MARI“What?! What do you mean he said all that?! I mean, seryoso ka ba na sinabi niya talaga sa iyo lahat ng iyon?!”Hindi ako umimik at napatango na lang.Hindi ko rin masisisi kung ganoon man ang naging reaksyon ni Riya matapos kong ikwento sa kanya lahat ng naganap sa pagitan namin ni SJ. Mula sa pag alis namin patungo sa Paris, hanggang sa hindi namin maayos na paghihiwalay kahapon lang. And throughout our talking, naging roller coaster ang emosyon niya. Naroong mangiyak-ngiyak na ito, pero biglang napangiti at natawa, ‘tapos ay mapapasimangot, kikiligin, at marami pang iba. Pero sa huling bahagi ng kwento ko kung saan kasama ang naging pagtatalo at ang hindi ko maipaliwanag na naging behavior ng asawa ko ay nanatili na sa iisang ekspresyon lang ang mukha ng kaibigan ko— hindi makapaniwala at tila sobrang naiinis.“‘Yung totoo? Hindi ka ba nangpa-prank lang?” paniniguro pa nito na halatang hindi pa rin makapaniwala sa mga sinabi ko. “Kasi kung prank lang ito, nako ‘day! Tigil-tigi
Last Updated : 2023-07-27 Read more