Sa Blackgold…Pumikit si Colron sa couch nang kumatok si Leonardo. Mabagal niyang binuksan ang mata niya. “Pasok.”Binuksan niya ang pinto at pumasok. “Sir, hindi ka ba nakapagpahinga nang maayos kagabi?”Humalukipkip si Colton at sumandal ulit sa couch. Hindi sa hindi siya nakapag pahinga nang maayos—hindi talaga siya nagpahinga. “Anong na nangyayari sa lawyer na si Mr. Golding?”Sinabi ni Leonardo, “Hawak na ni Mr. Golding ang anak ni Mr. George. Nasa villa siya malayo sa bayan.”Tumango si Colton. “Sige.”Tiningnan siya ni Leonardo. “Hindi ka ba magpapahinga?”Hindi siya pwedeng magpahinga dahil gusto niyang parusahan ang mga George. Mahalaga pa ba ‘yon?Hinaplos ni Colton ang buto ng ilong niya at tinanong, “Ano bang gusto ng mga bata?”Nagulat si Leonardo. “Tinatanong mo ako?”Inangat ni Colton ang kilay niya. “May iba ka pa bang nakikita dito?”Kinamot ni Leonardo ang pisngi niya. “Wala akong anak. Paano ko malalaman ang gusto ng mga bata?” Napagtanto niya sino ang tin
Pero handa ba si Ronald na iwan ang lahat nang mayroon siya para sa anak niya? Hindi, hindi niya kaya.Kahit na wala na siyang anak, pwede siyang bigyan ni Jessie.Umalis si Ronald sa school at dumiretso kay Jessie. Nakaupo siya sa dresser niya habang may mask. Nang makita niya si Ronald, kumunot siya. “Bakit ka nandito? Hindi ka ba natatakot na malaman ng asawa mo?”“Jessie.” Nakatayo siya sa likod nito at tumingin kay Jessie. “Kinuha si Amos.”Natigil si Jessie pagkatapos ay tinakpan niya ang kaniyang moisturizer. “May kumuha sa anak mo?”Kumunot si Ronald. “Hindi ikaw?”Alam ng tao na ‘yon ang pangalan ni Amos, phone number niya at ang pangalan ng asawa niya. Kakilala nila ito.Iniisip niya kung sino ang kukuha ng anak niya. Panigurado na hindi ang tangang babae na ‘yon. Susunduin niya ito mismo. Bukod sa kaniya, ang naiisip niya lang ay si Jessie.Nagulat si Jessie at mabagal na tumayo. “Ronny, anong gusto mong sabihin? Iniisip mo ba na ako ang kumuha sa kaniya?”Hinawakan
Hinalikan siya ni Ronald. “Huwag mong pansinin.”Nagpatuloy ang pagkatok at inis na inis si Ronald dahil hindi siya makapagpatuloy. Sumigaw siya. “Sino ba ‘yan?”Sinuot niya ang kaniyang pants, tumayo at binuksan ang pinto. Nag-iba ang ekspresyon niya dahil sa babae na nakatayo doon.Agad na pumasok si Gina at sinampal siya sa mukha. “Wala kang awa! Ibalik mo si Amos sa akin!”Biglang dumapo ang tingin niya kay Jessie na tinatakpan ang sarili niya gamit ang kaniyang damit. Hindi inakala ni Jessie na si Gina ‘yon kaya nagulat siya.Nalaman ni Gina kanina ang tungkol sa kanila pero hindi niya ‘yon matanggap nang makita mismo ng mga mata niya. Lumapit siya, kumuha ng gamit sa mesa at hahampasin na si Jessie. “M*landi ka, nagsinungaling ka sa akin!”“Aaah!! Ronny, tulungan mo ako!”Hinila ni Gina ang buhok niya at sinampal siya nang malakas. Umiyak na lang si Jessie sa sakit.Lumapit si Ronald at tinulak siya palayo. “Baliw ka ba!?”Bumagsak si Gina sa sahig. Tumama ang kamay niya
Nang isasara na ni Ronald ang pinto, nilagay ng lalaki ang kamay niya sa pinto at tinanong, “Nagtatalo kayo? Kasi marami akong naririnig na ingay mula dito.”Nang sisigaw na sana si Ronald sa lalaki, biglang sinabi ni Jessie, “Bumagsak ang ate ko! Dalian mo at tumawag ka ng ambulansya bago pa mahuli ang lahat!”‘B*isit! Ayaw ko maging mamamatay tao dahil sa lalaking ito. Kahit na mamamatay siya, hindi siya pwedeng mamatay dito!’Hindi niya inakala na gugustuhin ni Jessie na iligtas si Gina pero hindi siya pwedeng magalit ngayon.Pumasok nang lalaki sa kwarto para tingnan si Gina. Nang mapansin niya na humihinga pa ito, agad niyang kinuha ang phone niya at tinawagan ang emergency center.Hindi nagtagal, dumating ang ambulansya.Sinakay ng paramedic si Gina sa ambulansya at nakahinga nang maluwag si Jessie. Tumingin siya kay Ronald at napagtanto na madilim ang mukha nito.May naisip siya at huminga nang malalim. “Ronny, please huwag kang magalit sa akin. Hindi tayo pwedeng maging
Sinara ni Colton ang dokumento at nagpaliwanag, “A… Akala ko ikaw si Leonardo.”Walang sinabi si Freyja at binuksan ang lunch box.Tiningnan ni Colton ang lunch box at nagdadalawang-isip isip na nagtanong, “Pumunta ka para dalhan ako ng lunch?”“Kakainin mo ba o hindi? Kung hindi, aalis na lang ako.” Nang isasara na ni Freyja ang lunch box, kinuha ‘yon ni Colton. “Hindi ko sinabi na hindi ko kakainin.”Kinuha ni Colton ang tinidor at may naalala siya. Inangat niya ang kaniyang ulo at ngumiti kay Freyja. “Akala ko sinabi mo na hindi mo ako kakausapin ng isang linggo? Bakit bigla mo akong dinalhan ng lunch?”Inakala niya na hindi siya papansinin ni Freyja pero mukhang para sa kaniya ay mabilis na humupa ang galit ni Freyja.Hindi siya nanatili sa study room kagabi para sa wala.Naningkit si Freyja at pilit na ngumiti. “Alam mo ba ang huling pagkain bago ka patayin?”Natahimik si Colton.Nilagay niya ang kamay niya sa desk at tumingin kay Colton. “Ito na ang huli mong kain.”Kum
Kabadong naglalakad si Colton sa obstetric and gynecology inpatient department corridor.Tiningnan siya ni Leonardo at sinabing, “Huwag kayong gaano mag-alala, Mr. Goldmann. Sa tingin ko oras na para manganak si Ms. Pruitt.”Nagulat si Colton.‘Manganganak na siya agad?’Lumingon siya kay Leonardo at tinanong, “Kung manganganak na siya agad, masakit ba ‘yon?”Nagkibit-balikat si Leonardo. Paano ko malalaman? Hindi ako babae.”Pagkatapos niyang magsalita, idinagdag niya, “Pero narinig ko na ganito ang itsura ng mga babae kapag malapit na sila manganak. At saka, malaki ang tiyan si Ms. Pruitt, kaya sa tingin ko oras na talaga.”“Colton.”Narinig ni Colton na may tumawag sa kaniya at tumingin siya. “Mom? Dad?”Lumapit si Maisie at Nolan sa kaniya, “Kumusta si Freyja?”Yumuko siya at sumagot, “Nasa loob pa siya.”Lumabas ang doktor at tinanong, “Sino ang pamilya ni Ms. Pruitt?”Sumagot si Colton, “Ako.”Tumingin ang doktor sa kaniya at seryoso ang boses na sinabing, “Inaasahan
Hindi mapigilan ni Freyja na matawa. Tinapik niya ang kamay ni Colyon at sinabing, “Huwag mo ako patawanin.”Nilagay niya ang kaniyang kamay pisngi niya at sinabing, “Sobrang sakit ba? Inisip ko na magkusa at pagaanin ang loob mo.”Tumawa siya ulit. “Magkusa at pagaanin ang loob ko? Bakit parang labag sa loob mo na gawin ‘yon? Sinabihan ba kita na pagaanin ang loob ko?”Bumuntong hininga si Colton. “Ayaw mo akong haplusin noong gusto kong matulog kanina at ngayon ayaw mo naman na pagaanin ko ang loob mo.”“Kailangan mo ba talaga makipag-away sa buntis? Hindi ba pwedeng hayaan mo ako manalo nang isang beses? Alam mo ba na napapagod ako ngayong lalabas na ang baby natin?”Malapit na siya umiyak sa pagod.Biglang tumawa si Colton at tumayo. Umupo siya at niyakap si Freyja. “Sige. Hahayaan kitang manalo kapag pinanganak mo na ang baby natin.”Sinubukan niyang itulak palayo si Colton. “Sa baby ka lang may pakialam.”Niyakap siya nang mahigpit ni Colton at mahinang sinabi, “Sinasabi
Tinulak ni Ronald ang camera nila at tinuro sila. Puno ng galit ang mukha niya habang sumisigaw, “Binabalaan ko kayo! Umalis kayo dito! Huwag niyo akong pilitin na saktan kayo!”“Mr. George, galit ka ba sa amin? Narinig ko na psychologist ng asawa mo ang kabit mo. Pwede mo bang sabihin sa amin kailan pa kayo nagkaroon ng relasyon?”Hindi pinansin ng grupo ng mga reporter si Ronald. Kahit na sirain nito ang camera nila, mayroon pa silang phone.Puno ng tao ang corridor at wala nang makadaan na tao doon.Hindi nagtagal, ilang doctor ang pumunta para paalisin ang mga tao. Ilang pasyente at pamilya mula sa ibang ward ay lumabas at nanood ng palabas.“Anong nangyayari?”“Narinig ko na may lalaki na nakikipagtalik sa kabit niya sa loob ng ward ng kaniyang asawa.”“Ano!? Ang sama naman! Tao pa ba siya? Nakakahiya!”Mabilis na kumalat ang balikat sa Internet.Ang title tulad ng #Walang pusong lalaki nakikipagtalik sa kaniyang kabit sa loob ng ward ng kaniyang asawa# ay kumalat sa Inte
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging
Nagpadala ang lahat sa online ng mga pagbati nila, pero iba pa rin ang ginagawa ng mga fans ni James.Hindi lang sa inaasar nila ang kanilang idol na hindi ito magaling sa lahat ng bagay—kaya hindi magiging madali sa kaniya ang magkaroon ng career-driven na girlfriend—pero sinabi rin nila na siguradong si James ang magiging sunod-sunuran.#Sa totoo lang, gustong-gusto kong makita siyang pinapalo ng asawa niya.##Binabayaran ba siya para i-date yung babae?##Narinig ko na sobrang mayaman ang mga Peterson. Kakaiba ang mga gusto niya.#…Ilang araw matapos lumabas ang balita, wala kala James o Giselle ang sumagot at mukhang tahimik na lang nila itong tinanggap.Ilang reporters ang pumunta sa Hewston Resort para makisapaw sa nangyayari at makausap si Giselle, pero hindi niya tinanggap ang kahit anong request ng mga ito. Ilan sa mga reporter ang binalik ang dating usap-usapan na sinubukan ni Giselle dati na paghiwalayin sila Colton at Freyja. Nagkaroon iyon ng malawakang usapan sa
Tiningnan ni Giselle si James. “Hindi ba't magaling ka umarte? Gawin mo ang lahat para magtago.”“Hindi ‘yan nakabase sa akin. Tingnan mo kung paano mo ako tinatrato. Normal ba ‘yon sa mga couple? Sa tingin ko ikaw ang magiging dahilan para mahuli tayo.”Natigil si Giselle nang sandali. “Sige, tatandaan ko ‘yan.”Tiningnan siya ni James. “Gagawin mo ba ang lahat ng sasabihin ko sa'yo?”“Huwag kang mag-alala. Makikisama ako.”Trinato ‘yon ni Giselle bilang trabaho. Ginawa niya yon nang maayos at binigay niya ang lahat.Tiningnan siya ni James habang nag-iisip.Pagdating sa acting, mas professional siya doon pero wala siya sa character. Sumusunod lang siya sa mga rule pero mas magaling pa ang ibang aktres na nakatrabaho niya noon.Pero ayos lang dahil ilang taon lang naman ito.Mas maganda kung wala siya gaano sa character dahil kapag nahulog siya, mahihirapan siyang tanggalin ito kalaunan.Nang 9:30 p.m., hinatis ni Giselle si James sa hotel malapit sa kaniyang filming locatio