Abala sa pagluluto si Amary ng hapunan. Ganado talaga siyang magluto at mas lalong pa sarapin ito ng malamang kinain lahat ni Zarchx ang niluto niyang hapunan kagabi.
Nagalit niya man ito kagabi at least nabusog niya naman ito ng hapunan. ‘Yon nga lang ay hindi alam ng binata na siya ang naghanda ng mga iyon. Ang buong akala nito, ang mayordoma ang naghain ng hapunan. Ayos lang sa kaniya na ang mayordoma ang mapagkamalang nagluto nito ang mahalaga ay kinain nito ang pinaghirapan niya. Hindi na sayang ang oras na ginugol niya sa pagluto at ang effort na pasarapin ito. Isa pa kailangan niyang paghandaan ng mabuti ang gabing ito dahil darating si Don Leon—Ang Lolo ni Zarchx. Nakangiting inaamoy niya ang aroma ng menudong niluluto niya. Nagsandok siya ng sabaw para tikman ito nang bigla na lang may yumapos sa bewang niya dahilan para mapaigtad siya sa gulat. Kaagad namang napalingon si Amary sa kaniyang likuran kung saan nagmumula ang brasong yumapos sa kaniya, napalunok siya ng mapagtantong ang asawa iyon. “L-leon,” Nauutal niyang sambit sa pangalan nito. Kakaibang kiliti ang dulot ng kamay nito sa kaniya, para bang may kuryenteng dumaloy sa katawan niya. Hindi siya makahinga ng maayos dahil na iilang siya sa kamay nito, kinikilig siya sa asal nito. Ito ang unang beses na hinawakan siya ng asawa sa hindi marahas na pamamaraan. “Señior-Dad is here.” Bulong nito sa kaniya. Kinagat nito ang punong tenga niya dahilan para napakagat-labi siya sa kakaibang sensasyon na hatid nito. Hindi pa nga siya nakakabawi sa sinabi nito nang marinig niya ang yabag na paniguradong papunta sa kinaruruonan nilang mag-asawa. “Subukan mo lang na ipahiya ako, makakatikim ka sa akin Amary.” Mahina ngunit bakas sa boses nito ang pananakot. Parang bula na nawala ang kilig sa kaniyang katawan dahil sa sinabi nito. Kaya pala ganito ito umakto dahil para na naman silang bida sa isang teleserye sa TV dahil sa galing nitong umarte. “Babe, masusunog na ‘yang niluluto mo. Masyado ka namang kasing napapatulala sa gwapong mukha ng asawa mo, oh... Akin na nga ako na ang maghahain,” Halos mapamura si Amary sa kayabangan nito ngunit hindi niya nagawang barahin ito nang nahagip ng mata niyang may tao sa pintuan na nakamasid sa kanila. Kinukuha ng asawa ang sandok sa kaniyang kamay ngunit hindi niya ito binitawan. “A-ako na, akin na. Mabilis na lang ito, ihahain ko na para makakain ka na,” Nakangiting tugon niya sa asawa at pinandilatan niya ito dahilan para mapatingin sa may pintuan. “Señior-Dad. Sinabi ko namang sa labas mo na lang kami hintayin, anong ginagawa mo dito?” Mukhang hindi mapanatag ang loob ng asawa na nandidito ang kaniyang Lolo. May katandaan na ito pero malakas pa rin, halata na kabado si Zarchx sa presensya nito. “Bawal ko na bang libutin ngayon ang Mansion ko?” Napalunok si Amary ng marinig ang nakakakilabot na boses nito. “Of course, you can, Dad.” Kaagad na bawi ng kaniyang asawa. Humarap siya rito ng matapos niyang maisalin sa isang bowl ang niluto niyang menudo. “Good evening po,” Bati niya dito ng nakangiti. Hindi niya alam kung presentable ang kaniyang itsura na haharap dito pero nakakasigurado siya na pakikitunguhan niya ito ng maayos. Mukha pa namang dominante ang matanda at halata ang pagiging strikto nito. “So, Dad. She's Amary, my wife. Babe, Señior-Dad, his my grandfather.” Pagpapakilala ng asawa at hinawakan nito ang kaniyang kamay. Nakaramdam naman siya ng tuwa sa pinapakitang ka sweet-an nito, halos mapalundag na siya sa kilig na nararamdaman. Dumapo kay Amary ang mata nito. “Bakit ikaw ang gumagawa diyan?” Masamang tingin ang itinapon kay Zarchx. “Nag-asawa ka ba Leon para gawing katulong?” Nagkatinginan silang mag-asawa. “E-eh hindi po, gustong-gusto ko po na pinagluluto ang asawa ko. Dinamihan ko po kasi nalaman kong darating kayo, gusto ko pong ipagluto kayo ng masarap na hapunan, sana po magustuhan niyo.” Sagot ni Amary. “Hindi ako kumakain ng luto ng kung sino-sino lang.” Napayuko si Amary dahil ramdam niya na hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. “Mabuti kung isa kang professional na chef para ipaghanda mo ako ng masarap na pagkain.” Dagdag pa nito na ikinasama ng loob niya. Walang pinagkaiba kay Zarchx. Mag-Lolo nga sila. “Señior-dad, my wife just want to serve you. She's nice at cooking. No need to be a professional, why don't you have a try?” Gulat na gulat na nag-angat ng tingin si Amary kay Zarchx dahil sa unang pagkakataon ay pinapurihan siya nito. “What if I don't like the food?” He's voice is really scary like one more bad words he’ll shoot you. Zarchx look at her eyes. “I’ll divorce her.” Nanigas si Amary sa kaniyang kinatatayuan. Para siyang naging bato at walang ibang naririnig kundi ang alingawngaw ng boses nito na sinasabing hihiwalayan siya. “Your really confident to your wife to stake your marriage for this.” Don Leon smirked. “Lita! Prepare the table for me, I want to try all the dishes that Amary’s prepared.” Don Leon added. Kaagad namang kumilos ang mayordoma at ilang katulong na inayos ang mesa at inihanda ang mga nilutong pagkain ni Amary. Nakatayo lang silang mag-asawa habang ang Lolo naman nito ay naka-upo na sa harap ng hapag. “Have a sit, babe.” Ipinaghugot siya ng upuan ni Zarchx na ikinatingin niya dito. Masaya siya sa ginagawa ng asawa kahit papaano ay naramdaman niyang may tinatago rin pa lang ka-sweet-an sa katawan. Kahit na ang katutuhanan ay pagpapanggap lang ang ginagawa nito. Sana palagi na lang siya nitong pinapakilig ng ganito. Hindi rin mawala sa kaniya ang pag-aalala at hindi siya mapakali sa kaniyang kinauupuan. Hindi niya alam kung mananatili pa rin siyang asawa ni Zarchx pagkatapos ng gabing ito. Nakikita niya na mabait si Zarchx sa Lolo nito lalo na pagdating sa kaniya na para ang taas ng tingin nito kay Don Leon, inerespeto at ginagalang bagay na hindi na gagawa ni Zarchx sa kaniya bilang asawa. Kabadong-kabado siya ng magsimula itong kumain na baka hindi nito magustuhan ang luto niya. Kinakabahan rin siya sa presensiya nito na para bang ito ang pinuno ng mga Leon. Sobrang nakakatakot ang kaniyang mukha pero ramdam niya ang kabaitan nito. Luckily the old man like the food. Pagkatapos nilang kumain umakyat muna siya para magpalit. Mabuti na lang at nagkaroon siya ng dahilan para maka-alis sa harapan ng mga ito. Hindi niya kasi malaman kung sa hawak ni Zarchx siya na iilang o sa mga itinatanong ng Lolo nito. Isa pa, gusto niyang ilabas ang kilig na nararamdaman. Ito ang unang beses niyang makita ang Lolo ni Zarchx. Laking pa salamat niya na umuwi ng maaga si Zarchx dahil hindi niya alam kung paano ito pakikitungohan. Huminga siya ng malalim bago binuksan ang pinto ng kwarto. Bumungad sa kaniya ang walang emotion na mukha ni Zarchx. “Bakit ang tagal mo? Hinihintay ka ni Señior-Dad sa ibaba, gusto ka niyang makausap. Dalian mo!” Malamig na utos nito sa kaniya, medyo natagalan kasi siya sa banyo dahil naligo pa siya. Hindi niya maiwasang kabahan dahil hindi niya alam kung anong pag-uusapan nila. Hindi niya rin alam kung paano ito kakausapin. Sinabayan niya ang asawa sa paglalakad sa mahabang hagdan. “Tungkol saan ang pag-uusapan?” Kinakabahang tanong niya dito. Hindi siya umaasa na kakausapin siya nito pero gusto niyang ilabas ang kaba na kaniyang nararamdaman. Nalukot naman ang mukha ni Amary ng mauna itong maglakad at hindi pinansin, sumikdo ang puso ng huminto ang asawa sa pinakadulo ng hagdanan na para bang hinihintay siya nito. Iniabot nito ang kamay sa kaniya. Pakiramdam niya tuloy para siyang isang princesa na hinihintay ng kaniyang prinsipe. Hindi niya maiwasang mapatitig sa kamay nito na tila hinihintay na tanggapin niya ito. Tiningnan niya ang mukha ng asawa bago tuluyang tinanggap ang kamay. Namumutla na ang kaniyang pisngi, sana araw-araw ay nandidito ang Lolo nito. Lihim siyang napangiti sa ginawa nito at bahagyang napayuko para itago ang namumulang pisngi. “I don't have idea,” Bulong nito at sabay silang naglakad papalapit sa Lolo nito, nakaupo sa sofa habang nakamasid sa kanilang dalawa. Ilang minuto na silang nakaupo sa harapan nito pero namumutawi ang katahimikan sa kanila na siyang ikinailang ni Amary. Humihop ito ng tsaa. “So, Amary.” Napalunok si Amary ng marinig nito ang pagtawag sa pangalan niya ng mailagay muli sa center table ang tsaa. “Kamusta naman si Leon bilang asawa?” Sa tanong ng matanda si Zarchx naman ang napalunok. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Amary pero isa lang ang alam niya hindi niya ito tinatrato ng mabuti. Pinagpawisan si Zarchx. ‘Shit! Shit! I'm not ready for this!’ Pilit na ngumiti si Amary bago ito sumagot. “A-Ayos po kami ni Leon, inaalagaan niya po ako ng mabuti.” Napatingin si Zarchx sa kaniyang asawa dahil hindi niya inakala na ito ang sasabihin nito sa kabila ng ginagawa niya dito hindi pa rin magawang magsumbong. “That’s good.” His grandfather look not satisfied in her answer. “Sinasaktan ka ba ng lalaking ‘to? May mga bagay na ginagawa na hindi na dapat?” Sunod na tanong nito na mas lalong ikinakaba ni Zarchx. Sa tanong nito ay wala na siyang kawala dahil sapol na sapol na siya sa tanong nito pero nakita niyang umiiling ang asawa. Humigop muli ng tsaa ang Lolo nito. “Mabuti naman kung ganu'n. Sabihin mo lang sa akin, kung may hindi magandang ginagawa sa'yo dahil hindi ko ‘yan papalampasin, ako mismo ang kakastigo para matuto.” Zarchx lick his lips before he clear his throat. Masyadong mainit para sa kaniya ang atmosphere, gusto niyang makaalis sa harapan nito pero ayaw niya namang iwan ang asawa baka may iba pa itong sabihin na ikakasira ng relasyon nilang mag-lolo. Kilala niya ang kaniyang Lolo. Alam niyang mahal siya nito pero kung malaman nito ang kaniyang mga ginagawa kay Amary, paniguradong hindi talaga siya nito papalampasin. Mabait ito pero iba ito kung magalit, malayong-malayo ito sa kung anong nakikita ng mga mata. Kahit alam niya na kung anong mangyayari sa kaniya sa pinagagawa niya kay Amary buo pa rin ang desiyon niya na gawing miserable ang buhay nito. Kahit gaano pa ka kinakatakutan ang kaniyang Lolo, hindi pa rin siya natatakot dito. Wala siyang kinakatakutan maging ang kamatayan. Bandang alas-nuwebe na ng gabi ng mapag-desisyonan na nitong magpahinga. Pumasok na rin sa kwarto si Amary siya naman ay nagpa-iwan muna sa sala at pumunta sa garden ng Mansion. Dinukot niya sa bulsa ng jacket niya ang isang kaha ng isang mamahaling sigarilyo. Kumuha siya ng isang stick at sinindihan ito. Ito lang ang tanging paraan niya para ilabas ang kabang naramdaman kanina. Biglaang pag-uwi nito hindi na siya na kasama sa lakad ng barkada. Balak pa naman sana niyang pag-untugin si Kit at LV sa pagiging tanga nito sa pag-ibig. Isang malakas na batok rin para kay Akas dahil sa pag-amin nito na may gusto ito sa kaniyang asawa. Hindi pa siya nakakaganti kay Renzi, madami pa siyang sisingilin sa mga sira-ulo na ginulo ang araw niya kanina. Nakatayo lang si Zarchx malawak na harden habang nakatingala sa kalangitan na puno ng mga bituwin, patuloy siya sa paghithit ng sigarilyo habang nakamasid dito. Hindi siya mabuting asawa kay Amary pero ayaw niyang may ibang lalaki sa buhay nito. Hinding-hindi niya hahayaan na makapasok sa buhay nito si Akas. Hindi rin siya papayag na si Amary ang maging dahilan ng pagkasira ng magandang samahan nila ng kaniyang Lolo. Bale-balita na madami na ang lalaking dumaan dito at hindi niya iyon gusto! Kaya hindi mawawala sa kaniya ang pagkulo ng dugo sa dalaga. Pumasok sa isipan niya ang lahat ng sinabi sa kaniya ni Manang Lita. Naiintindihan niya ang pinupunto nito pero hindi maalis sa kaniya ang galit na nararamdaman sa asawa, hindi niya kasi inakala na ito ang tatapos sa pagiging buhay binata niya. ‘Hindi! Hindi siya ang sisira sa buhay ko dahil ako ang sisira sa buhay niya.’ Naramdaman niya na may kamay na humawak sa kaniyang balikat, dahan-dahan niya itong nilingon. Nang makitang ang kaniyang Lolo ay tinapos niya ang paninigarilyo. “I thought you're resting, Dad.” Hinulog niya ang upos ng sigarilyo at inapakan ito para mamatay ang apoy. Tinabihan siya nito sa pagkakatayo habang nakatanaw rin sa mga bituwin na pinagmamasdaan niya. “Unang kita ko sa asawa mo masasabi kung tanggap ko siya sa ating pamilya.” Panimula ng kaniyang Lolo. Masarap pakinggan sa tenga ang sinabi nito Ngayon na pag-isip niya kung bakit biglaan ito sa pag-uwi, iyon ay para suriin ang kaniyang asawa. May mataas na mapantayan ang kaniyang Lolo na magsasabi kung tanggap o kailangan pang patunayan ang sarili para maging karapat-dapat sa kanilang pamilya. Naiintindihan niya kung bakit ganu'n ang inasta kay Amary kanina sa kusina. His family is a very dominant person. “Nakikita kong mabuti siyang tao at magiging mabuti siyang asawa sa'yo ngunit hindi ko nakikita sa kaniyang mga mata ang saya ng isang babaeng may asawa.” Naglakad papunta sa harapan niya ang kaniyang Lolo dahilan para mapatingin siya sa mukha nito. His grandfather is a great observer. Marahil ay nararamdaman nito ang kakaiba nilang kilos at nakikita nito ang pagkailang ng asawa sa kaniya. “You're not getting any younger, Aleonixous! Grow up! I'm warning you...” Hinawakan siya nito sa kwelyuhan. “If you continue what you've started, your making a fight with me. You know me. I hate seeing women being abuse. Girl doesn't deserve to be hurt, they deserve to be loved and treat like a precious diamond.” Nagbaba siya ng tingin. Nabigla siya sa ginawa nito ngunit agad rin naman siyang binitawan. He deep breath while fixing his shirt. Naglalaro ang kaniyang dila sa loob ng bibig niya, wala siyang maisasagot sa sinabi nito. Kinuha ulit siya ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito, inalok niya pa ang kaniyang Lolo pero tumangi ito. Nasa dugo niya ang pagiging matapang at palaban dahil apo siya ng isang kinakatakutang; Don Leon. “Dad, I don't get your point. One thing I can't do, having a fight with you. I respect you that much,” Pinagpatuloy niya ang paghithit ng sigarilyo at hindi makatingin ng deritso sa kaniyang Lolo. Pakiramdam niya ay nasa hot seat pa rin siya na akala niya kanina ay tapos na ang usapin tungkol sa asawa. “Don’t fool around with me, kid! Papunta ka pa lang, pabalik na ako...” Tinap nito ang kaniyang balikat. “I want you to work for it, make your wife happy. Give everything she deserves.” Dagdag pa nito bago siya tuluyang iniwan nito ng nakatulala sa kawalan. ‘Give everything she deserves.’ Paulit-ulit na pumapasok sa kaniyang isipan ang huling sinambit ng kaniyang Lolo. Magkaiba sila nito ng pagpapakahulugan sa sinabi nito. “Anyway, the food is great. You win.” Don Leon said before left. Ang gusto ng kaniyang Lolo ay ibigay niya ang lahat dito upang mapasaya ito dahil karapatan 'yon ng mga babaeng nagiging bahagi ng pamilya. But he want her life miserable for choosing him to her husband. ‘You don't know who I am behind this Zarchx Montenegro.’ “Why didn't you tell the truth?” Napatingin si Amary sa pintuan ng kaniyang silid. Agad niyang dinampot ang kaniyang roba ng makitang nakasandal sa pader ang asawa habang nakamasid sa kaniya na nag-aayos sa harap ng salamin. “Dahil ‘yon ang dapat.” She simply answered. “We don't talk about it. I didn't warned you or even threat you, if you’ll tell him against me.” But he say; ‘huwag mo akong ipahiya’ earlier. She look at his husband. “Why don't you just thank me?” Mapaklang tumawa si Zarchx. “So, this is the reason why did you do that? Gusto mong magkaroon ako ng utang na loob sa'yo? You can't have what you want from me.” “Kung ganu'n, hindi kita pipilitin na pasalamatan ako, payagan mo na lang akong lumabas. Kung ayaw mo, bukas na bukas sasabihin ko ang totoo sa lolo mo.” Zarchx laugh sarcastically. “You’re a great manipulative, don't you?” “I’m not, I'm just doing what's make me happy.” “If I thank you it's really make you happy?” She smile. “Yeah.” “If that's so, I don't like you to be happy.” Zarchx rolled his eyes before he walked out of her room. Hinabol niya ito patungo sa sarili nitong silid. Hindi man nito magawang magpasalamat sa kaniya nang saklolohan siya nito kanina sa kusina. “Leon.” Kuha niya ng attention nito. Saglit siya nitong tiningnan pero agad rin namang bumalik sa ginagawang pagtanggal ng botones ng suot nitong long sleeve. “Salamat,” Mahina niyang sabi. Tumingin siya ng deritso sa asawa at nagtama ang kanilang mga mata dahilan para mapipilan siya saglit dahil minsan lang mangyari ‘yon sa isang araw ang magtama ang kanilang mata na nakakapagpabaliw ng puso niya. “Salamat sa ginawa mo kanina.” “Don’t thank me. Señior-dad like it what you made, I'm out of it.” Walang emotion na tugon nito. Humarap ito sa kaniya na bukas na ang lahat ng botones ng suot na long sleeve. Bumaba ang mata niya sa tiyan nito. Nanlaki ang mata niya ng makita ang 8 packs abs nito. Hinagod niya iyon ng tingin pa taas sa matipuno nitong dibdib. Kailan niya kaya mahahawakan ang abs nito na paniguradong kay sarap haplusin at ang dibdib nitong malapad at maskulado na kay sarap gawing unan sa gabi. “Finish, salivating on my body?” Napakurap-kurap si Amary at agad na umiwas ng tingin sa asawa. “H-Hindi ‘no! Tinitingnan ko lang kung paano rin ako magkakaroon ng ganiyan, I think... I should sleep now.” Sa kahihiyan tumakbo siya papunta sa kaniyang silid at kung minamalas nga naman siya na untog siya sa nakasarang pinto dahilan para mapasalampak siya sa sahig at agad na napahawak sa kaniyang ulo na nauntog. Magda-drama na sana siya ng maalala na hindi lang siya ang tao sa loob ng kwarto kaya nilingon ang asawa na nakatingin sa kaniya at naka-taas ang kilay na para bang pinagtatawan siya sa isipan ito. Pinaningkitan niya ito ng mata pero wala ng bago sa reaction ng mukha nito. Namumula ang kaniyang mukha dahil sa kahihiyan, wala na siyang ibang ginawa kundi ang ipahiya ang sarili sa harap nito. Ang tanga-tanga mo, Amary! Zarchx shook his head before a small smile form in his kissable lips. “Karma is real.” Nagising si Zarchx ng marinig ang ingay sa labas ng kaniyang silid. Wala sana siyang balak na pansinin ito ng sumagi sa isip niya na ang Lolo ito, agad siya bumalikwas sa kaniyang kama. “Leon!” Malakas na sigaw nito mula sa labas ng kaniyang silid. Naiinis na tinungo niya ang pinto at akmang hahawakan niya na ang doorknob ng pumasok sa isip niya kung bakit na ririto ang kaniyang Lolo. Dali-dali siyang naglakad papunta sa kwarto ni Amary at walang sabi-sabing pumasok sa loob. Napako si Zarchx sa kaniyang kinatatayuan na ng bumungad sa kaniya ang makinis na mga hita ni Amary. Nakataas ang suot nitong dress kaya sumisilip ang pula nitong panty sa suot nitong red night dress. “Shit.” Ginulo niya ang kaniyang buhok at na iinis na hinila ang kumot para takpan ang hita nito na nang-aakit. Niyugyog niya ang balikat nito. “Hey, wake up!” Gumalaw ito. “Amary, wake damn up!” Inis na pinagmasdan niya ito ng hindi magising. Huminga siya ng malalim bago binuhat si Amary papunta sa kaniyang kama. Hindi pwedeng makita ni Don Leon ang kanilang sitwasyon. Dapat nilang panindigan ang sinabi ni Amary na ayos silang mag-asawa at sobrang magtataka si Don Leon kapag nakitang hindi sila magkatabi sa kama. “Hey, Amary.” Ginigising niya ito habang nasa bisig niya. Dahan-dahan niyang inilapag sa kama ang mahimbing na natutulog na asawa. Muntik niya na itong mapatungan ng madulas ang isa niyang paa kaya nagkalapit ang kanilang mukha. Pinakatitigan niya ang mukha nito. Napakaganda pala nito sa malapitan lalo na kapag natutulog, payapang-payapa ang mukha nito na para bang isang anghel na natutulog. Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang labi sa mapang-akit nitong labi ng dahan-dahang bumukas ang mata ni Amary. Nagkatitigan sila saglit dahilan para may daga na nagkarera sa kaniyang dibdib. Nanlaki ang mata ni Amary ng bumungad sa kaniya ang mukha ng asawa na malapit na malapit sa kaniya. Sisigaw na sana siya sa gulat ng biglang lumapat ang labi nito sa labi niya kasabay ang pagbukas ng pinto ng silid ni Zarchx at iniluwa no’n si Don Leon. “Ahem.” Mabilis na naghiwalay ang labi nilang dalawa. Pa simpleng nilingon ni Zarchx ang kaniyang Lolo na nakamasid sa kanilang dalawa bago tumingin kay Amary na hindi pa rin nakakabawi sa ginawa niyang paghalik. “Behave.” He whispered. “How could you do that in front of me, Leon?!” Malalim na tanong ni Don Leon. Tiningnan ni Zarchx ang kaniyang Lolo. Inabot niya ang kumot at ipinatong sa katawan ni Amary bago tumayo at nilapitan ang kaniyang Lolo. “Good morning, Señior-dad.” He happily greet his grandfather. “What is the good in the morning if I stand for almost five minutes outside your room?!” Nakayukong kumamot sa batok si Zarchx at nilingon si Amary sa kama dahilan para mapatingin rin si Don Leon sa gawin ito. “Magandang umaga po, Don Leon.” Nahihiyang bati ni Amary sa matanda. Itinaas ni Don Leon ang kamay pero wala itong sinabi, dumapo kay Zarchx ang mata nito. “I have something to discuss you, little brat. Since you two busy making something, I’ll go ahead.” “Just go to my library when you're free.” Dagdag pa ni Don Leon bago lumabas ng silid. “No, I’ll go with you.” Sumunod si Zarchx kay Don Leon palabas ng silid. Nakasandal si Amary sa headboard habang nakahawak ng mahigpit sa kumot na nakakatakip sa katawan niya. Nagising ang diwa niya sa ginawa ni Zarchx, hangang ngayon pakiramdam niya magkalapat pa rin ang kanilang labi. Hindi siya makapaniwala na hinalikan siya nito, nakakahiya dahil hindi pa siya nakakapag-sipilyo. Hindi siya handa! Hinawakan niya ang kaniyang labi. Hindi niya na pansin ang pagpasok ni Zarchx sa silid. Huminga ito ng malalim bago bumalik sa kama at pabagsak na humiga at niyakap ang isang unan. Bumaling sa kaniya si Zarchx. Ngumisi ito ng makita ang itsura niya. Umiiling na lumapit ng bahagya si Zarchx sa asawa. “Wanna take back the kiss?” She look at him. “Go, get it.” Zarchx smirked. “Anong ginawa mo sa akin?” Wala sa sariling tanong ni Amary sa asawa. Kumunot naman ang noo ni Zarchx para namang may ginawa pa siyang malala pa sa halik. He doesn't like to kiss her but it's just an only for her to shut up. “Dream high, woman. As if I am interested on you, for your fucking information, your plain and boring.” Napalitan bigla ang saya sa loob-loob ni Amary. “Hindi ‘yon ang ibig kung sabihin. Ang gusto ko lang malaman kung bakit naririto ako sa kama mo?” “Why don’t you asked your sleepyhead self? Tsk.” Binawi ni Zarchx ang kumot kay Amary. “Get out of my bed, you're enjoying to much. Leave!” Nagmamadaling umalis sa kama si Amary habang nakatakip ang kaniyang braso sa dibdib niya dahil wala siyang suot na bra maliban sa silk nighties na suot niya. Naglalaki ang hakbang niya pabalik sa kaniyang silid ng— “Amary.” Huminto siya sa paglalakad ng tawagin siya ng asawa. Dahan-dahan niya itong nilingon habang nasa dibdib niya pa rin ang kaniyang mga braso. Nagtama ang mata nila ni Zarchx ngunit agad naman iyong bumaba sa kabuohan ng katawan niya. “You look hot in red panty.” Amary’s eyes widened. “W-What?!”Tatlong araw na ang nakalipas ng dumalaw si Don Leon. Masaya na sana siya nitong nakaraan ng tatlong araw, naramdam niya ang pag-aalaga ng asawa at nakikita niyang sweet ito sa kaniya kahit na palagi siyang sinasampal ng katutuhanan kapag silang dalawa na lang ang magkasama na lahat nang iyon ay puro pagpapanggap. Pinagbakasyon ni Zarchx ang mga katulong maging ang mga magbabantay sa kaniya, dalawang araw na silang mag-asawa lang ang nasa mansion dahil pumayag siya sa kondisyon ng kaniyang asawa. Kung magagawa niya ng maayos ang obligasyon at responsibilidad niya bilang asawa ay palabasin na siya nito kahit anong oras niya man gustuhin. Gumising siya ng maaga para gumawa ng almusal para sa asawa. Mula kasi ng bumisita ang Lolo nito sa mansion palaging sa bahay na kumakain si Zarchx, ang mas nakakatuwa na gustuhan naman ang mga niluluto niya. Noong una akala niya hindi nito magugustuhan kapag nalaman na siya ang nagluluto. Inahanda niya ang mesa ng makarinig siya ng kaluskos, nang
Laking pagtataka ni Amary ng hindi pinapayagan ng mayordoma na gumawa nang gawaing bahay maging ang nakasanayan niyang magluto hindi siya nito pinapagawa. Maghapon lang siyang pabalik-balik sa kwarto at sala. Manunuod ng TV at kapag na bored ay maglalakad-lakad sa garden. Kasalukuyan siyang nakaupo sa gilid ng swimming pool habang nakalublob ang kaniyang mga paa sa tubig. Iniisip niya ang nangyari kagabi, alam niyang nasa sala siya kaya laking gulat niya na lang ng magising siyang nasa loob na siya ng silid niya. Iniisip niya na hindi panaginip ang paghalik ni Zarchx sa kaniyang noo dahil kung panaginip iyon ay magigising siyang nasa sofa pa rin. Alam niyang ang asawa ang bumuhat sa kaniya dahil wala naman ibang gagawa no’n dahil hindi naman siya kaya ng mga maids na dalhin sa silid. She was disappointed when she wake up na wala na naman siyang nakitang Zarchx, gumagabi na naman hindi niya pa ito nakikita. Iniisip niyang sinasadya nitong hindi magpakita sa kaniya dahil alam niy
Maagang nagising si Zarchx. Hawak-hawak niya ang kamay ng asawa habang ang isa naman ay nakayakap sa bewang nito. Nakaunan rin ito sa kaniyang dibdib—bagay na hindi niya aakalain na gigising siyang may kayakap sa umaga. Sa dami ng babaeng na ikama niya, kahit isa dito ay walang nakakatabi sa pagtulog, hindi niya ito hinahayaan na manatili sa kaniyang silid pagkatapos pagsawaan. Nagbaba siya ng tingin sa mukha ng asawa, mahimbing pa rin itong natutulog, hindi niya pinagkaabalahang gisingin ito kahit mataas na ang sikat ng araw. Hindi niya maalis ang mata sa mukha nito, gusto niyang isaulo bawat anggulo ng mukha nito. Sobrang ganda ng umaga niya dahil hindi lang sa yakap niya ito buong gabi kundi dahil napakaganda nitong pagmasdan. Dahan-dahang iminulat ni Amary ang kaniyang mga mata. Nag-inat siya at bumaling sa bintana kung saan madalas siyang nakatingin kapag gigising siya sa umaga. Napanguso siya ng makitang mataas na ang sikat ng araw, dati-rati nagigising siya papasikat pa la
Ilang linggo na ang nagdaan. Naging maayos ang kanilang pagsasama. Mula ng pinagsaluhan nila ang mainit ang mainit na gabi, palagi silang magkasamang mag-asawa. Madalas silang kumain sa labas, kung may pupuntahan si Zarchx isinasama siya nito. Madalas rin silang pumunta sa iba’t-ibang resort at tatlong araw na namalagi doon. Ngunit ang pinakamasayang bakasyon na naranasan niya nang magbakasyon sila sa Palawan ng isang linggo. Sa bakasyon na iyon masasabi niyang nakilala niya ang good side ng asawa at hindi niya maiwasang mailang dahil hindi iyon ang nakasanayan niya na trato nito sa kaniya. Inuuna siya nito kahit na madaming naghihintay na trabaho. Inaalagaan siya at ginagawa nito ang responsibilidad sa kaniya. Masasabi niyang kahit paano may nagbago dito mula ng gabing ‘yon. Kagaya ngayon, kakadating lang nila sa Mansion galing sa private resort nito sa Batangas. “Umayos ka Leon, kanina ka pa!” Napipikon na saway ni Amary sa asawa sa panunukso nito sa kaniya. Nasalo naman ni
Nagising si Amary ng hindi niya makapa sa tabihan ang asawa. Bumangon siya at hinanap ang asawa sa kanilang silid ngunit isang petals ng rosas na kulay pink ang natagpuan niya sa bedside table. Kinuha niya ito at pinakatitigan. She appreciates it. Mas mahalaga pa ang isang petals na ito kaysa sa bouquet na bulalak. Habang nakatitig sa hawak niya may pumasok sa isip niya, isang imahe ng batang babae at lalaki. A young girl was crying when a young boy give it a one petals of flower that's make it stop cryin’. Naalala niya na may nagbigay na rin sa kaniya ng ganito ng siya ay bata pa. A petal of rose. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung na saan na ang batang iyon. Hindi niya pinansin ang pagbukas at sara ng pinto dahil alam niyang ang asawa ito. “Good morning babe! Gising ka na pala,” Rinig niyang sambit ng asawa. Nakangiting nakatitig pa rin siya sa hawak niyang petal. Amary know it's from her husband. “Morning...” Tipid niyang sagot dito inilapat sa dibdib ang isang petal,
Ang alam ni Amary isa itong study room pero mas nagmukha pa itong living room sa daming larawan na nakasabit sa kaharap niyang pader. Hindi niya kilala ang mga ito at halos lahat ng naririto mga larawan ng mga gwapong lalaki. Nakita niya ang isang mesa at mayroong swivel chair, iyon ang study table ng asawa. May mga sofa at reading corner sa gilid, mayroon ring TV. At sa kanilang dulo naman ay isang mini bar, at napapalibutan ito ng mga matataas na stool. Halos lahat ng mamahaling alak naka-display. Malaki ang kabuohan ng silid, hindi niya akalain na ganito kaganda ang study room nito. Napaka-manly ng design, halatang mayaman ang may-ari dahil halata sa mga kagamitan na naririto. “Wow! Just wow... Iba talaga kapag rich kid!” Komento ni Amary. Yumakap sa kaniyang likuran ang asawa. “I want you to completely know me, babe, this is the only way I know you’ll know my descent.” Nilingon niya ang asawa at hinalikan sa pisngi na ikanabigla nito. “Makilala man kita ng buo o hindi. Bas
Habang naghihintay sa asawa ay binuksan ni Amary ang TV upang maglibang. Nasa balita ito at hindi niya na pinagkaabalahang ilipat pa. Sa kalagitnaan ng panunuod ng TV ay na isipan niyang magbihis at gawin na ang test baka pabalik na ang kaniyang asawa. Ginamit niya ang tatlong pregnancy test na binili ng asawa. Kaba ang bumabalot sa buong pagkatao niya habang naghihintay ng resulta, ipinagdarasal na sana ay tama ang hinala ng asawa dahil sa pamamaraan na iyon niya ito lubos na mapapasaya—ang mabigyan ito ng anak. Sunod-sunod na tumulo ang luha niya ng makita ang result, pare-pareho ang naging resulta ng pregnancy test totoo ang kaniyang nakikita—Dalawang guhit! May bata sa sinapupunan niya, magiging Ina na siya. Naramdaman siya ng matinding tako pero ng pumasok sa kaniyang isipan ang sinabi ng asawa na hindi siya nito pababayaan at hindi iiwan ay lumakas ang loob niya. Hindi pa siya handa na maging Ina pero nakakasiguro siya na magiging mabuti ang kanilang buhay lalo't pa may isang
Araw-gabi walang tigil sa pagluha ang mga mata ni Amary. Sobrang pangungulila ang kaniyang nararamdaman, gustong-gusto niyang makita ang kaniyang asawa. Wala siyang magawa kundi ang umiyak. Hindi niya tanggap na wala na ito, may ibang pakiramdam siya na parang hindi tama. Malakas ang kutob niya ngunit paano naman ito makakaligtas kung ganu'n apoy ang bumalot sa building na kinaruruonan nito? Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili, iniisip niya na sanhi ito ng pagbubuntis niya kaya o dahil sa hindi siya sanay na wala sa kaniyang tabi ang kaniyang asawa. Kasalukuyan siyang nakahiga sa kaniyang kama, yakap-yakap ang isang unan habang nakatingin sa bintana na pasikat na ang araw. “I miss you so much, babe . . .” Bulong niya sa sarili. Miss na miss niya na ang asawa. Kung sana nandidito ito ay kasalukuyan itong nagungulit sa kaniya. Nang-aasar at gigisingin siya nito sa pamamagitan ng paghalik sa kaniyang batok habang mahigpit na nakayakap sa kaniyang bewang. Sabay silang manun
Sa Mariano Private Resort, Nakaupo sa isang lounge chair ang gwapong binata, nakatutok ang kaniyang nakakaakit na mga mata sa pagsikat ng haring araw. Walang umaga na hindi niya inaabangan ang pagsikat ng araw. Kahit na saan man siya o kahit ano man ang ginagawa niya, iiwan at iiwan niya para pagmasdan ang pagsikat ng araw. Watching the sunrise is there something in his heart that he can't explain. My it be sounds crazy but he's in love to the handsome bright sun. Samantalang hindi mapakali si Odisza Mariano nang magising na wala sa kaniyang tabi ang asawa. Balisang naghanap at nag-aapoy sa galit ang mga mata, nang makita ito agad na sumilay ang ngiti sa labi. “Zarchx, Honey!” Nakangiting kuha niya ng atensyon nito. “What are you doing here? Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras? Masyado pang maaga,” Odisza sat beside him. “You mentioned that we love watching sunrise before I got an accident, even if I don't remember anything. My heart seems calling for it.” Zarchx caressing
Inilagay ni Amary sa lababo ang pinagkainan ng kaniyang anak. Sinuklay niya ang kaniyang mahabang buhok gamit ang kaniyang daliri. Sumandal siya sa lababo at pinag-cross niya ang kaniyang braso sa kaniyang dibdib habang pinuporseso sa kaniyang isipan ang mga sinabi ni Zarchx Jr. “Kilala mo naman siguro ang pamilyang pinagmulan ng asawa mo kaya wag kang magtataka kung sa murang edad ng anak mo kitang-kita kung saan siya nagmana.” Pumasok sa kusina ang bagong dating na Amber. Hindi napansin ni Amary ang pagdating nito. Narinig ni Amber ang pag-uusap nilang mag-ina at alam nito kung bakit malalim ang iniisip ni Amary dahil nag-aalala ito para kay Zarchx Jr. “Amber, he's my son! My baby is mine, I don't have a right to do what I want for my baby? Why he's always against me? All I want is to see him playing not studying those papers! Bakit hirap na hirap akong pasayahin ang anak ko na para bang ako pa ang nagiging hadlang sa kasiyahan niya?” Tahimik na nakamasid si Amber sa kaibigan
• • • J A Y P E I ' S N O T E • • • Hello po. Marhay na aldaw sa indo gabos! Pagbati mula kay Zarchx Montenegro. Unang-una, nagpasalamat po ako sa lahat na nagbabasa at sa mga magbabasa pa lamang!♡ Maraming-maraming salamat po sa mga nagbigay gems at magbibigay pa lamang.✷‿✷ Ganu'n rin po sa mga nagbibigay ng komento, maraming salamat po! ♡‿♡ Salamatooon sa indong suporta! ◜‿◝ Pangalawa, sa lahat po nang nag-aabang ng kwento ni Zarchx at Amary, humingi po ako ng pasensya kung masyadong mabagal ang usad ng kwentong ito. ಡ ͜ ʖ ಡ Please bear with me, Guys. Pangatlo, gusto ko pong ipaalam sa inyo na hindi pa dito nagtatapos ang kwento. Masyado pang madaming kaabang-abang na magaganap sa kwento. ʘᴗʘ Stay tuned! Pang-apat, hinahanyayahan ko po kayo na magbigay ng rate and feedback sa story. Para po sa mga nagkokomento, kung maari po na sa mismong story na kayo magkomento dahil malaking tulong po 'yon sa pagpromote ng story. Paano magbigay ng rate? Step 1: Sear
Nang matapos ang kulog at kidlat kusang inilayo ni Max ang kaniyang sarili sa asawa at bahagyang hinihili ang kanilang anak na umiiyak. “Let’s get inside. It's cold here and also not safe.” Inayos ng binata ang towel para hindi matakpan ang mukha ng kanilang anak. His arms snaked on Max's waist until they get inside. “Talagang sa ilalim ng malakas na kulog at kidlat pa kayong mag-asawa nagmoment, dinamay niyo pa ang bata!” Scott commented. Sinamaan ng tingin ni LV si Scott ng makarating sila sa sala na lahat ng mata ay nasa kanila. “Max, ayos ka lang? My god. Namumutla ka, Scott tubig nga please.” Inaalalayan ni Amary na makaupo si Max. “Cy, tubig daw. Bilis!” Utos rin ni Scott na akala mo naman nakikipagbiruan si Amary. “Bakit ako? Lanc—Woah. . .” Natigilan ang lahat ng si LV ang pumunta sa kusina at pagbalik nito may dalang isang basong tubig. Nilapitan nito ang kaniyang asawa. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nito na nakatakip sa mukha nito at pinakatitigan. “You ok
Tinahak ni Amary at Zarchx Jr. ang malapad na pintuan, pinagbuksan sila ng mayordoma. “Maligayang pagbabalik, Ma'am.” Nakangiting niyakap ni Amary ang mayordoma. Maikling panahon man silang nagkasama, napamahal na ito sa kaniya. “Na miss ko po kayo, Manang.” Nakangiting pumasok sila ng kaniyang anak. Nakangiting inilibot niya ang paningin sa buong sala. Natigilan siya ng dumapo ng mata niya malalapad na portrait sa pader. She smile slightly when her eyes focus on the frame, she was with Zarchx. She miss him so much! Every time she saw his husband image make her smile but deep inside she's in pain. “Ganu’n din ako. Napakagwapong bata naman niyan, Hija. Kamukhang-kamukha ni Zarchx! Isa nga siyang Pendilton.” Nakatingin ito sa anak niya na nakangiti. Pinagmasdan ni Amary ang kaniyang anak na inilibot ang paningin sa loob ng sala. Bumitaw ito sa kamay niya at umupo sa pang-isahang sofa na nakacross ang kamay sa kaniyang dibdib habang nakasandal sa likod ng sofa. “Baby, say hi
• • • FOUR YEARS LATER • • • She was staring at her son, when memories with her husband came on her mind. Nakatayo si Amary sa pangpang habang pinagmamasdaan ang sunset na kay sarap pagmasdan lalo na’t ang ganda ng reflection sa tubig. Napalingon siya sa kaniyang likuran ng maramdaman ang kamay na yumakap sa kaniyang bewang. Nginitian niya ang asawa ng magtagpo ang ang mata nila at tahimik na nagmasid sa sunset na palagi nilang inaabangan. “Babe?” “Hm?” “Ayaw mo pa bang magkaroon tayo ng anak?” Natigilan si Amary. Napatingin si Amary sa mukha ng asawa. She can see the excitement and hope in his eyes. “Nagmamadali ka ba?” Mahinang tumawa ang binata sa likuran niya at hinalikan ang gilid ng tenga niya. “Babe, seryoso ako.” Isinandal ni Amary ang kaniyang likod sa matitipunong dibdib ng asawa at hinawakan ang kamay nito na nakayakap sa kaniya. Hindi niya alam kung anong dapat sabihin dito ang alam niya hindi pa siya handa. Mahirap ang maging isang Ina. “Seryoso
Araw-gabi walang tigil sa pagluha ang mga mata ni Amary. Sobrang pangungulila ang kaniyang nararamdaman, gustong-gusto niyang makita ang kaniyang asawa. Wala siyang magawa kundi ang umiyak. Hindi niya tanggap na wala na ito, may ibang pakiramdam siya na parang hindi tama. Malakas ang kutob niya ngunit paano naman ito makakaligtas kung ganu'n apoy ang bumalot sa building na kinaruruonan nito? Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili, iniisip niya na sanhi ito ng pagbubuntis niya kaya o dahil sa hindi siya sanay na wala sa kaniyang tabi ang kaniyang asawa. Kasalukuyan siyang nakahiga sa kaniyang kama, yakap-yakap ang isang unan habang nakatingin sa bintana na pasikat na ang araw. “I miss you so much, babe . . .” Bulong niya sa sarili. Miss na miss niya na ang asawa. Kung sana nandidito ito ay kasalukuyan itong nagungulit sa kaniya. Nang-aasar at gigisingin siya nito sa pamamagitan ng paghalik sa kaniyang batok habang mahigpit na nakayakap sa kaniyang bewang. Sabay silang manun
Habang naghihintay sa asawa ay binuksan ni Amary ang TV upang maglibang. Nasa balita ito at hindi niya na pinagkaabalahang ilipat pa. Sa kalagitnaan ng panunuod ng TV ay na isipan niyang magbihis at gawin na ang test baka pabalik na ang kaniyang asawa. Ginamit niya ang tatlong pregnancy test na binili ng asawa. Kaba ang bumabalot sa buong pagkatao niya habang naghihintay ng resulta, ipinagdarasal na sana ay tama ang hinala ng asawa dahil sa pamamaraan na iyon niya ito lubos na mapapasaya—ang mabigyan ito ng anak. Sunod-sunod na tumulo ang luha niya ng makita ang result, pare-pareho ang naging resulta ng pregnancy test totoo ang kaniyang nakikita—Dalawang guhit! May bata sa sinapupunan niya, magiging Ina na siya. Naramdaman siya ng matinding tako pero ng pumasok sa kaniyang isipan ang sinabi ng asawa na hindi siya nito pababayaan at hindi iiwan ay lumakas ang loob niya. Hindi pa siya handa na maging Ina pero nakakasiguro siya na magiging mabuti ang kanilang buhay lalo't pa may isang
Ang alam ni Amary isa itong study room pero mas nagmukha pa itong living room sa daming larawan na nakasabit sa kaharap niyang pader. Hindi niya kilala ang mga ito at halos lahat ng naririto mga larawan ng mga gwapong lalaki. Nakita niya ang isang mesa at mayroong swivel chair, iyon ang study table ng asawa. May mga sofa at reading corner sa gilid, mayroon ring TV. At sa kanilang dulo naman ay isang mini bar, at napapalibutan ito ng mga matataas na stool. Halos lahat ng mamahaling alak naka-display. Malaki ang kabuohan ng silid, hindi niya akalain na ganito kaganda ang study room nito. Napaka-manly ng design, halatang mayaman ang may-ari dahil halata sa mga kagamitan na naririto. “Wow! Just wow... Iba talaga kapag rich kid!” Komento ni Amary. Yumakap sa kaniyang likuran ang asawa. “I want you to completely know me, babe, this is the only way I know you’ll know my descent.” Nilingon niya ang asawa at hinalikan sa pisngi na ikanabigla nito. “Makilala man kita ng buo o hindi. Bas