MIREYA'S POV Mabilis na lumipas ang mga araw at isang linggo na ako dito sa kubo. Araw-araw na pumupunta dito si Alec. Tuwing umaga ay hinahatid siya dito at tuwing hapon naman ay susunduin nila. Masasabi ko na naging tahimik ang buhay ko sa loob ng isang linggo. "Ate, kumusta ka dito?" Tanong sa akin ni Dahlia. "Okay naman ako," sagot ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin at nagpatuloy siya sa paghuhugas sa mga plato. Nakakatuwa dahil marunong siyang magkusa. Hindi ko naman siya inutusan pero kusa niya itong ginagawa. "Dahlia, puwede mo bang tawagan si Xandro?" Nahihiya na tanong ko sa kanya. "Oo naman ate," masaya na saad niya sa akin at mabilis siyang nagpunas ng kamay. Kinuha niya ang phone niya at sa tingin ko ay tinatawag na niya si Xandro. Ang bilis niya talaga pagdating sa kuya niya. "Ano ba naman itong si kuya. Hindi man lang sumasagot." Parang naiinis na sabi ni Dahlia. "Okay lang, hayaan mo na lang. Baka busy rin siya." Sabi ko kay Dahlia. "Ikaw na lang ang tumawag,
Last Updated : 2023-08-15 Read more