Share

Chapter 5

Author: Juris Angela
last update Last Updated: 2023-04-05 10:59:26

          “MARAMING salamat, ha?” sabi ni Luisa sa lalaking nagligtas sa kanya. Walang iba kung hindi ang lalaking palaging nakatayo sa tapat ng bahay niya.

          “Walang anuman, mabuti na lang at narinig kitang sumigaw.”

          Biglang tumulo muli ang luha ni Luisa nang maalala ang muntik nang mangyaring masama sa kanya.

          “Oh, tahan na,” pag-aalo nito.

          “Kung hindi ka dumating, hindi ko ma-imagine kung ano na ang kinahinatnan ko.”

          “Pero dumating naman ako, wala ka dapat ipag-alala.”

          Matapos ang nangyaring gulo, pinayuhan si Luisa ng lalaking tumulong sa kanya na pumunta sa pulis para i-report ang nangyari. Sinasama niya ang lalaki ngunit sinabi nito na susunod na lang, pero hindi rin ito pumunta sa presinto. Doon nailarawan niya ang itsura ng lalaking pumasok sa loob ng bahay niya at nagtangkang gumahasa sa kanya. Kasama sa nireport niya ay ang perang nakuha nito mula sa kanya.

          Sa kasamaang palad, dahil sa gulo ng isip at takot, hindi nakita ng maayos ni Luisa ang itsura ng lalaki nang tanggalin ang mask na tumatakip sa kalahating mukha nito. Nang dumating naman ang lalaking nagligtas sa kanya, madilim ang paligid kaya hindi niya naaninag ang mukha nito. Matapos niyang mag-report ay hinatid pa siya ng mga nakakilalang pulis sa kanya.

          “Bakit pala hindi ka sumunod sa presinto?”

          “Ah, pasensya ka na ha? May emergency din bigla sa bahay kaya nagmadali akong umalis, hindi na ako nakasunod sa’yo. Pero anong sabi sa’yo ng mga pulis?”

          “Ipapahanap daw nila, pamilyar daw sa kanila ‘yong suspect base sa pagkakalarawan ko. May ilan babae na rin daw ang nagreport sa kanila na pareho ng nangyari sa akin, pinasok ng magnanakaw tapos ni-rape. Masuwerte nga daw ako dahil hindi natuloy ‘yong nangyari sa akin.”

          “Okay ka na ba ngayon?” tanong pa sa kanya ng lalaki.

          Bahagyang ngumiti si Luisa. “Oo.”

          “Kung ganoon, mauna na ako,” paalam nito.

          Agad tumayo ang lalaki at naglakad patungo sa pinto sa kusina, kung saan marahil ito dumaan kanina maging ang magnanakaw. Ngunit nang maalala ni Luisa na mag-iisa na naman siya, nakaramdam siya ng takot.

          “Sandali lang!” pigil niya dito.

          Huminto sa paglalakad ang lalaki. “Huwag mo muna akong iwan, natatakot akong mag-isa,” mangingiyak-ngiyak na sabi niya.

          Lumingon sa kanya ang lalaki at matagal siyang tinitigan. Para bang pinag-iisipan nito kung pagbibigyan siya o hindi. Huminga ito ng malalim saka bumalik.

          “Sige,” pagpayag nito at muling naupo sa katabi niyang bakanteng silya doon sa dining table.

          “A-Ano nga pala ang pangalan mo?” tanong pa ni Luisa.

          Inabot nito ang isang palad. “Levi. Levi Serrano.”

          Bahagyang tumikhim si Luisa at tinanggap ang pakikipagkamay nito.

          “Luisa. Maria Luisa Ramirez,” pagpapakilala niya.

          “I know.”

          “Huh? Kilala mo ako?” gulat at napamulagat na tanong niya.

          Nagkibit-balikat ito. “Not really, naririnig ko lang madalas ang pangalan mo. Sa umaga, kapag tinatawag ka ng mga kasama mo dito sa bahay, naririnig ko ‘yon.”

          Nakaramdam ng awa si Luisa para sa lalaki.

          “Ibig sabihin pala, hindi ka lang sa gabi naghhihintay doon sa labas? Buong araw?”

          “Hindi naman palagi, kapag may oras lang ako sa umaga. Pero mas madalas

akong maghintay sa gabi.”

          “Puwede ba akong magtanong?”

          “Sige,” sagot ng lalaki.

          “Iyong hinihintay mong babae, bakit ka siya umalis?”

          Malungkot na ngumiti si Levi pagkatapos ay umiling. “Hindi ko rin alam.”

          “Ang suwerte naman niya,” mayamaya ay sabi niya.

          “Sino?” nakakunot-noo na tanong ni Luisa.

          “Iyong babaeng mahal mo, ang suwerte niya dahil kahit iniwan ka niya, naghihintay ka pa rin.”

          “Alam ko, babalik din siya.”

          “Ang sabi mo, taga-rito siya?”

          Marahan itong tumango. “Kaya ako palaging naghihintay diyan sa tapat ng bahay n’yo dahil nagbabaka-sakali ako na bumalik siya dito.”

          “Eh paano kapag hindi na siya bumalik?”

Sinalubong ni Levi ang kanyang tingin at ngumiti.

“Babalik siya, naniniwala ako na babalikan niya ako.”

DAHIL sa nangyaring panloloob sa bahay at tangkang paggahasa sa kanya, ilang araw ang nakalipas matapos ang insidenteng iyon, mula sa Maynila ay umuwi ng Santa Catalina ang kanyang Tita Marga at agad pinaayos ang lahat ng pinto ng bahay. Pinagdagdagan nito ang mga iyon ng lock para tiyak na safe siya at hindi na maulit ang nangyari.

          “Oh, ayan, siguradong hindi ka na mapapasok dito.”

          “Thank you, Tita.”

          “You should’ve called me,” sabad naman ni Ian.

          “Magulo ang isip ko nang mga panahon na iyon kaya hindi ko na naisip ‘yon. Saka may tumulong naman sa akin eh.”

          Galit na pumalatak si Ian. “I will kill that bastard when I see him.”

          Umismid si Marga sa anak. “Diyan ka magaling sa gulo, hayaan mo na ‘yong mga pulis. Pasalamat na lang tayo at walang nangyaring masama dito kay Luisa.”

          “Ma, hindi ko puwedeng pabayaan na lang ‘yong gagong ‘yon!”

          “Oh, eh, san lupalop mo nga hahanapin?”

          Tumikhim siya ng malakas para awatin ang mag-ina. “Oops, tama na, baka mag-away na naman kayo,” natatawang sagot niya.

          “Sinabi mo na may tumulong sa’yo? Sino?”

          Napangiti si Luisa nang maalala si Levi. “Hindi ko alam kung taga-rito siya, pero madalas ko siyang nakikita dito, nagkataon na nariyan siya sa tapat nang gabing ‘yon, siguro narinig niya ang sigaw ko, kaya dali siyang pumasok at tinulungan ako. Binugbog n’ya ‘yong magnanakaw.”

          Napailing na lang ang Tiyahin niya at mula sa lapag ay nilagay nito ang tatlong plastic bags na puno ng grocery items.

          “Kung sino man siya, mabuti na lang at tinulungan ka niya. At ito na pala, pinag-grocery na kita ng mga kailangan mo. Kung may iba ka pang kailangan, tumawag ka lang sa akin o kaya kay Dexter, puwede na rin dito kay Ian.”

          Ngumiti siya. “Salamat po.”

          “Good for two weeks ‘yan groceries na ‘yan, well depende sa’yo.”

          “Pero Tita, kumikita naman ako sa trabaho ko ngayon, hindi n’yo na po ako kailangan ibili. Saka puwede naman ako na lang ang bumili ng groceries ko,” sabi niya.

          Nawala ang ngiti ni Marga nang marinig iyon mula kay Luisa.

          “Alam mo na hindi ka puwedeng lumayo dito sa Santa Catalina. Gusto mo bang mapahamak? Iyon nga na nandito ka lang sa bahay muntik ka pang ma-rape. Para sa’yo rin ang ginagawa ko na paghihigpit, Luisa.”

          Hindi na kumibo si Luisa. Sa halip ay tumungo siya at malungkot na tumango.

          “Naiintindihan mo ba?”

          “Opo.”

          Marahas na bumuntong-hininga si Ian sabay padabog na tumayo. Napatingin silang dalawa dito. Wala itong sinabi ngunit alam niyang nagalit dito dahil hindi nagustuhan ang sinagot ng ina nito.

          “Napaka-walang modo talaga ng batang ‘yan!” inis na sabi ni Marga.

          “O sige na, mauuna na rin ako at sa Maynila pa ako uuwi.”

          “Opo, ingat kayo sa biyahe.”

          Bago ito makalabas ng bahay ay dumating naman si Nanay Elsa at Tere. Nang gabing mangyari ang insidente ay wala ang mag-ina sa silong kung saan ito tumutuloy. Si Nanay Elsa ay doon umuuwi sa kapatid nito tatlong bayan ang layo mula doon. Samantala si Tere naman ay palaging sa gabi ang duty.

          “Elsa, Tere, kayo na ang bahala kay Luisa.”

          “Opo, Madam.”

          “Ikaw Elsa, ha? Layas ka ng layas dito, palagi mong iniiwan si Luisa,” sermon pa nito sabay irap.

          “P-Pasensya na po, Madam.”

          Nang makaalis na ang kanyang Tita Marga ay parang lahat sila doon ay

nakahinga ng maluwag.

          “Apaka talaga ng matandang ‘yon, ang sunget!” reklamo ni Tere.

          Natawa na lang siya.

          “Huwag n’yo na siyang intindihin ‘Nay Elsa, basta hangga’t kailan kayo kailangan ng kapatid n’yo. Ayos lang naman ako dito, ngayon pa na nadagdagan na ang lock ng mga pinto,” sabi pa ni Luisa.

          “Salamat at naintindihan mo,” nahihiyang ngumiti sa kanya ang may edad na babae.

          “Pinaglihi yata sa sama ng loob ang impaktang ‘yon,” komento pa ni Tere.

          “Hoy, ‘yang bunganga mo!” mabilis na saway nito sa anak. “Kahit na ganyan ‘yan tandaan mo siya pa rin nagpapa-suweldo sa akin.”

          Nagmamaktol na ngumuso si Tere at hindi na nagsalita pa.

          Sopistikada. Iyan ang kanyang Tita Marga. Sa tuwing nagkikita sila, hindi maaaring hindi ito nakabihis ng magara. Designer’s clothes. Designer’s shoes and bags. Bukod doon ay masisilaw ka sa mga alahas na suot nito na puro dyamante. Tama ang sinabi ni Tere, masungit nga ito. Palaging nakataas ang kilay nito at kapag tumingin ay parang sinusukat ang pagkatao ng kaharap nito.

          Sa totoo lang, kahit na Tiyahin ni Luisa ito. Hindi kailan man napalagay ang kanyang loob dito. Hindi niya gusto ang presensya nito. She is always anxious when Marga is around. Lalong hindi niya gusto ang pagko-kontrol nito sa kanya.

          “Hayaan n’yo na po si Tita. Nakaalis na naman siya, gaya pa rin ng dati ang routine natin.”         

          TUMINGIN si Luisa sa nakasaradong bintana at sandaling pinanood ang pag-agos ng tubig ulan doon. Mahigit isang linggo na hindi umulan, ngayon lang ulit at wala pa rin isang oras mula ng bumuhos ito.

          Habang nakatingin sa bintana, biglang naalala ni Luisa si Levi. Bigla siyang

tumayo at sumilip sa labas. Napangiti siya nang matanaw na naroon na naman ito sa labas. Agad siyang lumabas ng kuwarto saka dumiretso lumabas ng bahay dala ang payong.

          Nang makita siya ni Levi, sinundan siya nito ng tingin nang buksan niya ang gate at tuluyan lumabas doon at lapitan ito. Pinasukob niya ang binata sa ilalim ng dalang payong.

          “Palagi ka na lang naghihintay sa ilalim ng ulan, baka magkasakit ka na niyan. Halika, doon ka na sa loob maghintay.”

          Ngumiti si Levi.

          “Sigurado ka ba?”

          “Oo naman.”

          “Sabi mo takot ka sa akin at hindi ka komportableng nandito ako.”

          Marahan siyang natawa. “Dati ‘yon, noong hindi ko pa alam na harmless ka.”

          Natawa din ang binata.

          “Halika na sa loob, samahan mo ako. Ako lang ulit mag-isa diyan.”

          “Sige, kung ayos lang talaga sa’yo.” 

          Nang maka-akyat sila sa bahay, nakangiting sinalubong ni Luisa si Levi ng ngiti matapos luwagan ang pinto.

          “Pasok ka,” sabi pa niya.

          “Salamat.”

          “Upo ka muna, kukuha lang ako ng towel,” sabi pa niya.

          Marahan itong tumango. Umupo si Levi sa tapat ng dining table at tahimik na lumingon sa paligid ng buong bahay. Samantala, nagmamadali si Luisa na pumunta sa kuwarto at agad kumuha ng tuwalya. Hindi maipaliwanag ng dalaga ang sayang nararamdaman. Levi is a mere stranger. Pero ngayon naroon na ito sa loob ng kanyang tahanan. She felt a strange feeling of relief and comfort. Bukod sa pangalan at dahilan kung bakit ito madalas nakatayo sa labas ng bahay, wala nang alam pang ibang impormasyon tungkol kay Levi. Ngunit hindi magawang itanggi ni Luisa na wala siyang takot at panatag ang kalooban niya sa binata. Marahil iyon ang bunga nang pagligtas nito sa kanya at nagawa nitong kunin ang tiwala niya.

          “Oh, eto, magpunas ka muna,” sabi pa niya nang lumabas muli sa kuwarto.

          “Salamat,” sagot ulit nito.

          Naupo si Luisa sa kabilang bakanteng sila. Mayamaya ay tumingin sa kanya si Levi.

          “Bakit mo ako pinapasok dito? Kung tutuusin isa pa rin akong estranghero, wala kang alam tungkol sa akin.”

          Huminga ng malalim si Luisa.

          “Totoo naman ‘yan, pero sapat na para sa akin dahilan para ibigay ang tiwala ko sa’yo matapos mo akong iligtas. Ilang linggo ka na diyan nakatayo sa tapat ng bahay. Kung may gagawin kang masama, dapat noon pa.”

          “What makes you think that I’m not planning anything?”

          Imbes na maalarma o matakot, natawa na lang si Luisa.

          “Ewan ko, basta, hindi ako natatakot sa’yo. Hindi ako nag-aalala. Masaya pa nga ako na nandito ka.”

          Napakunot-noo si Levi.

          “Ba’t mo naman nasabi?”

          Malungkot na ngumiti si Luisa.

          “Because I am always alone. Nariyan nga sa baba nakatira sila Nanay Elsa at Tere pero palagi naman silang umaalis sa gabi. Si Tita naman at mga anak n’ya, sa Maynila nakatira. Kaya palagi akong walang kasama.”

          “So, you want me to be here to save your sanity?” pabirong tanong ni Levi.

          “Siguro,” natatawang sagot ni Luisa.

          Humugot ng malalim na hininga si Levi. “Thank you for saying that. It makes me happy to know that you trust me this much. Huwag kang mag-aalala, dadalasan ko ang pagdalaw sa’yo dito. Iyon ay kung okay lang ba sa’yo na palaging ganitong oras ako pupunta? Hindi kasi ako puwede kapag umaga.”   

          “Okay lang, tulog naman din ako sa araw eh.”

          Napahinto si Luisa nang ilahad nito ang palad sa harap niya.

          “Friends?”

          “Yes, friends,” nakangiting sagot ni Luisa.

Related chapters

  • Midnight Rain   Chapter 6

    SA UNANG pagkakataon naramdaman ni Luisa na hindi siya nag-iisa sa buhay. Matapos papasukin si Levi sa bahay, saglit pa silang nag-kuwentuhan nang matapos ang kanyang breaktime ay bumalik na rin siya sa trabaho. Habang abala sa ginagawa sa harap ng computer. Mula sa kuwarto ay naririnig niya na tila kumikilos sa kusina si Levi. Makalipas lang ng sandali, kumatok ito sa nakabukas na pinto ng kanyang silid. Hindi agad nakapagsalita si Luisa nang makitang may bitbit itong pinggan na may laman na sandwich. “I hope you didn’t mind, nakialam ako sa kusina mo. Naisip ko kasi baka magutom ka habang nagtatrabaho.” Napangiti si Luisa. “Thank you,” she mouthed. Nang gumanti ng ngiti sa kanya pabalik si Levi, may kung anong mainit na damdamin ang humaplos sa puso niya. Mula ng sandaling iyon ay naukopa na ng binata ang kanyang isipan. Pilit na tinuon ni Luisa ang atensyon sa pagtatrabaho, pero sa tuwina ay napupunta dito ang kanyang tingin. Nariya

    Last Updated : 2023-06-15
  • Midnight Rain   Chapter 7

    HINDI maipaliwanag ni Luisa ang saya nang magising siya. Pasado alas-tres na ng hapon pero parang kasisikat lang ng araw ang kanyang pakiramdam. Halos mag-aalas siyete na rin siya ng umaga natulog matapos umalis ni Levi, hindi pa agad siya nakatulog dahil nasa isip pa rin niya ang binata. She felt so much alive. Sa unang pagkakataon mula nang tumira siya sa bahay na iyon, naramdaman ni Luisa ang gaan sa kanyang kalooban. There are moments that she wants to just tell her story to someone, share her opinions, or even to laugh with somebody. Hindi niya nagagawa iyon sa nakalipas na isang taon mahigit, pero kanina, naramdaman niyang hindi na siya nag-iisa. That finally, there’s someone ready to be there and listen to her. A companion. A new found friend. Bago bumangon ay nag-inat pa muna siya pagkatapos ay inayos ang kama at pinusod ang kanyang buhok. Paglabas ng silid ay naabutan niya ang kanyang Nanay Elsa sa kusina at nakaupo sa harap ng mesa at may sinusu

    Last Updated : 2023-06-15
  • Midnight Rain   Chapter 8

    “WALA ka pang masyadong kinukwento sa akin tungkol sa’yo,” sabi ni Luisa habang sabay silang kumakain. “You’re not asking,” pabirong sagot ni Levi. Bahagyang natawa ang dalaga. “Ganoon ba ‘yon? Kailangan muna magtanong?” “Naman, baka mamaya kasi magkuwento ako tungkol sa akin tapos sabihan mo ‘ko, tinatanong ko ba?” “Grabe, ang layo naman ng narating ng isip mo!” Natawa rin si Levi. Habang nakatingin sa binata at pinagmamasdan itong tumawa, may kakaibang saya siyang naaramdaman. The sound of his laugh it’s like music to her ears. The way his eyes are almost closed because of laughing so hard. His face lightens up as he smiles. Until her heart skipped when Levi suddenly looks at her. She cleared her throat and smiled before looking away. “Sige na nga, magtatanong na ako.” “What’s your real name?” “Levi Serrano.” Bahagyang napakunot-noo si Luisa. “Serrano,” she repeated and whis

    Last Updated : 2023-06-15
  • Midnight Rain   Chapter 9

    “LUISA, kumusta ka na?” tanong sa kanya ni Ian matapos sagutin ang tawag nito nang hapon na iyon. “I’m okay.” “May nagtangka pa ulit pumasok sa bahay mo?” Napangiti siya. “Wala na. Safe na ako dito saka nahuli na ‘yong magnanakaw at rapist kaya huwag ka nang mag-alala.” Bahagya siyang napakunot-noo nang marinig itong bumuntong-hininga ng malalim. Kahit magka-usap lang sa telepono ay ramdam ni Luisa ang bigat ng kalooban ng kinakapatid. “Ian, okay ka lang ba?” hindi nakatiis niyang tanong. “Yeah, yeah. I’m good.” “May gusto ko bang sabihin?” Sa halip na sumagot ay isang malalim na hininga ulit ang narinig niya mula dito pagkatapos ay tumikhim. “Hindi ka ba nahihirapan diyan?” Napakunot-noo na naman siya sa tanong nito. “H-Hindi naman, bakit?” “Wala naman, naiisip ko lang. Mom has been controlling you since after the accident. Gusto ko lang malaman mo na okay

    Last Updated : 2023-06-16
  • Midnight Rain   Chapter 10

    PAKIRAMDAM ni Luisa ay namumula ang kanyang mukha, ramdam niya ang pag-iinit niyon. Hindi maipaliwanag ng dalaga kung bakit ganoon na lang ang kinilos niya kanina pagkakita kay Levi. Para siyang wala sa kanyang sarili, she hugged him and clung onto him, na para bang siya ang girlfriend. Kaya nang matauhan ay agad siyang lumayo at nagdahilan na may gagawin sandali sa kuwarto. Pero ang totoo, kinailangan niya na lumayo sandali para ayusin ang sarili at ipaalala ng paulit-ulit ang dahilan kaya sila nagkakilala ni Levi. Ilang sandali pa, matapos makabawi ay kinondisyon niyang muli ang sarili at tumikhim bago lumabas ng kanyang kuwarto. Naabutan ni Luisa na nakaupo sa tapat ng mesa at halatang hinihintay siya. “I made a sandwich for you,” sabi pa nito. Nahihiya siyang ngumiti. “Thanks.” “Halika na dito, maupo ka na. Hindi na masyadong masarap yan kapag lumamig.” Sinunod niya ang sinabi nito at naupo na nga sa harap ng dining table.

    Last Updated : 2023-06-16
  • Midnight Rain   Chapter 11

    “NAGISING ako kaninang madaling araw dahil nagpunta ako sa CR tapos parang narinig kita na may kausap?” Bahagyang natigilan si Luisa sa sinabi ni Tere. Pero hindi niya pinahalata na nagulat siya at agad na ngumiti. Nang lumingon kay Nanay Elsa ay nakatingin ito sa kanya. “May ibang tao kang pinasok dito?” kunot ang noo na tanong nito. “Wala po, kliyente ko ‘yon. Negosyante na pinoy na nasa US, natuwa siya na Pinoy ang VA niya, napasarap kuwentuhan namin kaya ayon kung anu-ano napag-usapan bukod sa trabaho,” pagsisinungaling niya. “Ang akala ko day off mo kahapon?” nagtataka na tanong ni Tere.&nbs

    Last Updated : 2023-06-17
  • Midnight Rain   Chapter 12

    “SAAN ba tayo pupunta?” tanong ni Luisa. Mabilis sumenyas sa kanya si Levi na huwag maingay habang dahan-dahan nitong sinasarado ang pinto sa likod bahay. Lumingon siya sa paligid, napakadilim, bukod doon ay malamig din ang ihip ng hangin. Doon sa likod ng bahay ay walang ibang makikita kung hindi ang daan papunta sa kagubatan. Wala masyadong pumupunta doon. Ayon sa mga nakausap dati ni Luisa ay delikado daw doon sa gubat dahil bukod sa masukal at masyado daw madilim doon sa gabi. Bukod pa doon na maaaring may mga mabangis na hayop sa naninirahan, kaya naman pinayuhan ng local government ng Santa Catalina ang mga residente sa paligid ng gubat na iwasan pumunta doon. “Basta,” pabulong na sagot nito. Hindi nasunod ang nauna nila

    Last Updated : 2023-06-17
  • Midnight Rain   Chapter 13

    “HINDI ka ba nahuli pag-uwi mo?” tanong ni Levi sa kanya. Natatawa na umiling si Luisa. “Hindi naman sakto na paglabas ko ng banyo dumating si Nanay Elsa. Ang akala nila naligo ako dahil basa nga ako ng ulan.” “Kailangan mag-doble ingat tayo sa susunod, dapat bago lumiwanag nakauwi ka na.” Hindi maalala ni Luisa kung kailan siya naging ganito para sa isang lalaki. Hindi na niya lolokohin pa ang sarili. Alam niya sa puso at isip na hindi na lang kaibigan ang tingin niya kay Levi. It is more than that. It is more serious, something deeper, something special. Pinanood niya it

    Last Updated : 2023-06-18

Latest chapter

  • Midnight Rain   Chapter 70

    DAHAN-DAHAN binaba ni Luisa sa kama ang anak habang himbing itong natutulog. Hindi mawala ang ngiti sa labi na tinitigan ang maganda at maamong mukha ng anak, si Marié Therese Luisella Ramirez Serrano. Matapos iyon ay maingat siyang naupo sa paanan ng kama at pinasadahan ng tingin ang buong paligid ng pamilyar na silid na iyon. Naroon sila ngayon sa bahay nila sa Santa Catalina. Ang naging tahanan ni Luisa noong may amnesia pa siya. Napakarami niyang alaala sa lugar na iyon. Maganda at masasakit na alaala. Parang kahapon lang, pilit niyang pinapausad ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang virtual assistant. Noon ay para siyang nakalutang sa kadiliman. Nagigising tuwing umaga, nabubuhay ngunit walang maalala. Naputol ang kanyang pag-iisip nang buksan ng hangin ang bin

  • Midnight Rain   Chapter 69

    “MARAMING beses tinangka ni Nanay na lasunin si Ate Luisa, lalo na noong may amnesia pa siya. Palagi ko lang siyang napipigilan, salamat sa Diyos dahil palagi ko rin siyang nakukumbinsi at ginamit ko na dahilan ang paglipat ng mana nila Kuya Levi sa pangalan ko. Ang huling beses niyang tinangka na lasunin si Ate Luisa ay itong mga nakaraan buwan lang, nang magsimula ang renovation ng mansion. Noong gabi ng kasal ni Kuya Levi at Ate Luisa at nangyari ang gulo sa bahay. Naroon ako, nakita ko kung paano pinukpok ni nanay ng malaking kahoy sa ulo si Kuya Levi. Kasama siyang umalis ni Dexter para habulin si Ate Luisa, kasama ako ni Kuya Ian nang tulungan namin si Kuya Levi. Nang biglang dumating si Kuya Levi sa bahay matapos akalain ng lahat na patay na siya. Galit na galit si Nanay. Lalo na nang nalaman niya na ako pa ang nag-alaga kay Kuya noong comatose siya. Halos bugbugin niya ako sa sobrang g

  • Midnight Rain   Chapter 68

    “IAN,” bungad ni Levi pagsagot ng tawag nito. “Nasaan ka?” tanong nito agad. “Nandito sa mansion. Tumawag si Foreman sa akin kanina dahil hindi nila mabuksan itong quarters ni Nanay Elsa, kaya dumaan kami dito para buksan iyong pinto gamit ang duplicate key. Pero nagulat kami ni Luisa sa nakita namin,” paliwanag niya. “Kuya Levi, makinig ka sa akin. Mukhang sa iisang tao ang patungo ng sinabi mo at nang nalaman ko. Nagsalita na si Mommy sinabi na niya sa akin lahat, and this is something that we never saw coming. Pero ang gusto niya ay siya mismo ang magsasabi sa’yo.” “Sige, kakausapin ko siya. Nariyan ka ba s

  • Midnight Rain   Chapter 67

    “MAHAL, iyong tungkol pala sa honeymoon natin? Tuloy pa ba ‘yon?” tanong ni Luisa dito. “Oo naman, bakit mo naitanong?” “Eh wala lang, kasi nga buntis na ako.” Marahan itong natawa at inalis ang tingin sa monitor ng laptop at lumipat sa kanya. “Puwede pa naman tayo mag-honeymoon kahit buntis ka na,” sagot nito. “Wala lang. Excited na rin kasi akong mag-bakasyon tayo.” “Gusto mo bang paagahin natin?” Lumapit si

  • Midnight Rain   Chapter 66

    “HELLO, Kuya Levi.” “Oh Ian, what’s up?” bungad niya pagsagot ng tawag nito. Kasalukuyan siyang nasa opisina sa mga sandaling iyon. Matapos niyang masiguro na nasa maayos nang kalagayan si Luisa ay saka siya bumalik sa trabaho. “Kumusta na si Luisa?” tanong pa nito. “She’s a lot better now. Nasa penthouse lang siya ngayon, nagpapahinga.” “Kuya, tungkol kay Mommy.” Napahinto sa pagtatype si Levi at nagsalubong ang kanyang dalawang kilay.&nb

  • Midnight Rain   Chapter 65

    NAALIMPUNGATAN si Luisa nang mga sandaling iyon matapos maramdaman ang magaan na halik sa kanyang labi. Nang unti-unting dumilat ay bumungad sa kanya ang guwapong mukha ng asawa na bakas ang pag-aalala. “Mahal,” malambing na tawag nito. Nang dumilat ay muli siyang siniil nito ng halik. “Kumusta ka na? Anong nararamdaman mo?” tanong nito. “Iyong baby natin, kumusta na siya?” sa halip ay tanong din agad ni Luisa. “Huwag ka nang mag-alala. Ligtas siya. The baby is in perfectly fine. Ligtas na kayong dalawa. Ikaw? Anong pakiramdam mo ngayon?”&nb

  • Midnight Rain   Chapter 64

    “HANGGANG kailan ang renovations nitong bahay?” tanong ni Ian. Tumingala si Levi at ginala ang paningin sa paligid. Halos fifty percent na ng bahay ang natatapos. Dahil tuloy-tuloy ang gawa at hindi naman nagkululang sa tauhan maging sa materyales, naging mas mabilis ang pagre-renovate. “I think we will be able to finish earlier than the target date. Magaling kasi mga tauhan ng kaibigan kong arkitekto at engineer na may hawak nito. Pero kung isasama pati ang interior, maybe more or less two months.” “Nakikita ko na hands on kayong dalawa ni Luisa.” “Oo. Buti na lang madali siyang matuto, kapag nasa opisina ako, siya lang nag-ov

  • Midnight Rain   Chapter 63

    “ANO ba ang okasyon at nagpahanda kayo?” nakangiti ngunit nagtatakang tanong ni Nanay Elsa. Kakarating pa lang nilang mag-asawa doon sa mansion, pero kagabi pa lang ay tumawag na si Levi sa mayordoma at sinabi na magluto ng dalawa hanggang tatlong putahe para sa maliit na salo-salo. “Huwag kang mag-alala, ‘Nay. Mamaya malalaman n’yo din,” nakangiting sagot ni Luisa. “Nasaan na pala si Tere?” tanong pa niya. “Naku eh, pauwi pa lang. May binili lang sa grocery,” sagot ng babae. “’Nay, kumusta na renovation dito?” tanong naman ni Levi. Dahil sa

  • Midnight Rain   Chapter 62

    “HEY, how are you feeling?” malambing na tanong ni Levi sa kanya. Bahagyang dumilat si Luisa habang nakahiga pa rin sa kama. “Nahihilo pa rin ako. Saka ang bigat ng katawan ko,” sagot niya. Sinalat ni Levi ang noo niya. “Wala ka naman lagnat. Gusto mo magpa-check up na tayo?” Marahan siyang umiling. “Ayokong lumabas. Hindi ko talaga kayang tumayo,” tanggi niya. “Okay, mahiga ka lang muna diyan. I’ll just have to make a call,” sabi pa ni Levi. Agad bumaba ng kama ang kanyang asawa at dinampot ang phone sa ibabaw ng bedside table.&

DMCA.com Protection Status