Lahat ng Kabanata ng The Three Little Guardian Angels: Kabanata 2271 - Kabanata 2280

2458 Kabanata

Kabanata 2272

Yumuko si Freyja. “Wala ako gaanong alam pero alam ko na hindi niya talaga tinutulungan si Deedee.”Sinabi ni Cameron, “Hindi nga. Lumapit siya kay Deedee dahil gusto niyang gamitin si Deedee laban sa'yo.”Nagulat si Freyja. “Gamitin si Deedee laban sa akin?”“Oo, si Coleman ang target ni Jessie. Gusto niyang manipulahin si Deedee at utuin siya na saktan ang anak mo, iniisip niya na kapag nawala ang anak mo, mas mamahalin mo siya.”Tinikom ni Freyja ang labi niya.Nang maalala niya ang lahat ng usap-usapan na lumabas nang nakaraan at ang text, lahat ng ‘yon ay parang galing kay Jessie.Bumalik si Colton nang tanghali at nakita na nagdidilig si Freyja ng halaman sa hardin.Kumunot siya, lumapit sa kaniya at binalot ng jacket ang balikat ni Freyja. “Bakit ka nasa labas?”“Wala akong magawa kaya ginawa ko ‘to.” Binaba ni Freyja ang pandilig at humarap kay Colton. “Nga pala, uuwi na si Deedee mamayang gabi.”Nagulat siya at yumuko. “Hindi ba't mananatili siya sa Emperon?”Tinanon
Magbasa pa

Kabanata 2273

Sa Blackgold…Pumikit si Colron sa couch nang kumatok si Leonardo. Mabagal niyang binuksan ang mata niya. “Pasok.”Binuksan niya ang pinto at pumasok. “Sir, hindi ka ba nakapagpahinga nang maayos kagabi?”Humalukipkip si Colton at sumandal ulit sa couch. Hindi sa hindi siya nakapag pahinga nang maayos—hindi talaga siya nagpahinga. “Anong na nangyayari sa lawyer na si Mr. Golding?”Sinabi ni Leonardo, “Hawak na ni Mr. Golding ang anak ni Mr. George. Nasa villa siya malayo sa bayan.”Tumango si Colton. “Sige.”Tiningnan siya ni Leonardo. “Hindi ka ba magpapahinga?”Hindi siya pwedeng magpahinga dahil gusto niyang parusahan ang mga George. Mahalaga pa ba ‘yon?Hinaplos ni Colton ang buto ng ilong niya at tinanong, “Ano bang gusto ng mga bata?”Nagulat si Leonardo. “Tinatanong mo ako?”Inangat ni Colton ang kilay niya. “May iba ka pa bang nakikita dito?”Kinamot ni Leonardo ang pisngi niya. “Wala akong anak. Paano ko malalaman ang gusto ng mga bata?” Napagtanto niya sino ang tin
Magbasa pa

Kabanata 2274

Pero handa ba si Ronald na iwan ang lahat nang mayroon siya para sa anak niya? Hindi, hindi niya kaya.Kahit na wala na siyang anak, pwede siyang bigyan ni Jessie.Umalis si Ronald sa school at dumiretso kay Jessie. Nakaupo siya sa dresser niya habang may mask. Nang makita niya si Ronald, kumunot siya. “Bakit ka nandito? Hindi ka ba natatakot na malaman ng asawa mo?”“Jessie.” Nakatayo siya sa likod nito at tumingin kay Jessie. “Kinuha si Amos.”Natigil si Jessie pagkatapos ay tinakpan niya ang kaniyang moisturizer. “May kumuha sa anak mo?”Kumunot si Ronald. “Hindi ikaw?”Alam ng tao na ‘yon ang pangalan ni Amos, phone number niya at ang pangalan ng asawa niya. Kakilala nila ito.Iniisip niya kung sino ang kukuha ng anak niya. Panigurado na hindi ang tangang babae na ‘yon. Susunduin niya ito mismo. Bukod sa kaniya, ang naiisip niya lang ay si Jessie.Nagulat si Jessie at mabagal na tumayo. “Ronny, anong gusto mong sabihin? Iniisip mo ba na ako ang kumuha sa kaniya?”Hinawakan
Magbasa pa

Kabanata 2275

Hinalikan siya ni Ronald. “Huwag mong pansinin.”Nagpatuloy ang pagkatok at inis na inis si Ronald dahil hindi siya makapagpatuloy. Sumigaw siya. “Sino ba ‘yan?”Sinuot niya ang kaniyang pants, tumayo at binuksan ang pinto. Nag-iba ang ekspresyon niya dahil sa babae na nakatayo doon.Agad na pumasok si Gina at sinampal siya sa mukha. “Wala kang awa! Ibalik mo si Amos sa akin!”Biglang dumapo ang tingin niya kay Jessie na tinatakpan ang sarili niya gamit ang kaniyang damit. Hindi inakala ni Jessie na si Gina ‘yon kaya nagulat siya.Nalaman ni Gina kanina ang tungkol sa kanila pero hindi niya ‘yon matanggap nang makita mismo ng mga mata niya. Lumapit siya, kumuha ng gamit sa mesa at hahampasin na si Jessie. “M*landi ka, nagsinungaling ka sa akin!”“Aaah!! Ronny, tulungan mo ako!”Hinila ni Gina ang buhok niya at sinampal siya nang malakas. Umiyak na lang si Jessie sa sakit.Lumapit si Ronald at tinulak siya palayo. “Baliw ka ba!?”Bumagsak si Gina sa sahig. Tumama ang kamay niya
Magbasa pa

Kabanata 2276

Nang isasara na ni Ronald ang pinto, nilagay ng lalaki ang kamay niya sa pinto at tinanong, “Nagtatalo kayo? Kasi marami akong naririnig na ingay mula dito.”Nang sisigaw na sana si Ronald sa lalaki, biglang sinabi ni Jessie, “Bumagsak ang ate ko! Dalian mo at tumawag ka ng ambulansya bago pa mahuli ang lahat!”‘B*isit! Ayaw ko maging mamamatay tao dahil sa lalaking ito. Kahit na mamamatay siya, hindi siya pwedeng mamatay dito!’Hindi niya inakala na gugustuhin ni Jessie na iligtas si Gina pero hindi siya pwedeng magalit ngayon.Pumasok nang lalaki sa kwarto para tingnan si Gina. Nang mapansin niya na humihinga pa ito, agad niyang kinuha ang phone niya at tinawagan ang emergency center.Hindi nagtagal, dumating ang ambulansya.Sinakay ng paramedic si Gina sa ambulansya at nakahinga nang maluwag si Jessie. Tumingin siya kay Ronald at napagtanto na madilim ang mukha nito.May naisip siya at huminga nang malalim. “Ronny, please huwag kang magalit sa akin. Hindi tayo pwedeng maging
Magbasa pa

Kabanata 2277

Sinara ni Colton ang dokumento at nagpaliwanag, “A… Akala ko ikaw si Leonardo.”Walang sinabi si Freyja at binuksan ang lunch box.Tiningnan ni Colton ang lunch box at nagdadalawang-isip isip na nagtanong, “Pumunta ka para dalhan ako ng lunch?”“Kakainin mo ba o hindi? Kung hindi, aalis na lang ako.” Nang isasara na ni Freyja ang lunch box, kinuha ‘yon ni Colton. “Hindi ko sinabi na hindi ko kakainin.”Kinuha ni Colton ang tinidor at may naalala siya. Inangat niya ang kaniyang ulo at ngumiti kay Freyja. “Akala ko sinabi mo na hindi mo ako kakausapin ng isang linggo? Bakit bigla mo akong dinalhan ng lunch?”Inakala niya na hindi siya papansinin ni Freyja pero mukhang para sa kaniya ay mabilis na humupa ang galit ni Freyja.Hindi siya nanatili sa study room kagabi para sa wala.Naningkit si Freyja at pilit na ngumiti. “Alam mo ba ang huling pagkain bago ka patayin?”Natahimik si Colton.Nilagay niya ang kamay niya sa desk at tumingin kay Colton. “Ito na ang huli mong kain.”Kum
Magbasa pa

Kabanata 2278

Kabadong naglalakad si Colton sa obstetric and gynecology inpatient department corridor.Tiningnan siya ni Leonardo at sinabing, “Huwag kayong gaano mag-alala, Mr. Goldmann. Sa tingin ko oras na para manganak si Ms. Pruitt.”Nagulat si Colton.‘Manganganak na siya agad?’Lumingon siya kay Leonardo at tinanong, “Kung manganganak na siya agad, masakit ba ‘yon?”Nagkibit-balikat si Leonardo. Paano ko malalaman? Hindi ako babae.”Pagkatapos niyang magsalita, idinagdag niya, “Pero narinig ko na ganito ang itsura ng mga babae kapag malapit na sila manganak. At saka, malaki ang tiyan si Ms. Pruitt, kaya sa tingin ko oras na talaga.”“Colton.”Narinig ni Colton na may tumawag sa kaniya at tumingin siya. “Mom? Dad?”Lumapit si Maisie at Nolan sa kaniya, “Kumusta si Freyja?”Yumuko siya at sumagot, “Nasa loob pa siya.”Lumabas ang doktor at tinanong, “Sino ang pamilya ni Ms. Pruitt?”Sumagot si Colton, “Ako.”Tumingin ang doktor sa kaniya at seryoso ang boses na sinabing, “Inaasahan
Magbasa pa

Kabanata 2279

Hindi mapigilan ni Freyja na matawa. Tinapik niya ang kamay ni Colyon at sinabing, “Huwag mo ako patawanin.”Nilagay niya ang kaniyang kamay pisngi niya at sinabing, “Sobrang sakit ba? Inisip ko na magkusa at pagaanin ang loob mo.”Tumawa siya ulit. “Magkusa at pagaanin ang loob ko? Bakit parang labag sa loob mo na gawin ‘yon? Sinabihan ba kita na pagaanin ang loob ko?”Bumuntong hininga si Colton. “Ayaw mo akong haplusin noong gusto kong matulog kanina at ngayon ayaw mo naman na pagaanin ko ang loob mo.”“Kailangan mo ba talaga makipag-away sa buntis? Hindi ba pwedeng hayaan mo ako manalo nang isang beses? Alam mo ba na napapagod ako ngayong lalabas na ang baby natin?”Malapit na siya umiyak sa pagod.Biglang tumawa si Colton at tumayo. Umupo siya at niyakap si Freyja. “Sige. Hahayaan kitang manalo kapag pinanganak mo na ang baby natin.”Sinubukan niyang itulak palayo si Colton. “Sa baby ka lang may pakialam.”Niyakap siya nang mahigpit ni Colton at mahinang sinabi, “Sinasabi
Magbasa pa

Kabanata 2280

Tinulak ni Ronald ang camera nila at tinuro sila. Puno ng galit ang mukha niya habang sumisigaw, “Binabalaan ko kayo! Umalis kayo dito! Huwag niyo akong pilitin na saktan kayo!”“Mr. George, galit ka ba sa amin? Narinig ko na psychologist ng asawa mo ang kabit mo. Pwede mo bang sabihin sa amin kailan pa kayo nagkaroon ng relasyon?”Hindi pinansin ng grupo ng mga reporter si Ronald. Kahit na sirain nito ang camera nila, mayroon pa silang phone.Puno ng tao ang corridor at wala nang makadaan na tao doon.Hindi nagtagal, ilang doctor ang pumunta para paalisin ang mga tao. Ilang pasyente at pamilya mula sa ibang ward ay lumabas at nanood ng palabas.“Anong nangyayari?”“Narinig ko na may lalaki na nakikipagtalik sa kabit niya sa loob ng ward ng kaniyang asawa.”“Ano!? Ang sama naman! Tao pa ba siya? Nakakahiya!”Mabilis na kumalat ang balikat sa Internet.Ang title tulad ng #Walang pusong lalaki nakikipagtalik sa kaniyang kabit sa loob ng ward ng kaniyang asawa# ay kumalat sa Inte
Magbasa pa

Kabanata 2281

Pinalo ni Cameron ang kamay ni Waylon at umiwas siya ng tingin. “Parang laging kang may nakatagong motibo.”Hindi alam ni Waylon ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi ni Cameron. Hinawakan niya si Cameron at sinabi, “Ikaw lang ang gusto ko, at isa na akong taong may nakatagong motibo dahil doon?” “Oo.” Agad na sumagot di Cameron pero namumula ang tainga niya. Mabilis siyang tumakas sa pagkakahawak ni Waylon at nilabas ang phone niya. “Miss ko na ang Dad ko kaya tatawagan ko muna siya para kumustahin muna. Huwag mo ako sundan.”Tumakbo palayo si Cameron at hindi ba siya tumingin.Sumandal si Waylon sa upuan, nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo, at tumawa. ‘Magaling talaga siyang manukso ng mga tao.’…Nagtago si Jessie sa bahay niya ng dalawang araw. Buong araw na puno ng mga email, text messages, at phone calls ang kaniyang phone, at lahat ng mga text na natanggap niya ay mga masasakit na insulto at paninira.Umupo si Jessie sa couch, hindi pa siya natutulog at n
Magbasa pa
PREV
1
...
226227228229230
...
246
DMCA.com Protection Status