Seryoso ka ba? Huwag mo isipin na si Cinderella ang lahat. Sa fairytale, mayaman si Cinderella bago siya naging mahirap. Mas mababa ka pa kay Cinderella. At saka, wala pang sinasabi ang mga Goldmann kaya bakit ang dami mong sinasabi?##Naalala ko na may naglabas ng pagkatao niya noon. Kamag-anak niya ang pamilya sa Yaramoor.##Pero hindi siya parte ng royal family. Kabit ng hari ang lola niya. Sa madaling salita, homewrecker siya. Bakit mo tutulungan ang homewrecker?##Ang pinagkaiba ng homewrecker sa kabit ay pinapayagan ang pagkakaroon ng kabit. Tulad ng mga tao noon na pwedeng magkaroon ng tatlo o apat na misis, kaya syempre, pwede natin tanggapin ngayon. Sa oras na yon, legal ‘yon. At saka, lola niya ang pumili na maging kabit. Pwede ba siyang pumili ng magiging pamilya niya bago siya ipanganak? Hindi rin niya nakuha ang karapatan ng pagiging royal family, hindi ba? Narinig ko na hindi maganda ang relasyon niya sa kaniyang pamilya at sinasaktan siya ng mom niya. Dahil lang sa na
Natigil ang ngiti ni Freyja.Hindi nagtagal, napalabas ulit si Colton sa kwarto niya.Sa Coralia…Natigil sandali ang shooting session ngayong araw. Lahat ng crew members ay nag aabot ng pagkain at nang nakita nila na nag iisa si Daisie sa trailer, sinabi ni Tiffany, “Kahit ang Director, si Mr. Gosling at Mr. Lindholm ay kumakain sa lunch box. Bakit kailangan na espesyal siya?”May sumagot sa tabi niya. “Binilhan siya mismo ng asawa niya ng pagkain. May asawa ka ba?”Nagulat si Tiffany. “Dahil lang sa nag invest ang asawa niya hindi ibig sabihin ay masusunod na siya lagi. Ano naman kung nanalo siya ng Best Actress award? Pabigat lang siya dito.”“Narinig ko na hindi maayos ang pakiramdam niya.”“Sigurado ako na isa lang yan sa palusot niya para takbuhan ang trabaho niya.”Pagkatapos magsalita ni Tiffany, tiningnan niya ang batang 12-year-old na actor.Naalala niya na ang batang actor at kailangan na mag shoot ng scene sa tubig mamaya at ang magliligtas sa kaniya ay si “Nancy.
Dinala ni Shannon ang batang aktor sa gilid para kausapin. Umupo si Daisie sa bafal ng fan heater at hindi talaga maganda ang pakiramdam niya ngayon.Naisip niya kung paano siya tinulak ng batang aktor habang nasa tubig sila. Hindi ‘yon nakasulat sa script at malinaw naman na ayaw makisama ng batang aktor.“Daisie, ayos ka lang ba?”Lumapit si Zephir sa kaniya.Nagulat si Daisie at pilit na ngumiti. “Oo. Ayos lang ako.”Tumango si Zephir.“Pagkatapos ng sampung minuto, magsisimula tayong mag shoot. Kung hindi maayos ang pakiramdam mo, kailangan mong sabihin sa amin.”Madiin niyang tinikom ang labi niya at sumagot, “Sige. Sasabihin ko.”Nang nagpatuloy ang shooting, tumalon si Daisie sa pool nang walang pagda-dalawang isip. Pinuri siya ng crew dahil sa kaniyang professionalism. Kung tutuusin, malamig talaga ang panahon. Nagtitiis siya kahit na ayaw makisama ng batang aktor.Habang lumalangoy si Daisie papunta sa batang lalaki, hindi niya alam kung dahil sa lamig pero hindi niy
Dahil nagpapahinga si Daisie, kailangan tapusin ng crew ang part ng ibang tao.Pinag-uusapan ng mga crew kung gaano ka-professional si Daisie. Handa siya magtiis kahit na may sakit siya para matapos ang part niya.Nang lumabas su Tiffany sa dressing room, humalukipkip siya nang marinig ang usapan at sinabing, “Hindi naman dapat purihin. Dapat sinabi niya sa atin na may sakit siya. Kapag may nangyari sa kaniya, sisisihin niya lang ang director at kayong lahat.”Tumingin ang crew members kay Tiffany at hindi mapigilan ng isa sa kanila na magtanong, “Anong problema mo kay Daisie, Tiffany? Bakit parang hindi mo siya gusto?”“Tama. Wala namang nagawang mali si Daisie noon. At saka, award-winning actress siya. Hindi siya nagrereklamo sa pagkakamali na hindi niya ginawa at inuulit ang eksena. Hindi pa ba yon sapat para ipakita na professional siya?”“Professional siya?” malamig na suminghal si Tiffany. “Maraming tao sa entertainment industry na mas pursigido kaysa sa kaniya. Isa lang siy
Bumilis ang tibok ng puso ni Tiffany.‘Ibig ba nitong sabihin ay maniniwala siya sa akin at tutulungan ako? Maganda ‘to!’“Okay. Sasabihin ko sa'yo ang buong kwento.”Sinabi ni Tiffany lahat jay Zephir. Pero, nasa kalagitnaan pa lang siya ng saya dahil sa pagtitiwala sa kaniya ng gusto niya at hindi niya napansin ang lamig sa mata ni Zephir.Pagkatapos ng ilang sandali, kalmadong tinanong ni Zephir, “Dahil handa akong maniwala sa'yo, maniniwala ka rin ba sa akin?”Ngumiti siya. “Syempre.”Nakangiti siyang sumagot at sinabing, “May sasabihin ako sa'yo. Tinitingnan na ni Nollace ang bagay na ‘to at sa tingin ko pupunta siya at hahanapin ka na.”Natigil ang ngiti niya at prangkang tinanong, “Anong gagawin ko?”Tiningnan siya ni Zephir at sinabing, “Pwede kitang tulungan pero paano mo ako babayaran sa pabor?”Nahihiyang ngumiti si Tiffany, “Ibibigay ko sa'yo ang kahit anong gusto mo.”Lumapit si Zephir sa kaniya at bumulong sa tainga niya. “Ito ang plano at isa lang ang gusto kon
“Mr. Knowles, alam ba ng asawa mo na palihim mong kikitain ngayon ang lover mo sa hotel?”Tiningnan ni Nollace sa labas ng pinto ang mga taong nagkalat sa corridor at may madilim siyang ekspresyon. Sa Bassburgh, sa Blackgold…Bumalik si Leonardo sa opisina. “Mr. Goldmann, mukhang nasa malaking gulo ngayon si Mr. Knowles.”Huminto si Colton sa pagbabasa ng dokumento na nasa kamay niya at tinaas ang kaniyang tingin. “Anong nangyari?”Inabit ni Leonardo ang magazine sa kaniya.Kinuha iyon ni Colton, binasa niya sa iyon, at nagdilim ang ekspresyon niya.#Ang son-in-law ng mga Goldmann na si Nollace Knowles ay natagpuang nakikipagkita sa hindi kilalang baba sa isang hotel ng hindi nalalaman ng kaniyang misis, at natagpuang kaliligo lang ng babae dahil nakasuot lang ito ng towel.#Tinapon ni Colton ang magazine sa mesa.Tiningnan siya ni Leonardo, “Parang apoy na kumakalat ang balitang ito dahil lahat ng media companies ay inilalabas ito. Napuno ba rin ang Twitter ng mga algorithm
Si Tiffany lang ang tunay na nakakaalam kung nag cheat ba talaga si Nollace kay Daisie o hindi. Lalo na't ang babaeng nakita na kinikita ni Nollace ay isang hindi kilalang influencer na nakita niya online, at si Tiffany ang nagbayad sa kaniya para gawin ang eksena na iyon sa hotel. Pero kung iisipin ang sinabi ni Zephir sa kaniya, na ayun lang ang paraan para maalis ang atensyon ni Nollace sa kaniya, talagang naniwala siya sa sinabi niya at ginawa niya iyon.‘Pag nalaman nilang sangkot ako, iyon na yun. Iyon na ang katapusan ng acting career ko kaya bakit ko pa iisipin kung anong magiging resulta ng mga bagay?‘Si Daisie ang may kasalanan ng lahat ng ito. Nasa kaniya na nga lahat ng bagay na pinapangarap ng lahat ng tao buong buhay nila pero talagang pinili pa niyang sa entertainment industry pumunta para makipag kompetensya sa atin.’Dalawang araw ng kumakalat sa internet ang nangyari at hindi pa rin natatanggal sa pagiging sikat ang usapan na iyon. Pero hindi pa rin sumasagot si
Umandar na ang kotse, naiwan nila ang mga reporter sa ospital. Tinanggal ni Daisie ang sunglasses niya at sumandal sa balikat ni Nollace. “Bakit ang lakas ng loob mong personal pang sunduin ako? Hindi ka ba natatakot na baka mahuli ka nila?” Tinanggal ni Nollace ang tingin niya sa screen ng laptop at niyakap si Daisie. “Natakot na ba ako sa kahit na ano?”Tiningnan siya ni Daisie. “Anong plano mong gawin sa sunod?” Hinalikan ni Nollace ang noo ni Daisie at tumawa. “Naniniwala ka ba talaga sa akin?” Hinawakan ni Daisie ang tie ni Nollace. “Kung totoong nag-cheat ka sa akin, sasabihin mo ba sa akin ang tungkol doon?” Matapos ang nangyari, siya ang unang taong pinuntahan ni Nollace nang matapos ang insidente.Kaya pinili niyang maniwala kay Nollace.‘May taong target na naman siya. Si Nollace ang target ng kaniyang scam kaya hindi ba halata na may isang taong sinusubukan na gumawa ng gulo sa pagitan naming dalawa ni Nollace?’Tiningnan ni Nollace si Daisie. “Anong sinabi sayo