Thank you po sa inyong lahat at ingat po kayo palagi <3 <3 <3
MIREYA’S POV“Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?!” Sigaw niya ulit sa mga trabahador.Humarap ako sa kanya.“Ano po ang ginagawa niyo dito?” Mahinahon na tanong ko sa kanya.PAK!She slapped me. At napasinghap ang mga tao sa paligid namin. Napahawak naman ako sa pisngi ko dahil nakaramdam ako ng sakit sa lakas nang pagkakasampal niya sa akin.“Ako pa talaga ang tinatanong mo? Nasa pag-aari kita kaya wala kang karapatan na tanungin ako. Dahil akin ang mismong lupa na kinatatayuan mo ngayon.” Nanlilisik ang mga mata niya sa akin.“Ganun po ba?” Tanong ko rin sa kanya.“Matapang ka talaga!” Akmang sasampalin niya ako ulit pero pinigilan ko ang kamay niya.“Hindi po ba sumasakit ang palad niyo sa kakasampal sa akin? At bakit po ba kayo nandito? Gusto niyo po bang pigilan ang paggawa nila sa Clinic ko?” Tanong ko sa kanya.“Talagang binilog mo na ang ulo ng anak ko! At sa tingin mo hahayaan kitang maitayo ang p*tanginang clinic na 'yan.” Galit na bulalas niya.“Hindi ko naman ito hinilin
MIREYA’S POV Nanginginig ang kamay ko habang dinadampot ko ang phone ko. Nandito ang phone ko at kasama ito ng maraming pera. Nag-unahang pumatak ang mga luha ko. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari? Kung ano ba ang balak ni Xandro at kung bakit niya ito ginagawa sa akin? May isang papel na nakaipit sa mga pera kaya dinampot ko rin ito. Isa pala itong sulat kaya dahan-dahan ko itong binuksan.“TO MY BEAUTIFUL WIFE” basa ko sa pinakaunang nakasulat sa card.“Love,I’m sorry for hurting you. Wala akong maibigay na paliwanag sa ‘yo. I’m sorry kung hindi ako naging mabuting asawa sa ‘yo. Alam ko naging masama akong asawa sa 'yo. Love, may kailangan lang akong asikasuhin kaya mawawala ako ng matagal. At kapag bumalik ako ay siguro wala kana dito at nabasa mo na rin itong sulat ko sa ‘yo. Unang kita ko pa lang sa ‘yo ay gusto na kita. Alam ko na mahirap paniwalaan pero totoong minahal kita. Pero alam ko na hindi mo ako mahal. Masakit man pero wala akong masisisi kundi ang sarili ko. K
WARNING: MATURE CONTENT! PLEASE READ AT YOUR OWN RISK. THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS (R18+)MIREYA’S POV"X—Xandro," mahinang bigkas ko sa pangalan niya.Bumilis na naman ang t*bok ng puso ko at hindi ko maiwasan na hindi ngumiti. Parang may mga paru-paro rin sa loob ng tiyan ko. Nakatayo lang ako at mabilis siyang tumakbo papunta sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit.“Love, don’t leave me.” Bulong niya sa tainga ko. Sobrang higpit ng yakap niya sa akin.“Akala ko hindi ka na uuwi,” saad ko sa kanya.“Pinipigilan ko lang ang sarili ko na umuwi. Pero hindi ko na kaya na malayo ka sa akin. At hindi ko kakayanin na iwan mo ako.” Sabi pa niya habang yakap niya pa rin ako.“Bakit ka ba ganyan? Hindi ka ba talaga marunong magsabi ng tunay mong nararamdaman? Madali lang naman 'yon e.” Naiinis na sabi ko sa kanya.“Love, don’t leave me please. I love you, I love you so much. Please, don't leave me.” Pakiusap niya sa akin.“Hindi naman talaga ako aalis. Inutusan ko lang si Dahlia ka
MIREYA’S POV “Good morning, love.” nakangiti na mukha ni Xandro ang unang bumungad sa akin. “Good morning,” parang nahihiya na bati ko sa kanya kaya tinakpan ko ang mukha ko. “Love, are you okay?” Tanong niya sa akin. “I’m fine, where’s Alec?” Hinanap ko kaagad sa kanya si Alec. “He’s outside,” sagot niya sa akin. Napansin ko na dito na ako sa kama namin. Siguro ay binuhat niya ako. Medyo nahiya ako tuwing naalala ko ang mga ginawa namin. Hindi naman namin first time pero talagang kakaiba kami dahil pareho na kaming may nararamdaman sa isa’t-isa. Gusto kong kutusan ang sarili ko sa mga pinanggawa ko kagabi. Ako ba talaga ‘yun? “Why are you covering your face?” Biglang tanong niya sa akin at sinusubukan niyang alisin ang unan sa mukha ko. Sumilip ako ng kaunti sa kanya. “Medyo nasisilaw ako,” sabi ko sa kanya pero bigla itong tumawa kaya nagtaka naman ako. “Love, hindi naman nakabukas ang bintana natin.” aniya sa akin. Kaagad naman akong tumingin sa bintana at tama siya naka
MIREYA’S POVHinayaan namin ang mommy ni Xandro.“Love, you don’t have to do this.” pabulong na sabi sa akin ni Xandro.“It’s okay, love.” malambing na sagot ko sa kanya.Hinalikan niya ako sa noo bago siya pumunta sa mga kalalakihan na nag-iinoman. Ako naman ay umupo sa tabi ng mommy niya. Kaming dalawa lang ang magkatabi.“Are you happy now?” tanong niya sa akin habang nakangiti.“Opo, masaya ako. Kayo po ba hindi?” Nakangiti rin na sabi ko sa kanya.“Sulitin mo na ang mga araw na masaya ka. Dahil hindi rin ‘yan magtatagal.”“Same to you po,” nakangiti na sabi ko sa kanya.Nakita ko kung paano namula ang mukha niya sa galit. Pero wala naman akong pakialam sa kanya. Mas lalo pa nga akong ngumiti dahil panay ang tingin sa akin ng asawa ko. Alam ko na nag-aalala siya dahil magkatabi kami ng mom niya.“Sige po, puntahan ko po muna ang asawa ko.” Paalam ko sa kanya.“Tsk!” asik niya sa akin pero hindi ko na lang pinansin.Naglakad na ako papunta kay Xandro at sinalubong niya ako ng halik
MIREYA’S POV “Are sure na okay ka na?” Tanong sa akin ni Xandro. “Yeah, pero puwede ba na dito ka sa tabi ko.” Sabi ko sa kanya. “Okay, dito lang ako.” sagot niya sa akin at hinalikan niya ako sa noo. Si Alec naman ay tumabi sa akin dito sa kama. Medyo okay na ang pakiramdam ko. "Maliligo lang ako, love. Amoy alak ako," bulong niya sa tainga ko. "Okay po," sagot ko kay Xandro at niyakap ko si Alec. Hanggang sa tinangay na ako ng antok. Pero naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Xandro. Dahil naamoy ko siya kaya hinayaan ko na lang ang sarili ko na magpahinga. Nagising ako sa sikat ng araw. Habang nakayakap sa asawa ko. Tinitigan ko ang gwapo niyang mukha. Pero habang nakatingin ako sa kanya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi umiyak. May mga alaala na bumabalik sa akin pero may mga alaala akong nakalimutan. Ang alam ko ay pinagamot nila ako noon. At hinayaan na nila na mawala ang ibang bahagi ng alaala ko noong bata pa ako. Pero ngayon ay malinaw kong naalala ang laha
MIREYA’S POV“A—Anong sabi mo?” nauutal na tanong ko sa kanya.“Sumama ka sa amin ni Alec, hindi ko rin kaya na iwan ka dito na mag-isa.” Sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.“Pero paano ang clinic?” Tanong ko kaagad sa kanya.“Puwede tayong kumuha ng papalit sa ‘yo.” sagot niya sa akain.“Sigurado ka? At sigurado ka ba na isasama mo ako?” Tanong ko ulit sa kanya.“Sure ako, handa akong harapin ang ano mang mangyayari. Hindi ko na kayang itago ka pa dito sa hacienda.” sabi niya sa akin.“Hindi ako aalis dito,” sabi ko sa kanya.“Love?”“Hindi ako sasama sa ‘yo. Marami ang puwedeng mangyari kapag sumama ako sa ‘yo. Kaya kong tiisin ang lungkot. Sasama ako sa ‘yo kapag handa na ako.” Sabi ko sa kanya.“Love, baka kasi may gawi—”“Wala siyang gagawin sa akin. At hindi naman ako papayag na may gawin siya sa akin.” putol ko sa sasabihin niya.Nakita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya sa akin. Masaya ako na isasama niya ako pero biglang nag-iba ang nararamdaman ko. Hindi k
MIREYA’S POVBumaba na kami nang tawagin kami ng isa sa mga katulong nila. Hawak ni Xandro ang kamay ko habang pababa kami sa hagdanan. Nakangiti kaming sinalubong ni Alec. Kaagad na humawak si Alec sa kamay ko. Ngumiti ako sa kanya at sabay kaming pumasok sa loob ng dining area.Bumungad sa amin ang nakasimangot na mukha ng mommy nila. Habang si Dahlia ay nakangiti sa akin. Wala si Axel dahil nasa Maynila ito. At ito ang namamahala sa company nila kapag wala si Xandro.Umupo na kami at nilagyan ng asawa ko ang plato ko ng pagkain. Ngumiti ako sa kanya at nagsimula na kaming kumain. Nagkwento si Alec at sinasagot ko naman siya tuwing nagtatanong siya sa akin. Naging masaya ang hapagkainan namin maliban sa isang tao na para na akong kakainin ng buhay. Tuwing napatingin ako sa kanya ay matalim ang tingin na binibigay niya sa akin.“Love, kapag umuwi tayo dito ay mamasyal naman tayo sa perya.” Sabi ko kay Xandro.“Okay, love.” Nakangiti na sabi niya sa akin.“Hindi kayo puwedeng pumunta s
Hello po, kumusta po kayong lahat? Sana po ay nasa maayos kayong kalagayan. Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong lahat na kumapit at sumama sa akin sa story na ito. Hindi man po madali ang lahat sa story na ito. Marami man akong pinagdaanan matapos ko lang ito ay masaya po ako na sinamahan niyo ako.Maraming salamat po sa bawat pag-add, pagbigay ng gems at pag-iwan ng comments. Sobrang na-appreciate ko po 'yun. Hindi po ako showy na tao pero sa loob ko ay sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo. Kayo po ang dahilan kaya hindi ako sumuko sa story na ito.Sana po sa mga susunod ko pa na story ay samahan niyo pa rin ako. Hiling ko po ang lahat ng mga magagandang bagay sa inyong lahat. Ingat po kayo palagi at God bless you po!Mahal ko po kayo at see you po sa mga susunod kong story. Maraming salamat po! ❤️❤️❤️❤️AXEL & DAHLIA STORY (SECRETLY IN LOVE WITH MY BROTHER)
MIREYA’S POV“Love, isama na lang kaya natin ang mga bata?” Tanong ko sa asawa ko.“Love, three days lang tayo sa hacienda.” Sagot naman niya sa akin.“Okay, pero bawal tayo mag-extend ha.” Saad ko sa kanya.“Opo,” malambing na sagot niya sa akin.Ganito ako kapag hindi ko nakikita ang mga anak ko. Nag-aalala ako sa kanila at hindi talaga ako mapakali. Pero ayoko rin naman kalimutan na isa rin pala akong asawa at kailangan ko itong gampanan. “Naku, anak. Minsan lang ang honeymoon niyo kaya mag-enjoy kayo. Malapit lang naman ang hacienda at anytime puwede kaming pumunta doon.” Saad pa sa akin ni mommy.“Okay, mom and thank you po.” malambing na sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi bago ako sumakay sa kotse ni Xandro.Habang nasa biyahe kami ay masaya kaming nag-uusap ni Xandro. Marami kaming alaala na binabalikan. Lalo na nung nanganak ako. (FLASHBACK)Alam ko na kabuwanan ko na pero gusto ko pa rin na pumunta sa school ni Miracle. Kahit na nahihirapan akong maglakad ay talagang mak
MIREYA’S POV Suot ko ang isang napakagandang puting wedding gown at ngayon ang araw ng kasal naming dalawa ni Xandro. Sa loob ng maraming taon ay natupad rin ang pangarap ko na kasal. Ang kasal sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan. Noong kinasal kami noon ay alam ko sa sarili ko na minahal ko na siya. Hindi ko lang kayang tanggapin sa sarili ko dahil maikling panahon pa lang kami nagkakilala. Pero kahit na nakalimutan siya ng isip ko ay kilala na talaga siya ng puso ko. At ngayon ay dumating na ang araw na maglalakad ako papunta sa harap ng altar. Papalapit sa lalaking mahal ko. Ang lalaking hindi sumuko na mahalin ako. Sa lalaking kayang gawin ang kahit na ano para lang sa akin. Ginagawa ko ang lahat para lang pigilan ang sarili ko na umiyak. Pero sadyang traydor ang mga luha ko. Habang naglalakad ako ay nagsimula ng pumatak ang mga luha ko. Hanggang sa nakarating ako sa harapan niya ay umiiyak ako. Nakita ko rin na tumulo ang mga luha niya, na umiiyak rin siya. “I love you,”
XANDRO'S POVHindi ako makapaniwala kay Mireya. Medyo nahiya ako dahil gusto na pala niyang magpakasal. Pero may balak naman ako. "You're fired!" Galit na sabi ko sa secretary ko."Sir, wala naman po talaga akong ginagawang masama. Masyado lang pong masama ang ugali ng ex-wife niyo." Saad niya sa akin."Lumabas kana bago pa dumilim ang paningin ko at masaktan kita. Tigilan mo na ang kakasabi ng ex-wife dahil puputulin ko na 'yang dila mo!""S-Sir, diba type mo ako?" Tanong niya sa akin na ikina-init pa lalo ng ulo ko."What?! I don't like you!" hindi ko mapigilan ang sarili ko na sigawan siya."Sinasabi mo lang 'yan dahil sa Mireya na 'yun.""Kahit wala pa si Mireya ay hindi ako magkakagusto sa babaeng nagkukunwaring mahinhin pero haliparot.""Arghhh! I hate you!""Hate me all you want. I don't care! Now get out of my office!"Mabilis naman siyang lumabas. Kaagad akong tumawag kay mama. Dahil siya ang reason kaya hindi pa ako nagpo-prose kay Mireya. Gusto ko kasi na kumpleto ang pamil
MIREYA'S POV"Love, wake up na po. Dinner is ready." Naririnig ko ang bulong ni Xandro pero nagkukunwari pa rin akong tulog.Kahit na gaano pa siya ka-sweet sa akin ay wala akong pakialam. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kanya. Naramdaman ko ang malikot niyang kamay na ngayon ay nasa dibdib ko. Pero hinayaan ko lang siya."Love, alam ko na gising kana. Kapag hindi ka pa bumangon ay aangkinin talaga kita at sisiguraduhin ko na hindi ka makakalakad bukas."Pinagbabantaan pa talaga ako. Akala niya siguro ay natatakot ako sa kanya. Nakakainis dahil sa pag-angkin sa akin lang siya magaling. Pero sa pag-alok ng kasal ay hindi. Puro na lang kami gawa ng bata nito."Love, wake up ka na. Kanina pa tayo hinihintay nila mommy sa bab—""Nasa baba sila? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Naiinis na tanong ko sa kanya at mabilis akong bumangon para pumasok sa banyo."Nandito pala sila pero hindi mo man lang sinabi. Nakakainis ka. Buong araw na akong naiinis sa 'yo! Sarap mong hiwalayan." Sa sobr
MIREYA’S POV Kahit na pagod ang asawa ko ay lumabas pa rin kami para sa family day namin. Pumunta kami sa isang park. Dumaan rin kami sa Griffin’s Diner para bumili ng pagkain wala na rin kasi kaming time pa na magluto kanina dahil nga sa biglaan lang. Balak kasi namin na magpicnic doon. Habang pinapanood ang dancing fountain. Sa aming lahat ay si Miracle talaga ang sobrang natutuwa. Kaya napapangiti na lang kami ni Xandro.Habang nakatingin ako sa mga anak ko ay palagi kong ipinadarasal na maging malusog sila. Na maging mabait at mabuting tao sila. Hiling ko rin na maging matapang sila. Marami silang pagdadaanan kapag lumaki na sila. At gusto ko na maging matibay silang magkapatid.“Are you okay, love?” biglang tanong sa akin ni Xandro.“Yeah, I’m fine. Hindi lang kasi ako makapaniwala ang bilis ng panahon. Binata na si Alec at si Miracle malaki na rin. Gustong-gusto ko na maalala ang lahat. Ang mga alaala na nakalimutan ko. Alam ko na maraming masakit na alaala pero alam ko na parte
XANDRO’S POV Uuwi ako dahil sa sobrang selos ko. Pinagtatawanan pa ako ni Mama at ni Lester dahil sa pagmamadali na ako ngayon. “Anak, masyado ka namang nagmamadali. Mahal ka nun, wala ka bang tiwala kay Mireya?” tanong sa akin ni mama. “Malaki ang tiwala ko sa kanya, ma. Pero sa mga lalaki na nakapaligid sa kanya ay wala.” Sagot ko kay mama. “Seloso talaga ng anak ko. Hala sige, umalis kana. Huwag kang mag-alala dahil nandito si Lester. Aalagaan niya ako,” nakangiti na sabi sa akin ni mama. “Thank you, mama. I love you… Hihintayin kita sa Manila.” hinalikan ko siya sa noo. “Ingat ka anak ko,” sabi niya sa akin. Hinatid ako ni Lester sa airport. Wala na talagang makakapigil sa pag-uwi ko. Alam ko na magugulat si Mireya pero wala e. Hindi ko na talaga kaya pang magtagal dito sa Canada. Dahil baka bigla na lang akong mamatay. Sa buong flight ko ay tulog ako. At sa wakas nakarating na rin ako bahay namin. Alam ko na nagulat ang mga kasama namin sa bahay pero ngumiti lang ako sa k
MIREYA’S POVSobrang nag-enjoy ako sa community service namin ni Miracle.“Baby, ano pala ang sinabi ng daddy mo kanina?” tanong ko sa kanya.“Wala naman po, mom. Gusto lang po niya akong makita and gusto rin niyang i-check ang ginagawa mo.” natatawa na sagot niya sa akin.“Ganun ba? Sorry, baby ha. Tatawagan ko na lang si daddy mo mamaya.” sabi ko sa kanya.“Okay po,” sagot niya sa akin at natulog na siya.Ako naman ay nagmaneho na para pumunta sa home of the aged. Magdadala kasi ako ng mga pagkain at mga gamot para sa mga naroon. Habang papasok ako ay kinakabahan ako. Natatakot ako dahil alam ko na galit sila sa akin.Nakangiti akong sinalubong ng mga matatanda. Kinakabahan man ako ay hiniling ko pa rin na makausap sila. Nang makita nila ako ay umiyak sila agad."Iha, patawarin mo ako. Patawarin mo kami," umiiyak na saad nila sa akin.“Patawarin niyo rin po ako, alam ko na nasaktan ko rin kayo.” saad ko sa kanila.“Wala kang kasalanan. Kami ang nagkamali, nagkamali kami sa pagpapalak
AFTER THREE MONTHS MIREYA’S POV Nakangiti ako habang nakatingin sa bulaklak na nakapatong sa itaas ng table ko. Araw-araw na lang ay may pa-bulaklak akong natatanggap mula sa Xandro ko. Ang dahilan niya ay araw-araw siyang nanliligaw sa akin. Ngayon talaga lumalabas ang sweet side niya. Tatlong buwan na rin ang nakalipas simula noong nangyari sa amin ang isa sa pinaka-pangit at pinaka-magandang pangyayari sa buhay namin. Pangit dahil na takot kami at maganda dahil sa wakas ay wala ng mananakit sa pamilya ko. Nabubuhay na kami ngayon ng masaya at malaya. Wala ng takot na baka may magtangka sa buhay namin. Kasabay ng pagkatupok ng lumang gusali ang pagkawala ng mga problema namin. May problema pero hindi na malaki. “Hello, love. Please lang, tama na ang paglulustay mo ng pera. Araw-araw na lang ay may pa-bulaklak ka. Alam ko na may discount ka kay mommy pero hindi naman ibig sabihin ay palagi ka na lang bibili. Punong-puno na ng bulaklak ang clinic ko. Saan ko na ito ngayon ilalagay