KAHIT nawala na ang inis ni Kira, nagkukunwari pa rin siyang galit habang kaharap si Dimitri. Pero kung wala ito, halos mangisay naman siya sa kilig. May bago siyang diskubre na diskarte kung paano siya lalambingin ni Dimitri. Nang dumating ang pinabili nitong pizza ay sinusubuan siya nito dahil nagsisimula na ang online class niya sa ibang subject. Kunwari may tampo pa rin siya at nakasimangot para lang huwag siyang iwan doon ni Dimitri. Tinutulungan din siya nito sa pagsagot ng mga tanong ng guro, pabulong. Nang matapos ang online class niya ay nagkunwari siyang masama ang pakiramdam. “Ano ba ang nararamdaman mo?” tanong naman ni Dimitri. “Nanghihina ako, parang hindi ko maituwid ang mga tuhod ko,” aniya. “Nagpaapekto ka kasi sa emosyon mo. I told you to relax.” Hindi pa rin siya tumayo dahil gusto niya na buhatin siya ni Dimitri. Nakaupo lang din ito sa kaniyang tabi. “Sino ba kasi ‘yong babaeng humalik sa ‘yo?” nakangusong tanong niya. “Anak siya ng investor ko sa company.
HINDI na sana patatagalin ni Dimitri ang pag-angkin kay Kira kaso ito ang gustong isubo ang kaniyang sandata. Ang inis niya rito ay nauwi sa pagn*nasa na maangkin ito. Ayaw niyang magalit dito dahil payo ni Dr. Jean, huwag niyang sungitan madalas si Kira para huwag malayo ang loob sa kaniya. Mas gusto ni Kira na nagt*talik sila madalas at sa paraang ito sila magkasundo. He allows her to play with his d*ck until she decides to stop. Kahit papano ay malaki na ang pinagbago ni Kira. Alam na nitong magtantiya ng emosyon, naunahan pa siya. Tumingala ito sa kaniya habang subo ang kalahati ng kaniyang armas. Nakaluhod lang ito sa damuhan at ayaw paawat. “Bilisan mo, Kira. Hindi tayo maaring magtagal dito,” utos niya rito. Iniluwa naman nito ang kaniyang alaga at tumayo. Basang-basa na ang kaangkinan nito pero sinaglitan niya ng paglasap para mas mabilis siyang makaulos dito. Pagkuwan ay isinandal niya itong muli sa puno at inangat lang ang kanang binti. As he got inside Kira’s wet behin
TANGHALI na nagising si Kira at pumipitik ang sintido niya. Pilit siyang binabangon ni Misty at dinidilaan siya sa pisngi. Lumusot na ang sinag ng araw sa siwang ng bintana at tumama sa kaniyang mukha. “Ang bigat ng ulo ko, Misty,” paos niyang sabi. Niyakap niya ang pusa. Mayamaya ay pumasok si Dimitri, nakabihis na ng black suit. “Get up, Kira. Dr. Jean will come after lunch. Mag-breakfast ka na at may online class ka pa,” sabi nito. “Masakit ang ulo ko, parang ang bigat,” reklamo niya. “May meeting ako sa office. Papuntahin ko rito sina Kulasa at Manang Sonia para samahan ka. Babalik ako baka hapon na.” “Sige.” Bago umalis ay hinalikan pa siya ni Dimitri sa mga labi. Napansin niya kaagad ang kakaibang aura nito, tila may problema na naman. Malamig din ang pakikitungo nito sa kaniya. Nang makaalis ito ay pinilit niya ang sarili na bumangon at naligo. Pagkatapos naligo ay nagsuot na siya ng pulang blouse at denim pants. Malapit na rin kasi ang online class niya. Pagdating naman
KAHIT maagang nahiga sa kama si Kira ay inabot pa rin siya ng madaling araw bago nakatulog. Hindi na kasi siya pinatahimik ng kaniyang agam-agam, nag-aalala kay Dimitri dahil hindi talaga ito umuwi. Wala siyang ganang kumain at panay ang tanong kay Manang Sonia kung tumawag si Dimitri. “Hindi na siya tumawag ulit. Baka busy na siya,” tugon nito. Nakaupo na siya sa harap ng lamesa at hindi pa rin ginagalaw ang pagkain. “Saan kaya siya natulog?” matamlay niyang untag. “Nako, marami lang matutulugan si Don. Puwede rin siyang matulog sa opisina niya.” Napa-paranoid na siya at sumagi sa kaniyang isip na baka may kasamang ibang babae si Dimitri. Naalala na naman niya iyong babae sa opisina na humalik kay Dimitri. “Baka may kasama siyang ibang babae, Manang,” mangiyak-ngiyak niyang usal. “Anon ka ba? Bakit mo naman naisip ‘yan? Hindi ganoong klaseng lalaki si Don.” “Kasi humaharap na siya sa ibang tao, baka may nakilala siyang ibang babae at nagustuhan niya.” “Nako! Batang ‘to talaga
SUMIGLA na ulit si Kira dahil okay naman si Dimitri at hindi na galit sa kaniya. Araw ng Sabado ay hindi ito umalis at tinuruan ulit siyang lumangoy. Natuto na rin siya pero kailangan pa ng madalas na pagsasanay upang magtagal siya sa tubig. Habang naliligo siya ay si Dimitri naman ang nag-iihaw ng ulam nila para sa tanghali. Natatakam siya sa amoy ng inihaw na hita ng manok at isda. Napaahon siya bigla at sumugod kay Dimitri. Ayaw na nitong maligo dahil umano’y nagugutom na. “Wow! May barbecue!” sabik niyang tili nang makita ang tinuhog na karne ng baka na may kasamang gulay. “Gusto mo bang tikman ito?” tanong naman nito. Hinango nito ang isang stick ng barbecue na naluto. “Gusto ko!” Dahil bagong luto ang barbecue, hinipan pa ito ni Dimitri bago siya sinubuan. Una niyang kinagat ang cube na karne. May kasama rin itong pinya. “Hmmmm. Ang sarap! Gusto ko pa!” aniya. Una nang hinango ni Dimitri ang anim na stick ng barbecue na tinawag nitong beef Hawaiian barbecue. “Kunin mo na
ALAS dose ng gabi na nakauwi ang mag-asawa. Nakaidlip sa kotse si Kira kaya pagpasok ng kuwarto ay kaagad siyang nagbihis. May meeting pa kasi si Dimitri sa mga tauhan nito kaya sila natagalan. Nang makahiga na siya sa kama ay saka naman pumasok si Dimitri. Itim na boxer lang ang suot nito at tinabihan siya sa kama. “Bakit dito ka hihiga?” ‘takang tanong niya. “Gusto kitang katabi para mabilis akong makatulog,” turan nito. “Hm? Pampatulog mo pala ako?” Ngumisi siya. Gustong-gusto naman niya na yakapin siya ni Dimitri. “Yes, para mayakap kita.” “Huwag mo lang higpitan baka mapisa ako. Pupunta si Misty dito mamaya kaya hindi ko sinasara ang pinto.” “Nai-lock ko ang pinto.” “Ano? Paano si Misty? Baka iiyak siya sa labas.” “She’s fine. Ayaw kong may kaagaw sa ‘yo.” Nakapikit na si Dimitri pero kinakausap pa rin siya. Niluwagan naman nito ang yapos sa kaniya kaya kampanti siyang ihilig ang ulo sa matipunong dibdib nito. Kinabukasan ng hapon ay isinama siya ni Dimitri sa lumang
TINUTUKAN ni Dimitri ang isyu kay Simion Albano kaya nakipagkita siya kay Chase na may connection na sa target. Naging kasosyo umano ng daddy ni Chase si Selvester Albano noon sa underground market. Si Selvester ay suki rin ng daddy ni Chase sa pagpapagawa ng mga pirated antics. Pinuntahan niya sa condo na tinutuluyan nito si Chase. Naroon din si Yoshin na pansamantalang nakikituloy sa condo ng kaibigan nito. Kinumpirma ni Chase na huling nakausap ng tatay nito si Selvester ay isang linggo bago ito naidiklarang namatay sa aksidente. Kinausap ni Chase ang tatay nito na isa ring mafia lord at aksito pa rin. “But after a week of his death issue, Selvester called my dad once and asked for help,” dagdag ni Chase. Naroon silang dalawa sa lobby. “You mean, buhay nga si Selvester after the fake accident?” aniya. “Yes, nagkita pa raw sila ng dad ko sa airport noon isang buwan pagkatapos siyang tumawag. Pero inisip ni Dad na siya si Simion iyon kasi may suot pa rin siyang mascara. Kalaunan
MATAMLAY na umuwi ng bahay si Kira. Maagang natapos ang klase nila kaya may oras pa siyang magluto ng meryenda. Wala pa si Dimitri pero dinamihan niya ang nilutong spaghetti. Nang maluto ang spaghetti ay tumambay siya sa hardin malapit sa swimming pool. Binuksan niya ang payong na nasa gitna ng lamesang bilog at doon pumuwesto. Sumunod sa kaniya si Misty at humingi ng kinakain niya. Giniling na baka lang ang binigay niya rito. Dahil sa huling pag-uusap nila ni Luther, natakot na siyang makita ito ulit. Iba kasi ang pakiramdam niya nang makaharap ito. Nangako siya sa kaniyang sarili na hindi na niya ulit kakausapin si Luther. Naubos na ang pagkain niya nang dumating si Dimitri. Hindi ito tumuloy sa bahay at kaagad siyang nilapitan. Hindi siya nakahuma nang siilin siya nito ng halik sa mga labi. “Ano’ng kinain mo?” kunot-noong tanong nito. “Ano, spaghetti. Nagluto kasi ako,” nakangising tugon niya. “Can I have some?” “Oo naman! Tinirhan talaga kita. Wait lang, kukuha ako.” Tumayo