Home / Romance / Midnight Rain / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Midnight Rain: Chapter 41 - Chapter 50

70 Chapters

Chapter 41

“OH, tapos ka ng kumain?” tanong sa kanya ng ama matapos tumayo. “Yes dad,” sagot ni Levi. “Baka naman umalis ka na naman kasama ng mga kaibigan mo, gabi na.” “Hindi po, dito lang ako sa likod, puntahan ko si Luisa,” kaswal na sagot niya. Bumuntong-hininga si Don Ernesto at napailing. “Tayo nga Levi eh mag-usap ng masinsinan,” sabi pa nito kaya napabalik sa upuan ang binata. “Nahahalata kita, alam ko na higit pa sa kaibigan ang tingin mo kay Luisa.” Hindi siya nakakibo, kahit ang itanggi ang sinabi ng ama ay hindi niya magawa. Nanatili lang siyang tahimik. Nang makabawi ay saka siya tumikhim at nagsalita. “In case, dad, will you disapprove her?” Napangiti si Don Ernesto. “Mabait na bata si Luisa. Disente at matalino. Isa pa, matapang, bukod tangi sa kanya ka lang sumusunod. Dati naman napakatigas ng ulo mo kaya nakukunsume sa’yo si Elsa.” Marahan siyang natawa at napakam
Read more

Chapter 42

          NATAWA si Luisa nang halos mamilipit sa kilig si Tere matapos ikuwento kung paano sila nain-love ni Levi sa isa’t isa.          “Alam mo, teh, naalala ko nga ‘yon. Ang dami namin tuwang-tuwa noong maging kayo ni Kuya Levi. Pati nga si Mang Luis at Don Ernesto, gustong-gusto kayo ang magkatuluyan,” sabi pa ni Tere matapos nilang sabay alalahanin ang nakaraan.          Huminga ng malalim si Luisa at muling binalik ang tingin sa wala pa rin malay na si Levi na nakaratay sa hospital bed.          “Ngayon naalala ko na ang lahat tungkol sa nakaraan ko. Hindi ako makapaniwala na nagawa kong kalimutan lahat ng magagandang alaala namin ni Levi. Nagagalit ako sa sarili ko na nakalimutan ko ang lalaking minahal ko mula pagkabata ko.&rdq
Read more

Chapter 43

          SA pagdating ni Marga sa buhay ng mag-amang Ernesto at Levi, isang taon na ang nakakalipas ay maraming nagbago sa mansion. Hindi gaya noon na malaya silang magtawanan at magbiruan, ngayon ay pinagbawalan ni Marga ang mga kasambahay na makipagkuwentuhan kapag oras ng trabaho. Kapag nahuhuli nito ang sino man ay pinapagalitan at pinapahiya nito, madalas ay sinasaktan nito ang mga kasambahay. Ilang kasambahay na rin ang umalis doon dahil hindi natagalan ang ugali nito. Ang ilan naman nagtangka na umalis ay naagapan ni Levi at pinakiusapan. Matapos ang away sa pagitan ni Levi at Marga dahil kay Luisa, naging mailap ang babae kay Levi. Magkasama ang mga ito sa loob pero bihira o halos hindi kausapin nito ang asawa ng ama, maging ang bunsong anak ni Marga na gaya ng ina ay matapobre at spoiled brat. Kung may nakasundo sila sa mag-iina, iyon ay si Ian, ang panganay.  
Read more

Chapter 44

          “ATE, mauna na ako,” paalam sa kanya ni Tere.          “Sige, mag-iingat ka pauwi ha?”          “Oo te, salamat.”          Hinatid pa niya ito sa pinto at bago umalis ay muling nagbilin si Luisa.          “Siguraduhin mo na hindi magdududa si Marga sa’yo.”          Ngumiti ito. “Huwag kang mag-aalala hindi mangyayari ‘yon. Hindi ako pinapansin no’n si Marga, wala siyang dahilan para maghinala sa akin.”          “Sige, pero ingat ka pa rin, buti na ‘yong sigurado tayo.”     
Read more

Chapter 45

          “ANONG nangyayari sa loob?” tanong ni Luisa pagpasok niya sa kusina.           “Dumating ‘yong abogado ni Don Ernesto. Babasahin na yata ‘yong last will and testament ni Sir.”           “Ay, talaga?”           Nakisilip si Luisa sa maliit na uwang ng pinto. Bukod kay Levi ay naroon din si Marga at ang dalawa nitong anak.           “Kaloka, ang kapal ng make-up ni Madam, feel na feel na pamamanahan siya,” natatawang komento pa ni Doris.           “Manang Elsa, sa tingin mo ba magkano ipapamana ni Don Ernesto diyan?”
Read more

Chapter 46

          HINDI maawat si Luisa sa pagluha habang halos hindi kumakalas sa pagkakayakap mula kay Levi. Paalis ito ng mga sandaling iyon papunta sa New York, USA, para ayusin ang mga negosyo doon ng yumaong ama. Aabutin ng isang buwan bago ito makabalik kaya ganoon na lang ang nararamdaman niyang lungkot.           “Bakit ba kasi hindi ako puwedeng sumama?” emosyonal na tanong niya.           “May pasok ka pa, exam week mo at kailangan mo mag-review, importante ‘yon. Saka babalik naman ako at tatawagan kita.”           “Bumalik ka agad ah?”           Ngumiti ito sa kanya. Ngunit sa likod ng ngiting iyon ay ang lungkot na pili
Read more

Chapter 47

         SIX YEARS LATER...          “TABLE number eight.”           Agad kinuha ni Luisa ang order na pagkain at dinala iyon sa nasabing mesa.           “Medium rare steak, lobster soup, and Caesar salad?”           “Thank you, you can put it anywhere,” sagot ng lalaki.          Matapos ilagay ang pagkain ay agad siyang umalis doon para naman ibigay ang order sa iba pang mesa. Matapos i-serve ang pagkain sa table number three, pabalik na siya sa counter para ibigay ang bayad ng isa pang customer nang biglang may humablot sa kanyang braso.       
Read more

Chapter 48

          “YOUR hands are getting warm, mahal,” pagkausap niya dito.          Marahan niyang hinaplos ang buhok nito at hinalikan ang palad nito.          “I can’t wait to see you open those eyes, Levi. But don’t rush. Wake up when you feel like it. Huwag kang mag-alala, nandito lang ako. All your life all you did was looked for me and wait. Now, it’s my turn. Handa akong maghintay kahit gaano katagal, basta magigising ka. Basta mangako ka na babalik ka sa akin.”          Ngumiti siya dito saka nilapit ang mukha at hinalikan ito sa labi. Napangiti si Luisa nang bumalik sa kanyang alaala ang unang beses na may mangyari sa kanila. Kinuha niya ang kamay ni Levi ay nilapat ang palad nito sa kanyang pisn
Read more

Chapter 49

          “BIGLAAN yata ang pag-alis mo,” sabi ng mabait na landlord ni Luisa.           “Oo nga po eh, mahaba pong kuwento eh.”           Tumingin ito sa kanyang bandang likuran kung saan nakatayo si Levi at naghihintay.          “Siya ba ang lalaking kinuwento mo sa akin noon?”           Ngumiti si Luisa at tumango.           “Siya nga po.”           Bumuntong-hininga ang may edad na babae at ngumiti rin sa kanya.           “Tig
Read more

Chapter 50

          ALAS-DOSE ng hatinggabi. Dahil day off ni Tere, si Luisa ang nagbantay kay Levi buong araw. Napalingon siya sa bintana nang gumapang ang liwanag mula sa kidlat kasunod ng malakas na tunog niyon. Matapos iyon ay malakas ang pagbuhos ng ulan kaya sinarado niya ang kurtina. Napangiti si Luisa nang maalala ang nakaraan. Noong may amnesia siya at una niyang nakita si Levi sa kalagitnaan din ng gabi at sa ilalim ng ulan. Mayamaya ay lumingon siya kay Levi.          Parang kailan lamang nang malaman niya na ang nakasama niya sa Santa Catalina ay isang kaluluwa. Ngayon heto na si Levi sa kanyang harapan. Buhay at humihinga. At ang tanging kulang na lang ay imulat nito ang mga mata. Nang lumapit siya sa kama ay sumampa siya doon at sumiksik sa tabi ni Levi. Yumakap siya sa beywang nito saka pinikit ang mga mata.        &n
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status