Lahat ng Kabanata ng The Three Little Guardian Angels: Kabanata 2251 - Kabanata 2260

2458 Kabanata

Kabanata 2252

Tumayo si Colton at huminto sa harap niya. “Basta masaya ka sa desisyon mo.”Gumalaw ang pilikmata ni Freyja. “Colton, ginagawa mo lang ba ‘to para pasayahin ako?”‘Pumayag lang ba siya sa request ko kasi sasaya ako doon?’Niyakap siya ni Colton, pinatong ang baba niya sa kaniyang balikat at gumalaw ang mahigpit na nakatikom niyang labi. “Sorry.”Ang totoo, narinig niya lahat noong nasa pinto siya.‘Matagal na pinagdududahan ni Freyja si Jessie, pero ako, sa kabilang banda ay laging iniisip na si Deedee ang problema.‘Hindi sa pinagkakatiwalaan ko nang sobra si Jessie. Sadyang wala lang akong tiwala kay Deedee.‘Malala ang naging akto ni Deedee noon, kaya naging maingat ako sa kaniya lalo na ngayong buntis si Freyja. Kaya ang lagi ko lang iniisip ay ang tungkol kay Freyja at ang sanggol sa sinapupunan niya. Hindi ko naisip na posibleng problema yon ni Jessie.‘’At maging maingat sa bata, tinanong ko ang intensyon ng bata dahil lang sa ginawa niya noon, na naging bahagi ng katig
Magbasa pa

Kabanata 2253

Parang tokwa ang unan na tumama sa katawan ni Waylon. Hindi sumakit o nangati. Hinawakan niya si Cameron gamit ang malaki niyang kamay, hinila siya, umikot at pumatong.Natigil si Cameron at halos mawala agad ang tapang na pinapakita niya kanina. Binalaan niya si Waylon, “Ikaw, huwag mo akong hawakan.”Inangat niya ang kaniyang kilay at mas lumapit sa mukha niya. Sobrang lapit niya at nararamdaman na ni Cameron ang hininga nito sa pisngi niya. “Pero hindi ba't ikaw ang kilalang Mr. Southern na sikat dahil sa tapang niya?”Pilit siyang ngumiti. “Hindi, hindi, mahinhin akong babae.”Malapit na dumikit ang labi niya sa kaniyang tainga. “Anong kinatatakot mo? Hindi ba't sinabi mo kay Deedee na hindi ako nangangain ng tao noong nasa sasakyan tayo kahapon?”Kinagat ni Cameron ang labi niya at gumalaw ang pilikmata niya.Kumakabog ang puso niya sa kaniyang dibdib, malakas ang tibok.Tinitigan ni Waylon ang mukha niya at hinaplos ang gilid ng labi niya gamit ang kaniyang daliri at narar
Magbasa pa

Kabanata 2254

Hinaplos ni Waylon ang dial ng kaniyang relo gamit ang daliri niya at inangat ang tingin. “Hindi ba't siya ang psychologist?”‘Mukhang may nakita siyang mali.’Bumulong si Leonardo, “Hindi ko alam kung anong nangyari kay Mr. Goldmann. Siya ang nag utos sa akin na tingnan ang background niya.”Ngumiti si Waylon. “Kung ganoon, may nakita ka ba?”“Wala pa…” Pagkatapos sumagot sa tanong, may naisip si Leonardo at huminto sandali. “Pero madalas na pumupunta si Ms. Blueman sa kumpanya, parang isang beses kada dalawa o tatlong araw. At kakaiba ‘yon para sa akin.”Naningkit si Waylon. “Kailan pa nagkaroon ng rumor tungkol kay Freyja sa kumpanya?”Nagulat si Leonardo at pinag-isipan. “Tungkol doon… nagtanong si Mr. Goldmann sa mga tao sa lahat ng department, at sinasabi nila na kalahating taon na kumakalat ang usap-usapan. Hindi lang nila kayang pag-usapan kapag nandito kami ni Mr. Goldmann.”Nagtataka siyang nagtanong, “Mr. Goldmann, bakit mo ako tinatanong?”Tinapik siya ni Waylon sa
Magbasa pa

Kabanata 2255

Pinanood sila ni Freyja na lumabas, at nakangiting sinabi ng katulong sa tabi niya, “Mukhang masaya talaga si Ms. Deedee sa pakikipaglaro kay Ms. Southern.”Dagdag niya, “Naniniwala ako na mabubuksan ni Ms. Southern ang puso ni Ms. Deedee.”Lumabas si Cameron at Deedee sa courtyard at pumasok silang dalawa sa sasakyan.Sa oras na yon, ang tao na nakaupo sa sasakyan na nakaparada sa hindi kalayuan ay tahimik na sumunod pagkatapos makita na umalis ang sasakyan nila.Nagpatugtog si Cameron ng nursery rhyme kay Deedee sa sasakyan at binigyan siya ng Barbie doll na hinanda niya para kay Deedee sa sasakyan.Umupo si Deedee sa backseat, at ang magandang Barbie doll sa kamay niya ay talagang nakuha ang atensyon niya.Tumingin si Cameron sa rearview mirror at ngumiti. “Deedee, gusto mo ba ng Barbie dolls?”Inangat niya ang kaniyang ulo. “Opo.”“Mabuti naman.”Biglang, may naisip siya at nakangiting sinabi, “Deedee, ano kaya kung pumunta ka sa akin at samahan ako buong gabi? Marami akon
Magbasa pa

Kabanata 2256

Agad na kinuha ng blond na lalaki ang phone niya at nakita ang mobile number.Kinuha ni Cameron ang phone at tiningnan ‘yon. Biglang may umatake na lalaki sa likod niya prto sinipa niya ang gilid ng ulo nito agad. Napaatras ang lalaki sa kalayuan at sa takot ay nanatili sa sahig at hindi sinubukang tumayo.Kinakabahan ang blond na lalaki. ‘Malupit ang babae na ‘to!”Kinabisado ni Cameron ang number at tiningnan ang lalaki. “Nang magsimula ako, naglalaro ka pa ng dumi. Hindi mo ako maaatake sa ganiyang kakayahan.”Nanginig ang blond na lalaki at lumuhod. “Sorry, nagkamali kami. Hindi na namin gagawin ‘to ulit.”Binalik ni Cameron ang phone sa kaniya.Sinubukan niyang kunin yon pero binawi ni Cameron. “May oras ka ba?”Nagtaka ang lalaki. “A-Anong gusto mo?”“Kung mayroon, manatili ka at magtrabaho para sa akin. Kung tatanggi ka…” nag kuyom ng kamao si Cameron at tumunog ‘yon.Agad na tumayo ang lalaki. “Oo, may oras ako, sir. At your service!”“Tara.”Tumalikod si Cameron par
Magbasa pa

Kabanata 2257

“Oo. Laging umaakto si Jessie Blueman na mas mataas siya sa aming mga nurse. Ayaw niyang makisama sa amin pero malapit siya sa mga doctor sa Surgery Department.”Naningkit si Leonardo sa pag-iisip.Mukhang hindi maganda ang tingin ng mga nurse kay Jessie.“Alam mo ba kung bakit siya nag-resign?”Tumawa ang nurse. “Dahil kay Dr. Jeffordson. Ex niya ‘yon at halos kalahating taon silang magkarelasyon. Narinig ko na sinabi niyang bumili siya ng bahay sa center ng Asperia para ikasal sila pero buntis si Jessie. Sabi ni Jessie na kay Dr. Jeffordson ang bata pero alam namin na nasa night shift lagi nang isang buwan si Dr. Jeffordson at walang oras na makita siya. Imposible na sa kaniya ang bata.“Pagkatapos malaman ni Dr. Jeffordson ang tungkol doon, nag-away sila at umalis na siya. Sa tingin ko guilty siya.”Kumunot si Leonardo. “May problema ba sa iba niyang pasyente?”Sumagot ang nurse, “Walang problema sa mga session niya. Maraming kumukuha ng therapy mula sa kaniya. Halos lahat ng
Magbasa pa

Kabanata 2258

Pinanood ni Deedee ang mga kaibigan niya na umalis kasama ang mga magulang nila. Hinawakan niya ang cone niya at mukhang hindi masaya.Narinig niya ang mga hakbang na papalapit at humarap para makita ang babae na hindi niya kilala na nasa tabi niya, mukhang madilim. Napatayo siya sa takot.Bumagsak siya sa sahig dahil sa sampal ng babae. Bumagsak sa sahig ang ice cream sa humalo sa putik.Ayaw siyang bitawan ng babae at hinawakan ang buhok niya na parang baliw na babae. “You little b*tch, nahuli rin kita. Bakit naglalandi ka sa lalaki sa ganitong edad? Walang hiya ka tulad ng nanay mo. Tuturuan kita ng leksyon ngayon.”Sinipa ng babae si Deedee, napaiyak siya sa sakit, para bang sinasaktan siya ng lola niya. Nawalan ng pag-asa ang mata niya at nagdilim.Pagkatapos ng ilang sipa, hindi pa siya tapos at pinatungan si Deedee at sinakal sa leeg.Halos malagutan ng hininga si Deedee.Nang bumalik si Cameron, nakita niya ‘yon at lumapit agad para sipain ang babae papunta sa sahig.Na
Magbasa pa

Kabanata 2259

Pinilit ni Cameron si West na tawagan ang lalaki, at sinabi nito na magkikita sila bukas. Nalaman din niya ang may-ari ng phone mula sa mobile service provider.Inisip niya na ayos lang iwan si Deedee sa park kasama ang ibang bata pero hindi niya inakala na may aatake sa kaniya.Nang makita niya ang mga pasa ni Deedee, kasama na ang bakas ng sakal sa leeg niya, nagsisisi siya.May grupo ng tao na lumabas sa elevator. Tumingin siya at nakita si Waylon na naglalakad sa harap ng mga bodyguard.Kumunot si Waylon at huminto sa harap niya. “Kumusta si Deedee?”“Hindi ko pa alam…” tumayo si Cameron at yumuko. “Pasensya na. Kasalanan ko.”Nilagay ni Waylon ang kamay nito sa balikat niya. “Wala ka ng mababago ngayon. Hintayin na lang natin ang sasabihin ng doctor.”Pagkatapos non, lumabas ang doctor sa kwarto.Agad na lumapit si Cameron at tinanong, “Kumusta siya?”“Hindi malala ang mga injury niya kaya ayod lang siya. Kailangan niyong mga magulang na alagaan ang anak niyo. Magiging h
Magbasa pa

Kabanata 2260

“Syempre,” seryoso na sinabi ni Cameron. “Na-admit si Deedee dahil sa kapabayaan ko. Ako ang may pinaka malaking responsibilidad.”Hinila siya ni Waylon at nagulat siya.Lumapit siya at hinalikan si Cameron sa noo. “Huwag kang mag-alala. Nandito ako.”Umiwas siya ng tingin. “Hindi ko kailangan ng tulong mo…”Pinisil ni Waylon ang baba niya. “Isipin mong mabuti. Buntis si Freyja. Kapag nalaman niya na nasaktan si Deedee, kaya mo ba talagang harapin ang mangyayari kapag may nangyari sa kaniya?”Natigil si Cameron. Hindi niya ‘yon naisip. Hindi dapat ma-stress ang buntis.Kapag may nangyari kay Freyja, pipirasuhin siya ng mga Goldmann.Kinagat niya ang kaniyang labi. “Paano mo ako tutulungan?”Ngumiti siya. “Mas madali kung parte ka ng pamilya.”Tinitigan siya ni Cameron at inalis ang kamay niya pagkatapos ng ilang sandali. “Niloloko mo ako ulit?”Inayos ni Waylon ang coat niya at inangat ang kaniyang kilay. “Ganiyan ka talaga mag-isip?”Humarap siya. “Kahit na buntis si Freyja
Magbasa pa

Kabanata 2261

Nalaglag sa likod ng kamay niya ang abo ng sigarilyo. Nag-iwan iyon ng peklat sa kaniyang kamay, pero parang hindi niya iyon napansin. Nang biglang, nakatanggap siya ng message mula kay Jessie. [Mr. Goldmann, free ka ba bukas? May nagawa akong bagong treatment plan at gusto ko sana ipaliwanag sayo.]May bakas ng galit sa sulok ng mata ni Colton habang sinisiksik ang sigarilyo na nasa kamay niya sa basang soil sa pot. Samantala, kinakabahan si Jessie habang naghihintay sa reply ni Colton.Isang lalaki ang lumapit at niyakap siya mula sa kaniyang likod. “Jessie, sinong kinakausap mo?”Pinatay ni Jessie ang phone niya at may galit na bakas sa mata niya. “Sinasabi ko lang sa pamilya ng patient ko na may bago akong treatment plan na gusto ko paliwanag sa kanila bukas.”Tumalikod siya para yakapin ang lalaki at nagpatuloy na sinabi. “Ronny, maayos ba ang takbo ng pinapagawa ko sayo?” Hinalikan siya ni Ronald at sinabi, “Huwag ka mag-alala. Gumastos na ako ng $40,000 dito. Sinisig
Magbasa pa
PREV
1
...
224225226227228
...
246
DMCA.com Protection Status