KASABAY ni Kira si Dimitri na umalis ng bahay pero hiwalay sila ng kotse. Bago naman siya umalis ng bahay ay nilagyan niya ng pagkain ang plato ni Misty at may inumin. May ginawa rin si Dimitri na kahon na merong buhangin kung saan puwedeng makapopo si Misty. Masaya siya dahil sinusuportahan siya ni Dimitri sa gusto niyang mag-alaga ng pusa. Kahit papano ay hindi na ito kontrabida. Pagdating sa classroom nila ay naikuwento kaagad niya kay Shaira na meron na siyang pusa. Kahit sa lunch break ay pusa pa rin ang usapan nila ni Shaira. Kasalo nila sa tanghalian si Manang Sonia at tuwang-tuwa ito dahil may pusa na siya ulit. “Maganda ba ang pusa mo, Kira?” tanong ni Sonia. “Opo! Grey ang kulay niya, makapal ang balahibo. Ang cute-cute nga. At saka sabi ni Dimitri, mahal daw ang pusa na ‘yon,” aniya. “Mabuti pumayag si Don na mag-alaga ka ng pusa sa bahay niya.” “Pumayag na po siya. Siya pa nga bumili kay Misty.” “Hm, malaki na talaga ang pinagbago ni Don simula noong kinuha ka niya.
“HINDI ka na puwedeng babalik sa bahay ninyo, Kira,” tanging nawika ni Dimitri. Awtomatikong naglaho ang ngiti ni Kira. Inaasahan pa naman niya na papayagan siya ni Dimitri na makita ang dati nilang bahay. “Bakit naman? Gusto kong makita ang bahay namin,” nakasimangot niyang usal. “Wala ka nang dapat balikan sa bahay na iyon, Kira. Doon namatay ang parents mo, at maraming hindi magandang pangyayari na maaring magpalala sa sakit mo.” “Pero palagi kong napanaginipan ang bahay. Hindi ako makatulog at gusto kong puntahan ang bahay.” “No. Mas mabuting huwag mo nang isipin pa ang bahay.” “Eh, hindi nga ako makatulog. Bakit ba ayaw mong maalala ko ang nakaraan?” may tampong gagad niya. Matiim na tumitig sa kaniya si Dimitri. “Your past won’t help you recover, Kira. Kailangan mo munang gumaling mula sa trauma. Kung babalik ka sa bahay n’yo, babalik din ang trauma mo. Hintayin nating maging healthy ang utak mo para malabanan ang trauma.” Gusto pa rin niyang ipilit ang kaniyang gusto. N
NAG-APURA nang kumain si Kira dahil excited na siyang magpaturo kay Dimitri kung paano lumangoy. Makaliligo na rin siya sa swimming pool. Masasarap ang niluto nitong pagkain kaya ganado siyang kumain. Magagaan naman sa tiyan ang mga ito dahil wala masyadong carbohydrates. Nahuli siyang natapos kumain at siya na ang nagligpit ang mga kubyertos. May oras na sinabi si Dimitri kung kailan sila maliligo sa pool. Dahil busog pa, alas diyes magsisimula ang pagsasanay nila. Kahit isang oras lang, sapat na iyon sa kaniya. Nauna na sa swimming pool si Dimitri at naliligo na. Nang matapos siya sa paghuhugas ng mga kubyertos ay tumakbo na siya sa labas. Halos magkandadapa pa siya sa pagmamadali. Pagdating sa swimming pool ay kaagad siyang naghubad ng damit, tanging ternong itim na underwear lang ang kaniyang suot. Nagpapalutang sa tubig si Dimitri at nakapikit. “Uy, Dimitri! Narito na ako!” tawag niya sa atensiyon nito. Tila hindi siya nito narinig. Natutulog na ata ito sa ibabaw ng tubig. H
KAHIT hindi na maintindihan ang nangyayari sa kaniya ay tumuloy pa rin si Kira. Binuksan na ng bodyguard ang pinto ng bahay. Malinis naman sa loob dahil sabi ni Dimitri ay pinalilinis nito iyon sa tauhan nito. Nasa bukana pa lamang siya ng pintuan ay ramdam na niya ang pamilyar na emosyon. Base sa kaniyang panaginip, doon sa maluwag na salas niya nakita ang mga magulang niya na nakaluhod at binabaril ng mga lalaki. Sa sahig na iyon dumanak ang dugo. Habang nakatitig siya sa sahig, wari binubusa ang kaniyang puso. Hindi man niya maalala ang buong pangyayari, ramdam ng puso niya ang pighati. Tumulin ang tibok ng kaniyang puso, wari hihimatayin siya. Kumapit siya sa braso ni Dimitri nang bahagya siyang nahilo. Naituon naman niya ang kaniyang paningin sa hagdanan na yare sa kahoy. Sa kaniyang isip ay nakikita niya ang kaniyang sarili na patakbong umakyat ng hagdan, pumasok sa isang silid. “Gusto kong umakyat doon,” sabi niya kay Dimitri. Itinuro niya ang ikalawang palapag. Sinamahan
NATATARANTA si Kira nang sabihin ni Dimitri na may bisita sila. Inutusan siya nitong magluto ng masarap na putahe. Pinapunta naman nito roon sa bahay si Sonia upang tulungan siya. “Dalawa ang bisita natin, Kira. Si Craig ang isa,” sabi ni Dimitri. Hinatid nito ang grocery na pinabili nito sa driver. “Sino naman ang isa?” aniya. “Si Duke. Hindi mo pa siya nakita pero mamaya ay makikilala mo siya. He’s nice, too.” “Ah, sige. Sasarapan ko na lang ang luto ko para matuwa sila,” determinadong sabi niya. “Gawa ka rin ng dessert.” Tumango siya kahit walang ideya sa dessert. Nang umalis si Dimitri ay siya namang dating ni Sonia. May dala na itong kinayod na niyog. “Ano po ang gagawin natin sa niyog, Manang?” tanong niya. “Gagataan natin ang malalaking alimango na pinabili ni Don. Gusto raw kasi ‘yon ng kaibigan ni Don.” “Ah, mukhang masarap nga ‘yon.” “Lutuin mo na ang mga gulay.” “Gagawa rin daw tayo ng dessert. Ano kaya ang masarap?” Napaisip siya ng mas masarap na panghimagas.
KINILIG sa tuwa si Kira dahil nagustuhan ng mga bisita ang niluto niyang gulay. At nang matikman ang strawberry pudding niya ay napangiti ang dalawang bisita.“Ang sarap nito, Kira! Hindi na ako naniniwala na gumagamit ka ng kodego sa pagluluto,” komento ni Craig.“I agreed. Kahit may kodego, kung walang passion at interes sa pagluluto ang isang tao, hindi nito basta mapapasarap ang pagkain,” gatong naman ni Duke.“Salamat sa inyo!” malapad ang ngiting wika niya.Inaabangan naman niya ang komento ni Dimitri. Seryoso itong kumain ng strawberry pudding. Dahil tila wala itong balak magsalita, kinalabit niya ito sa braso.“Ano, masarap ba ang dessert ko, ha?” hindi natimping tanong niya rito.“Yes, sobrang sarap. I can’t believe that you did this. I’m impressed,” sa wakas ay wika nito.Napapiksi pa siya sa kilig at napahalik sa pisngi ni Dimitri. “Kahit may kodego ako sa pagluluto, sinamahan ko naman ‘yan ng effort para mapasaya ka,” aniya.Napatitig sa kaniya si Dimitri at tipid na ngumi
HALOS paliparin ni Dimitri ang kotse kahit pa traffic sa kalye. Siya na ang nagmaneho dahil hindi siya kontento sa driver. Kaka-update lang ni Conard at sinabing hindi kinaya ng mga ito ang dami ng kalaban at puro sniper ang bumabanat ng tira.Lalo siyang nanggalaiti nang malamang nakuha ng kalaban si Kira, nabaril pa si Manang Sonia. It’s useless, Manang Sonia informed Conard late that the enemy had plan to attack his men with Kira. But he can’t blame Sonia, either. Alam niya may mas malalim itong dahilan bakit ito may koneksiyon sa kaniyang kaaway.He already contacted Duke and asked for a backup. Binuksan niya ang monitoring device na konektado sa kuwintas ni Kira. And he still had an update where the enemies and Kira at the moment.Nakarating na siya sa location nila Conard at maraming patay sa tao niya, mostly ay sugatan. Late nang nagsumbong si Manang Sonia kung kailan pauwi na kaya kulang ang paghahanda ng tauhan niya. Isa pa, hindi tantiyado ng mga ito ang kalaban.Dinala sa o
PAGDATING sa ospital ay unang pinuntahan ni Kira si Manang Sonia sa ward nito. Napawi ang hinagpis niya nang malamang buhay ito. Sa kanang balikat ito tinamaan ng bala. “Okay lang ako, Kira. Punta ka na roon sa doktor para magamot ka,” nanghihinang sabi ng ginang. Tumango naman siya at sumunod na kay Dimitri. Ipinasok na siya sa emergency room at inasikaso ng mga nurse at doktor. Noon lang niya dinamdam ang sugat niya sa braso, ni hindi niya maalala kung paano siya nasugat. Hindi naman ito malaki, tila nasagi lang sa matalim na bagay. Nang malapatan ng lunas ang kaniyang sugat, inilipat na rin siya sa pribadong kuwarto. May ibang doktor na bumisita sa kaniya at kinausap siya. Nagkuwento lang naman siya kung ano ang naramdaman niya noong dinukot siya ng mga lalaki. “Gusto ko puntahan si Manang Sonia, Dimitri,” sabi niya sa asawa nang silang dalawa na lamang ang naiwan sa kuwarto. May suwerong nakakabit sa kaliwang kamay niya at naiirita siya rito. Ayaw naman itong ipatanggal ni Di
SEVEN months later.Hindi umabot sa due date ang panganganak ni Kira. Mabuti madaling araw humilab ang kaniyang tiyan at kasama niya si Dimitri. Naalimpungatan pa ito nang kagatin niya sa braso dahil hindi nagising ng kalabit niya.Pagdating sa ospital ay hindi na nakapaghintay ang baby niya sa paglabas. Kahihiga lang niya sa kama ay lumabas na ito. Nakaabang naman ang doktor at kaagad inasikaso ang kaniyang anak. Konting iri lang ang ginawa niya dahil lumuwa na ang ulo ng kaniyang anak.“Excited si Baby lumabas, ah,” sabi ng doktor nang matagumpay na mailabas ang kaniyang anak.Nanghihinang nagmulat siya ng mga mata. Naroon na si Dimitri at karga na ang kaniyang anak na lalaki. Hindi nga nagkamali ang doktor na lalaki ang anak nila. Katunayan ay nabigyan na ito ng pangalan ni Dimitri.“Welcome to the world, Baby Drake!” bati ni Dimitri sa kanilang anak.Hindi naman siya tumutol sa napili nitong pangalan ng anak nila dahil gustong-gusto rin niya ito. Excited na siyang mahawakan ang kan
PAGDATING ng bahay ay si Misty kaagad ang hinanap ni Kira. Na-miss din siya nito kaya malayo pa lang ay umingay na ito. Nang yakapin niya ay mahihgpit din ang kapit nito sa kaniyang balikat. Sinalubong din siya ng dalawang ginang at niyakap. “Salamat sa Diyos at hindi ka nasaktan, Kira,” humihikbing wika ni Sonia. Naiyak na rin si Kulasa. “Hindi naman po. Tinulungan naman ako ni Luther para hindi ako masaktan,” aniya. “Eh, si Luther, nasaan na siya? Nasaan ang anak ko?” balisang saad ng si Sonia. Hindi siya kumibo. Mabuti lumapit si Dimitri at ito na ang kumausap kay Sonia. “Ligtas si Luther, Manang. Huwag kayong mag-alala. Pupunta rin siya rito para sunduin kayo once naayos na niya ang problema sa company,” sabi ni Dimitri. “Diyos ko! Salamat talaga!” napaiyak na namang usal ng ginang. Napayakap pa ito kay Dimitri. “Salamat din at hindi mo sinaktan ang anak ko, Don. Sobrang saya ko.” Lumayo rin ito kay Dimitri. “Biktima rin po ang anak n’yo kaya hindi ko siya masisi. Pareho k
HALOS kasabay lang dumating nila Dimitri ang grupo ni Simion sa location ni Luther. And they didn’t expect that Simion would notice them. Ayaw papasukin ng tauhan ni Luther ang mga ito sa gate kaya nagkagulo. Naunang nagpaputok ng baril ang panig ni Simion. Sinundo pa ng piloto nila ang ibang backup nila kaya nakiisa muna sila sa tauhan ni Luther upang mapigil ang tauhan ni Simion na makapasok nang tuluyan sa main gate. Malawak ang lupain at napaligiran ng bundok at ilog kaya malayo sa bayan. Mataas din ang pader nito at hindi basta mapapasok. Inaalala niya si Kira kaya nauna na siyang pumasok sa gusali. Doon ay sinalubong siya ni Luther. “Where’s Kira?” tanong niya rito. “She’s in the room. But before you go there, give me the key first,” ani Luther. “Ihatid mo muna ako kay Kira.” Tumalima naman si Luther. Sinamahan siya nito sa second floor at pinuntahan ang kuwarto kung nasaan si Kira. May susi ito ng kuwarto kaya nito nabuksan. Nauna siyang pumasok at namataan niya si Kira n
DAHIL namo-monitor ni Simion ang kilos niya, hindi ginamit ni Dimitri ang kaniyang cellphone. Iniwan lang niya ito sa bahay at bagong cellphone ang kaniyang ginamit. Upang matiyak na hindi mapurnada ang plano, uunahin nilang tatapusin si Simion. Wala siyang tiwala na kaya itong patayin ni Luther. Pinagtapat na rin niya kay Sonia ang totoo tungkol kay Luther. Nagmakaawa ito sa kaniya na huwag niyang patayin ang anak nito. Hindi masasaktan si Luther kung maayos itong maki-cooperate sa kanila. Kahit apat na oras lang ang naitulog niya, aktibo pa rin siya sa pagpaplano sa pagsugod sa teritoryo ni Simion. Katuwang naman niya ang mafia leaders ng Cosa El Gamma local branch. At sa tulong din ni Chase ay nakakuha sila ng sapat na impormasyon, natantiya kung gaano kalakas ang kalaban. Nasa opisina siya ng CEG nang tawagan niya ang cellular number ni Luther, na binigay ni Leoford. Tanghali na kaya tiyak na masasagot na nito ang tawag. “Hello!” ani Luther sa kabilang linya. “It’s me, si Dim
“L-LUTHER?” bigkas ni Kira nang maselayan ang mukha ng lalaki na nagtanggal ng maskara. Kumurap-kurap pa siya sa akalang nagmamalikmata lamang siya. Pero hindi, totoong si Luther ang kaniyang kaharap. Lumuklok ito sa bandang paanan ng kama. “I’m sorry, I need to do this to save you,” sabi nito. “I-Ikaw ang kumuha sa akin sa school?” gilalas niyang tanong. “Yes, pero inutusan ako ng dad ko. Kaso may natuklasan ako kaya nagdesisyon ako na kunin ka ulit sa tauhan niya.” “A-Anong natuklasan?” Tuluyang kumalma ang kaniyang sistema. Bahagyang napayuko si Luther at nanilim ang anyo. Bakas sa imahe nito ang lungkot at sakit. Hanggang sa naselayan niya ang butil-butil nitong luha na lumaya mula sa mga mata nito. “I've been fooled in my entire life,” gumaralgal ang tinig na usal nito. Bumigat ang pakiramdam niya sa dibdib habang naktitig kay Luther. Ramdam niya ang sakit na nababakas sa tinig nito. “A-Anong nangyari?” tanong niya. Nabasag ang kaniyang tinig dahil sa nagbabadyang mabiga
HINTAY nang hintay si Dimitri sa pagbabalik ni Kira ngunit inabot na ng thrity minutes, wala pa ito. Mamaya ay bumalik si Sonia, wala si Kira. Balisang-balisa ito. “Where’s Kira?” tanong nya. “Don, nawala si Kira. Hindi ko siya makita sa banyo kahit sa labas. Pero may nakakita kay Shaira sa likod ng cafeteria na walang malay. Naiwan din doon ang cellphone at bag ni Kira, napulot ko,” lumuluhang sumbong nito. Inabot nito sa kaniya ang cellphone ni Kira at bag. “Sh*t!” bulalas niya. May dumampot kay Kira! “Paanong nakalusot ang hayop na ‘yon? Mahigpit na ang security!” Nanggalaiti na siya. Inutusan niya ang mga tao niya na halughugin ang paligid. Ang problema, hindi suot ni Kira ang kuwintas na may tracking device. Ang suot nito ay ang bagong bili niyang alahas na terno sa hikaw at bracelet para tugma sa gown nito. Tinaon ng kidn*pper na busy ang lahat at ayon kay Conard, inisa-isa naman ng secutiry personnel ang lahat ng taong nakapasok. Isang gate lang ang daanan pero may isa pan
HINDI mapakali si Dimitri habang lulan ng kotse. Pauwi na rin siya kaso buhol-buhol na ang traffic. Naka-ilang tawag na siya kay Kira pero hindi ito sumasagot simula pa alas dos ng hapon. Noong tawagan naman niya si Conard, sinabi nito na nakauwi na ang mga ito. Isinama umano ni Kira si Shaira sa bahay. Imposibleng natulog si Kira na naroon si Shaira. Gabi na, hindi man lang nagtanong si Kira kung magluluto ba ito, bagay na madalas nitong gawin. Minsan kasi ay nagdadala na siya ng lutong pagkain kaya hindi niya ito pinaluluto. Pagpasok sa kaniyang property, sinalubong siya ni Conard sa parking lot. Kaagad siyang bumaba bitbit ang bag ng kaniyang laptop. “What happened?” bungad niya rito. “Uh, kasisilip ko lang po sa bahay n’yo, madilim naman sa loob. Naka-lock ang gate at walang abiso n’yo kaya hindi ako pumasok. Naisip ko baka nakatulog si Ma’am Kira,” ani Conard. “What about Shaira? Umuwi na ba siya?” “Hindi pa nga po. Baka nariyan lang sila sa loob. Pumasok din kanina sina Ate
DAHIL matutuloy ang pagsali ni Kira sa beauty contest ng school, ganado na siyang mag-review para sa exam. Sabado ng hapon pag-uwi galing school ay isinama niya si Shaira sa bahay. Pumayag naman si Dimitri at natuwa pa dahil pinakita niya ang result ng long quest niila. Mataas ang score na nakuha niya. Bago mag-review, nagluto pa sila ni Shaira ng meryenda nilang pizza pie. Na-amaze siya kay Shaira dahil magaling itong magluto. “Mahilig kasi ako magluto kaya inaral ko,” sabi nito. Mabilis namang naluto ang pizza nila. Saktong pumasok sa kusina si Dimitri. Busy ito sa opisina nito pero biglang ginutom sa amoy ng niluluto nila. “Nagpaturo ako kay Shaira magluto ng pizza, Dimitri!” aniya. “Wow! That’s nice. Hindi na tayo bibili sa labas,” ani Dimitri. Inilabas na ni Shaira ang dalawang pizza pie na sabay naluto. Dinamihan nila ang cheese nito kaya lalo siyang natatakam. Alam niya na paborito rin ito ni Dimitri lalo maraming olives at bellpepper. “Madalas ako mag-bake nito dahil gu
NAUDLOT ang klase nila Kira nang may pumasok na mga lalaki sa classroom nila at dinampot si Ferry. Nagwawala ito pero hindi nakapalag. Wala silang alam sa nangyayari at walang abisong pumasok ang mga lalaking naka-itim, staff din ng school. “Ano’ng nangyayari?” balisang tanong niya. Napapatayo na rin siya. “Baka may kasalanan si Ferry,” ani Shaira. Dumating naman ang adviser nila at pinatahimik sila. Umupo naman silang lahat at nakinig sa guro na nagsasalita sa harap. “Anyone who was involved to Ferry’s violation will also get the punishment. For your information, matatanggal na rito sa school si Ferry,” sabi ng guro. Umugong na ang bulungan. “Bakit po, sir?” tanong naman ng isang lalaki sa likuran. “It’s about Kira’s scandalous video with Sir Luther. The staff proved that Ferry was responsible for taking a video and uploading it to social media using her dummy account. Those acts were a serious offense, and she will automatically kick out of this school. And those who helped Fe