Dahil nagpapahinga si Daisie, kailangan tapusin ng crew ang part ng ibang tao.Pinag-uusapan ng mga crew kung gaano ka-professional si Daisie. Handa siya magtiis kahit na may sakit siya para matapos ang part niya.Nang lumabas su Tiffany sa dressing room, humalukipkip siya nang marinig ang usapan at sinabing, “Hindi naman dapat purihin. Dapat sinabi niya sa atin na may sakit siya. Kapag may nangyari sa kaniya, sisisihin niya lang ang director at kayong lahat.”Tumingin ang crew members kay Tiffany at hindi mapigilan ng isa sa kanila na magtanong, “Anong problema mo kay Daisie, Tiffany? Bakit parang hindi mo siya gusto?”“Tama. Wala namang nagawang mali si Daisie noon. At saka, award-winning actress siya. Hindi siya nagrereklamo sa pagkakamali na hindi niya ginawa at inuulit ang eksena. Hindi pa ba yon sapat para ipakita na professional siya?”“Professional siya?” malamig na suminghal si Tiffany. “Maraming tao sa entertainment industry na mas pursigido kaysa sa kaniya. Isa lang siy
Bumilis ang tibok ng puso ni Tiffany.‘Ibig ba nitong sabihin ay maniniwala siya sa akin at tutulungan ako? Maganda ‘to!’“Okay. Sasabihin ko sa'yo ang buong kwento.”Sinabi ni Tiffany lahat jay Zephir. Pero, nasa kalagitnaan pa lang siya ng saya dahil sa pagtitiwala sa kaniya ng gusto niya at hindi niya napansin ang lamig sa mata ni Zephir.Pagkatapos ng ilang sandali, kalmadong tinanong ni Zephir, “Dahil handa akong maniwala sa'yo, maniniwala ka rin ba sa akin?”Ngumiti siya. “Syempre.”Nakangiti siyang sumagot at sinabing, “May sasabihin ako sa'yo. Tinitingnan na ni Nollace ang bagay na ‘to at sa tingin ko pupunta siya at hahanapin ka na.”Natigil ang ngiti niya at prangkang tinanong, “Anong gagawin ko?”Tiningnan siya ni Zephir at sinabing, “Pwede kitang tulungan pero paano mo ako babayaran sa pabor?”Nahihiyang ngumiti si Tiffany, “Ibibigay ko sa'yo ang kahit anong gusto mo.”Lumapit si Zephir sa kaniya at bumulong sa tainga niya. “Ito ang plano at isa lang ang gusto kon
“Mr. Knowles, alam ba ng asawa mo na palihim mong kikitain ngayon ang lover mo sa hotel?”Tiningnan ni Nollace sa labas ng pinto ang mga taong nagkalat sa corridor at may madilim siyang ekspresyon. Sa Bassburgh, sa Blackgold…Bumalik si Leonardo sa opisina. “Mr. Goldmann, mukhang nasa malaking gulo ngayon si Mr. Knowles.”Huminto si Colton sa pagbabasa ng dokumento na nasa kamay niya at tinaas ang kaniyang tingin. “Anong nangyari?”Inabit ni Leonardo ang magazine sa kaniya.Kinuha iyon ni Colton, binasa niya sa iyon, at nagdilim ang ekspresyon niya.#Ang son-in-law ng mga Goldmann na si Nollace Knowles ay natagpuang nakikipagkita sa hindi kilalang baba sa isang hotel ng hindi nalalaman ng kaniyang misis, at natagpuang kaliligo lang ng babae dahil nakasuot lang ito ng towel.#Tinapon ni Colton ang magazine sa mesa.Tiningnan siya ni Leonardo, “Parang apoy na kumakalat ang balitang ito dahil lahat ng media companies ay inilalabas ito. Napuno ba rin ang Twitter ng mga algorithm
Si Tiffany lang ang tunay na nakakaalam kung nag cheat ba talaga si Nollace kay Daisie o hindi. Lalo na't ang babaeng nakita na kinikita ni Nollace ay isang hindi kilalang influencer na nakita niya online, at si Tiffany ang nagbayad sa kaniya para gawin ang eksena na iyon sa hotel. Pero kung iisipin ang sinabi ni Zephir sa kaniya, na ayun lang ang paraan para maalis ang atensyon ni Nollace sa kaniya, talagang naniwala siya sa sinabi niya at ginawa niya iyon.‘Pag nalaman nilang sangkot ako, iyon na yun. Iyon na ang katapusan ng acting career ko kaya bakit ko pa iisipin kung anong magiging resulta ng mga bagay?‘Si Daisie ang may kasalanan ng lahat ng ito. Nasa kaniya na nga lahat ng bagay na pinapangarap ng lahat ng tao buong buhay nila pero talagang pinili pa niyang sa entertainment industry pumunta para makipag kompetensya sa atin.’Dalawang araw ng kumakalat sa internet ang nangyari at hindi pa rin natatanggal sa pagiging sikat ang usapan na iyon. Pero hindi pa rin sumasagot si
Umandar na ang kotse, naiwan nila ang mga reporter sa ospital. Tinanggal ni Daisie ang sunglasses niya at sumandal sa balikat ni Nollace. “Bakit ang lakas ng loob mong personal pang sunduin ako? Hindi ka ba natatakot na baka mahuli ka nila?” Tinanggal ni Nollace ang tingin niya sa screen ng laptop at niyakap si Daisie. “Natakot na ba ako sa kahit na ano?”Tiningnan siya ni Daisie. “Anong plano mong gawin sa sunod?” Hinalikan ni Nollace ang noo ni Daisie at tumawa. “Naniniwala ka ba talaga sa akin?” Hinawakan ni Daisie ang tie ni Nollace. “Kung totoong nag-cheat ka sa akin, sasabihin mo ba sa akin ang tungkol doon?” Matapos ang nangyari, siya ang unang taong pinuntahan ni Nollace nang matapos ang insidente.Kaya pinili niyang maniwala kay Nollace.‘May taong target na naman siya. Si Nollace ang target ng kaniyang scam kaya hindi ba halata na may isang taong sinusubukan na gumawa ng gulo sa pagitan naming dalawa ni Nollace?’Tiningnan ni Nollace si Daisie. “Anong sinabi sayo
Nakatanggap ng tawag si Tiffany matapos ang kaniyang shoot kaya agad siyang pumunta sa lugar na walang tao para sagutin ang tawag, “‘Di ba sinabi ko naman sayo na huwag mo ako bigla-biglang tatawagan!” “Ms. Cullen, nawalan na ako ng ibang pagpipilian, kaya tulungan mo ako. Hindi na ako makalabas ng bahay ngayon. Pinapalayas nila ako, at kinasuhan ako sa korte ni Ms. Vanderbilt!”Sobrang kinakabahan ang babae sa kabilang linya. Halata naman na pinilit lang siyang magtago.Hindi pumayag si Tiffany. “Tanga ka ba? Nilabas lang niya sa korte ang sitwasyon para takutin ka. Kahit na nagkaroon tayo ng pagkakamali, iniisip mo ba talaga na may ginawa kang pagtataksil sa kaniya? Huwag kang mahulog sa patibong niya!” Nagulat ang babae sa kabilang linya. Parang may punto ang sinabi ni Tiffany nang inisip niya iyon. “I… I'm sorry, Ms. Cullen, sobrang natatakot lang ako, pero ngayon na nahuli na ako ng publiko, natatakot ako na—”“Anong dapat mong ikatakot? Pag mas takot ka, mas madali kang ma
Suminghal si Zephir. “Ano namang nasa isip ko?”Tumawa rin si James. “Ikaw ang mas nakakaalam.”Siniko ni Daisie si James. “Nabasa mo ba yung script? Huwag mo na idamay ang filming ko mamaya.”Umiwas ng tingin si James at hindi siya nagsalita.Tiningnan ni Daisie si Zephir. “Ihahanda ko muna ang sarili ko sa next scene kasama si James.”Tumango si Zephir.Habang naglalakad si James paalis kasama si Daisie, tumalikod siya para tingnan si Zephir. Napansin niya ang galit nitong ekspresyon at nakaramdam siya ng biglang lamig na umaakyat sa buto niya. ‘Geez, hindi talaga siya gentleman.’Sa kabilang banda, isang babaeng influencer ang nawalan ng trabaho dahil sa mga nagkalat na opinyon ng publiko sa Internet. Pumunta siya sa convenience store para bumili pero pinalayas siya ng may-ari, sinasabi na hindi siya nag bebenta sa isang kabit na nangaakit ng asawa ng tao.Nalungkot ang babaeng influencer nagpanggap na lang siyang walang pakialam at walang magawa kundi umalis.Marami sa k
Habang binabasa ang masasamang comment online, hinawakan ng influencer ang ulo niya. Paano nangyayari ang lahat ng ito?Bigla niyang narinig na nag-ring ang doorbell at lumapit siya sa pinto. “Sino yan?” “Ms. Larson, mula kami sa law firm at gusto ka namin kausapin. Pwede mo naman piliin na huwag kami papasukin, pero kailangan mong malaman ano ang kapalit ng hindi pagpapakita sa korte para sa kaso.”Namutla ang mukha ng babae, nagsimula siyang manginig. Sa Bassburgh…Nakita ni Freyja ang balita tungkol kay Daisie at Nollace at agad siyang pumunta sa study. “Colton.”Nagulat si Colton at sinara ang kaniyang laptop. “Anong nangyayari?” Lumapit si Freyja sa mesa. “Totoo ba ang nangyari kala Nollace at Daisie?”Nilagay ni Colton ang kamay niya sa kaniyang noo. “Sa tingin mo ba totoo?” Kumunot ang noo ni Freyja. “Parang hindi naman si Nollace ang tipo ng taong gagawa ng ganun.”“Bakit ka nagtanong kung may tiwala ka sa kaniya?” Tinikom ni Freyja ang labi niya at may sasabihi