MAGHAPON ang klase kaya hindi na umuwi si Kira. Natutuwa siya dahil libre ang pagkain sa school, at napakagara ng kainan, purong salamin ang palibot at matatanaw ang malawak na hardin. Kasama niya si Shaira sa mesa at si Manang Sonia. “Ano ba ang nangyari kanina, Kira?” usisa ng ginang. “Iyong si Ferry kasi ang pangit ng ugali,” sabi niya. “Huwag mong pansinin ang ganoong tao. Baka hindi siya mahal ng nanay niya.” Natawa siya. “May nanay po siya?” “Siguro. Basta, hayaan mo lang siyang magtaray. Basta kayo, pag-aaral lang ang atupagin.” “Pero kung kukurutin niya ako, kukurutin ko rin siya, aba!” “Hay! Batang ‘to talaga. Mapapaaway ka niyan, eh.” Mamaya ay si Shaira naman ang kinausap ni Manang Sonia. Nag-focus na lamang siya sa pagsubo ng pagkain. Alam niya naroon lang sa paligid si Ferry dahil halos lahat naman ng estudyante ay naroon. Sadyang malawak ang kuwarto kaya hindi makita ang iba. Sobrang lamig din doon at mabango, malinis. Habang kumakain ay may pamilyar na lalaki s
Read more