Tinanong ng reporter, “Ms. Larson, may larawan ka kasama si Mr. Knowles sa hotel at nakahubad ka. Paano mo iyon ipapaliwanag?”Isang reporter ang lumapit. “Ngayon may ebidensya na silang nilabas, nagdesisyon na rin si Ms. Vanderbilt na dalhin ka sa korte. Sinusubukan mo bang tumakas para hindi mo na harapin ang mga paratang sayong kapalit?” Namumutla ang mukha ni Sophie at nakakuyom ang kaniyang kamao. “Wala talaga itong kinalaman sa akin. Hindi ko nga kilala si Mr. Knowles.”Tinanong ng reporter, “Sinabi ba niya sayo na linawin mo na ang mga bagay?” Isang reporter pa ang nagtanong. “Pinagbabantaan ka ba?” Huminga nang malalim si Sophie at nag-igting ang kaniyang panga. “Sabi ko hindi, hindi ko nga siya kilala. May nag-hire sa akin na umarte sa kung ano ang nangyari sa hotel para mapunta sa maling sitwasyon si Mr. Knowles.”Agad na nanahimik ang paligid.Nagpatuloy sa pagtutok sa kaniya ng mga flash, at hindi siya makatakbo palayo. Yumuko sa kahihiyan si Sophie at nagsimula s
Kinalaban ni Sophie ang prinsesa ng Goodmann family. Hindi maliit na halaga ang $7,000,000 reparation na kailangan niya ibigay.Kung iisipin, hindi kinasuhan ni Daisie ang asawa niya, ibang babae lang. Kung si Sophie ang homewrecker at talagang nag-cheat ang asawa niya, dapat nasa proseso sila ng divorce hindi yung aatakihin niya ang babae. #Plot twist sa scandal ni Nollace Knowles. Isa lang itong trap.##Isang eksena lang ang gulo sa Vanderbilt-Knowles marriage.#Nang nalabas na ng media ang mga article nila, nagulat ang lahat ng netizen na naghihintay sa update. Pero may mga hindi pa rin naniniwala na isa lang iyong trap.Nang hinihintay ng lahat mag comment si Daisie, nag post siya ng tweet kasama ang larawan. Suot pa rin niya ang kaniyang wedding ring at naka-tag si Nollace. #Magaling na aktor ang asawa ko~”#Wow, arte lang yun?##Sa asawa ni Daisie, niloko mo kami. Sobrang nag-aalala ako na nag-cheat ka talaga!##Iniisip ko bakit naman magkakaroon ng problema ang isan
Namula ang mukha ni Tiffany at tumigil sa pagtibok ang puso niya. “Zephir…”Mukhang in love si Zephir pero walang emosyon sa mata niya. “Huwag kang mag-alala, kahit na hindi ka makapag trabaho sa movie na ito, marami pang bago na darating. Makikipagtrabaho ako sa'yo dahil sa tingin ko ay talented ka.”Namangha na si Tiffany sa mga salita nito at hindi na siya makapag-isip. “Okay, gagawin ko ang gusto mo. Pwede ko bang itanong kung… may girlfriend ka?”Kalmado niyang sinabi, “Wala.”Masaya si Tiffany dahil may pagkakataon siya.“Huwag kang mag-alala. Kakausapin ko ang director ngayon at aalis sa set. Para naman kay Sophie Larson, hahanap ako ng paraan para baliktarin siya.”Pinigilan ni Tiffany ang saya sa puso niya at umalis sa kwarto.Nakangiti pa rin si Zephir. Malamig ang mata niya habang kumukuha ng tissue para punasan ang kamay na humawak sa mukha ni Tiffany, pagkatapos ay binato ‘yon sa basurahan.Nanatili siya doon bago umalis.Pumunta si Tiffany sa set. “Mr. Fallon.”
Pinatunog ni James ang dila niya at sinabing, “Sa tingin ko aalis ka lang dahil nag-aalala ka na gantihan ka ni Nollace. Pero kailangan maging malinaw sa'yo ang isang bagay. Bumagsak ang reputasyon ni Nollace dahil sa ginawa mo, kaya sa tingin mo makakatakas ka na lang nang basta?”Kinagat ni Tiffany ang labi niya. Lumapit siya kay Daisie at lumuhod siya rito sa harap ng lahat. “Pasensya na. Kung gusto mo akong pagalitan o saktan, gawin mo na lang. Hindi ako lalaban.”Kumunot si Daisie. “Sa asawa ko ka dapat humingi ng tawad hindi sa akin.”Nagulat si Tiffany. Yumuko siya pero walang sinabi na kahit ano.Bumuntong hininga si Shannon at sinabing, “Umalis ka na ngayon.”Tiningnan siya ni Tiffany at sinabi ni Shannon, “Hindi 'katanggap-tanggap ang ginawa mo, pero kahit na ano pa man, ako ang director, kaya ako ang magpapaliwanag kay Mr. Knowles. At ikaw, mula ngayon, hindi ka na pwedeng maging parte ng kahit anong pelikula na gagawin ko.”Tumayo si Tiffany at yumuko sa kaniya. “Sala
Nang hinahanap ni Cameron ang hair dryer sa drawer sa gilid ng kama, nag ring ang doorbell. Kumuha siya ng jacket para buksan ang pinto.Akala niya si Daisie iyon hanggang sa makita niya ang lalaking nakatayo sa harap ng pinto. Nagulat si Cameron. “Anong ginagawa mo dito?” Tinaas ni Waylon ang tingin niya at tiningnan si Cameron.Yumuko si Cameron at hinigpitan ang jacket niya. “Anong tinitingnan mo? Huwag ka na tumingin o baka tusukin ko ang mata mo.” Tumawa si Waylon at pumasok sa kwarto. Nagulat si Cameron pero hindi nagtagal ay bumalik na siya sa katotohanan. Pinahinto niya si Waylon nang pumasok ito mula sa pinto. “Saglit! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”Inunat ni Waylon ang kamay niya at hinila niya si Cameron para yakapin. “Bakit ka pumunta dito sa Coralia?” Nanginginig si Cameron at nahirapan siyang lunukin ang kaniyang laway. “Pumunta ako dito para magbakasyon.”Marahil galing lang si Waylon sa labas dahil may snow pa sa kaniyang shirt. Sobrang malamig ang
Pinindot ni Daisie ang bell nang dalawang beses, pero walang nagbukas ng pinto. Inisip niya na lumabas si Cameron kaya tumalikod siua at umalis.Samantala, halos hindi na makahinga si Cameron sa kabilang banda ng pinto. Kinagat niya ang labi ni Waylon at kumunot siya. Yumuko siya para tingnan ang tao na nasa loob ng bisig niya at pinakawalan.Nilagay niya ang likod ng kaniyang kamay sa labi niya. Galit na galit siya at namumula ang pisngi niya. “Wayne, s*raulo ka!”‘Hindi ba siya nag-aalala na maririnig kami ni Daisie!?’Ngumiti si Waylon at hinawakan ang kamay nito para ilagay sa mukha niya. “Oo. S*raulo ako. Sasaktan mo ba ako, Cam?”Naningkit ang mata ni Cameron. “Sa tingin mo ba hindi kita sasaktan?”“Oo,” sagot niya. “Sa tingin ko hindi mo ako sasaktan.”Ngumiti si Cameron at tinapakan ang paa ni Waylon, napasinghap ito sa sakit habang kinuha naman niya ang pagkakataon at pinalaya ang sarili niya sa bisig nito.Humalukipkip siya at sinabing, “Ano sa tingin mo, Mr. Wayne?”
Hindi mapigilan ni Daisie na tumawa may Cameron. Alam niya na sinadya ni Sunny ipatihil ang mga card ni Cameron dahil gusto niyang pigilan ito na bumalik sa East Islands.“Daisie.”Nang narinig ni Daisie ang boses ni Waylon, lumingon siya at ngumiti. “Waylon?”Narinig ng lahat sa crew ang Goldmann brothers. Nalaman nila na magkamukha talaga sila. Kung hindi tinawag ni Daisie ang pangalan nito, hindi nila malalaman ang pagkakaiba nito kay Colton.Nagdala si Waylon ng ilang inumin para sa crew. Naiinggit sila dahil may mabait na kuya si Daisie. Bukod pa doon, nag abala pa ito at dinalhan sila ng inumin nang binisita si Daisie.Ang crew member na lumapit para kunin ang inumin ay masayang sinabi, “Maraming salamat, Mr. Goldmann. Malaki siguro ang nagastos niyo rito.”Ngumiti si Waylon at sumagot, “Wala ‘yon. Mahirap siguro para sa inyo na alagaan ang kapatid ko nitong mga nakaraan. Pasasalamat ko lang ito sa inyo.”Ilang mga aktres ang lumapit sa isa't isa at bumulong, “Ang bait ni
Saglit na natahamik si Cameron at tinanong, “Paano ka mang akit ng lalaki?”Inangat ni Daisie ang daliri niya at tinuro si Waylon. Pagkatapos, sinabi niyang, “Gawin mo lang ang gagawin ko.”Nagtaka si Cameron pero tinuro niya rin si Waylon. “Pagkatapos?”Inangat ni Daisie ang daliri niya at sinabing, “Wayne, tara dito, please.”Tiningnan siya ni Cameron at inangat din ang daliri niya. Pero mahina ang boses niya habang sinasabing, “Wayne, tara dito, please?”Hindi mapigilan ni Daisie na tumawa. Umiling siya at sinabing, “Hindi niya ‘yan maririnig. Kailangan mong lakasan ang boses mo. At saka, kailangan mo tumawa nang mahinhin na parang cute na bata. At saka, kapag nakatingin ka sa kaniya, malambing mo siyang tingnan, hindi mo siya titingnan na para bang kalaban.”“Sigurado ka ba diyan?” Nagdududa siyang tiningnan ni Cameron.Tinapik ni Daisie ang dibdib niya at malakas ang loob na sinabing, “Sye… Syempre, sigurado ako tungkol dito. Tipo rin ‘to ng pang-aakit. Mas hindi lang ‘to
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging