Walang tigil sa pag-iyak si Amary hangang sa makatulog siya. Nakatulog siya sa sobrang sakit na nararamdaman. Iyong pagdudahan siyang may ibang lalaki na kahit kailan ay hindi niya magagawa. Nanliit siya sa mga pinagsasabi nito, pakiramdam niya durog na durog na siya.
Nasasaktan siya dahil parte iyon ng pagmamahal, sabi nga ng iba hindi ka totoong nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Masasaktan at masasaktan ka dahil walang perpektong pag-ibig. Wala pa ring bago, gumising siya na minamahal niya pa rin ang kaniyang asawa. Kinusot niya ang kaniyang namamagang mata, umupo sa kama, sa bintana nakatuon ang kaniyang paningin, pinagmamasdaan niya ang pasikat na araw. Hinding-hindi siya magsasawang umasa na mamahalin siya ng asawa hangga't nakikita niya ang pagsikat ng araw na nagbibigay sa kaniya ng pag-asa. Nagtungo siya sa harapan ng salamin at pinagmasdan niya ang sarili. Nakita niyang namumula ang kaniyang mga pisngi, hindi rin nakaligtas sa kaniyang mata ang pasa sa kaniyang maputing balat sa may siko at braso. Her tears starting to leaky down to her cheek. She really can't imagine she will suffer like this. Her parents never hurt her even one string of her hair, they really love her so much. She grow up in a lovely family who treat her like a princess, why do she feel like a disgusting trash in her own husband? Why can't he treat her like his Queen? Alam niyang galit ito sa kaniya ngunit hindi niya alam kung ano ang pinagmulan ng matinding galit nito, maliban sa ayaw nitong mag-asawa. Mula ng maging mag-asawa sila hindi niya ito nakitang ngumiti o naging masaya na kasama siya. Ni hindi nito nagawang makitungo sa kaniya ng maganda, palaging nakataas ang boses nito at kung tingnan siya parang siya ang pinakamababang tao. Napatingin siya sa larawan na nakapatong sa kaniyang dresser. Kuha iyon ng kasal nilang dalawa. Ang lawak ng ngiti sa labi niya samantalang ang asawa ay pilit lang ang ngiti nito dahil sa Ina. Masasabi niyang ito ang pinakamasayang araw sa buhay niya dahil hindi niya aakalain na maikakasal siya sa kaniyang minahal. She feel in love on her husband in the first meet. Hindi niya alam kung bakit ganu'n ka bilis na nahulog ang loob niya sa asawa. Ilang beses man nitong sabihin na parang: ‘hinain niya na ang kaniyang sarili sa isang mabangis na Leon.’ At ito nga ang pinaparanas nito sa kaniya, pinapahirapan siya nito at sinasaktan pero hindi pa rin siya susuko. Umaasa pa rin siyang mamahalin rin siya ng asawa tulad ng pagmamahal niya. Daga na siya kung daga pero patuloy pa rin ang pagmamahal niya sa isang Leon. Gaano man kabangis ang isang Leon darating ang panahon kusang luluhod ang mga paa nito para ipakita ang kahalagan ng isang daga. ‘Hangang kailan mo hihintayin ang panahon na iyon kung durog na durog ka na?’ Pinunasan niya ang luhang naglalandas sa kaniyang pisngi, habang ginagamot niya ang kaniyang mga pasa pagkatapos niyang maligo. Niligpit niya na rin ang mga ginamit niya bago bumaba. Pupunta na sana siya sa kusina ng makita niyang nasa loob ang asawa at pinaghahanda ng mayordoma ng almusal. “Alam kung hindi ikaw iyan.” Nagtago sa pader si Amary ng marinig niya ang sinambit ni Manang na para bang kanina pa ang dalawa nag-usap. Ipinagtimpla ni Manang Lita ng kape si Zarchx, tahimik itong kumakain sa mesa; luto ng mayordoma. Hindi matiis ng mayordoma na hindi magsalita lalo't na nasaksihan niya ang ginawa ni Zarchx sa asawa nito. Hindi niya lubos maisip na magagawa ito ng kaniyang alaga, hindi niya ito pinalaki ng ganito, nakakasigurado siya na pinalaki niya ito ng tama. Isang mabait, magalang, at mataas ang respeto sa babae ang kilala niyang Zarchx dahil ito ang kinalakihan nito mula sa Lolo at Ama nito ay mababait pagdating sa babae na kahit gaano kabangis ay hindi pa rin kayang manakit ng walang kalaban-labang babae. Alam niya iyon dahil sa tumanda na siya sa paninilbihan sa mga ito. Kilalang-kilala niya na ang mga ito. Inilapag niya ang kape sa harapan ng kaniyang alaga. Tumayo siya sa harapan nito at pinagmasdan ito habang walang imik na kumain. “Nakita ko ang ginawa mo kagabi,” Mahinang panimula niya dahilan para matigilan sa pagkain si Zarchx. Sandali itong natigilan at uminom ng kape, hindi ito nakatingin sa mayordoma. Tumikhim si Manang at sandaling nilingon siya ni Zarchx at nagpatuloy muli sa pagkain. “Hindi mo gawaing manakit ng babae, walang kalaban-laban sa'yo ang asawa mo. Madadaan naman sa mahinahong usapan kung ano man ang pinagtatalonan niyo, hindi iyong dinadaan mo sa init ng ulo talagang magkakasakitan lang kayo.” Mahinahon pinagsabihan niya ito. Katulong lang siya reto kaya mahinahon niyang pinagsasabihan ito dahil kahit matanda pa siya dito bali-baliktarin man ang mundo, boss niya pa rin ang batang pinagsasabihan niya. “Hindi mo alam ang pinagsasabi mo, hindi mo kilala ang babaeng iyan.” Walang modong sagot nito sa kaniya. “Tama ka, wala akong alam tungkol sa kaniya pero alam ko na alam mo na ang tama sa mali. Babae siya alam mo iyan. Hindi mo siya dapat sinasaktan, papaano kung mangyari iyon sa Mama mo? Isipin mo na lang na may kapatid kang babae, pinsan at malapit na kaibigan na inaabuso, anong maramdaman mo?” Huminga ng malalim ang Manang. “Hindi kita pinalaki ng ganiyan at kahit kailan hindi mo nakita sa mga magulang mo na nagkakasakitan, oo. Nag-aaway pero na dadaan sa maayos na usapan. Makinig ka anak, malupit ang tao pero mas malupit ang ganti ng tadhana na gawa ng tao.” Pabagsak na binitawan ni Zarchx ang kutsara’t tinidor na hindi na bago sa mayordoma kapag pinagsasabihan niya ito. “Iyan ang hindi mangyayari, Manang. Mas malupit ako sa tadhana, gagawin ko ang lahat ng gusto kung gawain. Hindi na ako bata para pangaralan mo.” Walang buhay na sagot nito sa mayordoma na siya namang ikinailing nito. Sinalinan ng mayordoma ng tubig ang baso nito. “Wag anak, juskong bata ka! Asawa mo pa rin siya kahit na anong gawin mo hindi mo na iyon mababago. Alam kung ayaw mo sa kaniya pero sana naman igalang at irespeto mo siya bilang isang babae, natatakot ako para sa'yo na baka sa huli ikaw ang magsisi...” Paki-usap ng mayordoma. Natatakot siya na may mas malala pang gawin si Zarchx sa dalaga, kilala niya ito kapag ginusto nito gagawin nito. Naaawa rin siya sa dalaga hindi dahil sa nakikita niya itong mabait at mahinhing dalaga kundi dahil sa ayaw niyang nakakakita ng babaeng sinasaktan dahil isa siyang babae at ramdam niya kung gaano ito kasakit. “Alam kung hindi ikaw iyan.” Dagdag ng mayordoma. Naramdaman ni Zarchx na parang may nakamasid sa kanilang dalawa ng mayordoma kaya pa simple siyang tumingin sa gilid sa may pintuan at hindi nga siya nagkamali. Nakita niya doon ang asawa na nakasilip at kaagad na nagtago ng mapansin nitong nakatingin siya dito. “Magiging ako sa kahit na anong gugustuhin ko. Hindi ba malinaw na ayaw ko sa kaniya at hindi ko siya nakikita bilang isang babae. Para sa akin isa lang siyang daga na pilit na inahain ang sarili sa Leon kahit na kinasusuklaman siya nito!” Padabog na ibinagsak ni Zarchx ang table napkin pagkatapos niyang punasan ang kaniyang labi at padabog itong tumayo at sinipa ang upuan para maibalik ito sa pagkakaayos. “Busog na ako, na busog ako sa sermon.” Dagdag pa nito bago naglakad papalabas ng dinning room. Nakita niyang nakatayo habang nakayuko ang kaniyang asawa sa tabi ng pader pero hindi niya ito tinapunan ng tingin, dire-diretso siya sa paglalakad palabas ng Mansion. Hindi mapigilang mapabuntong hiniga ang mayordoma sa inakto ng kaniyang alaga. Ngayon niya lang nakita itong umakto ng ganu'n sa harap ng hapag at talagang pasipa pa nitong ibinalik ang upuan na ginamit. Samantalang si Amary naman ay hindi maiwasang nagpatulo ng luha sa kaniyang narinig pero mas masakit pa rito. Dinaanan lang siya nito na parang hangin. Iniisip niya na lang na kaya ito na sabi ng binata dahil galit ito sa kaniya o ‘di kaya alam nito na nandoon siya nakikinig. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha ng napansin niyang may nakatayo sa harapan niya, babalik na sana siya sa kaniyang silid ng makita siya ng mayordoma at hindi siya nakatanggi ng sabihin nitong inihahanda na ang almusal niya. Abala sa paglilinis ng pinagkainan ni Zarchx si Rita at Ina habang si Lety naman ay inihahanda sa mesa ang kaniyang umagahan. “May kailangan ka pa ba, Hija? –Este Ma'am, pasensiya ka na.” Pagtatama nito sa tawag sa kaniya. Naka-upo siya sa harapan ng mesa habang nakatayo sa kaniyang gilid ang mayordoma, nginitian niya ito. “Ayos lang po. Wala na akong kailangan, salamat po.” Pagkatapos niyang kumain ay inayos niya ang sarili dahil may usapan sila ng kaibigang si Amber na magkikita ngayon at kakain sa labas. Naisip niyang tawagan si Zarchx para magpaalam dito pero na isip niya na baka masigawan lang siya nito o kaya hindi siya payagan. Naisip niyang uuwi na lang siya ng maaga para hindi malaman ng asawa na umalis siya ng bahay, magpapaalam na lang siya sa mayordoma upang hindi ito mag-alala kung saan siya pupunta. Nakasuot siya ng isang pink na long sleeve na naka tack-in sa kaniyang black high waisted ripped jeans pinarisan niya rin ng puting sapatos. May itim na sling bag din siya kung saan nakalagay ang kaniya cellphone, wallet at iba pa. Nagmamadali siyang bumaba ng makita niya na itenext na ng kaibigan kung saan sila magkikita. “Ma’am aalis po kayo?” Tumango siya kay Rita ng makita niya itong naglilinis ng display sa sala. “Siguro magd-date kayo ni Master Leon 'no?” Panunukso nito na ikinawala ng ngiti sa labi niya. Sana nga katulad ng iniisip nito ang pupuntahan niya pero hindi, ni minsan hindi siya nito niyayang kumain sa labas at kahit makasabay niya ito sa pagkain ay hindi niya nagagawa. “Pakisabi na lang kay Manang na aalis muna ako babalik rin ako kaagad.” Nginitian niya ito at ngumiti rin naman ito sa kaniya at tumango. “Yes Ma'am! Mag-enjoy po kayo!” Tumango na lang siya at bumaba na. Ginamit niya ang kaniyang sariling sasakyan papunta sa restaurant na itenext sa kaniya ng kaibigan. Pagkapasok niya ng restaurant, inilibot niya ang paningin para makita ang kaibigan, nakita niya itong kumakaway sa kaniya kaya nakangiting tinungo niya ang kinaruruunan nito. “Amary-baby, I miss you!” Sinalubong siya nito nang yakap at gumanti naman kaagad siya dito lalo pa’t miss na miss niya na ito. “Me too.” Tipid niyang sagot. “I miss you!” Umupo sila at tinawag naman ni Amber ang Waiter, umorder sila ng makakain. Habang naghihintay ng order ay nagku-kwentuhan sila ng kaibigan. “Girl, ang laki ng pinagbago mo. Sigurado ka bang okay ka lang? Ikaw ba talaga ang luxurious best friend ko?” Nag-aalalang puna nito sa kaniya. Siguro nagtataka ito na wala siyang suot kahit isang alahas. Walang magandang suot katulad ng dati na kapag lumalabas siya ay para siyang pupunta sa isang celebration sa ganda ng ayos niya. “Oo naman, bakit mo naman na tanong iyan?” Pilit niyang pinapasigla ang boses para makita ng kaibigan na ayos lang siya at masaya sa buhay na mayroon siya. Pinakatitigan siya nito. “Alam kung hindi, sino bang magiging masaya kung hindi ka gusto ng lalaking pinakasalan mo? Tell me, may nangyayari ba? Sinasaktan ka ba niya?” Napalunok siya sa tanong ng kaibigan. “Tingnan mo nga ang sarili mo, look, ang layo-layo mo na sa Amary na kilala ko,” Alam nitong hindi siya gusto ng asawa pero hindi niya ikinu-kwento dito ang buong nangyayari katulad ng physical na pananakit nito sa kaniya dahil kapag nagkataon. Magsusumbong ito sa mga magulang niya at sigurado siyang babawiin siya ng mga ito, ayaw niya iyong mangyari hindi dahil sa hindi pa muling nakakabangon ang kanilang kompanya kundi dahil sa mahal na mahal niya ang asawa. “No offense, Girl, pero mukha ka ng lusyang! Ang dry ng buhok mo, kailan ka ba huling pumunta sa salon? ‘Yang suot mo, hindi ka naman ganiyan manamit, ang Amary na kilala ko ay mahilig sa sexy fashionable clothes, the sexiest thing she had is her beautiful smile. Where is it?” Yumuko siya. “I’m just busy these past few days.” Tipid niyang sagot. Abala siya palagi at hindi niya alam kung paano aayusin ang sarili dahil isa lang naman ang kaniyang nais, iyong mahalin rin siya ng kaniyang asawa. “Amary. May iba pa bang problema maliban sa ayaw sa'yo ng asawa mo? Sinasaktan ka—” Hindi niya na pinatapos ang sinasabi ng kaibigan. “Ano ka ba, saan mo naman nakuha ‘yan? Nandidito tayo para pag-usapan ang mga bagay na nangyari sa atin nitong nakaraan na hindi magkasama...” “... At kasama ang tanong ko, kaya sagutin mo.” Pinandilatan siya nito. Huminga siya ng malalim bago tumingin sa mata nito. “Ayos naman kami ni Zarchx, pero hindi kasing-ayos ng isang tunay na mag-asawa.—Teka nga, bakit ako lang ang tinatanong mo, iyong sa inyo ni Lance kamusta naman, ah?” Ganti niya dito dahilan para mapa-irap ito sa kawalan. “Wag na nating pag-usapan ang ulol na iyon dahil na i-stress lang ako sa kaniya. Alin ba kasi sa ayaw ko sa kaniya ang hindi niya maintindihan?” Halata sa boses nito ang pagka-irita na mukhang ayaw na ayaw talaga nito sa binata. “Mabait naman si Lance bakit hindi mo pagbigyan? Wala namang masama kung susubukan mo— “—Hep! Hep! Hep! Wag mo akong ibugaw sa kaniya, best friend mo pa rin ako kahit na sabihin mo pang kaibigan mo siya, hm?” Sa pagkakataong ito, si Amber naman ang napa-irap, kinakasuklaman talaga nito ang binata kahit na mabuti naman itong tao. Napaisip siya na nasa pareho silang sitwasyon ni Lance. Ganu'n rin kasi sa kaniya ang asawa niya. Ayaw na ayaw nito sa kaniya kahit na wala namang mali sa kaniya at wala siyang ginagawang masama, mabuti siyang babae. Naisip niyang pareho silang naghihintay ni Lance ng tamang panahon para tanggapin ng taong kanilang minamahal... Bandang alasais na naka-uwi si Amary dahil pagkatapos nilang kumain ay naglibot pa sila sa Mall. Niyaya siya nitong magpa spa pero tumangi siya hindi dahil sa ayaw niya kundi dahil sa ayaw niyang makita nito ang kaniyang mga pasa na natatakpan ng long sleeve niya. Hindi na siya nag-abala pang magpalit pa dahil gabi na nagluto na siya ng hapunan dahil abala ang lahat ng katulong sa paglilinis ng buong bahay sa laki ng mansion. Napagkaalaman ni Amary na nasa labing anim ang katulong dito maliban sa mga driver at guard. Pinaghahandaan kasi nito ang pagbabalik ng Lolo ni Leon na si Don Leon. Pasado alas syete na siya natapos sa pagluluto kaya inihanda niya na ang mesa, hindi niya alam kung anong oras darating ang asawa kaya hinain niya na lang ito kung sakaling hindi pa ito naghahapunan, kakain ito. Busog pa naman siya kaya iniwan niya na ang mesa umakyat siya para makapagpalit na ng damit dahil baka maabutan pa siya ng asawa ng ganu'n ang ayos. “Saan ka galing?” Nahigit ni Amary ang hininga ng marinig niya ang boses ng asawa nang hindi niya pa nga na isasara ang pinto. Napapikit siya dahil hindi niya akalain na nakauwi na ito ng ganitong oras hindi niya rin ito napansing dumating, siguro dati na itong nandidito sa loob ng kwarto. Dahan-dahan siyang humarap para makita ito, nagulat siya ng nasa harapan niya na ito at galit na galit ang kaniyang mukha. “Saan ka galing?!” Pag-uulit nito dahilan para mapaigtad siya sa gulat ng pagsigaw nito. “Sagot!!” Sigaw nito at hinawakan ang kaniyang panga paharap dito kaya nakatutok siya sa galit nitong mukha. “Kating-kati ka talaga ‘no? Ilang lalaki na ba ang nakatikim sa'yo? P*****a Amary! Sinasabi ko sa'yo, wag mong hintayin na ako mismo ang makahuli sa inyo, dahil kahit ilang lalaki pa iyang nakapasok sa'yo—” Winaksi ni Amary ang kamay ni Zarchx na nakahawak sa panga niya. “Ano bang pinagsasabi mo, Leon?! Lumabas ako para kitain si Amber hindi ako ang babae na katulad ng iniisip mo!” Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang lakas niya para sagutin ito ng buong lakas. Kung mayroon mang dapat magalit ay siya iyon, dahil ito ang mayroong babae. May ebidensya siyang nakita. “Putang Ina. Amary ako ba talaga ginagago mo?! Ginamit mo pa ang kaibigan mo sa kababoyan mo?! Tangina, Amary! Magpapaka-ulol ba ang putangina kung kapatid kong nandidito ang magaling mong kaibigan?!” Nagulat si Amary. Malalaki ang mata na nakatingin siya sa asawa dahil malinaw sa pandinig niya na tinawag nitong kapatid si Lance Javier! Zarchx Montenegro ang pangalan ng asawa niya paano nito na sasabing kapatid si Lance Javier? All she know that Lance and Zarchx was a close friend. Napahaplos sa mukha si Zarchx na para bang natauhan rin sa salitang lumabas sa kaniyang bibig. Maharas nitong hinila siya sa braso. “Hindi mo ako lubusang kilala, Amary dahil nagkamali ka sa pagpili na ako ang pinakasalan mo! Nakatali man ang pangalan ko sa pangalan mo pero hinding-hindi mo mababago ang pagkatao ko!” Nag-aapoy sa galit na sambit ito sa kaniya na ikinapikit niya hindi dahil sa malakas nitong sigaw kundi dahil sa masakit ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso. “Hindi ka lalabas ng bahay hangga't hindi ko sinasabi, makikita mo kung anong kaya kung gawin sa'yo. Tandaan mo Amary, sa susunod na lalabas ka ng walang pasabi makikita mo ang hinahanap mo!” Pabagsak siya nitong binitawan dahilan para mapasalampak siya sa sahig. Nakatitig lang siya sa nilabasang pinto ng asawa habang nanlalabo na ang kaniyang paningin dahil sa dami ng luha na kumakawala sa kaniyang mga mata. Bakit ang hirap para dito na paniwalaan siya na ang kaibigan niya ang kasama niya? Isa pa na banggit nito na kapatid, wala namang ibang humahabol sa kaniyang kaibigan kundi si Lance Javier. Papaano sila naging magkapatid na ang layo ng kanilang pangalan sa isa’t-isa? Siguro nga hindi niya pa lubusang kilala ang kaniyang asawa. Kailangan niyang malaman kung anong tunay na pagkatao ng kaniyang asawa at ang ugnayan nito kay Lance Javier na naging kaibigan niya. Nanghihinang tumayo siya sa pagkakasalampak sa sahig upang magtungo sa kaniyang silid ng hindi pa siya nakakatatlong hakbang ng madulas siya at muli siyang sumalampak sa sahig. Tiningnan niya ang madulas na plastic na may lamang kulay puti, dinampot niya iyon para pagmasdang mabuti ng mapagtanto niya kung ano ito. Kaagad niya itong nabitawan at walang sabi-sabing nakaramdam siya ng pandidiri at tumakbo patungong banyo at nagsusuka. Condom na gamit na ang naapakan niya! Nagsusuka siya sa lababo dahil sa pandidiri, hindi niya mapigilang mapaiyak ng tahimik. Nag-uwi ng ibang babae ang kaniyang asawa, ang babaeng iyon rin ba ang may gawa ng mantsa sa damit nito? Hindi na ito bago sa kaniya dahil ng una itong nag-uwi ng babae. Maghapon siyang walang kain dahil hindi siya makalabas sa kwarto dahil nasa loob maghapon ang asawa na may kasamang ibang babae na gumagawa ng kababalaghan. Hindi niya kilala ang babae dahil hindi niya ito na silayan. Hindi niya naman magawang lumabas dahil madadaanan niya ito hindi niya kayang makita ang ginagawa nito dahil alam niyang madudurog siya sa pagkakataong iyon. Tiniis niya ang gutom at sakit. Maghapong puro ungol at halinghing ang kaniyang naririnig at walang tigil sa pagluha ang kaniyang mga mata nanpg araw na iyon. Ibinibintang nito ang bagay na hindi naman niya gawain, masakit sa kaniya ang mga sinasabi nito. Her husband didn't respect her as a wife, and he didn't respect her as a woman. Hindi niya alam kung nakalimutan nitong linisin ang ginamit nito o sinadya nitong makita niya ang bagay na iyon para masaktan siya. She's really miserable. Dapat pa kaya siyang lumaban o sumuko na? Unti-unti na siyang nadudurog, sobrang sakit na. “Bakit mo ba ginagawa sa akin ‘to?”Aaminin ni Amary, hindi iyon ang unang beses na nag-iwan ng bakas ang kaniyang asawa na gumagawa ito ng milagro kasama ang kung sinu-siznong babae pero hindi niya lubos maisip na pati sa sarili nitong Mansion nagawa nitong magdala ng babae hindi lang siya ng binaboy nito, kundi pati na rin ang pamamahay ng sariling pamilya. Kahit ano pang gawin nito, kahit ano pang iparamdam, hindi pa rin magbabago ang nararamdaman niya para rito. Mahal na mahal niya pa rin ang asawa. Lumabas siya ng kaniyang silid upang gumamit ng banyo ng matanaw niya ang asawa na mahimbing na itong natutulog sa kama. Hindi niya mapigilan ang sarili na lumapit dito at pakatitigan ang gwapo nitong mukha. Ilang minuto rin siyang nakatitig dito, hindi iyon na gagawa sa umaga, susulitin niya ang bawat gabing may pagkakataon siya para pagmasdan ito. Hindi pa siya nakuntento, umupo siya sa gilid ng kama nito at malapitang pinakatitigan, hinahawi niya ang buhok nito na nakakatakip sa mukha. “Mahal na mahal pa rin kita
Abala sa pagluluto si Amary ng hapunan. Ganado talaga siyang magluto at mas lalong pa sarapin ito ng malamang kinain lahat ni Zarchx ang niluto niyang hapunan kagabi. Nagalit niya man ito kagabi at least nabusog niya naman ito ng hapunan. ‘Yon nga lang ay hindi alam ng binata na siya ang naghanda ng mga iyon. Ang buong akala nito, ang mayordoma ang naghain ng hapunan. Ayos lang sa kaniya na ang mayordoma ang mapagkamalang nagluto nito ang mahalaga ay kinain nito ang pinaghirapan niya. Hindi na sayang ang oras na ginugol niya sa pagluto at ang effort na pasarapin ito. Isa pa kailangan niyang paghandaan ng mabuti ang gabing ito dahil darating si Don Leon—Ang Lolo ni Zarchx. Nakangiting inaamoy niya ang aroma ng menudong niluluto niya. Nagsandok siya ng sabaw para tikman ito nang bigla na lang may yumapos sa bewang niya dahilan para mapaigtad siya sa gulat. Kaagad namang napalingon si Amary sa kaniyang likuran kung saan nagmumula ang brasong yumapos sa kaniya, napalunok siya ng mapa
Tatlong araw na ang nakalipas ng dumalaw si Don Leon. Masaya na sana siya nitong nakaraan ng tatlong araw, naramdam niya ang pag-aalaga ng asawa at nakikita niyang sweet ito sa kaniya kahit na palagi siyang sinasampal ng katutuhanan kapag silang dalawa na lang ang magkasama na lahat nang iyon ay puro pagpapanggap. Pinagbakasyon ni Zarchx ang mga katulong maging ang mga magbabantay sa kaniya, dalawang araw na silang mag-asawa lang ang nasa mansion dahil pumayag siya sa kondisyon ng kaniyang asawa. Kung magagawa niya ng maayos ang obligasyon at responsibilidad niya bilang asawa ay palabasin na siya nito kahit anong oras niya man gustuhin. Gumising siya ng maaga para gumawa ng almusal para sa asawa. Mula kasi ng bumisita ang Lolo nito sa mansion palaging sa bahay na kumakain si Zarchx, ang mas nakakatuwa na gustuhan naman ang mga niluluto niya. Noong una akala niya hindi nito magugustuhan kapag nalaman na siya ang nagluluto. Inahanda niya ang mesa ng makarinig siya ng kaluskos, nang
Laking pagtataka ni Amary ng hindi pinapayagan ng mayordoma na gumawa nang gawaing bahay maging ang nakasanayan niyang magluto hindi siya nito pinapagawa. Maghapon lang siyang pabalik-balik sa kwarto at sala. Manunuod ng TV at kapag na bored ay maglalakad-lakad sa garden. Kasalukuyan siyang nakaupo sa gilid ng swimming pool habang nakalublob ang kaniyang mga paa sa tubig. Iniisip niya ang nangyari kagabi, alam niyang nasa sala siya kaya laking gulat niya na lang ng magising siyang nasa loob na siya ng silid niya. Iniisip niya na hindi panaginip ang paghalik ni Zarchx sa kaniyang noo dahil kung panaginip iyon ay magigising siyang nasa sofa pa rin. Alam niyang ang asawa ang bumuhat sa kaniya dahil wala naman ibang gagawa no’n dahil hindi naman siya kaya ng mga maids na dalhin sa silid. She was disappointed when she wake up na wala na naman siyang nakitang Zarchx, gumagabi na naman hindi niya pa ito nakikita. Iniisip niyang sinasadya nitong hindi magpakita sa kaniya dahil alam niy
Maagang nagising si Zarchx. Hawak-hawak niya ang kamay ng asawa habang ang isa naman ay nakayakap sa bewang nito. Nakaunan rin ito sa kaniyang dibdib—bagay na hindi niya aakalain na gigising siyang may kayakap sa umaga. Sa dami ng babaeng na ikama niya, kahit isa dito ay walang nakakatabi sa pagtulog, hindi niya ito hinahayaan na manatili sa kaniyang silid pagkatapos pagsawaan. Nagbaba siya ng tingin sa mukha ng asawa, mahimbing pa rin itong natutulog, hindi niya pinagkaabalahang gisingin ito kahit mataas na ang sikat ng araw. Hindi niya maalis ang mata sa mukha nito, gusto niyang isaulo bawat anggulo ng mukha nito. Sobrang ganda ng umaga niya dahil hindi lang sa yakap niya ito buong gabi kundi dahil napakaganda nitong pagmasdan. Dahan-dahang iminulat ni Amary ang kaniyang mga mata. Nag-inat siya at bumaling sa bintana kung saan madalas siyang nakatingin kapag gigising siya sa umaga. Napanguso siya ng makitang mataas na ang sikat ng araw, dati-rati nagigising siya papasikat pa la
Ilang linggo na ang nagdaan. Naging maayos ang kanilang pagsasama. Mula ng pinagsaluhan nila ang mainit ang mainit na gabi, palagi silang magkasamang mag-asawa. Madalas silang kumain sa labas, kung may pupuntahan si Zarchx isinasama siya nito. Madalas rin silang pumunta sa iba’t-ibang resort at tatlong araw na namalagi doon. Ngunit ang pinakamasayang bakasyon na naranasan niya nang magbakasyon sila sa Palawan ng isang linggo. Sa bakasyon na iyon masasabi niyang nakilala niya ang good side ng asawa at hindi niya maiwasang mailang dahil hindi iyon ang nakasanayan niya na trato nito sa kaniya. Inuuna siya nito kahit na madaming naghihintay na trabaho. Inaalagaan siya at ginagawa nito ang responsibilidad sa kaniya. Masasabi niyang kahit paano may nagbago dito mula ng gabing ‘yon. Kagaya ngayon, kakadating lang nila sa Mansion galing sa private resort nito sa Batangas. “Umayos ka Leon, kanina ka pa!” Napipikon na saway ni Amary sa asawa sa panunukso nito sa kaniya. Nasalo naman ni
Nagising si Amary ng hindi niya makapa sa tabihan ang asawa. Bumangon siya at hinanap ang asawa sa kanilang silid ngunit isang petals ng rosas na kulay pink ang natagpuan niya sa bedside table. Kinuha niya ito at pinakatitigan. She appreciates it. Mas mahalaga pa ang isang petals na ito kaysa sa bouquet na bulalak. Habang nakatitig sa hawak niya may pumasok sa isip niya, isang imahe ng batang babae at lalaki. A young girl was crying when a young boy give it a one petals of flower that's make it stop cryin’. Naalala niya na may nagbigay na rin sa kaniya ng ganito ng siya ay bata pa. A petal of rose. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung na saan na ang batang iyon. Hindi niya pinansin ang pagbukas at sara ng pinto dahil alam niyang ang asawa ito. “Good morning babe! Gising ka na pala,” Rinig niyang sambit ng asawa. Nakangiting nakatitig pa rin siya sa hawak niyang petal. Amary know it's from her husband. “Morning...” Tipid niyang sagot dito inilapat sa dibdib ang isang petal,
Ang alam ni Amary isa itong study room pero mas nagmukha pa itong living room sa daming larawan na nakasabit sa kaharap niyang pader. Hindi niya kilala ang mga ito at halos lahat ng naririto mga larawan ng mga gwapong lalaki. Nakita niya ang isang mesa at mayroong swivel chair, iyon ang study table ng asawa. May mga sofa at reading corner sa gilid, mayroon ring TV. At sa kanilang dulo naman ay isang mini bar, at napapalibutan ito ng mga matataas na stool. Halos lahat ng mamahaling alak naka-display. Malaki ang kabuohan ng silid, hindi niya akalain na ganito kaganda ang study room nito. Napaka-manly ng design, halatang mayaman ang may-ari dahil halata sa mga kagamitan na naririto. “Wow! Just wow... Iba talaga kapag rich kid!” Komento ni Amary. Yumakap sa kaniyang likuran ang asawa. “I want you to completely know me, babe, this is the only way I know you’ll know my descent.” Nilingon niya ang asawa at hinalikan sa pisngi na ikanabigla nito. “Makilala man kita ng buo o hindi. Bas
Maganang-maganang kumakain ang mga bata kasalo ang Don, sa isang japanese restaurant, sa loob ng Mall.“What do we do next after this?” Uminom ng wine si Don Leon.Nagkatinginan ang dalawang bata. Nakangiting tumingin si Alas sa Don. “Let Zarchx Jr, decided Grandpapa.”Kumunot naman ang noo ni Zarchx Jr dahil siya na lang palagi ang nasusuod, magmula pa kaninang dumating sila sa mall hangang sa pagpili ng restaurant na kakainan nila.“Wait. Kuya Alas, your being unfair! You should choose the place you want to go too! You decide.”Nakangiting umiling si Alas, gusto niyang i-spoil si Zarchx Jr sa mga maliliit na bagay. Isa pa, ang mga lugar na gusto nito ay gusto niya rin.“Hindi ba reward mo 'to? Kaya ikaw ang masusunod!” Nilingon ni Alas si Don Leon. “Right, Grandpapa?”Marahang natawa si Don Leon sa usapin. Sobrang nakakatuwa talaga ng mga apo niya sa tuhod. Parang kailan lang ang mga Daddy nito ang kasama niyang lumalabas.“Yes!” Sang-ayon niya. “At dahil mabuting kuya ka, it's your
Kinabukasan,Nakasandal si Zarchx sa headboard ng kanilang kama habang nakatingin sa malapad na bintana ng silid kung saan kitang-kita niya ang paglitaw ng araw.Palagi siyang maagang gumising pero sa pagkakataong iyon hindi siya pinatulog nang mukha ng babaeng nakita niya sa diyaryo. Sa tuwing ipipikit ang mga mata, ito ang nakikita niya.Pakiramdam niya'y may malalim silang koneksyon ng babae dahil ibang-iba ang naramdaman niya. Nagbaba ang mata niya sa larawan naka-flash sa screen ng phone niya. Ang magandang mukha ni Nathashira Amary Fuentabella, na kinunan niya mula sa diyaryo.Naiiling na binura niya ang larawan nito. May asawa't anak na siya at hindi dapat na iniisip ang babaeng malapit sa pamilya niya. Pag-aawayan lang nila ni Odiza kapag nakita nito ang larawan, ayaw niya pa naman na nagkakasamaan sila ng loob.‘Lance Javier...’Napalabi siya ng maalala ang pangalang 'yon. Aalamin niya kung sino ang lalaki at balak niyang kitain pero bago niya gawin 'yon kailangan niyang ip
Maagang umalis si Zarchx sa Mariano Resort upang pupuntahan si Giovanni Silvestre, mabuti na lamang at nasa Baguio nakabase, kaya hindi siya nahirapan na kumbensihin si Odiza na pupuntahan ito dahil nasa Baguio rin naman ang resort ng Mariano. Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng malapad na gate. Lumapit sa kaniya ang guwardiya pagkatapos nitong tanungin ang pangalan niya, nagradio ito at awtomatikong bumukas ang gate at pinapasok siya. Nang maiparada ang sasakyan sa tapat ng magarang mansion. Bumaba siya ng sasakyan at isinuot ang kaniyang shades habang inaayos ang suot niyang black coat. Ang kaniyang maliliit na galaw ay mas lalong nagpapalakas ng kaniyang karisma at kagwapohan dahil sa mga cool niyang galaw. Kapag nga naglilibot siya sa resort ng mag-isa, madaming lumalapit na mga babae lalo na ang mga dayuhan, kaya naman napakaselosa ng asawa niya dahil natatakot itong mabaling ang atensyon niya sa iba. Sinalubong siya ni Richard, ang kanang-kamay ni Giovanni Silvestre. K
Sa Mariano Private Resort, Nakaupo sa isang lounge chair ang gwapong binata, nakatutok ang kaniyang nakakaakit na mga mata sa pagsikat ng haring araw. Walang umaga na hindi niya inaabangan ang pagsikat ng araw. Kahit na saan man siya o kahit ano man ang ginagawa niya, iiwan at iiwan niya para pagmasdan ang pagsikat ng araw. Watching the sunrise is there something in his heart that he can't explain. My it be sounds crazy but he's in love to the handsome bright sun. Samantalang hindi mapakali si Odisza Mariano nang magising na wala sa kaniyang tabi ang asawa. Balisang naghanap at nag-aapoy sa galit ang mga mata, nang makita ito agad na sumilay ang ngiti sa labi. “Zarchx, Honey!” Nakangiting kuha niya ng atensyon nito. “What are you doing here? Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras? Masyado pang maaga,” Odisza sat beside him. “You mentioned that we love watching sunrise before I got an accident, even if I don't remember anything. My heart seems calling for it.” Zarchx ca
Inilagay ni Amary sa lababo ang pinagkainan ng kaniyang anak. Sinuklay niya ang kaniyang mahabang buhok gamit ang kaniyang daliri. Sumandal siya sa lababo at pinag-cross niya ang kaniyang braso sa kaniyang dibdib habang pinuporseso sa kaniyang isipan ang mga sinabi ni Zarchx Jr. “Kilala mo naman siguro ang pamilyang pinagmulan ng asawa mo kaya wag kang magtataka kung sa murang edad ng anak mo kitang-kita kung saan siya nagmana.” Pumasok sa kusina ang bagong dating na Amber. Hindi napansin ni Amary ang pagdating nito. Narinig ni Amber ang pag-uusap nilang mag-ina at alam nito kung bakit malalim ang iniisip ni Amary dahil nag-aalala ito para kay Zarchx Jr. “Amber, he's my son! My baby is mine, I don't have a right to do what I want for my baby? Why he's always against me? All I want is to see him playing not studying those papers! Bakit hirap na hirap akong pasayahin ang anak ko na para bang ako pa ang nagiging hadlang sa kasiyahan niya?” Tahimik na nakamasid si Amber sa kaibigan
• • • J A Y P E I ' S N O T E • • • Hello po. Marhay na aldaw sa indo gabos! Pagbati mula kay Zarchx Montenegro. Unang-una, nagpasalamat po ako sa lahat na nagbabasa at sa mga magbabasa pa lamang!♡ Maraming-maraming salamat po sa mga nagbigay gems at magbibigay pa lamang.✷‿✷ Ganu'n rin po sa mga nagbibigay ng komento, maraming salamat po! ♡‿♡ Salamatooon sa indong suporta! ◜‿◝ Pangalawa, sa lahat po nang nag-aabang ng kwento ni Zarchx at Amary, humingi po ako ng pasensya kung masyadong mabagal ang usad ng kwentong ito. ಡ ͜ ʖ ಡ Please bear with me, Guys. Pangatlo, gusto ko pong ipaalam sa inyo na hindi pa dito nagtatapos ang kwento. Masyado pang madaming kaabang-abang na magaganap sa kwento. ʘᴗʘ Stay tuned! Pang-apat, hinahanyayahan ko po kayo na magbigay ng rate and feedback sa story. Para po sa mga nagkokomento, kung maari po na sa mismong story na kayo magkomento dahil malaking tulong po 'yon sa pagpromote ng story. Paano magbigay ng rate? Step 1: Sear
Nang matapos ang kulog at kidlat kusang inilayo ni Max ang kaniyang sarili sa asawa at bahagyang hinihili ang kanilang anak na umiiyak. “Let’s get inside. It's cold here and also not safe.” Inayos ng binata ang towel para hindi matakpan ang mukha ng kanilang anak. His arms snaked on Max's waist until they get inside. “Talagang sa ilalim ng malakas na kulog at kidlat pa kayong mag-asawa nagmoment, dinamay niyo pa ang bata!” Scott commented. Sinamaan ng tingin ni LV si Scott ng makarating sila sa sala na lahat ng mata ay nasa kanila. “Max, ayos ka lang? My god. Namumutla ka, Scott tubig nga please.” Inaalalayan ni Amary na makaupo si Max. “Cy, tubig daw. Bilis!” Utos rin ni Scott na akala mo naman nakikipagbiruan si Amary. “Bakit ako? Lanc—Woah. . .” Natigilan ang lahat ng si LV ang pumunta sa kusina at pagbalik nito may dalang isang basong tubig. Nilapitan nito ang kaniyang asawa. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nito na nakatakip sa mukha nito at pinakatitigan. “You ok
Tinahak ni Amary at Zarchx Jr. ang malapad na pintuan, pinagbuksan sila ng mayordoma. “Maligayang pagbabalik, Ma'am.” Nakangiting niyakap ni Amary ang mayordoma. Maikling panahon man silang nagkasama, napamahal na ito sa kaniya. “Na miss ko po kayo, Manang.” Nakangiting pumasok sila ng kaniyang anak. Nakangiting inilibot niya ang paningin sa buong sala. Natigilan siya ng dumapo ng mata niya malalapad na portrait sa pader. She smile slightly when her eyes focus on the frame, she was with Zarchx. She miss him so much! Every time she saw his husband image make her smile but deep inside she's in pain. “Ganu’n din ako. Napakagwapong bata naman niyan, Hija. Kamukhang-kamukha ni Zarchx! Isa nga siyang Pendilton.” Nakatingin ito sa anak niya na nakangiti. Pinagmasdan ni Amary ang kaniyang anak na inilibot ang paningin sa loob ng sala. Bumitaw ito sa kamay niya at umupo sa pang-isahang sofa na nakacross ang kamay sa kaniyang dibdib habang nakasandal sa likod ng sofa. “Baby, say hi
• • • FOUR YEARS LATER • • • She was staring at her son, when memories with her husband came on her mind. Nakatayo si Amary sa pangpang habang pinagmamasdaan ang sunset na kay sarap pagmasdan lalo na’t ang ganda ng reflection sa tubig. Napalingon siya sa kaniyang likuran ng maramdaman ang kamay na yumakap sa kaniyang bewang. Nginitian niya ang asawa ng magtagpo ang ang mata nila at tahimik na nagmasid sa sunset na palagi nilang inaabangan. “Babe?” “Hm?” “Ayaw mo pa bang magkaroon tayo ng anak?” Natigilan si Amary. Napatingin si Amary sa mukha ng asawa. She can see the excitement and hope in his eyes. “Nagmamadali ka ba?” Mahinang tumawa ang binata sa likuran niya at hinalikan ang gilid ng tenga niya. “Babe, seryoso ako.” Isinandal ni Amary ang kaniyang likod sa matitipunong dibdib ng asawa at hinawakan ang kamay nito na nakayakap sa kaniya. Hindi niya alam kung anong dapat sabihin dito ang alam niya hindi pa siya handa. Mahirap ang maging isang Ina. “Seryoso