Midnight Rain
There is something in the rain. At the very beginning of the rainy season, same nightmare hunts Luisa every night. A dream that lies between reality and fantasy. Sa tuwing umuulan ay may bigat siyang nararamdaman na hindi maipaliwanag ng dalaga. Isang panaginip na gumugulo sa tahimik niyang isipan.
Ngunit isang gabi, nagbago ang lahat ng iyon nang mag-krus ang kanilang landas ng isang binata. He is the mysterious guy who she often caught standing in front of her house at midnight every single time the rain pours. Noong una ang akala niya ay masamang loob. Ngunit lumipas ang mga gabi, sa maraming beses itong bumabalik doon at tila naghihintay. Curiosity kicks in. Isang gabi nang maabutan niya ulit ang lalaki sa tapat ng kanyang bahay, naglakas-loob nang lapitan ni Luisa ito. Nang gabing iyon ay nakilala niya si Levi.
He is waiting for someone. Iyon ang dahilan kung bakit ito naroon at madalas maghintay. Lumipas ang mga araw at linggo, sa tuwing bumubuhos ang ulan, palagi pa rin niyang natatagpuan doon si Levi. Hanggang isang gabi ay pasukin ng masamang loob ang bahay ni Luisa, nanganib ang kanyang buhay, at ang unang nagligtas sa kanya ay walang iba kung hindi si Levi. Mulan ang gabing iyon, mula sa pagtayo nito sa labas ay tuluyan nang binuksan ni Luisa ang pinto ng kanyang tahanan sa binata.
Luisa finally found a friend and comfort in Levi. Pakiramdam niya ay nagkaroon ng kulay ang buhay niyang puno ng kalungkutan at katanungan. Hanggang sa tuluyan nahulog ang puso ni Luisa kay Levi. Nagkaroon ng kabuluhan ang lahat nang masuklian ng binata ang kanyang damdamin. Sa gitna ng masaya at bagong pag-ibig, paano kung malaman ni Luisa isang umaga na ang lahat tungkol kay Levi ay hindi totoo?
Read
Chapter: Chapter 70 DAHAN-DAHAN binaba ni Luisa sa kama ang anak habang himbing itong natutulog. Hindi mawala ang ngiti sa labi na tinitigan ang maganda at maamong mukha ng anak, si Marié Therese Luisella Ramirez Serrano. Matapos iyon ay maingat siyang naupo sa paanan ng kama at pinasadahan ng tingin ang buong paligid ng pamilyar na silid na iyon. Naroon sila ngayon sa bahay nila sa Santa Catalina. Ang naging tahanan ni Luisa noong may amnesia pa siya. Napakarami niyang alaala sa lugar na iyon. Maganda at masasakit na alaala. Parang kahapon lang, pilit niyang pinapausad ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang virtual assistant. Noon ay para siyang nakalutang sa kadiliman. Nagigising tuwing umaga, nabubuhay ngunit walang maalala. Naputol ang kanyang pag-iisip nang buksan ng hangin ang bin
Last Updated: 2023-07-31
Chapter: Chapter 69 “MARAMING beses tinangka ni Nanay na lasunin si Ate Luisa, lalo na noong may amnesia pa siya. Palagi ko lang siyang napipigilan, salamat sa Diyos dahil palagi ko rin siyang nakukumbinsi at ginamit ko na dahilan ang paglipat ng mana nila Kuya Levi sa pangalan ko. Ang huling beses niyang tinangka na lasunin si Ate Luisa ay itong mga nakaraan buwan lang, nang magsimula ang renovation ng mansion. Noong gabi ng kasal ni Kuya Levi at Ate Luisa at nangyari ang gulo sa bahay. Naroon ako, nakita ko kung paano pinukpok ni nanay ng malaking kahoy sa ulo si Kuya Levi. Kasama siyang umalis ni Dexter para habulin si Ate Luisa, kasama ako ni Kuya Ian nang tulungan namin si Kuya Levi. Nang biglang dumating si Kuya Levi sa bahay matapos akalain ng lahat na patay na siya. Galit na galit si Nanay. Lalo na nang nalaman niya na ako pa ang nag-alaga kay Kuya noong comatose siya. Halos bugbugin niya ako sa sobrang g
Last Updated: 2023-07-31
Chapter: Chapter 68 “IAN,” bungad ni Levi pagsagot ng tawag nito. “Nasaan ka?” tanong nito agad. “Nandito sa mansion. Tumawag si Foreman sa akin kanina dahil hindi nila mabuksan itong quarters ni Nanay Elsa, kaya dumaan kami dito para buksan iyong pinto gamit ang duplicate key. Pero nagulat kami ni Luisa sa nakita namin,” paliwanag niya. “Kuya Levi, makinig ka sa akin. Mukhang sa iisang tao ang patungo ng sinabi mo at nang nalaman ko. Nagsalita na si Mommy sinabi na niya sa akin lahat, and this is something that we never saw coming. Pero ang gusto niya ay siya mismo ang magsasabi sa’yo.” “Sige, kakausapin ko siya. Nariyan ka ba s
Last Updated: 2023-07-31
Chapter: Chapter 67 “MAHAL, iyong tungkol pala sa honeymoon natin? Tuloy pa ba ‘yon?” tanong ni Luisa dito. “Oo naman, bakit mo naitanong?” “Eh wala lang, kasi nga buntis na ako.” Marahan itong natawa at inalis ang tingin sa monitor ng laptop at lumipat sa kanya. “Puwede pa naman tayo mag-honeymoon kahit buntis ka na,” sagot nito. “Wala lang. Excited na rin kasi akong mag-bakasyon tayo.” “Gusto mo bang paagahin natin?” Lumapit si
Last Updated: 2023-07-31
Chapter: Chapter 66 “HELLO, Kuya Levi.” “Oh Ian, what’s up?” bungad niya pagsagot ng tawag nito. Kasalukuyan siyang nasa opisina sa mga sandaling iyon. Matapos niyang masiguro na nasa maayos nang kalagayan si Luisa ay saka siya bumalik sa trabaho. “Kumusta na si Luisa?” tanong pa nito. “She’s a lot better now. Nasa penthouse lang siya ngayon, nagpapahinga.” “Kuya, tungkol kay Mommy.” Napahinto sa pagtatype si Levi at nagsalubong ang kanyang dalawang kilay.&nb
Last Updated: 2023-07-30
Chapter: Chapter 65 NAALIMPUNGATAN si Luisa nang mga sandaling iyon matapos maramdaman ang magaan na halik sa kanyang labi. Nang unti-unting dumilat ay bumungad sa kanya ang guwapong mukha ng asawa na bakas ang pag-aalala. “Mahal,” malambing na tawag nito. Nang dumilat ay muli siyang siniil nito ng halik. “Kumusta ka na? Anong nararamdaman mo?” tanong nito. “Iyong baby natin, kumusta na siya?” sa halip ay tanong din agad ni Luisa. “Huwag ka nang mag-alala. Ligtas siya. The baby is in perfectly fine. Ligtas na kayong dalawa. Ikaw? Anong pakiramdam mo ngayon?”&nb
Last Updated: 2023-07-29