Nang hinahanap ni Cameron ang hair dryer sa drawer sa gilid ng kama, nag ring ang doorbell. Kumuha siya ng jacket para buksan ang pinto.Akala niya si Daisie iyon hanggang sa makita niya ang lalaking nakatayo sa harap ng pinto. Nagulat si Cameron. “Anong ginagawa mo dito?” Tinaas ni Waylon ang tingin niya at tiningnan si Cameron.Yumuko si Cameron at hinigpitan ang jacket niya. “Anong tinitingnan mo? Huwag ka na tumingin o baka tusukin ko ang mata mo.” Tumawa si Waylon at pumasok sa kwarto. Nagulat si Cameron pero hindi nagtagal ay bumalik na siya sa katotohanan. Pinahinto niya si Waylon nang pumasok ito mula sa pinto. “Saglit! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”Inunat ni Waylon ang kamay niya at hinila niya si Cameron para yakapin. “Bakit ka pumunta dito sa Coralia?” Nanginginig si Cameron at nahirapan siyang lunukin ang kaniyang laway. “Pumunta ako dito para magbakasyon.”Marahil galing lang si Waylon sa labas dahil may snow pa sa kaniyang shirt. Sobrang malamig ang
Pinindot ni Daisie ang bell nang dalawang beses, pero walang nagbukas ng pinto. Inisip niya na lumabas si Cameron kaya tumalikod siua at umalis.Samantala, halos hindi na makahinga si Cameron sa kabilang banda ng pinto. Kinagat niya ang labi ni Waylon at kumunot siya. Yumuko siya para tingnan ang tao na nasa loob ng bisig niya at pinakawalan.Nilagay niya ang likod ng kaniyang kamay sa labi niya. Galit na galit siya at namumula ang pisngi niya. “Wayne, s*raulo ka!”‘Hindi ba siya nag-aalala na maririnig kami ni Daisie!?’Ngumiti si Waylon at hinawakan ang kamay nito para ilagay sa mukha niya. “Oo. S*raulo ako. Sasaktan mo ba ako, Cam?”Naningkit ang mata ni Cameron. “Sa tingin mo ba hindi kita sasaktan?”“Oo,” sagot niya. “Sa tingin ko hindi mo ako sasaktan.”Ngumiti si Cameron at tinapakan ang paa ni Waylon, napasinghap ito sa sakit habang kinuha naman niya ang pagkakataon at pinalaya ang sarili niya sa bisig nito.Humalukipkip siya at sinabing, “Ano sa tingin mo, Mr. Wayne?”
Hindi mapigilan ni Daisie na tumawa may Cameron. Alam niya na sinadya ni Sunny ipatihil ang mga card ni Cameron dahil gusto niyang pigilan ito na bumalik sa East Islands.“Daisie.”Nang narinig ni Daisie ang boses ni Waylon, lumingon siya at ngumiti. “Waylon?”Narinig ng lahat sa crew ang Goldmann brothers. Nalaman nila na magkamukha talaga sila. Kung hindi tinawag ni Daisie ang pangalan nito, hindi nila malalaman ang pagkakaiba nito kay Colton.Nagdala si Waylon ng ilang inumin para sa crew. Naiinggit sila dahil may mabait na kuya si Daisie. Bukod pa doon, nag abala pa ito at dinalhan sila ng inumin nang binisita si Daisie.Ang crew member na lumapit para kunin ang inumin ay masayang sinabi, “Maraming salamat, Mr. Goldmann. Malaki siguro ang nagastos niyo rito.”Ngumiti si Waylon at sumagot, “Wala ‘yon. Mahirap siguro para sa inyo na alagaan ang kapatid ko nitong mga nakaraan. Pasasalamat ko lang ito sa inyo.”Ilang mga aktres ang lumapit sa isa't isa at bumulong, “Ang bait ni
Saglit na natahamik si Cameron at tinanong, “Paano ka mang akit ng lalaki?”Inangat ni Daisie ang daliri niya at tinuro si Waylon. Pagkatapos, sinabi niyang, “Gawin mo lang ang gagawin ko.”Nagtaka si Cameron pero tinuro niya rin si Waylon. “Pagkatapos?”Inangat ni Daisie ang daliri niya at sinabing, “Wayne, tara dito, please.”Tiningnan siya ni Cameron at inangat din ang daliri niya. Pero mahina ang boses niya habang sinasabing, “Wayne, tara dito, please?”Hindi mapigilan ni Daisie na tumawa. Umiling siya at sinabing, “Hindi niya ‘yan maririnig. Kailangan mong lakasan ang boses mo. At saka, kailangan mo tumawa nang mahinhin na parang cute na bata. At saka, kapag nakatingin ka sa kaniya, malambing mo siyang tingnan, hindi mo siya titingnan na para bang kalaban.”“Sigurado ka ba diyan?” Nagdududa siyang tiningnan ni Cameron.Tinapik ni Daisie ang dibdib niya at malakas ang loob na sinabing, “Sye… Syempre, sigurado ako tungkol dito. Tipo rin ‘to ng pang-aakit. Mas hindi lang ‘to
Nagpunta siya sa agad sa gym exterior, kung saan maraming naka itim na lalaki ang nakatayo sa labas ng entrance. Nagbubuhat si Titus ng dumbbell sa loob. Kahit nasa 80s na siya, pinapanatili niya ang kaniyang exercise sa buong taon. Kaya naman, hindi lang healthy ang katawan niya kundi maganda rin.Pumasok ang lalaki sa gym. “Sir!”Kumunot si Titus. “Anong problema?”Tinitigan ng lalaki ang screen ng phone niya. “Tungkol diyan, sinabi ni Brother Wayne na… Nakahanap na siya ng girlfriend.”Inangat ni Titus ang ulo niya. “Ano?”Inulit ng lalaki ang sinabi niya bawat salita, “Girlfriend… sinabi ni Brother Wayne na may girlfriend na siya.”Binaba ni Titus ang dumbbell, kinuha ang towel para punasan ang pawis niya at tumayo mula sa bench. “Paano mo nalaman?”Hinawakan niya ang kaniyang phone sa harap ni Titus. “Tingnan niyo, sinabi mismo ni Brother Wayne.”Bahagyang naningkit si Titus at binaba ang towel. “Nagka-girlfriend ang s*raulong yon nang hindi man lang muna ako sinasabihan?
Wala sa mood si Cameron. Lumingon siya at tumingin kay Waylon. “Gusto mo bang baguhin ang order?”Halata naman na hinahamon niya si Waylon na baguhin ang mga pagkain na ayaw nito.Ngumiti si Waylon. “Ayos lang sa akin ang kahit ano.”Nagulat ang aktres sa ginawa ni Waylon pero hindi siya gaano nag isip. Alam niya na nandito ang babae na ‘to para bisitahin si Daisie, maya hindi nagulat ang aktres na kilala ni Cameron si Waylon. Pinagbibigyan lang siya ni Waylon dahil mapagbigay siya sa kakilala niya, yun lang yon.“Mr. Goldmann, pasensya na talaga kung malaki ang magagastos niyo sa pagkain.”Pinatong ni Waylon ang ulo niya sa kamay niya at pinagkrus ang mga daliri nila ni Cameron sa ilalim ng mesa gamit ang kabilang kamay. “Walang anuman.”Natigil si Cameron at agad niyang binawi ang kamay niya.‘Nakikipag-usap siya sa ibang babae at hawak pa ang kamay ko! Ang lakas ng loob!’“Mr. Goldmann, baka maging tunog offensive ito, pero pwede ba kita tanungin?”Kalmado siyang sumagot, “
Natigil sandali si Cameron at tiningnan si Waylon. “Seryoso ka ba diyan?”Tumawa si Waylon. “Hawak mo ang certificate. Anong magagawa ko para pigilan ka kapag gusto mong itigil ang engagement?”Nanatiling tahimik si Cameron nang ilang segundo.‘Parang may sense naman ang sinabi niya. Kukuha lang naman kami ng marriage certificate na hahawakan ko. At kapag nalaman ko na na mayroon siyang ibang babae, pwede akong mag file ng divorce kahit kailan. Kasing dali lang yon ng ABC, hindi ba?”“Magpapakasal ako sa'yo pero may isa akong kondisyon.”Inangat niya ang kaniyang kilay. “At ano naman yon?”Tiningnan siya ni Cameron. “Hindi mo pwedeng isapubliko ang kasal natin.”Saglit na naningkit ang mata ni Waylon. “Deal.”Samantala, sa cafe…Inabot ni Edison ang ilang larawan kay Nollace—ang babae sa larawan ay si Tiffany. “Pagkatapos umalis ng babae na ito sa filming site, nakipagkita siya sa influencer.”Tinapik ni Nollace ang daliri niya sa mesa at naningkit ang mga mata. “Anong ginawa
Kilala si Daisie bilang young lady ng Goldmann pero hindi siya nagpakita ng masamang ugali sa mga katrabaho niya.Biglang may naalala ang isa sa mga aktres ar sinabing, “Daisie, hindi ako sigurado kung dapat ko bang sabihin sa'yo ‘to. Pero sa tingin ko may kinalaman si Assistant Director Gosling kung bakit hindi ka gusto ni Tiffany.”Natigil sandali si Daisie pagkatapos ay tumingin siya pero hindi nagsalita.Isa pang aktres ang may naisip at idinagdag, “Oo nga, nakikita ko na may gusto si Tiffany kay Assistant Director Gosling, kaya sa tingin ko nagseselos si Tiffany sa'yo dahil may pakialam ito sa'yo.”Naningkit si Daisie.‘Galit si Tiffany sa akin dahil sa relasyon ko kay Zephir? Pero wala namang namamagitan sa amin, bukod pa doon sinubukan ko siyang iwasan para mapigilan ang pagdududa habang kasama namin sa trabaho ang crew.’Bigla siyang may naalala, lumingon siya at nakangiting tinanong, “Nga pala, alam niyo ba kung saan nakatira yung batang aktor?”Sa plane mula Coralia pa