All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 2281 - Chapter 2290

2458 Chapters

Kabanata 2282

Kinuha ni Colton ang gatas sa nurse, binuksan niya iyon, nilagay sa tasa, at inabot kay Freyja.Nang matapos uminom ni Freyja ng gatas, binuksan niya ang chocolate at sinubo sa sulok ng labi ni Freyja.Natatakot si Freyja noong una pero nang makita na nagpapabalik-balik si Colton sa kwarto para sa kaniya, natawa siya bigla. Tiningnan siya ni Colton. “Anong tinatawanan mo?”“Ako naman ang nasasaktan dito. Bakit mas kinakabahan ka pa kaysa sa akin?”“Nakikita ko kung gaano ito kahirap para sayo. Pagkatapos mo manganak, ititigil na natin ang paggawa ulit. Nagulat si Freyja, hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ni Colton.‘Hindi pa nakaranas ng labor ang mga lalaki kaya natural lang na hindi nila maramdaman ang sakit ng panganganak. Kaya sa ibang mga lalaki, kahit na gaano kasakit, hindi problema sa kanila ang pagkakaroon ng isa pang anak.‘Pero ilang lalaki ang may pakialam talaga sa nararamdaman ng babae at sa takot nila sa kanilang unang labor?’Tinapos ni Colton ang iniisi
Read more

Kabanata 2283

Nagulat si Daisie at tumawa. “Sabi ko panoorin mo yung play, hindi ako.”Hinalikan siya ni Nollace sa pisngi. “Nagbayad ako para panoorin ang shooting pati ikaw.”Bakas ang saya sa mata ni Daisie, at pinasok niya ang kaniyang nilalamig na kamay sa damit ni Nollace.Nilamig si Nollace at hinawakan ang kamay ni Daisie. “Okay, nainitan ka na, ‘di ba?” Nagpanggap na nilalamig pa rin si Daisie. “Nilalamig ang kamay ko.”Niyakap siya ni Nollace at hinalikan ang pisngi niya. “Malamig ba talaga doon?”Tumango si Daisie.Nilubog ni Nollace ang mukha niya sa leeg ni Daisie. “Gusto mo ba mainitan?” Naging alerto si Daisie, hinawakan niya ang pisngi ni Nollaceat seryosong sinabi, “Nasa filming site tayo ngayon kaya huwag kang gumawa ng kahit ano dito.”Ngumisi si Nollace. “Mukha bang ganun akong tao?”Biglang nakatanggap ng text message si Daisie sa cell phone niya. Kinuha niya iyon, binasa, at nagulat siya. “Nanganak na si Freyja, baby girl daw!”Nilagay ni Nollace ang kamay niya sa
Read more

Kabanata 2284

Lumapit si Nollace sa kanila. “Maiiwan muna ako dito para kasya pa isang tao sa trailer.”Agad na sumagot si Shannon, “Kahit huwag na, Mr. Knowles. Dapat umalis ka na kasama nila.”“Ayos lang yun. Pwede naman akong mag-stay muna.”Dagdag ni Daisie, “Dito rin muna ako.”Nag-iisip si Shannon habang mas nagdidilim pa ang maiitim na ulap sa horizon at halos matakpan na ang kalahati ng langit. Nang mapansin ni Shannon na wala na siyang oras para mag-isip pa, nag-igting ang ngipin niya at tumango. “Okay, gawin natin ang plano na yan.”Matapos makasakay ng mga tao sa trailer, naiwan ang dalawang crew member, at lahat ng ibang crew member ay nakababa na.Pumunta si Nollace sa minibus para tingnan ang kondisyon nito. “Sa tingin ko ay nasira na ang engine. Malapit na ang blizzard, walang lugar dito na pwede natin pag taguan. Parang sa bus lang na ito tayo pwede mag-stay buong gabi.”Tumingin si Shannon sa dalawang crew member, “May pagkain ba tayo?”“Bumili kami ng tinapay at tubig kay
Read more

Kabanata 2285

Tumayo si Zephir. “Kailan ba matatapos yung big blizzard?”Isa sa mga crew member ang umiling. “Hindi natin yan alam, pero may limang parting, at may minibus doon sa scene, kaya pwede pa sila maka-survive buong gabi kung magkakasya sila sa minibus. Gumalaw ang sulok ng labi ni Zephir pero hindi siya nagsalita.Tumawa si James, tiningnan niya ang artista, at inasar niya ito. “Oh, gaano kabilis masampal ng tao ang sarili nilang mukha? Sino kaya yung taong ang lakas ng loob na magmayabang para lang magreklamo at sirain si Daisie kanina.”Nahihiya ang artista at galit siyang umalis sa lobby.Humalukipkip si James at suminghal.‘Sino siya para magpanggap na si Virgin Mary habang nandito ako?’ Noong gabi, mas naging marami ang snow at hindi tumitigil ang malakas na hangin at sobrang maingay. Nakabukas ang ilaw sa sasakyan na naka-konekta sa car battery ng minibus. Ang lahat ay nakasuot ng thick-padded jackets at sinubukan na magdikit-dikit para mainitan sila. Magkatabing nakatul
Read more

Kabanata 2286

Tahimik ang buong gabi kahit pero maingay para sa iba. Tulog na ang lahat ng tao, at si Nollace na lang ang nanatiling gising.Yumuko siya, tinitigan si Daisie na nakahiga sa kaniyang kamay, dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok sa noo ni Daisie gamit ang daliri niya. Bahagyang gumalaw si Daisie pero natulog ulit.Ngumiti si Nollace at hinigpitan ang yakap niya. Naalala ni Nollace ang panahon na sinamahan siya ni Daisie sa Octavia kahit na hindi ligtas para sa kaniya. Kahit na nakaraan pa iyon o ngayon, laging ganun si Daisie, kaya sobrang hirap para kay Nollace na hindi alagaan si Daisie.Ayun din ang dahilan kaya hindi niya mapigilan ang mag-alala kay Daisie.Sa Bassburgh, sa ospital…Nagising si Freyja noong gabi at gusto niyang tumayo sa higaan pero pinahiga ulit siya ni Colton. “Huwag ka gumalaw. Kailangan mo muna magpahinga.”Nahihirapan si Freyja. “Pero gusto ko pumunta sa banyo.”Kinuha ni Colton ang potty sa baba ng kama at inabot kay Freyja.Sobrang nahiya si Freyja
Read more

Kabanata 2287

Tumango si Shannon.Sa wakas ay dumating na ang tulong sa scene ng bandang 8:30 a.m., lahat sila ay sumakay sa minivan, umalis sila sa bundok, at bumalik sa hotel na nasa baba ng bundok. Nakahinga na nang maayos ang ibang crew member.Lumapit si James kay Daisie. “Buti nakabalik na kayo guys. Buong gabi akong nag-aalala.”Nilagay ni Daisie ang kamay niya sa kaniyang likod na parang siya lagi ang may kontrol ng buong sitwasyon. “Bakit mo naman kailangan mag-aalala? Blizzard lang naman iyon ‘di ba?” Ngumiti si James. “Sa tingin ko hangga't nandyan ang asawa mo, hindi ka matatakot kahit apocalypse, tama?” Bumalik sila sa sari-sarili nilang kwarto, nag hot shower, nagpalit ng damit, at pumunta sa restaurant para mag almusal.Uminom si Daisie ng mainit na almond milk at mas lumakas siya mula sa fatigue habang umiinit ang kaniyang tiyan. Umupo si James sa harap niya hawak ang plato na kaniyang almusal at tumingin sa paligid. “Bakit wala ang asawa mo dito para sa almusal?” Kinuh
Read more

Kabanata 2288

Nagdilim ang ekspresyon ni Tiffany. “Anong kinalaman nito kay Assistant Director Gosling? Masasabi ko naman na hindi siya sobrang tanga para magustuhan ang isang babaeng kasal na gusto makipagharutan sa ibang lalaki.”Nagtawanan ang dalawa at wala na silang sinabi. Matapos nilang kumain, umalis na sila Daisie at James sa restaurant. Nakatayo sila sa harap ng elevator at naghintay. Pero ng magbukas ang pinto at lumabas ang mga tao, hinila ni James si Daisie na kanina pa nakatitig sa kaniyang phone. Sinong nakakaalam na ang ginawa niya pala ay makukunan ng isang tao mula sa hindi kalayuan bago sila makapasok sa loob ng elevator. Sa Zlokovia, sa Bassburgh…Pumunta si Freyja sa nursery para bisitahin ang baby niya. Tiningnan nya ang maliit na katawan sa incubator sa bintana, at halos matunaw na ang puso niya. “Freyja.”Tumalikod siya at bahagyang nagulat. “Mrs. Goldmann?” Ngumiti si Maisie at lumapit sa bintana. “‘Di ba sobrang cute ng baby?” Tumango si Freyja. “Oo, sobran
Read more

Kabanata 2289

"Ikaw talaga, sinasabi mo ba na ayaw mo?” Nilapit ni Maisie ang baby kay Colton. “Mag-isip ka ng pangalan ngayon sa harap ng anak mo. Kung tumawa siya, gagamitin natin ang pangalan na sinabi mo. Pero pag umiyak, kailangan mo na lang tanggapin ang katotohanan na tatawagin siyang Hope habang buhay.”Nagulat si Colton. “Kaya… kaya niya ba yun intindihin?”Kinaway ni Maisie ang kamay niya. “Kahit maintindihan ni Hope o hindi, hindi na yun mahalaga. Mag-isip ka na.”Tinitigan ni Colton ang little girl, kulubot pa rin ang katawan nito sa swaddle, at parang nahihiya siya.‘Hindi naman ako magaling sa pagpapangalan sa sarili kong anak.’Tiningnan ni Colton si Freyja.Napahinto si Freyja ng ilang sandali. “Huwag kang tumitih sa akin. Hindi ako makaisip ng mas magandang pangalan kumpara sa Hope.”Humalukipkip si Colton. “Pangalan ng kapatid ko ay Daisie, dahil sa bulaklak na daisy. Kung magiging Hope Goldmann ng anak ko, may magiging pangalan sa pamilya na laging ginagamit sa Zlokovia.
Read more

Kabanata 2290

Kinabukasan, dinala ni Gina lahat ng ebidensya sa korte. Lahat ng binigay niya sa korte ay nagpapakita na nagtaksil sa kaniya ang kaniyang asawa, at naging biktima rin siya ng domestic violence, at sinubukan pa na i-kidnap ang kanilang sariling anak para pilitin siyang mag file ng divorce ng hindi nanghihingi ng kahit anong pabuya. Sinabi ni Gina na gusto niyang gumawa agad ng paraan ang korte.Nagbigay rin si Derrien sa korte ng ibang mga importanteng impormasyon at ebidensya na nagpapatunay na may intensyon talaga si Ronald na patayin ang asawa niya. Hindi iyon naisip ni Gina at nagulat siya. “G-Gusto niyang patayin ako?”Tumango si Derrien. “Matapos mong mawalan ng malay sa lugar ni Ms. Blueman, hindi nagpakita ng kahit anong intensyon si Mr. George para i-rescue ka. Plano pa niyang patayin ka at ilibing ang katawan mo para mawala lahat ng ebidensya. Siguro namatay ka na nung araw na iyon kung walang nakarinig ng gulo at pumunta doon para iligtas ka.”Namutla ang mukha ni Gina.
Read more

Kabanata 2291

Kinagat ni Deedee ang labi niya bago sinabing, “Pero nauna ko ‘tong hawakan.”Nilagay ng batang babae ang kamay niya sa kaniyang bewang. “Wala akong pakialam. Nauna ko ‘tong nakita, at mas matanda ako, kaya kailangan mong ipaubaya sa'kin.”Nang nagdadalawang-isip na si Deedee, may babae na lumapit. “Beatrice, hindi tama ‘yan.”Tumalikod si Beatrice. “Mom, ako ang unang nakakita at gusto ko ‘to!”Walang magawa si Barbara. Yumuko siya para tingnan si Beatrice at sinabing, “Hindi mo pwedeng sabihin na mas matanda ka kaya kailangan niyang magpaubaya sa'yo. Hindi tama ‘yon.”Yumuko si Beatrice at ngumuso.Tumingin si Barbara kay Deedee, “Gusto mo rin ba ang dress na ‘to?”Maingat na tumango si Deedee.Ngumiti si Barbara at tinawag ang shopkeeper. “May isa pa ba kayo ng dress na ito?”Inspired ang dress sa ‘Little Red Riding Hood’ na costume. Sikat ‘yon na item at sold out na sa Bassburgh. Ito na ang huli na mayroon sila.Bumuntong hininga si Barbara at hinaplos ang buhok ni Beatri
Read more
PREV
1
...
227228229230231
...
246
DMCA.com Protection Status