“KUMUSTA naman ang unang linggo sa trabaho?” tanong sa kanya ng kaibigan na si Lydia.
Ngumiti si Luisa. “Ayos naman, dalawa na agad ang client ko.”
“Natutuwa naman ako at mukhang masaya ka, at least nalilibang ka.”
“Hmm… hindi ganoon masaya pero hindi rin ako malungkot. Tama lang.”
“Ang mahalaga, napupunta sa trabaho ang atensiyon mo. Hindi ‘yong kung ano-ano iniisip mo.”
“Buti nga day off ko ngayon, gusto ko sana lumabas, kahit magpunta lang sa kabilang bayan.”
Huminto si Lydia sa paglalakad saka humarap sa kanya.
“Magaling ka ba magtago?”
Napakunot-noo siya. “Bakit mo naitanong?”
“Para sakaling makita natin doon sa bayan ang Tita Marga mo, hindi ba pinagbawalan ka no’n pumunta kung saan lalo sa kabilang bayan?”
Nalaglag ang balikat ni Luisa. Isang taon na ang nakalipas mula ng lumabas siya sa ospital, ngunit mula noon ay naging mahigpit na ang kanyang Tita Marga. Pinagbawalan siya nitong lumabas ng bahay, kung hindi man maiiwasan lumabas, hindi siya maaaring lumabas ng bayan ng Santa Catalina. Alam niya na para iyon sa kanyang kaligtasan, pero dumarating ang pagkakataon na pakiramdam ni Luisa ay daig pa niya ang nakakulong. Minsan na siyang tumakas at pumunta sa kabilang bayan. Ang nakakapagtaka ay kung paano siya agad na nahanap ng kanyang Tita Marga, para itong may mga mata sa paligid na laging nakasunod sa kanya. Ilang beses pa niyang inulit ang ginawang pagpunta sa mga karatig-bayan, ngunit gaya ng unang beses ay agad siyang nahahanap ng kanyang Tiyahin o kaya ni Nanay Elsa. Bagay na pinagtataka ni Luisa. At sa tuwing nahuhuli ay kinukulong siya ng mga ito ng ilang araw o linggo sa bahay. Kaya mula noon ay hindi na siya nagtangka pa na umalis sa maliit na bayan ng Santa Catalina.
She has been confined at home for a year now. She wants to get out and explore the world. Hindi rin maintindihan ni Luisa kung bakit ganoon na lang ang pagbabawal at paghihigpit ng kanyang Tita Marga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito pinapaliwanag ang totoong dahilan kung bakit siya naospital noon. Basta ang sinabi lang nito ay na-aksidente siya sa isang bayan malapit lang sa Santa Catalina at ayaw nitong maalala pa niya ang masamang pangyayaring iyon. At iyon din marahil ang paulit-ulit niyang nakikita sa kanyang panaginip. Pero kung paano nangyari ang aksidente at ano ang naging sanhi ay hindi pinapaliwanag ng kanyang Tita.
Huminga ng malalim si Luisa saka dismayadong ngumiti sa kaibigan.
‘’Di bale na nga, huwag na lang,” sagot niya.
Nakita niya ang simpatya sa ngiti na ginanti ni Lydia pagkatapos ay hinawakan siya nito sa kamay.
“Kapag nahuli nila ko, baka ikulong na naman nila ako. Mabuti na ‘to na nakakalabas ako kahit dito lang sa kalye natin.”
“Hayaan mo na, pasasaan ba’t ma—”
Hindi naituloy ni Lydia ang sasabihin nang may biglang huminto na kulay itim na kotse sa tapat nila. Sa modelo pa lang ng sasakyan ay may ideya na agad si Luisa kung sino iyon. Ilang sandali pa, bumaba ang bintana niyon. Lihim siyang napabuntong-hininga nang mapatunayan na tama ang kanyang hinala at bumungad ang pilyong nakangising mukha ni Ian.
“Dito lang kami pupunta ni Lydia sa convenience store,” sabi agad niya sabay ikot ng mata.
“Did I say anything?” natatawang sabi nito.
“Inuunahan na kita, baka kasi magsumbong ka sa Mommy mo.”
“Ako pa magsusumbong kay Mommy? Ano ako, si Dexter?”
“Oh, eh, bakit ka napadpad dito?” tanong pa ni Luisa.
“I just want to breathe and talk to someone.”
Napakunot-noo siya. “Bakit?”
“I’ll tell you later, bilhin mo muna ang bibilhin mo. Magkita tayo doon sa bahay.”
“Sige.”
Nagkatinginan sila ni Lydia nang magmaneho papunta sa bahay niya si Ian.
“Tara na nga at may naghihintay sa’yo.”
“KUMUSTA ka dito?” tanong sa kanya ni Ian.
Nilapag niya sa ibabaw ng mesa ang isang baso ng juice at binigay iyon sa binata. Si Ian ay ang panganay na anak ng kanyang Tita Marga. Sa dalawang anak ng Tiyahin, tanging si Ian lang ang kasundo niya. Samantala iyong bunso, sa hindi malamang dahilan ay hindi sila nag-uusap. Mabigat ang dugo niya sa kapatid ni Ian.
“Ayos lang, nalilibang ako dahil sa trabaho ko.”
Matipid itong ngumiti. “Buti naman.”
“Eh, ikaw? Nag-away na naman ba kayo ni Dexter?”
Tinungga nito ang laman ng baso. “Hindi, ni Mommy,” sagot nito sabay buntong-hininga.
Napakunot noo siya nang mapansin na may pasa ito sa gilid ng labi.
“Nakipag-away ka na naman ano? Kaya siguro nagalit na naman si Tita Marga sa’yo.”
“Tandaan mo ‘to, hindi ako lagi ang nagsisimula ng gulo. Pinagtatanggol ko lang ang sarili ko.”
“Puwede naman kasing umiwas kahit hindi ikaw ang nagsimula ng gulo.”
“Saka, pinipilit ako ni Mommy na mag-take over sa kompanya. Alam mo naman na ayoko, iba ang gusto kong gawin, gusto ko ituloy ang pangarap ko na
maging Music Producer.”
“Hindi ko maintindihan si Tita minsan, nandyan naman si Dexter. Saka madalas wala na sa lugar ang pagiging mahigpit niya. Hindi niya namamalayan na dinidikta na niya ang buhay ng mga tao sa paligid.”
“Mom is very dominant. Nakakasakal na.”
Huminga ng malalim si Luisa, bumakas ang lungkot sa kanyang mukha. She knows very well how it feels because that is exactly what she is feeling right now.
“Hindi ko naman hinihiling na umalis dito, ang gusto ko lang makalabas ng bayan. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ni Tita na lumabas ako ng Santa Catalina.”
“If only I can speak for her, pero hindi ko hawak ang isip ni Mommy. Ako nga itong anak, hirap siyang intindihin.”
Bahagyang napangiti si Luisa. “Salamat, Ian. Bukod kay Nanay Elsa at Tere, at si Lydia, ikaw lang ang kasundo ko at nakakausap ko ng mga concerns ko sa buhay.”
Natigilan siya nang biglang hawakan ni Ian ang kamay niya.
“Sabi ko naman sa’yo eh,” mahina ang boses na sabi nito. “Kung gusto mong umalis sa lugar nito at takasan si Mommy, handa akong tulungan ka. Ilalayo kita dito. Sasamahan kita kahit saan mo gustong pumunta.”
Marahan siyang natawa. “Para naman akong kriminal na kailangan tumakas,” sagot niya.
Tinapik ni Luisa ang kamay nitong nakahawak sa kanya.
“Sapat na sa akin na nandito ka, dumadalaw at nakakausap ko.”
Bumuntong-hininga si Ian.
“Basta kung may kailangan ka, kahit ano, kung gusto mong lumabas ng bayan. Sabihin mo lang sa akin, gagawin natin ‘yon. Alam mo kung paano ako kokontakin.”
Nakangiting tumango si Luisa.
“Gusto ko lang malaman mo na dito, kakampi mo ako.”
“Tatandaan ko ‘yan, salamat.”
Napakunot-noo si Luisa nang halikan nito ang likod ng kanyang kamay.
MALAKAS ang buhos ng ulan. Malakas ang hampas ng hangin at malakas din ang tunog ng kulog. Parang galit na galit ang langit dahil sa malakas at matalim na kidlat na gumuguhit sa madilim na kalangitan. Malakas ang pagpalahaw ng iyak ni Luisa habang nagmamaneho at panay ang sulyap sa rearview mirror at lingon sa likod.
Ilang sandali pa pagdating sa isang zigzag road ay biglang nawalan ng kontrol si Luisa sa kotse. Ayaw kumagat ng break kahit anong tapak niya dito. Papaliko na sana siya nang may biglang sumulpot na sasakyan at nasilaw siya sa headlight nito. Napapikit si Luisa sabay kabig ng manibela.
Nabalot ng matinding takot si Luisa nang bumulsok pababa ng matarik at madilim na bangin ang kotse na ilang segundo lang ang nakakalipas ay minamaneho niya.
“Ahhh! Tulong!” malakas na sigaw niya.
Kasunod niyon ay ang malakas na tunog ng pagbangga ng kotse niya sa isang malaking puno. Matapos iyon ay katahimikan ang sunod na naghari. Umungol sa sakit si Luisa nang maramdaman ang pagkirot ng kanyang ulo.
“T-Tu… tulong…” nanghihina na sabi niya.
Pilit niyang dinidilat ang mga mata pero tila ano man sandali ay mawawalan na siya ng malay.
“Tu…long…” patuloy na sambit niya sa mahinang boses.
Ilang sandali pa ay bahagya siyang mariin na napipikit nang tumama sa kanyang mata ang liwanag na nanggagaling sa kung saan. Kasunod niyon ay may narinig siyang mga tinig.
“May babae! Mukhang buhay pa!”
“Halika at tulungan natin!”
Nang sa wakas ay nagawa niyang makadilat. Napasigaw ng malakas si Luisa dahil sa takot nang mula sa dilim ay biglang sumulpot ang mukha ng isang matandang babae na may hawak na kutsilyo at sabay hablot sa braso niya.
“Huwag!” malakas na sigaw ni Luisa sabay balikwas ng bangon.
Nanginginig ang katawan sa takot na lumingon siya sa paligid. Mahigpit niyang hinawakan ang kumot at tinakip sa katawan niya. Madilim ang paligid. Walang tao doon sa loob bukod sa kanya. Dahil walang pasok ng araw na iyon, hindi napigilan ni Luisa ang makatulog pagsapit ng alas-onse ng gabi. Halos tumalon siya sa labis na gulat ng biglang kumidlat kasunod ng malakas na buhos ng ulan. Napapikit si Luisa habang habol ang hininga.
“Iyon na naman, ano bang ibig sabihin ng panaginip ko na ‘yon? Bakit paulit-ulit ko siyang nakikita?” naguguluhan tanong niya sa sarili.
Nasa gitna siya ng pag-iisip nang bigla siyang matigilan matapos makarinig ng mga kaluskos sa labas ng kanyang silid. Napakunot-noo si Luisa at dahan-dahan bumaba ng kama. Ang takot at kaba dahil sa kanyang panaginip ay mas lalong lumala nang patuloy na marinig ang kaluskos na iyon.
“Tere? ‘Nay Elsa?” tawag niya sabay hawak sa doorknob.
Naghintay siyang sumagot ang mga ito pero biglang tumahimik sa labas. Ilang sandali pa ang pinalipas muna ni Luisa, nakiramdam muna at nang wala nang marinig na kaluskos ay saka niya binuksan ang pinto.
Kunot-noo niyang ginala sa paligid ang paningin. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala naman tao doon.
“Nagha-hallucinate ka na naman, Luisa,” sabi niya sa sarili.
Tuluyan niyang kinalman ang sarili saka dumiretso sa kusina. Kumuha siya ng baso at nagbukas ng refrigerator nang hindi binubuksan ang ilaw. Nang isarado ni Luisa ang pinto ng ref, nabitiwan niya ang baso at gulat na gulat na napaatras nang bumungad sa kanya ang isang matangkad na lalaki. Nakatakip ang kalahati ng mukha nito, nakaitim na t-shirt, shorts na pula at walang sapin sa paa. Basa ang katawan nito marahil dahil sa ulan at may hawak na kutsilyo na nakatutok sa kanya.
“Sino ka?!” nanginginig ang boses sa takot na tanong niya.
“Huwag kang maingay,” sa halip ay sagot nito.
“Tulungan n’yo ko!” bigla ay sigaw niya sabay takbo papunta sa kuwarto. Ngunit bago pa siya makapasok ay naabutan na siya ng lalaki. Agad nitong natakpan ang kanyang bibig sabay tutok ng talim ng kutsilyo sa leeg.
“Sinabi nang huwag kang maingay eh!”
Napahagulgol sa takot si Luisa.
“Sumunod ka lang ng maayos at hindi ka masasaktan,” sabi pa nito.
“Ano bang kailangan mo?” tanong niya nang alisin ang kamay mula sa kanyang bibig.
“Pera, kailangan ko ng pera mo.”
“I-ibibigay ko, huwag mo lang akong saktan.”
“Bilis, kunin mo!”
Hindi inaalis ang kutsilyo sa kanyang leeg na naglakad silang dalawa papasok ng silid. Kinuha niya sa bag ang wallet at binigay ang lahat nang laman na pera doon. Pag-abot niya ay dali nitong binulsa ang pera. Ganoon na lang ang gulat ni Luisa nang bigla siyang itulak ng lalaki sa kama at kinubabawan siya. Humagulgol sa takot si Luisa.
“Maawa ka, huwag!” pakiusap niya.
“Matagal na kitang kursunada, pagkakataon ko na ‘to para matikman ka!”
Nanlaban si Luisa nang bigla nitong itaas ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid at hinalikan siya sa leeg. Lalong naiyak si Luisa. Nagpapadyak siya pero napipigilan ng nakadagan na katawan ng lalaki ang mga paa niya.
“Hayop ka! Huwag!”
Naging bingi ang lalaki sa iyak at pakiusap ni Luisa. Binaba nito ang strap ng suot niyang pantulog, kasunod niyon ay tinangka nitong itaas ang laylayan ng suot niya.
“Tulong!” malakas na sigaw niya.
Bago pa tuluyan magawa ng lalaki ang maitim niyang plano. Bigla na lang may humablot sa ulo nito at hinila ito palayo sa kanya. Dahil madilim ang paligid hindi agad naaninag ni Luisa kung sino ang nagligtas sa kanya. Umiiyak na pilit siyang bumangon at binalot ng kumot ang katawan niya saka sumiksik sa sulok ng headboard ng kama.
Bumalandra ang lalaki sa pinto ng kuwarto. Hinablot ito sa kuwelyo ng t-shirt ng lalaking nagligtas sa kanya saka malakas na sinuntok sa mukha at sa tiyan.
“Hayop ka!” galit na sigaw nito sa magnanakaw.
Nang sa wakas ay binitiwan na nito ang masamang loob. Nagtaka si Luisa nang lumingon ito sa paligid habang bakas ang labis na takot sa mukha nito. Kasunod niyon sumigaw ito ng malakas na tila ba takot na takot ng takbo palabas ng bahay.
“Miss, ayos ka lang ba?” tanong ng lalaking nagligtas sa kanya.
Daling binuksan ni Luisa ang headlamp. Nang bumaha ang ilaw sa paligid, saka niya nakilala ang lalaking nagligtas sa kanya.
“Ikaw?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“MARAMING salamat, ha?” sabi ni Luisa sa lalaking nagligtas sa kanya. Walang iba kung hindi ang lalaking palaging nakatayo sa tapat ng bahay niya. “Walang anuman, mabuti na lang at narinig kitang sumigaw.” Biglang tumulo muli ang luha ni Luisa nang maalala ang muntik nang mangyaring masama sa kanya. “Oh, tahan na,” pag-aalo nito. “Kung hindi ka dumating, hindi ko ma-imagine kung ano na ang kinahinatnan ko.” “Pero dumating naman ako, wala ka dapat ipag-alala.” Matapos ang nangyaring gulo, pinayuhan si Luisa ng lalaking tumulong sa kanya na pumunta sa pulis para i-report ang nangyari. Sinasama niya ang lalaki ngunit sinabi nito na susunod na lang, pero hindi rin ito pumunta sa presinto. Doon nailarawan niya ang itsura ng lalaking pumasok sa loob ng bahay niya at nagtangkang gumahasa sa kanya. Kasama sa nireport niya ay ang perang nakuha nito mula sa kanya. Sa kasamaang palad, dahil sa gulo ng isip at takot, hind
SA UNANG pagkakataon naramdaman ni Luisa na hindi siya nag-iisa sa buhay. Matapos papasukin si Levi sa bahay, saglit pa silang nag-kuwentuhan nang matapos ang kanyang breaktime ay bumalik na rin siya sa trabaho. Habang abala sa ginagawa sa harap ng computer. Mula sa kuwarto ay naririnig niya na tila kumikilos sa kusina si Levi. Makalipas lang ng sandali, kumatok ito sa nakabukas na pinto ng kanyang silid. Hindi agad nakapagsalita si Luisa nang makitang may bitbit itong pinggan na may laman na sandwich. “I hope you didn’t mind, nakialam ako sa kusina mo. Naisip ko kasi baka magutom ka habang nagtatrabaho.” Napangiti si Luisa. “Thank you,” she mouthed. Nang gumanti ng ngiti sa kanya pabalik si Levi, may kung anong mainit na damdamin ang humaplos sa puso niya. Mula ng sandaling iyon ay naukopa na ng binata ang kanyang isipan. Pilit na tinuon ni Luisa ang atensyon sa pagtatrabaho, pero sa tuwina ay napupunta dito ang kanyang tingin. Nariya
HINDI maipaliwanag ni Luisa ang saya nang magising siya. Pasado alas-tres na ng hapon pero parang kasisikat lang ng araw ang kanyang pakiramdam. Halos mag-aalas siyete na rin siya ng umaga natulog matapos umalis ni Levi, hindi pa agad siya nakatulog dahil nasa isip pa rin niya ang binata. She felt so much alive. Sa unang pagkakataon mula nang tumira siya sa bahay na iyon, naramdaman ni Luisa ang gaan sa kanyang kalooban. There are moments that she wants to just tell her story to someone, share her opinions, or even to laugh with somebody. Hindi niya nagagawa iyon sa nakalipas na isang taon mahigit, pero kanina, naramdaman niyang hindi na siya nag-iisa. That finally, there’s someone ready to be there and listen to her. A companion. A new found friend. Bago bumangon ay nag-inat pa muna siya pagkatapos ay inayos ang kama at pinusod ang kanyang buhok. Paglabas ng silid ay naabutan niya ang kanyang Nanay Elsa sa kusina at nakaupo sa harap ng mesa at may sinusu
“WALA ka pang masyadong kinukwento sa akin tungkol sa’yo,” sabi ni Luisa habang sabay silang kumakain. “You’re not asking,” pabirong sagot ni Levi. Bahagyang natawa ang dalaga. “Ganoon ba ‘yon? Kailangan muna magtanong?” “Naman, baka mamaya kasi magkuwento ako tungkol sa akin tapos sabihan mo ‘ko, tinatanong ko ba?” “Grabe, ang layo naman ng narating ng isip mo!” Natawa rin si Levi. Habang nakatingin sa binata at pinagmamasdan itong tumawa, may kakaibang saya siyang naaramdaman. The sound of his laugh it’s like music to her ears. The way his eyes are almost closed because of laughing so hard. His face lightens up as he smiles. Until her heart skipped when Levi suddenly looks at her. She cleared her throat and smiled before looking away. “Sige na nga, magtatanong na ako.” “What’s your real name?” “Levi Serrano.” Bahagyang napakunot-noo si Luisa. “Serrano,” she repeated and whis
“LUISA, kumusta ka na?” tanong sa kanya ni Ian matapos sagutin ang tawag nito nang hapon na iyon. “I’m okay.” “May nagtangka pa ulit pumasok sa bahay mo?” Napangiti siya. “Wala na. Safe na ako dito saka nahuli na ‘yong magnanakaw at rapist kaya huwag ka nang mag-alala.” Bahagya siyang napakunot-noo nang marinig itong bumuntong-hininga ng malalim. Kahit magka-usap lang sa telepono ay ramdam ni Luisa ang bigat ng kalooban ng kinakapatid. “Ian, okay ka lang ba?” hindi nakatiis niyang tanong. “Yeah, yeah. I’m good.” “May gusto ko bang sabihin?” Sa halip na sumagot ay isang malalim na hininga ulit ang narinig niya mula dito pagkatapos ay tumikhim. “Hindi ka ba nahihirapan diyan?” Napakunot-noo na naman siya sa tanong nito. “H-Hindi naman, bakit?” “Wala naman, naiisip ko lang. Mom has been controlling you since after the accident. Gusto ko lang malaman mo na okay
PAKIRAMDAM ni Luisa ay namumula ang kanyang mukha, ramdam niya ang pag-iinit niyon. Hindi maipaliwanag ng dalaga kung bakit ganoon na lang ang kinilos niya kanina pagkakita kay Levi. Para siyang wala sa kanyang sarili, she hugged him and clung onto him, na para bang siya ang girlfriend. Kaya nang matauhan ay agad siyang lumayo at nagdahilan na may gagawin sandali sa kuwarto. Pero ang totoo, kinailangan niya na lumayo sandali para ayusin ang sarili at ipaalala ng paulit-ulit ang dahilan kaya sila nagkakilala ni Levi. Ilang sandali pa, matapos makabawi ay kinondisyon niyang muli ang sarili at tumikhim bago lumabas ng kanyang kuwarto. Naabutan ni Luisa na nakaupo sa tapat ng mesa at halatang hinihintay siya. “I made a sandwich for you,” sabi pa nito. Nahihiya siyang ngumiti. “Thanks.” “Halika na dito, maupo ka na. Hindi na masyadong masarap yan kapag lumamig.” Sinunod niya ang sinabi nito at naupo na nga sa harap ng dining table.
“NAGISING ako kaninang madaling araw dahil nagpunta ako sa CR tapos parang narinig kita na may kausap?” Bahagyang natigilan si Luisa sa sinabi ni Tere. Pero hindi niya pinahalata na nagulat siya at agad na ngumiti. Nang lumingon kay Nanay Elsa ay nakatingin ito sa kanya. “May ibang tao kang pinasok dito?” kunot ang noo na tanong nito. “Wala po, kliyente ko ‘yon. Negosyante na pinoy na nasa US, natuwa siya na Pinoy ang VA niya, napasarap kuwentuhan namin kaya ayon kung anu-ano napag-usapan bukod sa trabaho,” pagsisinungaling niya. “Ang akala ko day off mo kahapon?” nagtataka na tanong ni Tere.&nbs
“SAAN ba tayo pupunta?” tanong ni Luisa. Mabilis sumenyas sa kanya si Levi na huwag maingay habang dahan-dahan nitong sinasarado ang pinto sa likod bahay. Lumingon siya sa paligid, napakadilim, bukod doon ay malamig din ang ihip ng hangin. Doon sa likod ng bahay ay walang ibang makikita kung hindi ang daan papunta sa kagubatan. Wala masyadong pumupunta doon. Ayon sa mga nakausap dati ni Luisa ay delikado daw doon sa gubat dahil bukod sa masukal at masyado daw madilim doon sa gabi. Bukod pa doon na maaaring may mga mabangis na hayop sa naninirahan, kaya naman pinayuhan ng local government ng Santa Catalina ang mga residente sa paligid ng gubat na iwasan pumunta doon. “Basta,” pabulong na sagot nito. Hindi nasunod ang nauna nila
DAHAN-DAHAN binaba ni Luisa sa kama ang anak habang himbing itong natutulog. Hindi mawala ang ngiti sa labi na tinitigan ang maganda at maamong mukha ng anak, si Marié Therese Luisella Ramirez Serrano. Matapos iyon ay maingat siyang naupo sa paanan ng kama at pinasadahan ng tingin ang buong paligid ng pamilyar na silid na iyon. Naroon sila ngayon sa bahay nila sa Santa Catalina. Ang naging tahanan ni Luisa noong may amnesia pa siya. Napakarami niyang alaala sa lugar na iyon. Maganda at masasakit na alaala. Parang kahapon lang, pilit niyang pinapausad ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang virtual assistant. Noon ay para siyang nakalutang sa kadiliman. Nagigising tuwing umaga, nabubuhay ngunit walang maalala. Naputol ang kanyang pag-iisip nang buksan ng hangin ang bin
“MARAMING beses tinangka ni Nanay na lasunin si Ate Luisa, lalo na noong may amnesia pa siya. Palagi ko lang siyang napipigilan, salamat sa Diyos dahil palagi ko rin siyang nakukumbinsi at ginamit ko na dahilan ang paglipat ng mana nila Kuya Levi sa pangalan ko. Ang huling beses niyang tinangka na lasunin si Ate Luisa ay itong mga nakaraan buwan lang, nang magsimula ang renovation ng mansion. Noong gabi ng kasal ni Kuya Levi at Ate Luisa at nangyari ang gulo sa bahay. Naroon ako, nakita ko kung paano pinukpok ni nanay ng malaking kahoy sa ulo si Kuya Levi. Kasama siyang umalis ni Dexter para habulin si Ate Luisa, kasama ako ni Kuya Ian nang tulungan namin si Kuya Levi. Nang biglang dumating si Kuya Levi sa bahay matapos akalain ng lahat na patay na siya. Galit na galit si Nanay. Lalo na nang nalaman niya na ako pa ang nag-alaga kay Kuya noong comatose siya. Halos bugbugin niya ako sa sobrang g
“IAN,” bungad ni Levi pagsagot ng tawag nito. “Nasaan ka?” tanong nito agad. “Nandito sa mansion. Tumawag si Foreman sa akin kanina dahil hindi nila mabuksan itong quarters ni Nanay Elsa, kaya dumaan kami dito para buksan iyong pinto gamit ang duplicate key. Pero nagulat kami ni Luisa sa nakita namin,” paliwanag niya. “Kuya Levi, makinig ka sa akin. Mukhang sa iisang tao ang patungo ng sinabi mo at nang nalaman ko. Nagsalita na si Mommy sinabi na niya sa akin lahat, and this is something that we never saw coming. Pero ang gusto niya ay siya mismo ang magsasabi sa’yo.” “Sige, kakausapin ko siya. Nariyan ka ba s
“MAHAL, iyong tungkol pala sa honeymoon natin? Tuloy pa ba ‘yon?” tanong ni Luisa dito. “Oo naman, bakit mo naitanong?” “Eh wala lang, kasi nga buntis na ako.” Marahan itong natawa at inalis ang tingin sa monitor ng laptop at lumipat sa kanya. “Puwede pa naman tayo mag-honeymoon kahit buntis ka na,” sagot nito. “Wala lang. Excited na rin kasi akong mag-bakasyon tayo.” “Gusto mo bang paagahin natin?” Lumapit si
“HELLO, Kuya Levi.” “Oh Ian, what’s up?” bungad niya pagsagot ng tawag nito. Kasalukuyan siyang nasa opisina sa mga sandaling iyon. Matapos niyang masiguro na nasa maayos nang kalagayan si Luisa ay saka siya bumalik sa trabaho. “Kumusta na si Luisa?” tanong pa nito. “She’s a lot better now. Nasa penthouse lang siya ngayon, nagpapahinga.” “Kuya, tungkol kay Mommy.” Napahinto sa pagtatype si Levi at nagsalubong ang kanyang dalawang kilay.&nb
NAALIMPUNGATAN si Luisa nang mga sandaling iyon matapos maramdaman ang magaan na halik sa kanyang labi. Nang unti-unting dumilat ay bumungad sa kanya ang guwapong mukha ng asawa na bakas ang pag-aalala. “Mahal,” malambing na tawag nito. Nang dumilat ay muli siyang siniil nito ng halik. “Kumusta ka na? Anong nararamdaman mo?” tanong nito. “Iyong baby natin, kumusta na siya?” sa halip ay tanong din agad ni Luisa. “Huwag ka nang mag-alala. Ligtas siya. The baby is in perfectly fine. Ligtas na kayong dalawa. Ikaw? Anong pakiramdam mo ngayon?”&nb
“HANGGANG kailan ang renovations nitong bahay?” tanong ni Ian. Tumingala si Levi at ginala ang paningin sa paligid. Halos fifty percent na ng bahay ang natatapos. Dahil tuloy-tuloy ang gawa at hindi naman nagkululang sa tauhan maging sa materyales, naging mas mabilis ang pagre-renovate. “I think we will be able to finish earlier than the target date. Magaling kasi mga tauhan ng kaibigan kong arkitekto at engineer na may hawak nito. Pero kung isasama pati ang interior, maybe more or less two months.” “Nakikita ko na hands on kayong dalawa ni Luisa.” “Oo. Buti na lang madali siyang matuto, kapag nasa opisina ako, siya lang nag-ov
“ANO ba ang okasyon at nagpahanda kayo?” nakangiti ngunit nagtatakang tanong ni Nanay Elsa. Kakarating pa lang nilang mag-asawa doon sa mansion, pero kagabi pa lang ay tumawag na si Levi sa mayordoma at sinabi na magluto ng dalawa hanggang tatlong putahe para sa maliit na salo-salo. “Huwag kang mag-alala, ‘Nay. Mamaya malalaman n’yo din,” nakangiting sagot ni Luisa. “Nasaan na pala si Tere?” tanong pa niya. “Naku eh, pauwi pa lang. May binili lang sa grocery,” sagot ng babae. “’Nay, kumusta na renovation dito?” tanong naman ni Levi. Dahil sa
“HEY, how are you feeling?” malambing na tanong ni Levi sa kanya. Bahagyang dumilat si Luisa habang nakahiga pa rin sa kama. “Nahihilo pa rin ako. Saka ang bigat ng katawan ko,” sagot niya. Sinalat ni Levi ang noo niya. “Wala ka naman lagnat. Gusto mo magpa-check up na tayo?” Marahan siyang umiling. “Ayokong lumabas. Hindi ko talaga kayang tumayo,” tanggi niya. “Okay, mahiga ka lang muna diyan. I’ll just have to make a call,” sabi pa ni Levi. Agad bumaba ng kama ang kanyang asawa at dinampot ang phone sa ibabaw ng bedside table.&