at pinagmasdan ito habang walang imik na kumain. “Nakita ko ang ginawa mo kagabi,” Mahinang panimula niya dahilan para matigilan sa pagkain si Zarchx. Sandali itong natigilan at uminom ng kape, hindi ito nakatingin sa mayordoma. Tumikhim si Manang at sandaling nilingon siya ni Zarchx at nagpatuloy muli sa pagkain. “Hindi mo gawaing manakit ng babae, walang kalaban-laban sa'yo ang asawa mo. Madadaan naman sa mahinahong usapan kung ano man ang pinagtatalonan niyo, hindi iyong dinadaan mo sa init ng ulo talagang magkakasakitan lang kayo.” Mahinahon pinagsabihan niya ito. Katulong lang siya reto kaya mahinahon niyang pinagsasabihan ito dahil kahit matanda pa siya dito bali-baliktarin man ang mundo, boss niya pa rin ang batang pinagsasabihan niya. “Hindi mo alam ang pinagsasabi mo, hindi mo kilala ang babaeng iyan.” Walang modong sagot nito sa kaniya. “Tama ka, wala akong alam tungkol sa kaniya pero alam ko na alam mo na ang tama sa mali. Babae siya alam mo iyan. Hindi mo siya dapat sinasaktan, papaano kung mangyari iyon sa Mama mo? Isipin mo na lang na may kapatid kang babae, pinsan at malapit na kaibigan na inaabuso, anong maramdaman mo?” Huminga ng malalim ang Manang. “Hindi kita pinalaki ng ganiyan at kahit kailan hindi mo nakita sa mga magulang mo na nagkakasakitan, oo. Nag-aaway pero na dadaan sa maayos na usapan. Makinig ka anak, malupit ang tao pero mas malupit ang ganti ng tadhana na gawa ng tao.” Pabagsak na binitawan ni Zarchx ang kutsara’t tinidor na hindi na bago sa mayordoma kapag pinagsasabihan niya ito. “Iyan ang hindi mangyayari, Manang. Mas malupit ako sa tadhana, gagawin ko ang lahat ng gusto kung gawain. Hindi na ako bata para pangaralan mo.” Walang buhay na sagot nito sa mayordoma na siya namang ikinailing nito. Sinalinan ng mayordoma ng tubig ang baso nito. “Wag anak, juskong bata ka! Asawa mo pa rin siya kahit na anong gawin mo hindi mo na iyon mababago. Alam kung ayaw mo sa kaniya pero sana naman igalang at irespeto mo siya bilang isang babae, natatakot ako para sa'yo na baka sa huli ikaw ang magsisi...” Paki-usap ng mayordoma. Natatakot siya na may mas malala pang gawin si Zarchx sa dalaga, kilala niya ito kapag ginusto nito gagawin nito. Naaawa rin siya sa dalaga hindi dahil sa nakikita niya itong mabait at mahinhing dalaga kundi dahil sa ayaw niyang nakakakita ng babaeng sinasaktan dahil isa siyang babae at ramdam niya kung gaano ito kasakit. “Alam kung hindi ikaw iyan.” Dagdag ng mayordoma. Naramdaman ni Zarchx na parang may nakamasid sa kanilang dalawa ng mayordoma kaya pa simple siyang tumingin sa gilid sa may pintuan at hindi nga siya nagkamali. Nakita niya doon ang asawa na nakasilip at kaagad na nagtago ng mapansin nitong nakatingin siya dito. “Magiging ako sa kahit na anong gugustuhin ko. Hindi ba malinaw na ayaw ko sa kaniya at hindi ko siya nakikita bilang isang babae. Para sa akin isa lang siyang daga na pilit na inahain ang sarili sa Leon kahit na kinasusuklaman siya nito!” Padabog na ibinagsak ni Zarchx ang table napkin pagkatapos niyang punasan ang kaniyang labi at padabog itong tumayo at sinipa ang upuan para maibalik ito sa pagkakaayos. “Busog na ako, na busog ako sa sermon.” Dagdag pa nito bago naglakad papalabas ng dinning room. Nakita niyang nakatayo habang nakayuko ang kaniyang asawa sa tabi ng pader pero hindi niya ito tinapunan ng tingin, dire-diretso siya sa paglalakad palabas ng Mansion. Hindi mapigilang mapabuntong hiniga ang mayordoma sa inakto ng kaniyang alaga. Ngayon niya lang nakita itong umakto ng ganu'n sa harap ng hapag at talagang pasipa pa nitong ibinalik ang upuan na ginamit. Samantalang si Amary naman ay hindi maiwasang nagpatulo ng luha sa kaniyang narinig pero mas masakit pa rito. Dinaanan lang siya nito na parang hangin. Iniisip niya na lang na kaya ito na sabi ng binata dahil galit ito sa kaniya o ‘di kaya alam nito na nandoon siya nakikinig. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha ng napansin niyang may nakatayo sa harapan niya, babalik na sana siya sa kaniyang silid ng makita siya ng mayordoma at hindi siya nakatanggi ng sabihin nitong inihahanda na ang almusal niya. Abala sa paglilinis ng pinagkainan ni Zarchx si Rita at Ina habang si Lety naman ay inihahanda sa mesa ang kaniyang umagahan. “May kailangan ka pa ba, Hija? –Este Ma'am, pasensiya ka na.” Pagtatama nito sa tawag sa kaniya. Naka-upo siya sa harapan ng mesa habang nakatayo sa kaniyang gilid ang mayordoma, nginitian niya ito. “Ayos lang po. Wala na akong kailangan, salamat po.” Pagkatapos niyang kumain ay inayos niya ang sarili dahil may usapan sila ng kaibigang si Amber na magkikita ngayon at kakain sa labas. Naisip niyang tawagan si Zarchx para magpaalam dito pero nang maisip na masisigawan lang siya nito at hindi siya papayagan ay hindi niya na itinuloy ang balak. Naisip niyang uuwi na lang siya nang maaga para hindi malaman ng asawa na umalis siya ng bahay, magpapaalam na lang siya sa mayordoma upang hindi ito mag-alala kung saan siya pupunta. Nakasuot siya ng isang pink na long sleeve na naka tack-in sa kaniyang black high waisted ripped jeans pinarisan niya rin ng puting sapatos. May itim na sling bag din siya kung saan nakalagay ang kaniya cellphone, wallet at iba pa. Nagmamadali siyang bumaba ng makita niya na itenext na ng kaibigan kung saan sila magkikita. “Ma’am aalis po kayo?” Tumango siya kay Rita ng makita niya itong naglilinis ng display sa sala. “Siguro magd-date kayo ni Master Leon 'no?” Panunukso nito na ikinawala ng ngiti sa labi niya. Sana nga katulad ng iniisip nito ang pupuntahan niya pero hindi, ni minsan hindi siya nito niyayang kumain sa labas at kahit makasabay niya ito sa pagkain ay hindi niya nagagawa. “Pakisabi na lang kay Manang na aalis muna ako babalik rin ako kaagad.” Nginitian niya ito. Nakangiting tumango ito. “Yes Ma'am! Mag-enjoy po kayo!” Agad siyang bumaba. Ginamit niya ang sariling sasakyan papunta sa isang fine restaurant kung saan sila magkikita ng kaibigan.Pagkapasok niya ng restaurant, inilibot niya ang paningin para makita ang kaibigan, nakita niya itong kumakaway sa kaniya kaya nakangiting tinungo niya ang kinaruruunan nito. “Amary-baby, I miss you!” Sinalubong siya nito nang yakap at gumanti naman kaagad siya dito lalo pa’t miss na miss niya na ito. “Me too.” Tipid niyang sagot. “I miss you!” Umupo sila at tinawag naman ni Amber ang Waiter, umorder sila ng makakain. Habang naghihintay ng order ay nagku-kwentuhan sila ng kaibigan. “Girl, ang laki ng pinagbago mo. Sigurado ka bang okay ka lang? Ikaw ba talaga ang luxurious best friend ko?” Nag-aalalang puna nito sa kaniya. Siguro nagtataka ito na wala siyang suot kahit isang alahas. Walang magandang suot katulad ng dati na kapag lumalabas siya ay para siyang pupunta sa isang celebration sa ganda ng ayos niya. “Oo naman, bakit mo naman na tanong iyan?” Pilit niyang pinapasigla ang boses para makita ng kaibigan na ayos lang siya at masaya sa buhay na mayroon siya. Pinakatitigan s
Aaminin ni Amary, hindi iyon ang unang beses na nag-iwan ng bakas ang kaniyang asawa na gumagawa ito ng milagro kasama ang kung sinu-sinong babae pero hindi niya lubos maisip na pati sa sarili nitong Mansion nagawa nitong magdala ng babae hindi lang siya ng binaboy nito, kundi pati na rin ang pamamahay ng sariling pamilya. Kahit ano pang gawin nito, kahit ano pang iparamdam, hindi pa rin magbabago ang nararamdaman niya para rito. Mahal na mahal niya pa rin ang asawa. Lumabas siya ng kaniyang silid upang gumamit ng banyo ng matanaw niya ang asawa na mahimbing na itong natutulog sa kama. Hindi niya mapigilan ang sarili na lumapit dito at pakatitigan ang gwapo nitong mukha. Ilang minuto rin siyang nakatitig dito, hindi iyon na gagawa sa umaga, susulitin niya ang bawat gabing may pagkakataon siya para pagmasdan ito. Hindi pa siya nakuntento, umupo siya sa gilid ng kama nito at malapitang pinakatitigan, hinahawi niya ang buhok nito na nakakatakip sa mukha. “Mahal na mahal pa rin kita
Sa Montenegro Corporation, Nabo-bored na nakaupo si Zarchx sa kaniyang swivel chair ng kaniyang opisina dahil wala na siyang ginagawa. Tapos na ang kaniyang mga meeting at na gawa niya na ring pirmahan ang ilang papeles, masyado pang maaga para magbar at mas lalong maaga pa para umuwi sa Mansion kung pagmumukha lang ng asawa niya ang bubungad sa kaniya. Inikot niya ang kaniyang swivel chair upang mapaharap siya kaniyang glass wall kung saan tanaw na tanaw niya ang iba’t-ibang building, coffee shop at maging ang kalsada mula kaniyang kinaruruonan. Sa kaniyang pagmumuni-muni tumunog ang kaniyang cellphone at nakitang tumatawag si Akas, isa sa matalik niyang kaibigan. [“What's up Bud?”] Bungad nito sa kaniya na ikinasama niya ng tingin sa kalawakan. [“You called me for?”] Walang buhay na tanong niya rito, hindi naman ito tatawag sa kaniya kung walang kailangan. [“One of your cousin are broken hearted.”] Napabuga na lang siya ng hangin ng marinig niya ang sinabi ng kaibigan. Alam ni
Sa Paraiso De Pendilton, Abala sa pagluluto si Amary ng hapunan. Ganado talaga siyang magluto at mas lalong pa sarapin ito ng malamang kinain lahat ni Zarchx ang niluto niyang hapunan kagabi. Nagalit niya man ito kagabi at least nabusog niya naman ito ng hapunan. ‘Yon nga lang ay hindi alam ng binata na siya ang naghanda ng mga iyon. Ang buong akala nito, ang mayordoma ang naghain ng hapunan. Ayos lang sa kaniya na ang mayordoma ang mapagkamalang nagluto nito ang mahalaga ay kinain nito ang pinaghirapan niya. Hindi na sayang ang oras na ginugol niya sa pagluto at ang effort na pasarapin ito. Isa pa kailangan niyang paghandaan ng mabuti ang gabing ito dahil darating si Don Leon—Ang Lolo ni Zarchx. Nakangiting inaamoy niya ang aroma ng menudong niluluto niya. Nagsandok siya ng sabaw para tikman ito nang bigla na lang may yumapos sa bewang niya dahilan para mapaigtad siya sa gulat. Kaagad namang napalingon si Amary sa kaniyang likuran kung saan nagmumula ang brasong yumapos sa kani
Naramdaman niya na may kamay na humawak sa kaniyang balikat, dahan-dahan niya itong nilingon. Nang makitang ang kaniyang Lolo ay tinapos niya ang paninigarilyo. “I thought you're resting, Dad.” Hinulog niya ang upos ng sigarilyo at inapakan ito para mamatay ang apoy. Tinabihan siya nito sa pagkakatayo habang nakatanaw rin sa mga bituwin na pinagmamasdaan niya. “Unang kita ko sa asawa mo masasabi kung tanggap ko siya sa ating pamilya.” Panimula ng kaniyang Lolo. Masarap pakinggan sa tenga ang sinabi nito Ngayon na pag-isip niya kung bakit biglaan ito sa pag-uwi, iyon ay para suriin ang kaniyang asawa. May mataas na mapantayan ang kaniyang Lolo na magsasabi kung tanggap o kailangan pang patunayan ang sarili para maging karapat-dapat sa kanilang pamilya. Naiintindihan niya kung bakit ganu'n ang inasta kay Amary kanina sa kusina. His family is a very dominant person. “Nakikita kong mabuti siyang tao at magiging mabuti siyang asawa sa'yo ngunit hindi ko nakikita sa kaniyang mga mata
Tatlong araw na ang nakalipas ng dumalaw si Don Leon. Masaya na sana siya nitong nakaraan ng tatlong araw, naramdam niya ang pag-aalaga ng asawa at nakikita niyang sweet ito sa kaniya kahit na palagi siyang sinasampal ng katutuhanan kapag silang dalawa na lang ang magkasama na lahat nang iyon ay puro pagpapanggap. Pinagbakasyon ni Zarchx ang mga katulong maging ang mga magbabantay sa kaniya, dalawang araw na silang mag-asawa lang ang nasa mansion dahil pumayag siya sa kondisyon ng kaniyang asawa. Kung magagawa niya ng maayos ang obligasyon at responsibilidad niya bilang asawa ay palabasin na siya nito kahit anong oras niya man gustuhin. Gumising siya ng maaga para gumawa ng almusal para sa asawa. Mula kasi ng bumisita ang Lolo nito sa mansion palaging sa bahay na kumakain si Zarchx, ang mas nakakatuwa na gustuhan naman ang mga niluluto niya. Noong una akala niya hindi nito magugustuhan kapag nalaman na siya ang nagluluto. Inahanda niya ang mesa ng makarinig siya ng kaluskos, nang
Habang naghihintay ng pagkain nila hindi mapigilang mapatingin sa paligid si Amary, punong-puno ng bulaklak at gustong-gusto niya ito. Hindi niya pa rin lubos maisip na dadalhin siya nito sa isang Yate at pinaghandaan ng mabuti ang kanilang date, akala niya simpleng date lang ito. Tahimik lang silang kumakain, seafood dishes. Allergy si Amary sa seafood pero hindi ’yon alam ni Zarchx. Kumain nito si Amary kahit na alam niyang mangangati at mamumula siya nito dahil gusto niyang pahalagahan ang effort na ginawa nito lalo pa’t ito ang unang gabi na kumain sila ng sabay bilang mag-asawa. “L-leon,” Nauutal na pagkuha niya sa attention ng asawa. “Salamat,” Dagdag niya pa at nginitian niya ang asawa. Uminom ng alak si Zarchx na laman ng kaniyang baso. “For what?” Uminom itong muli. “Para dito, hindi ko inaasahan. Ang ganda.” Tinutukoy niya ang set up ng place. “Well, how's the food?” Napansin kasi ng binata na sa tuwing susubo ito ng kinakain napapangiwi na parang napipilitan ito.
Laking pagtataka ni Amary ng hindi pinapayagan ng mayordoma na gumawa nang gawaing bahay maging ang nakasanayan niyang magluto hindi siya nito pinapagawa. Maghapon lang siyang pabalik-balik sa kwarto at sala. Manunuod ng TV at kapag na bored ay maglalakad-lakad sa garden. Kasalukuyan siyang nakaupo sa gilid ng swimming pool habang nakalublob ang kaniyang mga paa sa tubig. Iniisip niya ang nangyari kagabi, alam niyang nasa sala siya kaya laking gulat niya na lang ng magising siyang nasa loob na siya ng silid niya. Iniisip niya na hindi panaginip ang paghalik ni Zarchx sa kaniyang noo dahil kung panaginip iyon ay magigising siyang nasa sofa pa rin. Alam niyang ang asawa ang bumuhat sa kaniya dahil wala naman ibang gagawa no’n dahil hindi naman siya kaya ng mga maids na dalhin sa silid. She was disappointed when she wake up na wala na naman siyang nakitang Zarchx, gumagabi na naman hindi niya pa ito nakikita. Iniisip niyang sinasadya nitong hindi magpakita sa kaniya dahil alam niy
“Pwede ka namang mag backout sa pagiging Daddy pero hindi sa ganitong paraan babe. Mas gugustuhin ko pa na hindi mo panindigan ang responsibilidad mo bilang ama, ang mahalaga ay buhay ka . . .” Dagdag niya pa. Alam niyang hindi iyon gagawin ng asawa dahil excited ito na magkaroon sila ng anak, hindi siya nito iiwan dahil mahal na mahal siya nito. Sa araw-araw na ginagawa nitong paghalik sa kaniyang maliit na tiyan. Ramdam na ramdam niya na ang pangungulila sa asawa. Sobra siyang nasasaktan at para bang paubos na siya dahil sa dami ng iniluha niya para dito. “Mahal na mahal kita Leon. Mamahalin kita hangang sa kabilang buhay, I miss you so much babe. Miss na miss na kita . . .” Niyakap niya ang jar nito. Matinding sakit, puot, at pangungulila ang kaniyang nararamdaman. Kung maibabalik niya lang ang gabing iyon ginawa niya na at hindi ito hahayaang umalis sa tabi niya ng gabing iyon. “L-Leon, Leon! Babe, bumalik ka na please . . . Wag mo kaming iwan, Leoooon!” Napaupo si Ama
Habang naghihintay sa asawa ay binuksan ni Amary ang TV upang maglibang. Nasa balita ito at hindi niya na pinagkaabalahang ilipat pa. Sa kalagitnaan ng panunuod ng TV ay na isipan niyang magbihis at gawin na ang test baka pabalik na ang kaniyang asawa. Ginamit niya ang tatlong pregnancy test na binili ng asawa. Kaba ang bumabalot sa buong pagkatao niya habang naghihintay ng resulta, ipinagdarasal na sana ay tama ang hinala ng asawa dahil sa pamamaraan na iyon niya ito lubos na mapapasaya—ang mabigyan ito ng anak. Sunod-sunod na tumulo ang luha niya ng makita ang result, pare-pareho ang naging resulta ng pregnancy test totoo ang kaniyang nakikita—Dalawang guhit! May bata sa sinapupunan niya, magiging Ina na siya. Naramdaman siya ng matinding tako pero ng pumasok sa kaniyang isipan ang sinabi ng asawa na hindi siya nito pababayaan at hindi iiwan ay lumakas ang loob niya. Hindi pa siya handa na maging Ina pero nakakasiguro siya na magiging mabuti ang kanilang buhay lalo't pa may isang
Pagkatapos na maka-usap ang doctor kaagad naman siyang umakyat para makapagpahinga, pero imbes na magpahinga palakad-lakad siya sa kwarto habang hinihintay ang asawa. Kakaiba ang nararamdaman niya, hindi niya mapaliwanag ang takot na bumabalot sa kaniyang sistema. Maya-maya pa, dumating na si Zarchx, hindi siya nito napansin ng dumiretso ito sa loob ng walk-in closet nito. Hinintay niyang makalabas ang asawa. Nakabihis na ito ng lumabas nagkatitigan sila bago siya nito nilapitan. “Babe, aalis ako. Saglit lang naman babalik rin ako kaagad.” Hinawakan ang kaniyang magkabilaang pisngi bago siya hinalikan sa noo. “Saan ka pupunta? Babe, hindi ba pwedeng ipagpabukas ‘yan?” Nag-aalala niyang tanong dito. Hindi siya sanay na nagpapaalam ito sa kaniya na aalis ng ganitong oras. Natatakot siya na umalis ito sa kaniyang tabi na para bang pakiramdam niya ay hindi na babalik sa kaniya. “Pagbalik ko na lang ang sagot sa tanong mo. Wag kang mag-alala babalik rin ako kaagad sa inyo ni Baby.”
Ang alam ni Amary isa itong study room pero mas nagmukha pa itong living room sa daming larawan na nakasabit sa kaharap niyang pader. Hindi niya kilala ang mga ito at halos lahat ng naririto mga larawan ng mga gwapong lalaki. Nakita niya ang isang mesa at mayroong swivel chair, iyon ang study table ng asawa. May mga sofa at reading corner sa gilid, mayroon ring TV. At sa kanilang dulo naman ay isang mini bar, at napapalibutan ito ng mga matataas na stool. Halos lahat ng mamahaling alak naka-display. Malaki ang kabuohan ng silid, hindi niya akalain na ganito kaganda ang study room nito. Napaka-manly ng design, halatang mayaman ang may-ari dahil halata sa mga kagamitan na naririto. “Wow! Just wow... Iba talaga kapag rich kid!” Komento ni Amary. Yumakap sa kaniyang likuran ang asawa. “I want you to completely know me, babe, this is the only way I know you’ll know my descent.” Nilingon niya ang asawa at hinalikan sa pisngi na ikanabigla nito. “Makilala man kita ng buo o hindi. Bas
“Maniwala ka sa hindi, nang araw na iyon tinakasan ko ang mga bodyguard ko papunta kami sa hotel kung saan gaganapin ang birthday ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta alam ko sa sarili ko na gusto kong maglibang at maging ordinaryong bata.” “Nakita ko ang mga bulaklak na nilalako ng Ali, binili ko na, trip ko lang. Binibigay ko sa bawat babaeng maganda sa paningin ko. May isa pang natitira na isip kong ibigay iyon sa babaeng pinaka-importante sa buhay ko. Nang biglang may umagaw sa akin sinubukan ko pang kunin ngunit isang petal na lang ang nakuha ko.” “May narinig akong umiiyak hindi kalayuan sa akin kaya nilapitan ko, I watch her almost a minute hindi pa rin siya tumatahan. I don't know how to approach her, I want to handed her a hanky but I don't have anything maliban sa isang petal ng rosas na hawak ko.” “Cheap, pero wala na akong ibang choice kundi subukan na lumapit dahil gusto ko rin naman na makilala siya. To think, to all the little girl I approched she's the only
Nagising si Amary ng hindi niya makapa sa tabihan ang asawa. Bumangon siya at hinanap ang asawa sa kanilang silid ngunit isang petals ng rosas na kulay pink ang natagpuan niya sa bedside table. Kinuha niya ito at pinakatitigan. She appreciates it. Mas mahalaga pa ang isang petals na ito kaysa sa bouquet na bulalak. Habang nakatitig sa hawak niya may pumasok sa isip niya, isang imahe ng batang babae at lalaki. A young girl was crying when a young boy give it a one petals of flower that's make it stop cryin’. Naalala niya na may nagbigay na rin sa kaniya ng ganito ng siya ay bata pa. A petal of rose. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung na saan na ang batang iyon. Hindi niya pinansin ang pagbukas at sara ng pinto dahil alam niyang ang asawa ito. “Good morning babe! Gising ka na pala,” Rinig niyang sambit ng asawa. Nakangiting nakatitig pa rin siya sa hawak niyang petal. Amary know it's from her husband. “Morning...” Tipid niyang sagot dito inilapat sa dibdib ang isang petal,
• • • J A Y P E I ' S N O T E • • • Hello po. Marhay na aldaw sa indo gabos! Pagbati mula kay Zarchx Montenegro. Unang-una, nagpasalamat po ako sa lahat na nagbabasa at sa mga magbabasa pa lamang!♡ Maraming-maraming salamat po sa mga nagbigay gems at magbibigay pa lamang.✷‿✷ Ganu'n rin po sa mga nagbibigay ng komento, maraming salamat po! ♡‿♡ Salamatooon sa indong suporta! ◜‿◝ Pangalawa, sa lahat po nang nag-aabang ng kwento ni Zarchx at Amary, humingi po ako ng pasensya kung masyadong mabagal ang usad ng kwentong ito. ಡ ͜ ʖ ಡ Please bear with me, Guys. Pangatlo, gusto ko pong ipaalam sa inyo na hindi pa dito nagtatapos ang kwento. Masyado pang madaming kaabang-abang na magaganap sa kwento. ʘᴗʘ Stay tuned! Pang-apat, hinahanyayahan ko po kayo na magbigay ng rate and feedback sa story. Para po sa mga nagkokomento, kung maari po na sa mismong story na kayo magkomento dahil malaking tulong po 'yon sa pagpromote ng story. Paano magbigay ng rate? Step 1: Sear
Ilang linggo na ang nagdaan. Naging maayos ang kanilang pagsasama. Mula ng pinagsaluhan nila ang mainit ang mainit na gabi, palagi silang magkasamang mag-asawa. Madalas silang kumain sa labas, kung may pupuntahan si Zarchx isinasama siya nito. Madalas rin silang pumunta sa iba’t-ibang resort at tatlong araw na namalagi doon. Ngunit ang pinakamasayang bakasyon na naranasan niya nang magbakasyon sila sa Palawan ng isang linggo. Sa bakasyon na iyon masasabi niyang nakilala niya ang good side ng asawa at hindi niya maiwasang mailang dahil hindi iyon ang nakasanayan niya na trato nito sa kaniya. Inuuna siya nito kahit na madaming naghihintay na trabaho. Inaalagaan siya at ginagawa nito ang responsibilidad sa kaniya. Masasabi niyang kahit paano may nagbago dito mula ng gabing ‘yon. Kagaya ngayon, kakadating lang nila sa Mansion galing sa private resort nito sa Batangas. “Umayos ka Leon, kanina ka pa!” Napipikon na saway ni Amary sa asawa sa panunukso nito sa kaniya. Nasalo naman ni
Malaki ang mata na napatingin si Amary kay Zarchx nang makitang ang daming gulay ang kinuha nito. “Oy, Leon. May iba ka pa bang lulutuin?” Nagtatakang tanong niya. Napatingin naman si Zarchx sa itinuro ng asawa ganu'n rin ang ginawa ni Lance bago bumaling sa kapatid na may nakakalokong ngiti. “Gumaganyan ka na, Tol? Mukhang nagkakamabutihan na kayo, ah, magkakaroon na ba ako ng pamangkin?” Pang-aalaska ni Lance. “Shut up, Idiot.” Bumaling si Zarchx sa asawa. “Hindi ko alam kung anong sangkap ng lulutuin mo, kinuha ko na lahat, ayos na?” Napa-irap naman si Amary nang makitang malawak ang ngiti ng babae sa asawa at panay ang hawi nito sa buhok na para bang nagpapa-cute. “Isabay mo na rin ‘to, Miss beautiful sa babayaran niya.” Inilapag ni Lance ang isang bote ng alak at dalawang chips sa counter bago tinuro si Zarchx. Nagugulohang tumingin kay Lance ang babae, binalinggan niya ang kapatid na kinuha ang ATM sa wallet habang masamang nakatingin sa kaniya. “Pagbiyan mo na ako