Share

Kabanata 2313

Pinindot ni Daisie ang bell nang dalawang beses, pero walang nagbukas ng pinto. Inisip niya na lumabas si Cameron kaya tumalikod siua at umalis.

Samantala, halos hindi na makahinga si Cameron sa kabilang banda ng pinto. Kinagat niya ang labi ni Waylon at kumunot siya. Yumuko siya para tingnan ang tao na nasa loob ng bisig niya at pinakawalan.

Nilagay niya ang likod ng kaniyang kamay sa labi niya. Galit na galit siya at namumula ang pisngi niya. “Wayne, s*raulo ka!”

‘Hindi ba siya nag-aalala na maririnig kami ni Daisie!?’

Ngumiti si Waylon at hinawakan ang kamay nito para ilagay sa mukha niya. “Oo. S*raulo ako. Sasaktan mo ba ako, Cam?”

Naningkit ang mata ni Cameron. “Sa tingin mo ba hindi kita sasaktan?”

“Oo,” sagot niya. “Sa tingin ko hindi mo ako sasaktan.”

Ngumiti si Cameron at tinapakan ang paa ni Waylon, napasinghap ito sa sakit habang kinuha naman niya ang pagkakataon at pinalaya ang sarili niya sa bisig nito.

Humalukipkip siya at sinabing, “Ano sa tingin mo, Mr. Wayne?”

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status