KAHIT hindi na maintindihan ang nangyayari sa kaniya ay tumuloy pa rin si Kira. Binuksan na ng bodyguard ang pinto ng bahay. Malinis naman sa loob dahil sabi ni Dimitri ay pinalilinis nito iyon sa tauhan nito. Nasa bukana pa lamang siya ng pintuan ay ramdam na niya ang pamilyar na emosyon. Base sa kaniyang panaginip, doon sa maluwag na salas niya nakita ang mga magulang niya na nakaluhod at binabaril ng mga lalaki. Sa sahig na iyon dumanak ang dugo. Habang nakatitig siya sa sahig, wari binubusa ang kaniyang puso. Hindi man niya maalala ang buong pangyayari, ramdam ng puso niya ang pighati. Tumulin ang tibok ng kaniyang puso, wari hihimatayin siya. Kumapit siya sa braso ni Dimitri nang bahagya siyang nahilo. Naituon naman niya ang kaniyang paningin sa hagdanan na yare sa kahoy. Sa kaniyang isip ay nakikita niya ang kaniyang sarili na patakbong umakyat ng hagdan, pumasok sa isang silid. “Gusto kong umakyat doon,” sabi niya kay Dimitri. Itinuro niya ang ikalawang palapag. Sinamahan
NATATARANTA si Kira nang sabihin ni Dimitri na may bisita sila. Inutusan siya nitong magluto ng masarap na putahe. Pinapunta naman nito roon sa bahay si Sonia upang tulungan siya. “Dalawa ang bisita natin, Kira. Si Craig ang isa,” sabi ni Dimitri. Hinatid nito ang grocery na pinabili nito sa driver. “Sino naman ang isa?” aniya. “Si Duke. Hindi mo pa siya nakita pero mamaya ay makikilala mo siya. He’s nice, too.” “Ah, sige. Sasarapan ko na lang ang luto ko para matuwa sila,” determinadong sabi niya. “Gawa ka rin ng dessert.” Tumango siya kahit walang ideya sa dessert. Nang umalis si Dimitri ay siya namang dating ni Sonia. May dala na itong kinayod na niyog. “Ano po ang gagawin natin sa niyog, Manang?” tanong niya. “Gagataan natin ang malalaking alimango na pinabili ni Don. Gusto raw kasi ‘yon ng kaibigan ni Don.” “Ah, mukhang masarap nga ‘yon.” “Lutuin mo na ang mga gulay.” “Gagawa rin daw tayo ng dessert. Ano kaya ang masarap?” Napaisip siya ng mas masarap na panghimagas.
KINILIG sa tuwa si Kira dahil nagustuhan ng mga bisita ang niluto niyang gulay. At nang matikman ang strawberry pudding niya ay napangiti ang dalawang bisita.“Ang sarap nito, Kira! Hindi na ako naniniwala na gumagamit ka ng kodego sa pagluluto,” komento ni Craig.“I agreed. Kahit may kodego, kung walang passion at interes sa pagluluto ang isang tao, hindi nito basta mapapasarap ang pagkain,” gatong naman ni Duke.“Salamat sa inyo!” malapad ang ngiting wika niya.Inaabangan naman niya ang komento ni Dimitri. Seryoso itong kumain ng strawberry pudding. Dahil tila wala itong balak magsalita, kinalabit niya ito sa braso.“Ano, masarap ba ang dessert ko, ha?” hindi natimping tanong niya rito.“Yes, sobrang sarap. I can’t believe that you did this. I’m impressed,” sa wakas ay wika nito.Napapiksi pa siya sa kilig at napahalik sa pisngi ni Dimitri. “Kahit may kodego ako sa pagluluto, sinamahan ko naman ‘yan ng effort para mapasaya ka,” aniya.Napatitig sa kaniya si Dimitri at tipid na ngumi
HALOS paliparin ni Dimitri ang kotse kahit pa traffic sa kalye. Siya na ang nagmaneho dahil hindi siya kontento sa driver. Kaka-update lang ni Conard at sinabing hindi kinaya ng mga ito ang dami ng kalaban at puro sniper ang bumabanat ng tira.Lalo siyang nanggalaiti nang malamang nakuha ng kalaban si Kira, nabaril pa si Manang Sonia. It’s useless, Manang Sonia informed Conard late that the enemy had plan to attack his men with Kira. But he can’t blame Sonia, either. Alam niya may mas malalim itong dahilan bakit ito may koneksiyon sa kaniyang kaaway.He already contacted Duke and asked for a backup. Binuksan niya ang monitoring device na konektado sa kuwintas ni Kira. And he still had an update where the enemies and Kira at the moment.Nakarating na siya sa location nila Conard at maraming patay sa tao niya, mostly ay sugatan. Late nang nagsumbong si Manang Sonia kung kailan pauwi na kaya kulang ang paghahanda ng tauhan niya. Isa pa, hindi tantiyado ng mga ito ang kalaban.Dinala sa o
PAGDATING sa ospital ay unang pinuntahan ni Kira si Manang Sonia sa ward nito. Napawi ang hinagpis niya nang malamang buhay ito. Sa kanang balikat ito tinamaan ng bala. “Okay lang ako, Kira. Punta ka na roon sa doktor para magamot ka,” nanghihinang sabi ng ginang. Tumango naman siya at sumunod na kay Dimitri. Ipinasok na siya sa emergency room at inasikaso ng mga nurse at doktor. Noon lang niya dinamdam ang sugat niya sa braso, ni hindi niya maalala kung paano siya nasugat. Hindi naman ito malaki, tila nasagi lang sa matalim na bagay. Nang malapatan ng lunas ang kaniyang sugat, inilipat na rin siya sa pribadong kuwarto. May ibang doktor na bumisita sa kaniya at kinausap siya. Nagkuwento lang naman siya kung ano ang naramdaman niya noong dinukot siya ng mga lalaki. “Gusto ko puntahan si Manang Sonia, Dimitri,” sabi niya sa asawa nang silang dalawa na lamang ang naiwan sa kuwarto. May suwerong nakakabit sa kaliwang kamay niya at naiirita siya rito. Ayaw naman itong ipatanggal ni Di
WALA man masyadong naintindihan si Kira sa usapan ng mga lalaki, ramdam niya na may something sa mga ito at napag-uusapan siya. Curious siya sa bagong lalaki na kasama ni Craig, may hawig kasi ito kay Dimitri, mas matapang lang ang hilatsa ng mukha. Kung magsalita ito ay parang galit kaya natakot siyang kausapin. Umalis din ang mga bisita at hinatid ni Dimitri sa labas. Bumalik din ito kaagad at may kasama ng doktor. “Puwede na makauwi ng pasyente since stable na ang katawan niya. Kailangan niyang mag-relax,” sabi ng doktor kay Dimitri. “Thank you, Doc. I need a nurse to assist us,” ani Dimitri. “Okay. Just wait a minute.” Umalis din ang doktor matapos bigyan ng papel si Dimitri. Napanatag siya dahil uuwi na sila. Iniisip kasi niya si Misty baka gutom na. “Uwi na tayo kaagad, Dimitri. Baka iiyak na sa gutom si Misty,” aniya. “May iniwan akong pagkain at inumin ni Misty. Don’t worry. We need to wait for the nurse.” Inayos na nito ang gamit nila. Naiwan sa kotse ang kaniyang bag
TATLONG araw pa lamang sa bahay si Kira ay naiinip na siya. May module naman siya at online class pero gusto pa rin niya sa school. Panay pa ang alis ni Dimitri kaya halos maiyak siya sa lungkot. Biyernes ng umaga ay inagahan niyang nagising dahil gusto niyang sumama kay Dimitri sa opisina. Doon siya mag-aaral online. Nakapagluto na siya nang magising ito at nakaligo na, nakabihis. “Aalis ka na ba, ha?” natatarantang tanong niya sa asawa. Naghain na siya ng pagkain sa hapag. “Yes. I have a meeting and other outdoor appointments,” anito. “Sasama ako sa ‘yo!” “No.” Bumusangot na siya. “Sige, papasok na lang ako sa school.” “No, Kira. Dito ka lang muna.” “Eh, naiinip na nga ako rito.” “May online class ka.” “Dadalhin ko naman ang laptop ko at si Misty. Hindi naman ako manggugulo sa office mo.” “Please huwag mo nang ipilit ang gusto mo.” “Sige, hindi ako kakain!” Tumalikod siya at akmang aalis. “Fine! Maligo ka na dahil maaga ang meeting ko,” mayamaya ay sabi ni Dimitri. Im
KAHIT nawala na ang inis ni Kira, nagkukunwari pa rin siyang galit habang kaharap si Dimitri. Pero kung wala ito, halos mangisay naman siya sa kilig. May bago siyang diskubre na diskarte kung paano siya lalambingin ni Dimitri. Nang dumating ang pinabili nitong pizza ay sinusubuan siya nito dahil nagsisimula na ang online class niya sa ibang subject. Kunwari may tampo pa rin siya at nakasimangot para lang huwag siyang iwan doon ni Dimitri. Tinutulungan din siya nito sa pagsagot ng mga tanong ng guro, pabulong. Nang matapos ang online class niya ay nagkunwari siyang masama ang pakiramdam. “Ano ba ang nararamdaman mo?” tanong naman ni Dimitri. “Nanghihina ako, parang hindi ko maituwid ang mga tuhod ko,” aniya. “Nagpaapekto ka kasi sa emosyon mo. I told you to relax.” Hindi pa rin siya tumayo dahil gusto niya na buhatin siya ni Dimitri. Nakaupo lang din ito sa kaniyang tabi. “Sino ba kasi ‘yong babaeng humalik sa ‘yo?” nakangusong tanong niya. “Anak siya ng investor ko sa company.