"Ikaw talaga, sinasabi mo ba na ayaw mo?” Nilapit ni Maisie ang baby kay Colton. “Mag-isip ka ng pangalan ngayon sa harap ng anak mo. Kung tumawa siya, gagamitin natin ang pangalan na sinabi mo. Pero pag umiyak, kailangan mo na lang tanggapin ang katotohanan na tatawagin siyang Hope habang buhay.”Nagulat si Colton. “Kaya… kaya niya ba yun intindihin?”Kinaway ni Maisie ang kamay niya. “Kahit maintindihan ni Hope o hindi, hindi na yun mahalaga. Mag-isip ka na.”Tinitigan ni Colton ang little girl, kulubot pa rin ang katawan nito sa swaddle, at parang nahihiya siya.‘Hindi naman ako magaling sa pagpapangalan sa sarili kong anak.’Tiningnan ni Colton si Freyja.Napahinto si Freyja ng ilang sandali. “Huwag kang tumitih sa akin. Hindi ako makaisip ng mas magandang pangalan kumpara sa Hope.”Humalukipkip si Colton. “Pangalan ng kapatid ko ay Daisie, dahil sa bulaklak na daisy. Kung magiging Hope Goldmann ng anak ko, may magiging pangalan sa pamilya na laging ginagamit sa Zlokovia.
Kinabukasan, dinala ni Gina lahat ng ebidensya sa korte. Lahat ng binigay niya sa korte ay nagpapakita na nagtaksil sa kaniya ang kaniyang asawa, at naging biktima rin siya ng domestic violence, at sinubukan pa na i-kidnap ang kanilang sariling anak para pilitin siyang mag file ng divorce ng hindi nanghihingi ng kahit anong pabuya. Sinabi ni Gina na gusto niyang gumawa agad ng paraan ang korte.Nagbigay rin si Derrien sa korte ng ibang mga importanteng impormasyon at ebidensya na nagpapatunay na may intensyon talaga si Ronald na patayin ang asawa niya. Hindi iyon naisip ni Gina at nagulat siya. “G-Gusto niyang patayin ako?”Tumango si Derrien. “Matapos mong mawalan ng malay sa lugar ni Ms. Blueman, hindi nagpakita ng kahit anong intensyon si Mr. George para i-rescue ka. Plano pa niyang patayin ka at ilibing ang katawan mo para mawala lahat ng ebidensya. Siguro namatay ka na nung araw na iyon kung walang nakarinig ng gulo at pumunta doon para iligtas ka.”Namutla ang mukha ni Gina.
Kinagat ni Deedee ang labi niya bago sinabing, “Pero nauna ko ‘tong hawakan.”Nilagay ng batang babae ang kamay niya sa kaniyang bewang. “Wala akong pakialam. Nauna ko ‘tong nakita, at mas matanda ako, kaya kailangan mong ipaubaya sa'kin.”Nang nagdadalawang-isip na si Deedee, may babae na lumapit. “Beatrice, hindi tama ‘yan.”Tumalikod si Beatrice. “Mom, ako ang unang nakakita at gusto ko ‘to!”Walang magawa si Barbara. Yumuko siya para tingnan si Beatrice at sinabing, “Hindi mo pwedeng sabihin na mas matanda ka kaya kailangan niyang magpaubaya sa'yo. Hindi tama ‘yon.”Yumuko si Beatrice at ngumuso.Tumingin si Barbara kay Deedee, “Gusto mo rin ba ang dress na ‘to?”Maingat na tumango si Deedee.Ngumiti si Barbara at tinawag ang shopkeeper. “May isa pa ba kayo ng dress na ito?”Inspired ang dress sa ‘Little Red Riding Hood’ na costume. Sikat ‘yon na item at sold out na sa Bassburgh. Ito na ang huli na mayroon sila.Bumuntong hininga si Barbara at hinaplos ang buhok ni Beatri
Humarap si Waylon at biglang ngumiti. “Tita Barbara.”Lumapit si Barbara habang hawak ang kamay ni Beatrice. “Si Wayne pala.”Nakababa ang bintana ng sasakyan kaya nakita ni Beatrice na nakaupo si Deedee sa sasakyan. “Hindi ba siya yung bata sa store?”Hinaplos ni Waylon ang ulo nito. “Bea, kilala mo ba si Deedee?”Tumingin si Beatrice sa kaniya. “Deedee ba ang pangalan niya? Nakita namin siya habang nagsa-shopping kami ni Mommy kanina. Pinaubaya niya sa'kin yung dress na gusto niya.”Sinabi ni Barbara ang nangyari sa store kay Waylon, at ngumiti si Waylon kay Deedee. “Magaling ang ginawa mo.”Nahihiya si Deedee sa papuri sa kaniya.Ngumiti rin si Barbara. “Pamangkin ni Freyja di Deedee. Kaya mukha siyang pamilyar.”Alam lahat ng nasa Bassburgh na mayroong pamangkin si Freyja at narinig din siya ni Barbara. Hindi lang niya inakala na makakasalubong niya ito sa mall. Tadhana ito.Napansin niya si Cameron at inangat niya ang kaniyang kilay. “Siya ba si Ms. Southern?”Nagulat si
Kinain ni Freyja ang pagkain niya. “Pagkatapos ipanganak ng bata, hindi ganoon kalala ang pagmamahal.”Tumawa si Colton. “Pagkatapos manganak, may lakas ka pa para makipag-away sa'kin, huh?”Patuloy siyang kumain at hindi pinansin si Colton.Hindi siya nagpakita ng pasasalamat pagkatapos ipanganak si Charmaine. Mas nagalit pa siya nang tutulungan sila ni Colton bago ‘yon pero kapag natapos na, mawawala siya.‘Hindi na ba siya interesado dahil nakita niya kung paano lumabas si Charm?‘Hah, lalaki.’Napansin ni Colton na madilim ang itsura ni Freyja at nagtaka siya. “Sinong gumalit sa'yo?”Tiningnan siya nang masama ni Freyja dahil naisip niya na rhetorical ang tanong.Hindi alam ni Colton ang gagawin. Tumabi siya kay Freyja at yayakapin na sana ito pero hinarang niya ang kamay ni Colton. “Huwag mo akong yakapin.”Binawi niya ang mga kamay niya.Tiningnan siya ni Freyja at tinanong, “Tumigil ka talaga dahil sinabi ko?”Tumawa si Colton. “Well, gusto mo ba ng yakap o hindi?”S
“Mr. Goldmann, wala lang sa'yo $1,000,000. Basta ibigay mo sa'kin ang pera, pangako na sa atin lang dalawa ang lahat ng ‘to.”Inangat ni Colton ang kilay niya. “Bakit ako maniniwala sa'yo?”Tumigil si Colton sa tabi ng kama at malamig na tinitigan si Jessie. “Pagkatapos ko sa'yo ibigay ang pera, gagastusin mo lang at babalik ka ulit para manghingi. Jessie Blueman, sa tingin mo ba madali ako lokohin tulad ni Ronald George”Natigil si Jessie na para bang nababasa ni Colton ang isip niya at agad na sinabing, “Hindi ka ba natatakot na ilalantad kita?”Hinila ni Colton ang upuan at mabagal na umupo. “Gawin mo.”Nagulat si Jessie. “Ikaw…”Pinagkrus ni Colton ang hita niya. “Ginamit mo ang posisyon mo, pinilit mo si Deedee na saktan ang sarili niya at pinilit siya na uminom ng gamot. Sinabihan mo pa siya na saktan ang anak nng tita niya. Lahat ng ‘yon ay labag sa batas.“Sinabi mo na may ebidensya ka ng pagkuha ko ng tao para saktan ka, kaya gawin mo at ilantad ako. Sa tingin mo ba may
Kinabukasan…Ilang mahahaling sasakyan ang nakaparada sa labas ng hospital.Nalaman ng media ang nangyari at nag camping sila sa labas.Lumabas si Maisie sa proteksyon ng mga bodyguard habang buhat ang apo niya.Hinawakan ni Colton si Freyja at naglakad sa likod nila. Lumapit ang mga reporter para maunang mag report ng balita.“Mr. Goldmann, nagkaroon ba kayo ng illegitimate na anak kay Ms. Pruitt? Walang anunsyo ng kasal niyo bago ito kaya gusto ko alamin kung nagsama kayo dahil buntis si Ms. Pruitt.”Lumapit ang isa sa mga reporter at direkta na tinanong ang tanong niya.Kinumpirma na kasal na si Colton at Freyja at nang nalaman na buntis siya, nag-uusap ang mga tao online tungkol sa relasyon nila.Ilang reporter ang humarap kay Maisie. “Mrs. Goldmann, may masasabi ka ba dito?”Buhat ni Maisie ang baby at sinubukan na itago ang mukha ni Charmaine sa mga camera. Ngumiti siya. “Masaya ako na may pakialam kayo sa anak ko at kay Freyja. Kahit na hindi ako sigurado sa sinasabi ng
Seryoso ka ba? Huwag mo isipin na si Cinderella ang lahat. Sa fairytale, mayaman si Cinderella bago siya naging mahirap. Mas mababa ka pa kay Cinderella. At saka, wala pang sinasabi ang mga Goldmann kaya bakit ang dami mong sinasabi?##Naalala ko na may naglabas ng pagkatao niya noon. Kamag-anak niya ang pamilya sa Yaramoor.##Pero hindi siya parte ng royal family. Kabit ng hari ang lola niya. Sa madaling salita, homewrecker siya. Bakit mo tutulungan ang homewrecker?##Ang pinagkaiba ng homewrecker sa kabit ay pinapayagan ang pagkakaroon ng kabit. Tulad ng mga tao noon na pwedeng magkaroon ng tatlo o apat na misis, kaya syempre, pwede natin tanggapin ngayon. Sa oras na yon, legal ‘yon. At saka, lola niya ang pumili na maging kabit. Pwede ba siyang pumili ng magiging pamilya niya bago siya ipanganak? Hindi rin niya nakuha ang karapatan ng pagiging royal family, hindi ba? Narinig ko na hindi maganda ang relasyon niya sa kaniyang pamilya at sinasaktan siya ng mom niya. Dahil lang sa na