MIREYA'S POV"Kumusta ang tulog mo, anak?" Tanong sa akin ni mommy. "Good morning, mom. Okay na okay po, kumportable po ako. Kayo po kumusta ang tulog niyo ni daddy? Hindi po ba malikot si Miracle?" Tanong ko sa kanya."Behave na behave ang apo ko. Lalo na ang daddy mo," natatawa na sagot sa akin ni mommy."Hahahaha, hindi pa rin ba nagbabago si daddy? Ganun po talaga siguro kapag mahal na mahal ka ng asawa mo." Sabi ko sa kanya."Ikaw, anak. Kailan ka mag-aasawa? Wala ka na bang balak na mag-asawa?" Biglang tanong sa akin ni mommy.Hindi ko inaasahan na itatanong niya sa akin ang mga ganitong bagay."I'm happy now, mom. Hindi na po siguro. Masaya na ako na kasama ko si Miracle. Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko." Sagot ko sa kanya."Wala na ba talaga, anak?" Malungkot na tanong niya sa akin."Kung ang feelings ko po kay Xandro ang tinutukoy niyo ay wala na po. Wala na akong nararamdaman pa sa kanya. Matagal ko ng binaon sa limot ang pagmamahal ko. Ang isa sa mga pagkakamali ko
Last Updated : 2023-10-17 Read more