“KUMUSTA na pala ‘yong kaso?” tanong ni Luisa sa asawa habang nag-uumagahan sila. “Well, matibay ang ebidensiya na prinisinta natin, saka malakas ang testimonya ni Ian. Malamang hindi magtatagal mahahatulan na si Marga,” kuwento nito. “Isa pa, binalita ni Attorney sa akin kahapon na may tatlo pang nagsampa ng kaso laban kay Marga. Mga anak at kamag-anak ng mga lalaking nakarelasyon niya noon bago pa siya magpakasal kay Dad. Bukod pa ‘yon sa unang walong nagsampa sa kanya ng kaso. Same cases, nilustay at ninakawan niya ang mga pobre, pagkatapos biglang nawala at nagtago.” Napakunot-noo si Luisa at napaisip. “How lucky, iyon lang ang ginawa sa kanila. H
Magbasa pa