Hindi mapigilan ni Freyja na matawa. Tinapik niya ang kamay ni Colyon at sinabing, “Huwag mo ako patawanin.”Nilagay niya ang kaniyang kamay pisngi niya at sinabing, “Sobrang sakit ba? Inisip ko na magkusa at pagaanin ang loob mo.”Tumawa siya ulit. “Magkusa at pagaanin ang loob ko? Bakit parang labag sa loob mo na gawin ‘yon? Sinabihan ba kita na pagaanin ang loob ko?”Bumuntong hininga si Colton. “Ayaw mo akong haplusin noong gusto kong matulog kanina at ngayon ayaw mo naman na pagaanin ko ang loob mo.”“Kailangan mo ba talaga makipag-away sa buntis? Hindi ba pwedeng hayaan mo ako manalo nang isang beses? Alam mo ba na napapagod ako ngayong lalabas na ang baby natin?”Malapit na siya umiyak sa pagod.Biglang tumawa si Colton at tumayo. Umupo siya at niyakap si Freyja. “Sige. Hahayaan kitang manalo kapag pinanganak mo na ang baby natin.”Sinubukan niyang itulak palayo si Colton. “Sa baby ka lang may pakialam.”Niyakap siya nang mahigpit ni Colton at mahinang sinabi, “Sinasabi
Tinulak ni Ronald ang camera nila at tinuro sila. Puno ng galit ang mukha niya habang sumisigaw, “Binabalaan ko kayo! Umalis kayo dito! Huwag niyo akong pilitin na saktan kayo!”“Mr. George, galit ka ba sa amin? Narinig ko na psychologist ng asawa mo ang kabit mo. Pwede mo bang sabihin sa amin kailan pa kayo nagkaroon ng relasyon?”Hindi pinansin ng grupo ng mga reporter si Ronald. Kahit na sirain nito ang camera nila, mayroon pa silang phone.Puno ng tao ang corridor at wala nang makadaan na tao doon.Hindi nagtagal, ilang doctor ang pumunta para paalisin ang mga tao. Ilang pasyente at pamilya mula sa ibang ward ay lumabas at nanood ng palabas.“Anong nangyayari?”“Narinig ko na may lalaki na nakikipagtalik sa kabit niya sa loob ng ward ng kaniyang asawa.”“Ano!? Ang sama naman! Tao pa ba siya? Nakakahiya!”Mabilis na kumalat ang balikat sa Internet.Ang title tulad ng #Walang pusong lalaki nakikipagtalik sa kaniyang kabit sa loob ng ward ng kaniyang asawa# ay kumalat sa Inte
Pinalo ni Cameron ang kamay ni Waylon at umiwas siya ng tingin. “Parang laging kang may nakatagong motibo.”Hindi alam ni Waylon ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi ni Cameron. Hinawakan niya si Cameron at sinabi, “Ikaw lang ang gusto ko, at isa na akong taong may nakatagong motibo dahil doon?” “Oo.” Agad na sumagot di Cameron pero namumula ang tainga niya. Mabilis siyang tumakas sa pagkakahawak ni Waylon at nilabas ang phone niya. “Miss ko na ang Dad ko kaya tatawagan ko muna siya para kumustahin muna. Huwag mo ako sundan.”Tumakbo palayo si Cameron at hindi ba siya tumingin.Sumandal si Waylon sa upuan, nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo, at tumawa. ‘Magaling talaga siyang manukso ng mga tao.’…Nagtago si Jessie sa bahay niya ng dalawang araw. Buong araw na puno ng mga email, text messages, at phone calls ang kaniyang phone, at lahat ng mga text na natanggap niya ay mga masasakit na insulto at paninira.Umupo si Jessie sa couch, hindi pa siya natutulog at n
Kinuha ni Colton ang gatas sa nurse, binuksan niya iyon, nilagay sa tasa, at inabot kay Freyja.Nang matapos uminom ni Freyja ng gatas, binuksan niya ang chocolate at sinubo sa sulok ng labi ni Freyja.Natatakot si Freyja noong una pero nang makita na nagpapabalik-balik si Colton sa kwarto para sa kaniya, natawa siya bigla. Tiningnan siya ni Colton. “Anong tinatawanan mo?”“Ako naman ang nasasaktan dito. Bakit mas kinakabahan ka pa kaysa sa akin?”“Nakikita ko kung gaano ito kahirap para sayo. Pagkatapos mo manganak, ititigil na natin ang paggawa ulit. Nagulat si Freyja, hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ni Colton.‘Hindi pa nakaranas ng labor ang mga lalaki kaya natural lang na hindi nila maramdaman ang sakit ng panganganak. Kaya sa ibang mga lalaki, kahit na gaano kasakit, hindi problema sa kanila ang pagkakaroon ng isa pang anak.‘Pero ilang lalaki ang may pakialam talaga sa nararamdaman ng babae at sa takot nila sa kanilang unang labor?’Tinapos ni Colton ang iniisi
Nagulat si Daisie at tumawa. “Sabi ko panoorin mo yung play, hindi ako.”Hinalikan siya ni Nollace sa pisngi. “Nagbayad ako para panoorin ang shooting pati ikaw.”Bakas ang saya sa mata ni Daisie, at pinasok niya ang kaniyang nilalamig na kamay sa damit ni Nollace.Nilamig si Nollace at hinawakan ang kamay ni Daisie. “Okay, nainitan ka na, ‘di ba?” Nagpanggap na nilalamig pa rin si Daisie. “Nilalamig ang kamay ko.”Niyakap siya ni Nollace at hinalikan ang pisngi niya. “Malamig ba talaga doon?”Tumango si Daisie.Nilubog ni Nollace ang mukha niya sa leeg ni Daisie. “Gusto mo ba mainitan?” Naging alerto si Daisie, hinawakan niya ang pisngi ni Nollaceat seryosong sinabi, “Nasa filming site tayo ngayon kaya huwag kang gumawa ng kahit ano dito.”Ngumisi si Nollace. “Mukha bang ganun akong tao?”Biglang nakatanggap ng text message si Daisie sa cell phone niya. Kinuha niya iyon, binasa, at nagulat siya. “Nanganak na si Freyja, baby girl daw!”Nilagay ni Nollace ang kamay niya sa
Lumapit si Nollace sa kanila. “Maiiwan muna ako dito para kasya pa isang tao sa trailer.”Agad na sumagot si Shannon, “Kahit huwag na, Mr. Knowles. Dapat umalis ka na kasama nila.”“Ayos lang yun. Pwede naman akong mag-stay muna.”Dagdag ni Daisie, “Dito rin muna ako.”Nag-iisip si Shannon habang mas nagdidilim pa ang maiitim na ulap sa horizon at halos matakpan na ang kalahati ng langit. Nang mapansin ni Shannon na wala na siyang oras para mag-isip pa, nag-igting ang ngipin niya at tumango. “Okay, gawin natin ang plano na yan.”Matapos makasakay ng mga tao sa trailer, naiwan ang dalawang crew member, at lahat ng ibang crew member ay nakababa na.Pumunta si Nollace sa minibus para tingnan ang kondisyon nito. “Sa tingin ko ay nasira na ang engine. Malapit na ang blizzard, walang lugar dito na pwede natin pag taguan. Parang sa bus lang na ito tayo pwede mag-stay buong gabi.”Tumingin si Shannon sa dalawang crew member, “May pagkain ba tayo?”“Bumili kami ng tinapay at tubig kay
Tumayo si Zephir. “Kailan ba matatapos yung big blizzard?”Isa sa mga crew member ang umiling. “Hindi natin yan alam, pero may limang parting, at may minibus doon sa scene, kaya pwede pa sila maka-survive buong gabi kung magkakasya sila sa minibus. Gumalaw ang sulok ng labi ni Zephir pero hindi siya nagsalita.Tumawa si James, tiningnan niya ang artista, at inasar niya ito. “Oh, gaano kabilis masampal ng tao ang sarili nilang mukha? Sino kaya yung taong ang lakas ng loob na magmayabang para lang magreklamo at sirain si Daisie kanina.”Nahihiya ang artista at galit siyang umalis sa lobby.Humalukipkip si James at suminghal.‘Sino siya para magpanggap na si Virgin Mary habang nandito ako?’ Noong gabi, mas naging marami ang snow at hindi tumitigil ang malakas na hangin at sobrang maingay. Nakabukas ang ilaw sa sasakyan na naka-konekta sa car battery ng minibus. Ang lahat ay nakasuot ng thick-padded jackets at sinubukan na magdikit-dikit para mainitan sila. Magkatabing nakatul
Tahimik ang buong gabi kahit pero maingay para sa iba. Tulog na ang lahat ng tao, at si Nollace na lang ang nanatiling gising.Yumuko siya, tinitigan si Daisie na nakahiga sa kaniyang kamay, dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok sa noo ni Daisie gamit ang daliri niya. Bahagyang gumalaw si Daisie pero natulog ulit.Ngumiti si Nollace at hinigpitan ang yakap niya. Naalala ni Nollace ang panahon na sinamahan siya ni Daisie sa Octavia kahit na hindi ligtas para sa kaniya. Kahit na nakaraan pa iyon o ngayon, laging ganun si Daisie, kaya sobrang hirap para kay Nollace na hindi alagaan si Daisie.Ayun din ang dahilan kaya hindi niya mapigilan ang mag-alala kay Daisie.Sa Bassburgh, sa ospital…Nagising si Freyja noong gabi at gusto niyang tumayo sa higaan pero pinahiga ulit siya ni Colton. “Huwag ka gumalaw. Kailangan mo muna magpahinga.”Nahihirapan si Freyja. “Pero gusto ko pumunta sa banyo.”Kinuha ni Colton ang potty sa baba ng kama at inabot kay Freyja.Sobrang nahiya si Freyja