Nataranta ako nang marinig ang pangalang binigkas ng lalaking masungit mula sa loob ng kotse. Napahawak ako sa sombrero ko at kaagad na lumayo. "Pasensya na po uli," sabi ko. Halos patakbo akong bumalik sa tricycle ni Opaw. "Tara, Opaw... bilis!" kaagad kong sabi, pagsakay ko ng tricycle. Kaagad namang lumarga si Opaw. Sandali pa siyang sumulyap sa akin. Alam kong nagtataka siya kung bakit ako nagmamadali, pero hindi na nagtanong. "Hoy, Miss, ang mansanas mo—""Mansanas mo raw, Gwin," sabi ni Opaw at akmang hihinto. Nilingon niya pa ang lalaki. "Hayaan mo na 'yon. Ano kasi, nag-text na si Aling Taning, saan na raw ako," palusot ko, hindi lang siya huminto. "Ikaw bahala, pero sayang 'yong perang pinambili mo no'n," sabi nito Nakagat ko ang labi ko. Talagang sayang nga. Pero hindi na ako tumugon. Kinapos kasi ako sa paghinga. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Takot din akong lumingon at baka nakasunod lang sila. Hindi pa nga ako mapakali sa kina-uupuan ko. Gusto kong agad n
Huling Na-update : 2023-04-24 Magbasa pa