Nang isasara na ni Ronald ang pinto, nilagay ng lalaki ang kamay niya sa pinto at tinanong, “Nagtatalo kayo? Kasi marami akong naririnig na ingay mula dito.”Nang sisigaw na sana si Ronald sa lalaki, biglang sinabi ni Jessie, “Bumagsak ang ate ko! Dalian mo at tumawag ka ng ambulansya bago pa mahuli ang lahat!”‘B*isit! Ayaw ko maging mamamatay tao dahil sa lalaking ito. Kahit na mamamatay siya, hindi siya pwedeng mamatay dito!’Hindi niya inakala na gugustuhin ni Jessie na iligtas si Gina pero hindi siya pwedeng magalit ngayon.Pumasok nang lalaki sa kwarto para tingnan si Gina. Nang mapansin niya na humihinga pa ito, agad niyang kinuha ang phone niya at tinawagan ang emergency center.Hindi nagtagal, dumating ang ambulansya.Sinakay ng paramedic si Gina sa ambulansya at nakahinga nang maluwag si Jessie. Tumingin siya kay Ronald at napagtanto na madilim ang mukha nito.May naisip siya at huminga nang malalim. “Ronny, please huwag kang magalit sa akin. Hindi tayo pwedeng maging
Sinara ni Colton ang dokumento at nagpaliwanag, “A… Akala ko ikaw si Leonardo.”Walang sinabi si Freyja at binuksan ang lunch box.Tiningnan ni Colton ang lunch box at nagdadalawang-isip isip na nagtanong, “Pumunta ka para dalhan ako ng lunch?”“Kakainin mo ba o hindi? Kung hindi, aalis na lang ako.” Nang isasara na ni Freyja ang lunch box, kinuha ‘yon ni Colton. “Hindi ko sinabi na hindi ko kakainin.”Kinuha ni Colton ang tinidor at may naalala siya. Inangat niya ang kaniyang ulo at ngumiti kay Freyja. “Akala ko sinabi mo na hindi mo ako kakausapin ng isang linggo? Bakit bigla mo akong dinalhan ng lunch?”Inakala niya na hindi siya papansinin ni Freyja pero mukhang para sa kaniya ay mabilis na humupa ang galit ni Freyja.Hindi siya nanatili sa study room kagabi para sa wala.Naningkit si Freyja at pilit na ngumiti. “Alam mo ba ang huling pagkain bago ka patayin?”Natahimik si Colton.Nilagay niya ang kamay niya sa desk at tumingin kay Colton. “Ito na ang huli mong kain.”Kum
Kabadong naglalakad si Colton sa obstetric and gynecology inpatient department corridor.Tiningnan siya ni Leonardo at sinabing, “Huwag kayong gaano mag-alala, Mr. Goldmann. Sa tingin ko oras na para manganak si Ms. Pruitt.”Nagulat si Colton.‘Manganganak na siya agad?’Lumingon siya kay Leonardo at tinanong, “Kung manganganak na siya agad, masakit ba ‘yon?”Nagkibit-balikat si Leonardo. Paano ko malalaman? Hindi ako babae.”Pagkatapos niyang magsalita, idinagdag niya, “Pero narinig ko na ganito ang itsura ng mga babae kapag malapit na sila manganak. At saka, malaki ang tiyan si Ms. Pruitt, kaya sa tingin ko oras na talaga.”“Colton.”Narinig ni Colton na may tumawag sa kaniya at tumingin siya. “Mom? Dad?”Lumapit si Maisie at Nolan sa kaniya, “Kumusta si Freyja?”Yumuko siya at sumagot, “Nasa loob pa siya.”Lumabas ang doktor at tinanong, “Sino ang pamilya ni Ms. Pruitt?”Sumagot si Colton, “Ako.”Tumingin ang doktor sa kaniya at seryoso ang boses na sinabing, “Inaasahan
Hindi mapigilan ni Freyja na matawa. Tinapik niya ang kamay ni Colyon at sinabing, “Huwag mo ako patawanin.”Nilagay niya ang kaniyang kamay pisngi niya at sinabing, “Sobrang sakit ba? Inisip ko na magkusa at pagaanin ang loob mo.”Tumawa siya ulit. “Magkusa at pagaanin ang loob ko? Bakit parang labag sa loob mo na gawin ‘yon? Sinabihan ba kita na pagaanin ang loob ko?”Bumuntong hininga si Colton. “Ayaw mo akong haplusin noong gusto kong matulog kanina at ngayon ayaw mo naman na pagaanin ko ang loob mo.”“Kailangan mo ba talaga makipag-away sa buntis? Hindi ba pwedeng hayaan mo ako manalo nang isang beses? Alam mo ba na napapagod ako ngayong lalabas na ang baby natin?”Malapit na siya umiyak sa pagod.Biglang tumawa si Colton at tumayo. Umupo siya at niyakap si Freyja. “Sige. Hahayaan kitang manalo kapag pinanganak mo na ang baby natin.”Sinubukan niyang itulak palayo si Colton. “Sa baby ka lang may pakialam.”Niyakap siya nang mahigpit ni Colton at mahinang sinabi, “Sinasabi
Tinulak ni Ronald ang camera nila at tinuro sila. Puno ng galit ang mukha niya habang sumisigaw, “Binabalaan ko kayo! Umalis kayo dito! Huwag niyo akong pilitin na saktan kayo!”“Mr. George, galit ka ba sa amin? Narinig ko na psychologist ng asawa mo ang kabit mo. Pwede mo bang sabihin sa amin kailan pa kayo nagkaroon ng relasyon?”Hindi pinansin ng grupo ng mga reporter si Ronald. Kahit na sirain nito ang camera nila, mayroon pa silang phone.Puno ng tao ang corridor at wala nang makadaan na tao doon.Hindi nagtagal, ilang doctor ang pumunta para paalisin ang mga tao. Ilang pasyente at pamilya mula sa ibang ward ay lumabas at nanood ng palabas.“Anong nangyayari?”“Narinig ko na may lalaki na nakikipagtalik sa kabit niya sa loob ng ward ng kaniyang asawa.”“Ano!? Ang sama naman! Tao pa ba siya? Nakakahiya!”Mabilis na kumalat ang balikat sa Internet.Ang title tulad ng #Walang pusong lalaki nakikipagtalik sa kaniyang kabit sa loob ng ward ng kaniyang asawa# ay kumalat sa Inte
Pinalo ni Cameron ang kamay ni Waylon at umiwas siya ng tingin. “Parang laging kang may nakatagong motibo.”Hindi alam ni Waylon ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi ni Cameron. Hinawakan niya si Cameron at sinabi, “Ikaw lang ang gusto ko, at isa na akong taong may nakatagong motibo dahil doon?” “Oo.” Agad na sumagot di Cameron pero namumula ang tainga niya. Mabilis siyang tumakas sa pagkakahawak ni Waylon at nilabas ang phone niya. “Miss ko na ang Dad ko kaya tatawagan ko muna siya para kumustahin muna. Huwag mo ako sundan.”Tumakbo palayo si Cameron at hindi ba siya tumingin.Sumandal si Waylon sa upuan, nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo, at tumawa. ‘Magaling talaga siyang manukso ng mga tao.’…Nagtago si Jessie sa bahay niya ng dalawang araw. Buong araw na puno ng mga email, text messages, at phone calls ang kaniyang phone, at lahat ng mga text na natanggap niya ay mga masasakit na insulto at paninira.Umupo si Jessie sa couch, hindi pa siya natutulog at n
Kinuha ni Colton ang gatas sa nurse, binuksan niya iyon, nilagay sa tasa, at inabot kay Freyja.Nang matapos uminom ni Freyja ng gatas, binuksan niya ang chocolate at sinubo sa sulok ng labi ni Freyja.Natatakot si Freyja noong una pero nang makita na nagpapabalik-balik si Colton sa kwarto para sa kaniya, natawa siya bigla. Tiningnan siya ni Colton. “Anong tinatawanan mo?”“Ako naman ang nasasaktan dito. Bakit mas kinakabahan ka pa kaysa sa akin?”“Nakikita ko kung gaano ito kahirap para sayo. Pagkatapos mo manganak, ititigil na natin ang paggawa ulit. Nagulat si Freyja, hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ni Colton.‘Hindi pa nakaranas ng labor ang mga lalaki kaya natural lang na hindi nila maramdaman ang sakit ng panganganak. Kaya sa ibang mga lalaki, kahit na gaano kasakit, hindi problema sa kanila ang pagkakaroon ng isa pang anak.‘Pero ilang lalaki ang may pakialam talaga sa nararamdaman ng babae at sa takot nila sa kanilang unang labor?’Tinapos ni Colton ang iniisi
Nagulat si Daisie at tumawa. “Sabi ko panoorin mo yung play, hindi ako.”Hinalikan siya ni Nollace sa pisngi. “Nagbayad ako para panoorin ang shooting pati ikaw.”Bakas ang saya sa mata ni Daisie, at pinasok niya ang kaniyang nilalamig na kamay sa damit ni Nollace.Nilamig si Nollace at hinawakan ang kamay ni Daisie. “Okay, nainitan ka na, ‘di ba?” Nagpanggap na nilalamig pa rin si Daisie. “Nilalamig ang kamay ko.”Niyakap siya ni Nollace at hinalikan ang pisngi niya. “Malamig ba talaga doon?”Tumango si Daisie.Nilubog ni Nollace ang mukha niya sa leeg ni Daisie. “Gusto mo ba mainitan?” Naging alerto si Daisie, hinawakan niya ang pisngi ni Nollaceat seryosong sinabi, “Nasa filming site tayo ngayon kaya huwag kang gumawa ng kahit ano dito.”Ngumisi si Nollace. “Mukha bang ganun akong tao?”Biglang nakatanggap ng text message si Daisie sa cell phone niya. Kinuha niya iyon, binasa, at nagulat siya. “Nanganak na si Freyja, baby girl daw!”Nilagay ni Nollace ang kamay niya sa