Home / Romance / Midnight Rain / Kabanata 1 - Kabanata 10

Lahat ng Kabanata ng Midnight Rain: Kabanata 1 - Kabanata 10

70 Kabanata

Chapter 1

ISANG malakas na sigaw ang lumabas sa kanyang bibig nang tuluyan mawalan ng kontrol ang kotse. Kasunod niyon ay isa pang mas nakakabinging sigaw mula kay Luisa ang naghari sa loob ng sasakyan. Mariin siyang pumikit at kasunod niyon ay naramdaman niya ang mabilis na pagbulusok pababa. Muli ay napasigaw ng malakas si Luisa bago malakas na bumangga ang sinasakyan na kotse sa isang malaking puno. Mariin siyang pumikit nang mabasag ang salamin sa unahan ng kotse at nauntog ng malakas ang ulo niya sa bintana. Matapos iyon ay naghari ang nakakabinging katahimikan. Ilang sandali pa, narinig niya ang mga boses na nagsasalita. Umungol siya sa sakit nang maramdaman ang kirot sa buong katawan, lalo na sa kanyang ulo. Pinilit niyang idilat ang kanyang mga mata, ngunit unti-unti na iyong bumibigat. Pagkatapos ay bumuka ang bibig niya, ngunit hindi na narinig pa ni Luisa ang kanyang sarili. Nanginginig ang katawan. Kapos at habol ang bawat paghinga na tila kay layo ng tinakbo.
Magbasa pa

Chapter 2

KANINA lamang umaga ay mataas ang sikat ng araw. Pinawisan halos ang kanyang buong katawan dahil sa init. Ngunit ngayon ay parang may bagyo dahil sa lakas ng buhos ng ulan. Alas-dos na ng madaling araw pero hindi pa siya inaantok. Katatapos lang ng interview niya at mag-iisang oras na ang nakakalipas para sa bagong trabaho bilang virtual assistant. Masaya si Luisa dahil pinalad siyang makapasa at bukas na ng gabi ang simula sa trabaho. Kasabay niyon ay ang pag-asa na mahinto na ang paulit-ulit na panaginip na sadyang nagbibigay sa kanya ng takot. Dahil wala na naman gagawin, muling binuksan ni Luisa ang laptop at nag-surf sa kanyang social media accounts. Plano niyang ubusin ang oras habang naghihintay ng pagliwanag sa panonood ng pelikula. Nasa kalagitnaan siya ng ginagawa nang mapahinto at bahagyang magulat matapos dumagundong ng malakas ang magkasunod na kulog at kidlat. Dahil doon ay biglang bumukas ang bintana. Dali-daling napatayo si Luisa, isasarado na lang
Magbasa pa

Chapter 3

NAG-INAT ng katawan si Luisa matapos makipag-usap sa kanyang kliyente. Alas-dos y medya na ng madaling araw pero kakaumpisa pa lang ng breaktime niya. Agad siyang tumayo at lumabas sa kuwarto upang magtungo sa kusina. Pagbukas ng ref, agad siyang nadismaya nang makitang walang laman ang ref. Saka pa lang naalala ni Luisa na pupunta pala dapat siya sa grocery kanina. Muling sumulyap sa wall clock si Luisa. Nagugutom na siya. Kailangan niyang kumain kung hindi ay sasakit ang tiyan niya na hindi maaaring mangyari dahil maraming pinapatapos ang kanyang kliyente. Huminga siya ng malalim saka nagmamadaling bumalik ng silid. Nagsuot siya ng jacket at kumuha ng pera sa wallet. Napagdesisyunan niya na pumunta sa isang twenty-four-hour convenience store. Malapit lang naman iyon at nasisiguro niyang magiging safe siya sa paglabas dahil sa istasyon ng pulis na nasa kanto lang. Agad lumabas si Luisa, pasalamat na lang siya dahil hindi umuulan sa mga sandaling iyon. Bahagya na
Magbasa pa

Chapter 4

“KUMUSTA naman ang unang linggo sa trabaho?” tanong sa kanya ng kaibigan na si Lydia. Ngumiti si Luisa. “Ayos naman, dalawa na agad ang client ko.” “Natutuwa naman ako at mukhang masaya ka, at least nalilibang ka.” “Hmm… hindi ganoon masaya pero hindi rin ako malungkot. Tama lang.” “Ang mahalaga, napupunta sa trabaho ang atensiyon mo. Hindi ‘yong kung ano-ano iniisip mo.” “Buti nga day off ko ngayon, gusto ko sana lumabas, kahit magpunta lang sa kabilang bayan.” Huminto si Lydia sa paglalakad saka humarap sa kanya. “Magaling ka ba magtago?” Napakunot-noo siya. “Bakit mo naitanong?” “Para sakaling makita natin doon sa bayan ang Tita Marga mo, hindi ba pinagbawalan ka no’n pumunta kung saan lalo sa kabilang bayan?” Nalaglag ang balikat ni Luisa. Isang taon na ang nakalipas mula ng lumabas siya sa ospital, ngunit mula noon ay naging mahigpit na ang kanyang Tita Marga. Pinagbawalan
Magbasa pa

Chapter 5

“MARAMING salamat, ha?” sabi ni Luisa sa lalaking nagligtas sa kanya. Walang iba kung hindi ang lalaking palaging nakatayo sa tapat ng bahay niya. “Walang anuman, mabuti na lang at narinig kitang sumigaw.” Biglang tumulo muli ang luha ni Luisa nang maalala ang muntik nang mangyaring masama sa kanya. “Oh, tahan na,” pag-aalo nito. “Kung hindi ka dumating, hindi ko ma-imagine kung ano na ang kinahinatnan ko.” “Pero dumating naman ako, wala ka dapat ipag-alala.” Matapos ang nangyaring gulo, pinayuhan si Luisa ng lalaking tumulong sa kanya na pumunta sa pulis para i-report ang nangyari. Sinasama niya ang lalaki ngunit sinabi nito na susunod na lang, pero hindi rin ito pumunta sa presinto. Doon nailarawan niya ang itsura ng lalaking pumasok sa loob ng bahay niya at nagtangkang gumahasa sa kanya. Kasama sa nireport niya ay ang perang nakuha nito mula sa kanya. Sa kasamaang palad, dahil sa gulo ng isip at takot, hind
Magbasa pa

Chapter 6

SA UNANG pagkakataon naramdaman ni Luisa na hindi siya nag-iisa sa buhay. Matapos papasukin si Levi sa bahay, saglit pa silang nag-kuwentuhan nang matapos ang kanyang breaktime ay bumalik na rin siya sa trabaho. Habang abala sa ginagawa sa harap ng computer. Mula sa kuwarto ay naririnig niya na tila kumikilos sa kusina si Levi. Makalipas lang ng sandali, kumatok ito sa nakabukas na pinto ng kanyang silid. Hindi agad nakapagsalita si Luisa nang makitang may bitbit itong pinggan na may laman na sandwich. “I hope you didn’t mind, nakialam ako sa kusina mo. Naisip ko kasi baka magutom ka habang nagtatrabaho.” Napangiti si Luisa. “Thank you,” she mouthed. Nang gumanti ng ngiti sa kanya pabalik si Levi, may kung anong mainit na damdamin ang humaplos sa puso niya. Mula ng sandaling iyon ay naukopa na ng binata ang kanyang isipan. Pilit na tinuon ni Luisa ang atensyon sa pagtatrabaho, pero sa tuwina ay napupunta dito ang kanyang tingin. Nariya
Magbasa pa

Chapter 7

HINDI maipaliwanag ni Luisa ang saya nang magising siya. Pasado alas-tres na ng hapon pero parang kasisikat lang ng araw ang kanyang pakiramdam. Halos mag-aalas siyete na rin siya ng umaga natulog matapos umalis ni Levi, hindi pa agad siya nakatulog dahil nasa isip pa rin niya ang binata. She felt so much alive. Sa unang pagkakataon mula nang tumira siya sa bahay na iyon, naramdaman ni Luisa ang gaan sa kanyang kalooban. There are moments that she wants to just tell her story to someone, share her opinions, or even to laugh with somebody. Hindi niya nagagawa iyon sa nakalipas na isang taon mahigit, pero kanina, naramdaman niyang hindi na siya nag-iisa. That finally, there’s someone ready to be there and listen to her. A companion. A new found friend. Bago bumangon ay nag-inat pa muna siya pagkatapos ay inayos ang kama at pinusod ang kanyang buhok. Paglabas ng silid ay naabutan niya ang kanyang Nanay Elsa sa kusina at nakaupo sa harap ng mesa at may sinusu
Magbasa pa

Chapter 8

“WALA ka pang masyadong kinukwento sa akin tungkol sa’yo,” sabi ni Luisa habang sabay silang kumakain. “You’re not asking,” pabirong sagot ni Levi. Bahagyang natawa ang dalaga. “Ganoon ba ‘yon? Kailangan muna magtanong?” “Naman, baka mamaya kasi magkuwento ako tungkol sa akin tapos sabihan mo ‘ko, tinatanong ko ba?” “Grabe, ang layo naman ng narating ng isip mo!” Natawa rin si Levi. Habang nakatingin sa binata at pinagmamasdan itong tumawa, may kakaibang saya siyang naaramdaman. The sound of his laugh it’s like music to her ears. The way his eyes are almost closed because of laughing so hard. His face lightens up as he smiles. Until her heart skipped when Levi suddenly looks at her. She cleared her throat and smiled before looking away. “Sige na nga, magtatanong na ako.” “What’s your real name?” “Levi Serrano.” Bahagyang napakunot-noo si Luisa. “Serrano,” she repeated and whis
Magbasa pa

Chapter 9

“LUISA, kumusta ka na?” tanong sa kanya ni Ian matapos sagutin ang tawag nito nang hapon na iyon. “I’m okay.” “May nagtangka pa ulit pumasok sa bahay mo?” Napangiti siya. “Wala na. Safe na ako dito saka nahuli na ‘yong magnanakaw at rapist kaya huwag ka nang mag-alala.” Bahagya siyang napakunot-noo nang marinig itong bumuntong-hininga ng malalim. Kahit magka-usap lang sa telepono ay ramdam ni Luisa ang bigat ng kalooban ng kinakapatid. “Ian, okay ka lang ba?” hindi nakatiis niyang tanong. “Yeah, yeah. I’m good.” “May gusto ko bang sabihin?” Sa halip na sumagot ay isang malalim na hininga ulit ang narinig niya mula dito pagkatapos ay tumikhim. “Hindi ka ba nahihirapan diyan?” Napakunot-noo na naman siya sa tanong nito. “H-Hindi naman, bakit?” “Wala naman, naiisip ko lang. Mom has been controlling you since after the accident. Gusto ko lang malaman mo na okay
Magbasa pa

Chapter 10

PAKIRAMDAM ni Luisa ay namumula ang kanyang mukha, ramdam niya ang pag-iinit niyon. Hindi maipaliwanag ng dalaga kung bakit ganoon na lang ang kinilos niya kanina pagkakita kay Levi. Para siyang wala sa kanyang sarili, she hugged him and clung onto him, na para bang siya ang girlfriend. Kaya nang matauhan ay agad siyang lumayo at nagdahilan na may gagawin sandali sa kuwarto. Pero ang totoo, kinailangan niya na lumayo sandali para ayusin ang sarili at ipaalala ng paulit-ulit ang dahilan kaya sila nagkakilala ni Levi. Ilang sandali pa, matapos makabawi ay kinondisyon niyang muli ang sarili at tumikhim bago lumabas ng kanyang kuwarto. Naabutan ni Luisa na nakaupo sa tapat ng mesa at halatang hinihintay siya. “I made a sandwich for you,” sabi pa nito. Nahihiya siyang ngumiti. “Thanks.” “Halika na dito, maupo ka na. Hindi na masyadong masarap yan kapag lumamig.” Sinunod niya ang sinabi nito at naupo na nga sa harap ng dining table.
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status