“ATE, mauna na ako,” paalam sa kanya ni Tere.
“Sige, mag-iingat ka pauwi ha?”
“Oo te, salamat.”
Hinatid pa niya ito sa pinto at bago umalis ay muling nagbilin si Luisa.
“Siguraduhin mo na hindi magdududa si Marga sa’yo.”
Ngumiti ito. “Huwag kang mag-aalala hindi mangyayari ‘yon. Hindi ako pinapansin no’n si Marga, wala siyang dahilan para maghinala sa akin.”
“Sige, pero ingat ka pa rin, buti na ‘yong sigurado tayo.”
“ANONG nangyayari sa loob?” tanong ni Luisa pagpasok niya sa kusina. “Dumating ‘yong abogado ni Don Ernesto. Babasahin na yata ‘yong last will and testament ni Sir.” “Ay, talaga?” Nakisilip si Luisa sa maliit na uwang ng pinto. Bukod kay Levi ay naroon din si Marga at ang dalawa nitong anak. “Kaloka, ang kapal ng make-up ni Madam, feel na feel na pamamanahan siya,” natatawang komento pa ni Doris. “Manang Elsa, sa tingin mo ba magkano ipapamana ni Don Ernesto diyan?”
HINDI maawat si Luisa sa pagluha habang halos hindi kumakalas sa pagkakayakap mula kay Levi. Paalis ito ng mga sandaling iyon papunta sa New York, USA, para ayusin ang mga negosyo doon ng yumaong ama. Aabutin ng isang buwan bago ito makabalik kaya ganoon na lang ang nararamdaman niyang lungkot. “Bakit ba kasi hindi ako puwedeng sumama?” emosyonal na tanong niya. “May pasok ka pa, exam week mo at kailangan mo mag-review, importante ‘yon. Saka babalik naman ako at tatawagan kita.” “Bumalik ka agad ah?” Ngumiti ito sa kanya. Ngunit sa likod ng ngiting iyon ay ang lungkot na pili
SIX YEARS LATER... “TABLE number eight.” Agad kinuha ni Luisa ang order na pagkain at dinala iyon sa nasabing mesa. “Medium rare steak, lobster soup, and Caesar salad?” “Thank you, you can put it anywhere,” sagot ng lalaki. Matapos ilagay ang pagkain ay agad siyang umalis doon para naman ibigay ang order sa iba pang mesa. Matapos i-serve ang pagkain sa table number three, pabalik na siya sa counter para ibigay ang bayad ng isa pang customer nang biglang may humablot sa kanyang braso.
“YOUR hands are getting warm, mahal,” pagkausap niya dito. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito at hinalikan ang palad nito. “I can’t wait to see you open those eyes, Levi. But don’t rush. Wake up when you feel like it. Huwag kang mag-alala, nandito lang ako. All your life all you did was looked for me and wait. Now, it’s my turn. Handa akong maghintay kahit gaano katagal, basta magigising ka. Basta mangako ka na babalik ka sa akin.” Ngumiti siya dito saka nilapit ang mukha at hinalikan ito sa labi. Napangiti si Luisa nang bumalik sa kanyang alaala ang unang beses na may mangyari sa kanila. Kinuha niya ang kamay ni Levi ay nilapat ang palad nito sa kanyang pisn
“BIGLAAN yata ang pag-alis mo,” sabi ng mabait na landlord ni Luisa. “Oo nga po eh, mahaba pong kuwento eh.” Tumingin ito sa kanyang bandang likuran kung saan nakatayo si Levi at naghihintay. “Siya ba ang lalaking kinuwento mo sa akin noon?” Ngumiti si Luisa at tumango. “Siya nga po.” Bumuntong-hininga ang may edad na babae at ngumiti rin sa kanya. “Tig
ALAS-DOSE ng hatinggabi. Dahil day off ni Tere, si Luisa ang nagbantay kay Levi buong araw. Napalingon siya sa bintana nang gumapang ang liwanag mula sa kidlat kasunod ng malakas na tunog niyon. Matapos iyon ay malakas ang pagbuhos ng ulan kaya sinarado niya ang kurtina. Napangiti si Luisa nang maalala ang nakaraan. Noong may amnesia siya at una niyang nakita si Levi sa kalagitnaan din ng gabi at sa ilalim ng ulan. Mayamaya ay lumingon siya kay Levi. Parang kailan lamang nang malaman niya na ang nakasama niya sa Santa Catalina ay isang kaluluwa. Ngayon heto na si Levi sa kanyang harapan. Buhay at humihinga. At ang tanging kulang na lang ay imulat nito ang mga mata. Nang lumapit siya sa kama ay sumampa siya doon at sumiksik sa tabi ni Levi. Yumakap siya sa beywang nito saka pinikit ang mga mata.&n
“GUSTO kong tumayo at maglakad,” sabi ni Levi. “Kaya mo na ba?” nag-aalalang tanong ni Luisa. “Kaya ko,” determinadong sagot nito. Dahil sa isang taon pagkaka-coma ay hindi naiwasan na nanginig ang mga binti ni Levi nang subukan nitong ibaba ang mga paa sa kama. Inalalayan ito ni Luisa. Kahit nahihirapan dahil sa nanlalambot na tuhod ay nilabanan iyon ni Levi at pilit na naglakad mula sa kama hanggang doon sa sofa kung saan naroon ang bintana. Ilang hakbang lamang iyon pero parang napakalayo na ng kanilang nilakad. Humihingal na naupo si Levi sa sofa. “Okay ka lang?” tanong pa niya.&n
“KUMUSTA na ang lagay ng mansion?” tanong ni Levi kay Ian. “Ayos naman, Kuya. Salamat sa mga kasama natin sa bahay at napapangalagaan iyon ng maayos.” “Eh sila Marga at Dexter, nasaan na sila ngayon?” Bumuntong-hininga si Ian at marahan umiling. “Hindi pa rin sila nahahanap ng mga tauhan ko, Kuya. May mga pulis akong kakilala na tumutulong sa akin. Hanggang ngayon ay nagtatago pa rin sila. Pero ang huling balita namin ay namataan sila sa bandang Calasiao, Pangasinan. Nang balikan namin kinabukasan, nakaalis na agad sila.” Huminga ng malalim si Levi at binalikan ang gabi kung saan kinompronta niya si Marga.&n
DAHAN-DAHAN binaba ni Luisa sa kama ang anak habang himbing itong natutulog. Hindi mawala ang ngiti sa labi na tinitigan ang maganda at maamong mukha ng anak, si Marié Therese Luisella Ramirez Serrano. Matapos iyon ay maingat siyang naupo sa paanan ng kama at pinasadahan ng tingin ang buong paligid ng pamilyar na silid na iyon. Naroon sila ngayon sa bahay nila sa Santa Catalina. Ang naging tahanan ni Luisa noong may amnesia pa siya. Napakarami niyang alaala sa lugar na iyon. Maganda at masasakit na alaala. Parang kahapon lang, pilit niyang pinapausad ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang virtual assistant. Noon ay para siyang nakalutang sa kadiliman. Nagigising tuwing umaga, nabubuhay ngunit walang maalala. Naputol ang kanyang pag-iisip nang buksan ng hangin ang bin
“MARAMING beses tinangka ni Nanay na lasunin si Ate Luisa, lalo na noong may amnesia pa siya. Palagi ko lang siyang napipigilan, salamat sa Diyos dahil palagi ko rin siyang nakukumbinsi at ginamit ko na dahilan ang paglipat ng mana nila Kuya Levi sa pangalan ko. Ang huling beses niyang tinangka na lasunin si Ate Luisa ay itong mga nakaraan buwan lang, nang magsimula ang renovation ng mansion. Noong gabi ng kasal ni Kuya Levi at Ate Luisa at nangyari ang gulo sa bahay. Naroon ako, nakita ko kung paano pinukpok ni nanay ng malaking kahoy sa ulo si Kuya Levi. Kasama siyang umalis ni Dexter para habulin si Ate Luisa, kasama ako ni Kuya Ian nang tulungan namin si Kuya Levi. Nang biglang dumating si Kuya Levi sa bahay matapos akalain ng lahat na patay na siya. Galit na galit si Nanay. Lalo na nang nalaman niya na ako pa ang nag-alaga kay Kuya noong comatose siya. Halos bugbugin niya ako sa sobrang g
“IAN,” bungad ni Levi pagsagot ng tawag nito. “Nasaan ka?” tanong nito agad. “Nandito sa mansion. Tumawag si Foreman sa akin kanina dahil hindi nila mabuksan itong quarters ni Nanay Elsa, kaya dumaan kami dito para buksan iyong pinto gamit ang duplicate key. Pero nagulat kami ni Luisa sa nakita namin,” paliwanag niya. “Kuya Levi, makinig ka sa akin. Mukhang sa iisang tao ang patungo ng sinabi mo at nang nalaman ko. Nagsalita na si Mommy sinabi na niya sa akin lahat, and this is something that we never saw coming. Pero ang gusto niya ay siya mismo ang magsasabi sa’yo.” “Sige, kakausapin ko siya. Nariyan ka ba s
“MAHAL, iyong tungkol pala sa honeymoon natin? Tuloy pa ba ‘yon?” tanong ni Luisa dito. “Oo naman, bakit mo naitanong?” “Eh wala lang, kasi nga buntis na ako.” Marahan itong natawa at inalis ang tingin sa monitor ng laptop at lumipat sa kanya. “Puwede pa naman tayo mag-honeymoon kahit buntis ka na,” sagot nito. “Wala lang. Excited na rin kasi akong mag-bakasyon tayo.” “Gusto mo bang paagahin natin?” Lumapit si
“HELLO, Kuya Levi.” “Oh Ian, what’s up?” bungad niya pagsagot ng tawag nito. Kasalukuyan siyang nasa opisina sa mga sandaling iyon. Matapos niyang masiguro na nasa maayos nang kalagayan si Luisa ay saka siya bumalik sa trabaho. “Kumusta na si Luisa?” tanong pa nito. “She’s a lot better now. Nasa penthouse lang siya ngayon, nagpapahinga.” “Kuya, tungkol kay Mommy.” Napahinto sa pagtatype si Levi at nagsalubong ang kanyang dalawang kilay.&nb
NAALIMPUNGATAN si Luisa nang mga sandaling iyon matapos maramdaman ang magaan na halik sa kanyang labi. Nang unti-unting dumilat ay bumungad sa kanya ang guwapong mukha ng asawa na bakas ang pag-aalala. “Mahal,” malambing na tawag nito. Nang dumilat ay muli siyang siniil nito ng halik. “Kumusta ka na? Anong nararamdaman mo?” tanong nito. “Iyong baby natin, kumusta na siya?” sa halip ay tanong din agad ni Luisa. “Huwag ka nang mag-alala. Ligtas siya. The baby is in perfectly fine. Ligtas na kayong dalawa. Ikaw? Anong pakiramdam mo ngayon?”&nb
“HANGGANG kailan ang renovations nitong bahay?” tanong ni Ian. Tumingala si Levi at ginala ang paningin sa paligid. Halos fifty percent na ng bahay ang natatapos. Dahil tuloy-tuloy ang gawa at hindi naman nagkululang sa tauhan maging sa materyales, naging mas mabilis ang pagre-renovate. “I think we will be able to finish earlier than the target date. Magaling kasi mga tauhan ng kaibigan kong arkitekto at engineer na may hawak nito. Pero kung isasama pati ang interior, maybe more or less two months.” “Nakikita ko na hands on kayong dalawa ni Luisa.” “Oo. Buti na lang madali siyang matuto, kapag nasa opisina ako, siya lang nag-ov
“ANO ba ang okasyon at nagpahanda kayo?” nakangiti ngunit nagtatakang tanong ni Nanay Elsa. Kakarating pa lang nilang mag-asawa doon sa mansion, pero kagabi pa lang ay tumawag na si Levi sa mayordoma at sinabi na magluto ng dalawa hanggang tatlong putahe para sa maliit na salo-salo. “Huwag kang mag-alala, ‘Nay. Mamaya malalaman n’yo din,” nakangiting sagot ni Luisa. “Nasaan na pala si Tere?” tanong pa niya. “Naku eh, pauwi pa lang. May binili lang sa grocery,” sagot ng babae. “’Nay, kumusta na renovation dito?” tanong naman ni Levi. Dahil sa
“HEY, how are you feeling?” malambing na tanong ni Levi sa kanya. Bahagyang dumilat si Luisa habang nakahiga pa rin sa kama. “Nahihilo pa rin ako. Saka ang bigat ng katawan ko,” sagot niya. Sinalat ni Levi ang noo niya. “Wala ka naman lagnat. Gusto mo magpa-check up na tayo?” Marahan siyang umiling. “Ayokong lumabas. Hindi ko talaga kayang tumayo,” tanggi niya. “Okay, mahiga ka lang muna diyan. I’ll just have to make a call,” sabi pa ni Levi. Agad bumaba ng kama ang kanyang asawa at dinampot ang phone sa ibabaw ng bedside table.&