Thank you po sa inyong lahat ❤️❤️❤️
MIREYA’S POVSa ilang buwan ko na pananatili dito sa Canada ay nasanay na talaga ako sa pamumuhay dito. Masasabi ko na may peace of mind na talaga ako. Masaya na ako ulit. Hindi man katulad nang dati kong saya pero masasabi ko na masaya. At lalong masaya ako dahil magkasundo na kami ni Madam Aleha. Mataray lang siya pero mabait naman. Parang kailan lang at mag-isang taon na ako dito. Sobrang bilis ng mga araw at hindi ko man lang namalayan. “Iha, sigurado ka ba sa gusto mong gawin?” Tanong niya sa akin.“Opo, dadalawin ko pa rin naman kayo. Malapit lang naman ang apartment namin dito.” Nakangiti na sabi ko sa kanya.“Bakit hindi na lang kayo lumipat dito sa bahay? Malaki naman ito at maraming silid na puwede niyo tuluyan.” Sabi niya sa akin.“Mama, ayoko po na maging pabigat sa inyo.” mabilis na sagot ko sa kanya dahil 'yon ang pakiramdam ko.“Pero kailan man hindi ka magiging pabigat sa akin.” Sagot pa niya.Alam ko na napalapit na talaga kami sa isa’t-isa. Mama rin ang tawag ko sa k
AFTER 6 YEARSTHIRD PERSON POVIto na ang araw ng paglaya ni Divina. Masaya ito dahil sa wakas ay makakalaya na siya sa impreynong kulungan na iyon. Marami siyang naging hirap sa loob ng anim na taon.“Sa wakas laya kana, madam.” Nakangisi na sabi ng mga kasamahan niya na naging mga tauhan niya. Sa loob ng anim na taon ay marami na ang nagbago. Ginamit niya ang pera niya para maging kumportable siya sa loob ng kulungan. Hindi man dumadalaw ang parents niya pero hindi ito nakakalimot na ibigay ang mga pangangailangan niya."Sige, mauna na ako sa inyo. Magpakabait kayo dito. Don't worry dahil magpapadala ako ng mga kailangan niyo dito." Saad niya sa mga naging tagasunod niya.Ang buong akala ni Divina ay sasalubungin siya ng mga magulang niya. Pero ibang tao ang unang sumalubong sa kanya sa paglabas niya."How's your vacation?" Nakangisi na tanong ni Mireya sa kanya."Ikaw, ikaw ba ang nagpakulong sa akin? How dare you?" Galit na tanong niya kay Mireya."At bakit naman hindi. Kung ako l
XANDRO'S POV Sa loob ng anim na taon ay sobrang dami na ng nagbago. Malaki na si Alec at nagbibinata na ito. Sa loob rin ng anim na taon ay naging malungkot ang bahay namin. Pero kahit mahirap ay pinipilit kong maging matatag para sa anak ko. Sobrang hirap na tuwing gigising ako ay mag-isa pa rin ako sa kama namin. Ang pangarap ko noon na kasama siya ay naging bula na lang. At tanging sa panaginip ko na lang siya nakakasama. "Son, sasama ka ba sa akin sa hacienda?" Tanong ko kay Alec. "No, dad. May lakad kami ng mga friends ko." Sagot niya sa akin. "Okay, basta 'wag mong kakalimutan ang sinabi ko sa 'yo. Be responsible." Saad ko sa kanya. "I know, dad." Sagot niya sa akin at mabilis na umakyat sa room niya. Naiwan naman akong mag-isa dito sa hapagkainan namin. Inubos ko na lang ang kape ko at umakyat ako pabalik sa room namin ni Mireya. Pero bago ako pumasok ay napatingin muna ako sa room ni Alec. Napabuntong hininga na lang ako dahil sobrang laki ng pinagbago niya. Hinahayaan
XANDRO’S POV Niyakap ko siya nang mahigpit. Wala akong balak na bitiwan siya. “I missed you so much, love.” Paulit-ulit na sabi ko sa kanya habang umiiyak ako “I missed you too, love.” Saad rin niya sa akin. “Am I dreaming?” Tanong ko sa kanya. “Sa tingin mo, love?” nakangiti na tanong niya sa akin. “Kung panaginip ito ay ayoko ng magising pa. Dito ka lang sa tabi ko. Huwag kang umalis.” Saad ko sa kanya habang mas lalong humihigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.. “This is not a dream, love.” sagot niya sa akin at bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin. Mabilis kong hinapit ang baywang niya at siniil ko ng halik ang labi niya. Alam ko na nagulat siya kaya hindi siya tumugon sa halik ko. Pero hindi ako tumigil sa paghalik sa kanya. Hanggang sa tumugon na siya sa akin. Parang panaginip pero talagang nandito na siya. Ramdam ko ang lambot ng labi niya. Walang pinagkaiba ang halik niya noon at sa ngayon. Ito pa rin ang labi na nais kong halikan. Ang labi na sobra kong nami-miss. “L–Lo
MIREYA'S POVAfter six years ay nakabalik na rin ako. Hindi ko sinabi sa parents ko na uuwi ako. I want to surprise them. Masasabi ko na maayos na ako ngayon. Gusto ko ng balikan ang buhay na meron ako noon. Pero hindi kasama doon ang mga taong nanakit sa akin.“I missed you, mom.” niyakap ko ng sobrang higpit ang mommy ko. Sa loob kasi ng anim na taon ay ngayon lang ulit kami nagkita.“Thanks God dahil umuwi kana. Kung hindi ka pa talaga bumalik ay ako na mismo ang maghahanap sa ‘yo. Hindi mo tinupad ang usapan natin na doon ka sa New york titira.” Sabi sa akin ni mommy.“I’m sorry, mom. Gusto ko po na mabuhay na galing sa sarili kong pagsisikap. You know naman po, strong independent woman ako. Hahahha!” dinaan ko na lang sa biro ang sinabi ko sa kanya. Dahil ayokong maging madrama ngayon.“Alam ko naman ‘yun, anak. Pero palagi mo akong binibigyan ng alalahanin. I missed you so much, anak ko.”“Simula po ngayon ay hindi na po,” sabi ko sa kanya.“Ito na ba ang apo ko?” Tanong niya sa
XANDRO’S POVBuong gabi akong hindi napakali. Nagkulong si Alec sa loob ng silid niya at hindi na siya lumabas pa kagabi. Alam ko na galit siya sa akin. Alam ko na hindi niya ako kakausapin lalo pa at nasaktan ko siya. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa ginawa ko sa anak ko. Pinagsisihan ko ang pagsuntok ko sa kanya. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kung paniwalaan. Lalo na anak ko na mismo ang nagsabi sa akin. Pero iba rin ang nangyari nang si Mireya ang kasama ko. Aalamin ko ang totoo dahil gusto kong mabuo ang pamilya namin. Bumangon na ako para puntahan ang anak ko sa silid niya. Kumatok ako pero walang response mula sa kanya. Kaya pumasok na ako sa loob para gisingin siya at kausapin bago ako pumasok sa office. Gusto ko na maayos ang relasyon naming mag-ama. Hindi ako mapakali lalo na kapag alam ko na may sama ng loob ang anak ko sa akin.“Anak,” tawag ko sa kanya.“Alec, let’s talk. Anak, I’m really sorry about last night. Sorry, anak hindi ko sinasadya.” Sabi ko sa
MIREYA'S POV"Kumusta ang tulog mo, anak?" Tanong sa akin ni mommy. "Good morning, mom. Okay na okay po, kumportable po ako. Kayo po kumusta ang tulog niyo ni daddy? Hindi po ba malikot si Miracle?" Tanong ko sa kanya."Behave na behave ang apo ko. Lalo na ang daddy mo," natatawa na sagot sa akin ni mommy."Hahahaha, hindi pa rin ba nagbabago si daddy? Ganun po talaga siguro kapag mahal na mahal ka ng asawa mo." Sabi ko sa kanya."Ikaw, anak. Kailan ka mag-aasawa? Wala ka na bang balak na mag-asawa?" Biglang tanong sa akin ni mommy.Hindi ko inaasahan na itatanong niya sa akin ang mga ganitong bagay."I'm happy now, mom. Hindi na po siguro. Masaya na ako na kasama ko si Miracle. Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko." Sagot ko sa kanya."Wala na ba talaga, anak?" Malungkot na tanong niya sa akin."Kung ang feelings ko po kay Xandro ang tinutukoy niyo ay wala na po. Wala na akong nararamdaman pa sa kanya. Matagal ko ng binaon sa limot ang pagmamahal ko. Ang isa sa mga pagkakamali ko
MIREYA’S POVNang makarating ako sa bahay ay kaagad kong chineck ang kalagayan ng anak ko. “Kumusta po siya, mom?” Nag-aalala na tanong ko kay mommy.“May lagnat pa rin, siguro ay nanibago siya sa klima dito. Malamig ang likod niya kanina dahil sa pawis na pawis. Ayaw magpaawat dahil talagang nakikipaglaro siya sa pinsan niya doon sa labas.” Sabi ni mommy.“Sabik po kasi siya sa kalaro.”“Halata nga, anak. Sige baba muna ako. Ikaw na ang bahala sa kanya, masasanay rin siya dito. Ibang-iba kasi ang Canada sa Pilipinas.” nakangiti na sabi sa akin ni mommy.Ngumiti na lang ako kay mommy. Hinaplos ko ang buhok ng natutulog kong anak. Alam ko na naiintindihan niya ako pero alam ko na darating ang araw na hihilingin niya sa akin na makilala ang daddy niya. Pero hindi ko rin alam kung sino ba ang daddy niya. Failed ang unang donor ko noon. Ang unang donor ang kilala ni mama Aleha pero itong pangatlo ay hindi na dahil sa hospital na ako mismo kumuha ng sp*rm kaya nabuo si Miracle.Alam ko na
Hello po, kumusta po kayong lahat? Sana po ay nasa maayos kayong kalagayan. Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong lahat na kumapit at sumama sa akin sa story na ito. Hindi man po madali ang lahat sa story na ito. Marami man akong pinagdaanan matapos ko lang ito ay masaya po ako na sinamahan niyo ako.Maraming salamat po sa bawat pag-add, pagbigay ng gems at pag-iwan ng comments. Sobrang na-appreciate ko po 'yun. Hindi po ako showy na tao pero sa loob ko ay sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo. Kayo po ang dahilan kaya hindi ako sumuko sa story na ito.Sana po sa mga susunod ko pa na story ay samahan niyo pa rin ako. Hiling ko po ang lahat ng mga magagandang bagay sa inyong lahat. Ingat po kayo palagi at God bless you po!Mahal ko po kayo at see you po sa mga susunod kong story. Maraming salamat po! ❤️❤️❤️❤️AXEL & DAHLIA STORY (SECRETLY IN LOVE WITH MY BROTHER)
MIREYA’S POV“Love, isama na lang kaya natin ang mga bata?” Tanong ko sa asawa ko.“Love, three days lang tayo sa hacienda.” Sagot naman niya sa akin.“Okay, pero bawal tayo mag-extend ha.” Saad ko sa kanya.“Opo,” malambing na sagot niya sa akin.Ganito ako kapag hindi ko nakikita ang mga anak ko. Nag-aalala ako sa kanila at hindi talaga ako mapakali. Pero ayoko rin naman kalimutan na isa rin pala akong asawa at kailangan ko itong gampanan. “Naku, anak. Minsan lang ang honeymoon niyo kaya mag-enjoy kayo. Malapit lang naman ang hacienda at anytime puwede kaming pumunta doon.” Saad pa sa akin ni mommy.“Okay, mom and thank you po.” malambing na sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi bago ako sumakay sa kotse ni Xandro.Habang nasa biyahe kami ay masaya kaming nag-uusap ni Xandro. Marami kaming alaala na binabalikan. Lalo na nung nanganak ako. (FLASHBACK)Alam ko na kabuwanan ko na pero gusto ko pa rin na pumunta sa school ni Miracle. Kahit na nahihirapan akong maglakad ay talagang mak
MIREYA’S POV Suot ko ang isang napakagandang puting wedding gown at ngayon ang araw ng kasal naming dalawa ni Xandro. Sa loob ng maraming taon ay natupad rin ang pangarap ko na kasal. Ang kasal sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan. Noong kinasal kami noon ay alam ko sa sarili ko na minahal ko na siya. Hindi ko lang kayang tanggapin sa sarili ko dahil maikling panahon pa lang kami nagkakilala. Pero kahit na nakalimutan siya ng isip ko ay kilala na talaga siya ng puso ko. At ngayon ay dumating na ang araw na maglalakad ako papunta sa harap ng altar. Papalapit sa lalaking mahal ko. Ang lalaking hindi sumuko na mahalin ako. Sa lalaking kayang gawin ang kahit na ano para lang sa akin. Ginagawa ko ang lahat para lang pigilan ang sarili ko na umiyak. Pero sadyang traydor ang mga luha ko. Habang naglalakad ako ay nagsimula ng pumatak ang mga luha ko. Hanggang sa nakarating ako sa harapan niya ay umiiyak ako. Nakita ko rin na tumulo ang mga luha niya, na umiiyak rin siya. “I love you,”
XANDRO'S POVHindi ako makapaniwala kay Mireya. Medyo nahiya ako dahil gusto na pala niyang magpakasal. Pero may balak naman ako. "You're fired!" Galit na sabi ko sa secretary ko."Sir, wala naman po talaga akong ginagawang masama. Masyado lang pong masama ang ugali ng ex-wife niyo." Saad niya sa akin."Lumabas kana bago pa dumilim ang paningin ko at masaktan kita. Tigilan mo na ang kakasabi ng ex-wife dahil puputulin ko na 'yang dila mo!""S-Sir, diba type mo ako?" Tanong niya sa akin na ikina-init pa lalo ng ulo ko."What?! I don't like you!" hindi ko mapigilan ang sarili ko na sigawan siya."Sinasabi mo lang 'yan dahil sa Mireya na 'yun.""Kahit wala pa si Mireya ay hindi ako magkakagusto sa babaeng nagkukunwaring mahinhin pero haliparot.""Arghhh! I hate you!""Hate me all you want. I don't care! Now get out of my office!"Mabilis naman siyang lumabas. Kaagad akong tumawag kay mama. Dahil siya ang reason kaya hindi pa ako nagpo-prose kay Mireya. Gusto ko kasi na kumpleto ang pamil
MIREYA'S POV"Love, wake up na po. Dinner is ready." Naririnig ko ang bulong ni Xandro pero nagkukunwari pa rin akong tulog.Kahit na gaano pa siya ka-sweet sa akin ay wala akong pakialam. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kanya. Naramdaman ko ang malikot niyang kamay na ngayon ay nasa dibdib ko. Pero hinayaan ko lang siya."Love, alam ko na gising kana. Kapag hindi ka pa bumangon ay aangkinin talaga kita at sisiguraduhin ko na hindi ka makakalakad bukas."Pinagbabantaan pa talaga ako. Akala niya siguro ay natatakot ako sa kanya. Nakakainis dahil sa pag-angkin sa akin lang siya magaling. Pero sa pag-alok ng kasal ay hindi. Puro na lang kami gawa ng bata nito."Love, wake up ka na. Kanina pa tayo hinihintay nila mommy sa bab—""Nasa baba sila? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Naiinis na tanong ko sa kanya at mabilis akong bumangon para pumasok sa banyo."Nandito pala sila pero hindi mo man lang sinabi. Nakakainis ka. Buong araw na akong naiinis sa 'yo! Sarap mong hiwalayan." Sa sobr
MIREYA’S POV Kahit na pagod ang asawa ko ay lumabas pa rin kami para sa family day namin. Pumunta kami sa isang park. Dumaan rin kami sa Griffin’s Diner para bumili ng pagkain wala na rin kasi kaming time pa na magluto kanina dahil nga sa biglaan lang. Balak kasi namin na magpicnic doon. Habang pinapanood ang dancing fountain. Sa aming lahat ay si Miracle talaga ang sobrang natutuwa. Kaya napapangiti na lang kami ni Xandro.Habang nakatingin ako sa mga anak ko ay palagi kong ipinadarasal na maging malusog sila. Na maging mabait at mabuting tao sila. Hiling ko rin na maging matapang sila. Marami silang pagdadaanan kapag lumaki na sila. At gusto ko na maging matibay silang magkapatid.“Are you okay, love?” biglang tanong sa akin ni Xandro.“Yeah, I’m fine. Hindi lang kasi ako makapaniwala ang bilis ng panahon. Binata na si Alec at si Miracle malaki na rin. Gustong-gusto ko na maalala ang lahat. Ang mga alaala na nakalimutan ko. Alam ko na maraming masakit na alaala pero alam ko na parte
XANDRO’S POV Uuwi ako dahil sa sobrang selos ko. Pinagtatawanan pa ako ni Mama at ni Lester dahil sa pagmamadali na ako ngayon. “Anak, masyado ka namang nagmamadali. Mahal ka nun, wala ka bang tiwala kay Mireya?” tanong sa akin ni mama. “Malaki ang tiwala ko sa kanya, ma. Pero sa mga lalaki na nakapaligid sa kanya ay wala.” Sagot ko kay mama. “Seloso talaga ng anak ko. Hala sige, umalis kana. Huwag kang mag-alala dahil nandito si Lester. Aalagaan niya ako,” nakangiti na sabi sa akin ni mama. “Thank you, mama. I love you… Hihintayin kita sa Manila.” hinalikan ko siya sa noo. “Ingat ka anak ko,” sabi niya sa akin. Hinatid ako ni Lester sa airport. Wala na talagang makakapigil sa pag-uwi ko. Alam ko na magugulat si Mireya pero wala e. Hindi ko na talaga kaya pang magtagal dito sa Canada. Dahil baka bigla na lang akong mamatay. Sa buong flight ko ay tulog ako. At sa wakas nakarating na rin ako bahay namin. Alam ko na nagulat ang mga kasama namin sa bahay pero ngumiti lang ako sa k
MIREYA’S POVSobrang nag-enjoy ako sa community service namin ni Miracle.“Baby, ano pala ang sinabi ng daddy mo kanina?” tanong ko sa kanya.“Wala naman po, mom. Gusto lang po niya akong makita and gusto rin niyang i-check ang ginagawa mo.” natatawa na sagot niya sa akin.“Ganun ba? Sorry, baby ha. Tatawagan ko na lang si daddy mo mamaya.” sabi ko sa kanya.“Okay po,” sagot niya sa akin at natulog na siya.Ako naman ay nagmaneho na para pumunta sa home of the aged. Magdadala kasi ako ng mga pagkain at mga gamot para sa mga naroon. Habang papasok ako ay kinakabahan ako. Natatakot ako dahil alam ko na galit sila sa akin.Nakangiti akong sinalubong ng mga matatanda. Kinakabahan man ako ay hiniling ko pa rin na makausap sila. Nang makita nila ako ay umiyak sila agad."Iha, patawarin mo ako. Patawarin mo kami," umiiyak na saad nila sa akin.“Patawarin niyo rin po ako, alam ko na nasaktan ko rin kayo.” saad ko sa kanila.“Wala kang kasalanan. Kami ang nagkamali, nagkamali kami sa pagpapalak
AFTER THREE MONTHS MIREYA’S POV Nakangiti ako habang nakatingin sa bulaklak na nakapatong sa itaas ng table ko. Araw-araw na lang ay may pa-bulaklak akong natatanggap mula sa Xandro ko. Ang dahilan niya ay araw-araw siyang nanliligaw sa akin. Ngayon talaga lumalabas ang sweet side niya. Tatlong buwan na rin ang nakalipas simula noong nangyari sa amin ang isa sa pinaka-pangit at pinaka-magandang pangyayari sa buhay namin. Pangit dahil na takot kami at maganda dahil sa wakas ay wala ng mananakit sa pamilya ko. Nabubuhay na kami ngayon ng masaya at malaya. Wala ng takot na baka may magtangka sa buhay namin. Kasabay ng pagkatupok ng lumang gusali ang pagkawala ng mga problema namin. May problema pero hindi na malaki. “Hello, love. Please lang, tama na ang paglulustay mo ng pera. Araw-araw na lang ay may pa-bulaklak ka. Alam ko na may discount ka kay mommy pero hindi naman ibig sabihin ay palagi ka na lang bibili. Punong-puno na ng bulaklak ang clinic ko. Saan ko na ito ngayon ilalagay