Lahat ng Kabanata ng The Mafia Boss's Naive Wife (Cosa El Gamma # 1): Kabanata 31 - Kabanata 40

64 Kabanata

Chapter 31

MAAGANG nakatulog si Kira kaya walang abala sa paperwork ni Dimitri. Saglit lang niya itong tinuruan sa mga lessons nito at nakatulog sa sofa roon sa kaniyang opisina. Binuhat niya ito at inilipat sa kuwarto.Nahagip ng paningin niya ang bag ni Kira na nakalabas ang mga laman. Nakapatong lang ito sa ibabaw ng lamesa. Inilabas niya ang ibang laman nito at mayroon na namang chocolate na imported pero ibang brand. Made in Italy pa rin ito. Bukas na ito at may bawas na dalawang bar.Napailing siya. Kira didn’t follow him and still accepted stuff from Luther. Maybe Kira asked for a return from something in Luther’s favor. Hindi naman basta manghihingi ng chocolate si Kira kung walang kapalit. May something sa Luther na ‘yon na mabilis marahuyo ang kaniyang asawa.Hindi siya papayag na maunahan siya ng lalaking ‘yon na mapaibig ang asawa niya. He needs to talk to this as*hole.Kinabukasan ay siya mismo ang naghatid kay Kira sa school at kinausap na rin ang adviser nito. Hindi na niya nahint
Magbasa pa

Chapter 32

NAKASIMANGOT na lumabas ng classroom si Kira dahil mababa ang score niya sa quest. Humabol sa kaniya si Shaira paglabas. Inakbayan siya nito. “Ayos lang ‘yan, Kira. Makabawi ka rin sa susunod na quest,” sabi nito. “Ayaw ko na mag-aral,” nanghihinang sabi niya. “Huwag ka ngang magsalita ng ganyan!” “Tama si Ferry, b*bo ako.” “Hoy! Mas mahina naman ang utak ni Ferry, no. Pinapakopya lang siya ni Antonia na matalino, binabayaran niya. Kaya huwag kang paghinaan ng loob.” Malapit na sila sa cafeteria pero hindi siya makapagpasya kung kakain. Nabusog siya ng chocolate na bigay ni Luther. Mamaya ay kinalabit siya ni Shaira sa balikat. “Hindi ba asawa mo ‘yon, Kira?” anito. Napalinga naman siya sa paligid. Nang makita si Dimitri na nakatayo sa gilid ng pintuan ng cafeteria, wari pinapalo ang dibdib niya. Ang lakas ng tibok ng kaniyang puso. “Dimitri?” sambit niya. “Asawa mo nga! Ang pogi talaga!” kinikilig na usal ni Shaira. Humakbang na patungo sa kanila si Dimitri. Sinalubong na
Magbasa pa

Chapter 33

MAGING sa mga pagkaing naihain sa lamesa ay ikinamangha ni Kira. Maraming pagkain, makukulay, mabango kaya nasabik siyang tikman lahat ang mga ito. Hindi naman siya pinigilan ni Dimitri na lantakan ang pagkain. “Eat slowly, Kira. Walang humahabol sa ‘yo. Puwede kang kumain ng kahit anong gusto mo rito sa restaurant,” sita ni Dimitri. Hindi na siya makapagsalita dahil puno ang kaniyang bibig ng pagkain. Tumango lamang siya bilang tugon kay Dimitri. Ganado siyang kumain dahil gutom na gutom at medyo late na rin para sa hapunan nila. “Ang sasarap kasi ng pagkain!” wika niya nang maubos ang laman ng bibig. “Marami pang pagkain dito kaya huwag kang magmadali.” “Ibig sabihin bibili ka ulit ng pagkain kung maubos natin lahat ito?” Namilog ang kaniyang mga mata. Napailing si Dimitri. “Imposibleng maubos natin lahat ito.” “Uubusin ko ito!” “Baka hindi ka na makalakad mamaya.” “Buhatin mo na lang ako.” Ngumisi siya. “Silly. Damihan mo na lang kainin ang mga gulay at isda.” “Sige ba.”
Magbasa pa

Chapter 34

PAGKATAPOS ng klase sa hapon ay pinapunta si Kira ng guro sa opisina ni Luther para sa weekly guidance session niya. Si Luther umano ang guide niya sa pag-aaral upang mas mabilis niyang masundan ang lessons nila. Kailangan umano niya ito para mapabilis ang development ng kaniyang utak. “Sandali lang, Kira,” pigil sa kaniya ni Manang Sonia. Papasok na sana siya sa gusali kung saan ang opisina ni Luther. Hinabol pala siya ng ginang at ibang boydguards. “Bakit po, Manang?” ‘takang tanong niya. “Sabi ni Conard, samahan daw kita sa loob ng opisina ni Sir Luther,” anito. “Hindi po puwede. Sabi ni Sir Soria, ako lang dapat ang haharap kay Sir Luther para masanay ako.” “Eh, sabi kasi ni Don Dimitri, samahan daw kita.” “Bakit siya ang masusunod? Puwede kayong sasama pero sa labas lang ng opisina ni Sir Luther.” “Sige, puwede na ‘yon.” Tumuloy na sila. Naiwan sa labas ng gusali ang bodyguards at silang dalawa lang ng ginang ang pumasok. Pero sa labas lang ng opisina tumambay si Sonia a
Magbasa pa

Chapter 35

DINAMDAM ni Kira ang sama ng loob dahil sa inasal ni Dimitri. Bumabalik na naman ito sa dati na palaging galit. Hindi siya lumabas ng kuwarto noong gabi at nagpakaalaba sa pagbabasa ng libro. Ilang beses siyang tinawag ni Dimitri upang kakain pero hindi siya lumabas. Umaasa siya na pupuntahan siya nito sa kuwarto pero wala. Lumipas lang ang ilang oras at humilab na ang kaniyang sikmura. Alas nuwebe na ng gabi. Napilitan siyang lumabas at bumaba sa ground floor at madilim na. Talagang tiniis siya ni Dimitri. Pumasok siya sa kusina at kumain. Halos hirap siyang lunukin ang pagkain dahil sa paninikip ng kaniyang dibdib. Hindi pa rin niya maintindihan si Dimitri. Minsan ay okay ito, madalas mainit ang ulo. Pagkatapos kumain ay nagtungo siya sa kuwarto ni Dimitri pero walang tao roon. Hinanap niya ito kung saan. Nabuksan na niya lahat ng ilaw sa bahay pero hindi niya makita si Dimitri. Wala rin ito sa labas. Nang bumalik siya sa ground floor ay may naririnig siyang banayad na da*ng ng
Magbasa pa

Chapter 36

MADILIM na nang nakauwi sila Kira. Kabado siya baka mainit na naman ang ulo ni Dimitri at pagalitan siya. Maingat siyang pumasok ng bahay at sana’y aakyat ng hagdanan ngunit napahinto siya sa gitna ng salas. Kumurap-kurap siya at iginiit na baka nagmamalikmata lamang siya. Nainggit na naman kasi siya kay Shaira dahil nakita niya ulit ang pusa nito nang ihatid nila sa bahay ng mga ito. Binabangungot na ata siya at pati roon sa bahay nila ay may nakikita siyang pusa. Gray naman ang kulay nito, makapal ang balahibo at malaki. Nang lumapit ito sa mga paa niya ay lalo siyang natulala. Kinuskos ng pusa ang ulo nito sa kaniyang binti, ganoon din ang katawan nito. Wari lumukso ang puso niya sa tuwa nang matanto na totoo ang kaniyang nakikita. May pusa na sila! “Wow! Totoo ka ba, memeng?” Umuklo siya at kinarga ang pusa. Sobrang amo nito. May kuwintas pa ito at gold na pendant. Tumingala naman siya sa hagdanan nang marinig ang yabag. Pababa na si Dimitri. “Do you like the cat?” tanong ni
Magbasa pa

Chapter 37

KASABAY ni Kira si Dimitri na umalis ng bahay pero hiwalay sila ng kotse. Bago naman siya umalis ng bahay ay nilagyan niya ng pagkain ang plato ni Misty at may inumin. May ginawa rin si Dimitri na kahon na merong buhangin kung saan puwedeng makapopo si Misty. Masaya siya dahil sinusuportahan siya ni Dimitri sa gusto niyang mag-alaga ng pusa. Kahit papano ay hindi na ito kontrabida. Pagdating sa classroom nila ay naikuwento kaagad niya kay Shaira na meron na siyang pusa. Kahit sa lunch break ay pusa pa rin ang usapan nila ni Shaira. Kasalo nila sa tanghalian si Manang Sonia at tuwang-tuwa ito dahil may pusa na siya ulit. “Maganda ba ang pusa mo, Kira?” tanong ni Sonia. “Opo! Grey ang kulay niya, makapal ang balahibo. Ang cute-cute nga. At saka sabi ni Dimitri, mahal daw ang pusa na ‘yon,” aniya. “Mabuti pumayag si Don na mag-alaga ka ng pusa sa bahay niya.” “Pumayag na po siya. Siya pa nga bumili kay Misty.” “Hm, malaki na talaga ang pinagbago ni Don simula noong kinuha ka niya.
Magbasa pa

Chapter 38

“HINDI ka na puwedeng babalik sa bahay ninyo, Kira,” tanging nawika ni Dimitri. Awtomatikong naglaho ang ngiti ni Kira. Inaasahan pa naman niya na papayagan siya ni Dimitri na makita ang dati nilang bahay. “Bakit naman? Gusto kong makita ang bahay namin,” nakasimangot niyang usal. “Wala ka nang dapat balikan sa bahay na iyon, Kira. Doon namatay ang parents mo, at maraming hindi magandang pangyayari na maaring magpalala sa sakit mo.” “Pero palagi kong napanaginipan ang bahay. Hindi ako makatulog at gusto kong puntahan ang bahay.” “No. Mas mabuting huwag mo nang isipin pa ang bahay.” “Eh, hindi nga ako makatulog. Bakit ba ayaw mong maalala ko ang nakaraan?” may tampong gagad niya. Matiim na tumitig sa kaniya si Dimitri. “Your past won’t help you recover, Kira. Kailangan mo munang gumaling mula sa trauma. Kung babalik ka sa bahay n’yo, babalik din ang trauma mo. Hintayin nating maging healthy ang utak mo para malabanan ang trauma.” Gusto pa rin niyang ipilit ang kaniyang gusto. N
Magbasa pa

Chapter 39

NAG-APURA nang kumain si Kira dahil excited na siyang magpaturo kay Dimitri kung paano lumangoy. Makaliligo na rin siya sa swimming pool. Masasarap ang niluto nitong pagkain kaya ganado siyang kumain. Magagaan naman sa tiyan ang mga ito dahil wala masyadong carbohydrates. Nahuli siyang natapos kumain at siya na ang nagligpit ang mga kubyertos. May oras na sinabi si Dimitri kung kailan sila maliligo sa pool. Dahil busog pa, alas diyes magsisimula ang pagsasanay nila. Kahit isang oras lang, sapat na iyon sa kaniya. Nauna na sa swimming pool si Dimitri at naliligo na. Nang matapos siya sa paghuhugas ng mga kubyertos ay tumakbo na siya sa labas. Halos magkandadapa pa siya sa pagmamadali. Pagdating sa swimming pool ay kaagad siyang naghubad ng damit, tanging ternong itim na underwear lang ang kaniyang suot. Nagpapalutang sa tubig si Dimitri at nakapikit. “Uy, Dimitri! Narito na ako!” tawag niya sa atensiyon nito. Tila hindi siya nito narinig. Natutulog na ata ito sa ibabaw ng tubig. H
Magbasa pa

Chapter 40

KAHIT hindi na maintindihan ang nangyayari sa kaniya ay tumuloy pa rin si Kira. Binuksan na ng bodyguard ang pinto ng bahay. Malinis naman sa loob dahil sabi ni Dimitri ay pinalilinis nito iyon sa tauhan nito. Nasa bukana pa lamang siya ng pintuan ay ramdam na niya ang pamilyar na emosyon. Base sa kaniyang panaginip, doon sa maluwag na salas niya nakita ang mga magulang niya na nakaluhod at binabaril ng mga lalaki. Sa sahig na iyon dumanak ang dugo. Habang nakatitig siya sa sahig, wari binubusa ang kaniyang puso. Hindi man niya maalala ang buong pangyayari, ramdam ng puso niya ang pighati. Tumulin ang tibok ng kaniyang puso, wari hihimatayin siya. Kumapit siya sa braso ni Dimitri nang bahagya siyang nahilo. Naituon naman niya ang kaniyang paningin sa hagdanan na yare sa kahoy. Sa kaniyang isip ay nakikita niya ang kaniyang sarili na patakbong umakyat ng hagdan, pumasok sa isang silid. “Gusto kong umakyat doon,” sabi niya kay Dimitri. Itinuro niya ang ikalawang palapag. Sinamahan
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status