Umandar na ang kotse, naiwan nila ang mga reporter sa ospital. Tinanggal ni Daisie ang sunglasses niya at sumandal sa balikat ni Nollace. “Bakit ang lakas ng loob mong personal pang sunduin ako? Hindi ka ba natatakot na baka mahuli ka nila?” Tinanggal ni Nollace ang tingin niya sa screen ng laptop at niyakap si Daisie. “Natakot na ba ako sa kahit na ano?”Tiningnan siya ni Daisie. “Anong plano mong gawin sa sunod?” Hinalikan ni Nollace ang noo ni Daisie at tumawa. “Naniniwala ka ba talaga sa akin?” Hinawakan ni Daisie ang tie ni Nollace. “Kung totoong nag-cheat ka sa akin, sasabihin mo ba sa akin ang tungkol doon?” Matapos ang nangyari, siya ang unang taong pinuntahan ni Nollace nang matapos ang insidente.Kaya pinili niyang maniwala kay Nollace.‘May taong target na naman siya. Si Nollace ang target ng kaniyang scam kaya hindi ba halata na may isang taong sinusubukan na gumawa ng gulo sa pagitan naming dalawa ni Nollace?’Tiningnan ni Nollace si Daisie. “Anong sinabi sayo
Nakatanggap ng tawag si Tiffany matapos ang kaniyang shoot kaya agad siyang pumunta sa lugar na walang tao para sagutin ang tawag, “‘Di ba sinabi ko naman sayo na huwag mo ako bigla-biglang tatawagan!” “Ms. Cullen, nawalan na ako ng ibang pagpipilian, kaya tulungan mo ako. Hindi na ako makalabas ng bahay ngayon. Pinapalayas nila ako, at kinasuhan ako sa korte ni Ms. Vanderbilt!”Sobrang kinakabahan ang babae sa kabilang linya. Halata naman na pinilit lang siyang magtago.Hindi pumayag si Tiffany. “Tanga ka ba? Nilabas lang niya sa korte ang sitwasyon para takutin ka. Kahit na nagkaroon tayo ng pagkakamali, iniisip mo ba talaga na may ginawa kang pagtataksil sa kaniya? Huwag kang mahulog sa patibong niya!” Nagulat ang babae sa kabilang linya. Parang may punto ang sinabi ni Tiffany nang inisip niya iyon. “I… I'm sorry, Ms. Cullen, sobrang natatakot lang ako, pero ngayon na nahuli na ako ng publiko, natatakot ako na—”“Anong dapat mong ikatakot? Pag mas takot ka, mas madali kang ma
Suminghal si Zephir. “Ano namang nasa isip ko?”Tumawa rin si James. “Ikaw ang mas nakakaalam.”Siniko ni Daisie si James. “Nabasa mo ba yung script? Huwag mo na idamay ang filming ko mamaya.”Umiwas ng tingin si James at hindi siya nagsalita.Tiningnan ni Daisie si Zephir. “Ihahanda ko muna ang sarili ko sa next scene kasama si James.”Tumango si Zephir.Habang naglalakad si James paalis kasama si Daisie, tumalikod siya para tingnan si Zephir. Napansin niya ang galit nitong ekspresyon at nakaramdam siya ng biglang lamig na umaakyat sa buto niya. ‘Geez, hindi talaga siya gentleman.’Sa kabilang banda, isang babaeng influencer ang nawalan ng trabaho dahil sa mga nagkalat na opinyon ng publiko sa Internet. Pumunta siya sa convenience store para bumili pero pinalayas siya ng may-ari, sinasabi na hindi siya nag bebenta sa isang kabit na nangaakit ng asawa ng tao.Nalungkot ang babaeng influencer nagpanggap na lang siyang walang pakialam at walang magawa kundi umalis.Marami sa k
Habang binabasa ang masasamang comment online, hinawakan ng influencer ang ulo niya. Paano nangyayari ang lahat ng ito?Bigla niyang narinig na nag-ring ang doorbell at lumapit siya sa pinto. “Sino yan?” “Ms. Larson, mula kami sa law firm at gusto ka namin kausapin. Pwede mo naman piliin na huwag kami papasukin, pero kailangan mong malaman ano ang kapalit ng hindi pagpapakita sa korte para sa kaso.”Namutla ang mukha ng babae, nagsimula siyang manginig. Sa Bassburgh…Nakita ni Freyja ang balita tungkol kay Daisie at Nollace at agad siyang pumunta sa study. “Colton.”Nagulat si Colton at sinara ang kaniyang laptop. “Anong nangyayari?” Lumapit si Freyja sa mesa. “Totoo ba ang nangyari kala Nollace at Daisie?”Nilagay ni Colton ang kamay niya sa kaniyang noo. “Sa tingin mo ba totoo?” Kumunot ang noo ni Freyja. “Parang hindi naman si Nollace ang tipo ng taong gagawa ng ganun.”“Bakit ka nagtanong kung may tiwala ka sa kaniya?” Tinikom ni Freyja ang labi niya at may sasabihi
Matapos mag-impake ng kaniyang bag, bumaba na si Cameron, nag-iwan siya ng note, at umalis.Sumakay ng plane si Cameron papunta sa Coralia. Nang bumaba na siya sa airport, nanginig siya dahil sa lamig ng hangin at mas hinigpitan pa niya ang kaniyang damit. “Bwisit, ganito ba talaga kalamig?”Nanginginig siya habang kinukuha ang kaniyang phone para tawagan si Daisie. Isang puting kotse ang biglang dumating sa airport, at lumapit siya doon nang makita ang license plate. Binuksan niya ang pinto at umupo doon. Nakita ni Daisie na nakasuot lang si Cameron ng jacket kaya nagulat siya. “Hindi ko ba sinabi sayo na malamig?”Kiniskis ni Cameron ang kamay niya. “Hindi ko alam na magiging ganito kalamig. Mula ako sa mainit na bansa. Wala kaming winter doon.”Kailangan na tanggalin ni Daisie ang pambaba niyang jacket at ibinalot kay Cameron. “Ito na lang suotin mo. May mga damit pa naman ako sa set.”Tumingin si Cameron sa kaniya. “Anong nangyari sa inyo ni Nollace?” Ngumiti si Daisie. “F
Tinanong ng reporter, “Ms. Larson, may larawan ka kasama si Mr. Knowles sa hotel at nakahubad ka. Paano mo iyon ipapaliwanag?”Isang reporter ang lumapit. “Ngayon may ebidensya na silang nilabas, nagdesisyon na rin si Ms. Vanderbilt na dalhin ka sa korte. Sinusubukan mo bang tumakas para hindi mo na harapin ang mga paratang sayong kapalit?” Namumutla ang mukha ni Sophie at nakakuyom ang kaniyang kamao. “Wala talaga itong kinalaman sa akin. Hindi ko nga kilala si Mr. Knowles.”Tinanong ng reporter, “Sinabi ba niya sayo na linawin mo na ang mga bagay?” Isang reporter pa ang nagtanong. “Pinagbabantaan ka ba?” Huminga nang malalim si Sophie at nag-igting ang kaniyang panga. “Sabi ko hindi, hindi ko nga siya kilala. May nag-hire sa akin na umarte sa kung ano ang nangyari sa hotel para mapunta sa maling sitwasyon si Mr. Knowles.”Agad na nanahimik ang paligid.Nagpatuloy sa pagtutok sa kaniya ng mga flash, at hindi siya makatakbo palayo. Yumuko sa kahihiyan si Sophie at nagsimula s
Kinalaban ni Sophie ang prinsesa ng Goodmann family. Hindi maliit na halaga ang $7,000,000 reparation na kailangan niya ibigay.Kung iisipin, hindi kinasuhan ni Daisie ang asawa niya, ibang babae lang. Kung si Sophie ang homewrecker at talagang nag-cheat ang asawa niya, dapat nasa proseso sila ng divorce hindi yung aatakihin niya ang babae. #Plot twist sa scandal ni Nollace Knowles. Isa lang itong trap.##Isang eksena lang ang gulo sa Vanderbilt-Knowles marriage.#Nang nalabas na ng media ang mga article nila, nagulat ang lahat ng netizen na naghihintay sa update. Pero may mga hindi pa rin naniniwala na isa lang iyong trap.Nang hinihintay ng lahat mag comment si Daisie, nag post siya ng tweet kasama ang larawan. Suot pa rin niya ang kaniyang wedding ring at naka-tag si Nollace. #Magaling na aktor ang asawa ko~”#Wow, arte lang yun?##Sa asawa ni Daisie, niloko mo kami. Sobrang nag-aalala ako na nag-cheat ka talaga!##Iniisip ko bakit naman magkakaroon ng problema ang isan
Namula ang mukha ni Tiffany at tumigil sa pagtibok ang puso niya. “Zephir…”Mukhang in love si Zephir pero walang emosyon sa mata niya. “Huwag kang mag-alala, kahit na hindi ka makapag trabaho sa movie na ito, marami pang bago na darating. Makikipagtrabaho ako sa'yo dahil sa tingin ko ay talented ka.”Namangha na si Tiffany sa mga salita nito at hindi na siya makapag-isip. “Okay, gagawin ko ang gusto mo. Pwede ko bang itanong kung… may girlfriend ka?”Kalmado niyang sinabi, “Wala.”Masaya si Tiffany dahil may pagkakataon siya.“Huwag kang mag-alala. Kakausapin ko ang director ngayon at aalis sa set. Para naman kay Sophie Larson, hahanap ako ng paraan para baliktarin siya.”Pinigilan ni Tiffany ang saya sa puso niya at umalis sa kwarto.Nakangiti pa rin si Zephir. Malamig ang mata niya habang kumukuha ng tissue para punasan ang kamay na humawak sa mukha ni Tiffany, pagkatapos ay binato ‘yon sa basurahan.Nanatili siya doon bago umalis.Pumunta si Tiffany sa set. “Mr. Fallon.”
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging